✴ Kabanata 21 ✴

1.3K 59 6
                                    

KABANATA 21

si Mang Isidor.

May hawak siyang isang liham sa kanyang kanang kamay. Kinuha ito ng Pilipino at binasa ng kanyang mga mata, at ang Pilipinong tinutukoy ko ay si Arnaldo na isa ng makapili. Naroon din si Yoshito at ibinigay ni Arnaldo kay Yoshito ang liham, binasa naman ito ni Yoshito at ibinalik kay Arnaldo. Ibinulong ni Yoshito sa isang lalaki ang mensahe ng sulat na sa tingin ko ay nasa mataas na katungkulan.

Nagkatagpo ang mga mata namin ni Mang Isidor, bakas ang katandaan niya sa kanyang mga mata at puting buhok, nangingiusap ang kanyang mga mata, gusto ko siyang tulungan. Si Mang Isidor ang pinaka pinagkakatiwalaan ng aming pamilya. Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Lolita.

"Binibini, hindi tayo pwedeng makialam, madadamay tayo at madadamay ang aking inosenteng magulang"  bulong niya.

"Hindi ka naman magpapakita, Lolita hayaan mo ako, Kilala ko ang taong iyan." Sambit ko at muli na naman niya akong pinigilan sa aking pagtayo.

"Babae ka, Binibini. Wala kang laban sa kanila kumbaga, susugod ka sa giyera nang tinapay lang ang dala." Matalinghagang pahayag nito.

"Pero.."

"Shhh nag-uusap sila, Binibini" Sambit nito.

"Kapag tinanggap mo ang pera at lupain, sasama ka sa amin at magiging makapili." Sambit ni Arnaldo. Umiling ang ngayo'y nakatali at nakatikip ang bibig na si Mang Isidor.

Sumenyas ang heneral na alisin ang tela sa bibig nito kaya't sinunod naman ng isang kempetai, may nakatutok na baril sa sentido ni Mang Isidor.

"Hindi ako tatanggap ng perang nagmula sa inyo upang aminin ang hindi ko kasalanan" Sambit ni Mang Isidor at napalaki naman ang aking mga mata.

"Ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng Hacienda Martinez, hindi ba't matagal ka ng nagtatrabaho roon?" Sambit ni Arnaldo. Siya ba ang may hawak ng aming tirahan ngayon? kung siya nga paano ang aming mga manggagawa?

"Kahit ano pang ialok mo, hindi ko sisirain ang tiwala ng mga Martinez" Matigas na tugon ni Mang Isidor, naluha ako sa katapatan niya sa aming pamilya, kumbaga kahit nakahain na ang maraming ginto ay pinipili niya parin ang isang batong hindi na mapapakinabangan.

"At ano itong liham mo? Para kanino?" Tanong ni Arnaldo at pinunit niya ang liham.

"Alam mo bang naawa ako sa iyo Mang Isidor? Ibinibigay ko na sa iyo ang kaginhawaan ng buhay pero tinatanggihan mo ito, madali lang naman ang pinagagawa ko hindi ba?" Sambit ni Arnaldo at lumuhod sa harapan ni Mang Isidor at ngayo'y kaharap niya na ito.

"HINDI KO GAGAWIN ANG SINASABI MO." Matigas at puno ng emosyong tugon ni Mang Isidor at dinuraan ang mukha ni Arnaldo at napangitngit naman sa galit si Arnaldo.

"Walang hiya ka!" Sambit ng ngayon ay galit na galit na si Arnaldo at binigyan ng malalakas na suntok si Mang Isidor kayat bumagsak ang matanda sa damuhan.

"Dalhin niyo na yan, gusto kong ipakain niyo ng buhay sa buwaya ang buo niyang katawan." Sambit ni Arnaldo at ibinulong naman ni Yoshito ang kahulugan ng mga pahayag ng dalawa.

"Anatawa nani o subeki ka oshiete imasu ka ?" (Are you ordering me what to do?) Galit na sambit ng Heneral.

"Inuutusan mo ba siya sa kung anong susunod na gagawin? Ayon ang kanyang pahayag" Narinig kong sambit ni Yoshito.

"Hindi, nais ko lamang patayin na yang matandang iyan." Sambit ni Arnaldo at nangliliksik ang mga mata nyang nakatingin kay Mang Isidor. Ibinulong ni Yoshito sa lalaki ang tugon ni Arnaldo at sumenyas siya na umalis na.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon