✴ Kabanata 23 ✴

1.2K 56 10
                                    

✴✴✴
Sorry for keeping you wait. Here's the Chapter 23 :) Saranghaeyo~
✴✴✴

KABANATA 23


"A-Ate" sambit ko at niyakap siya.

"Wag ka maingay kapatid, namamahinga na ang mga tao rito, dahil mamaya ay sasalakayin nila ang malaking kampo ng mga kempetai" sambit niya at bigla na lamang akong kinabahan. Si Yuishito, baka madamay siya, pero sana, sana walang mangyaring masama sa kanya.

"Kumain ka na muna, kapatid ko. Paumanhin kung hindi maganda ang paraan ng pagkuha sa iyo ni Tatang Cardo, nga pala sino yung kasama mo?" aniya at sumilip sa loob ng tahanan.

"Si Lolita yan, Ate. Siya at ang kanyang pamilya ang kumupkop sa akin. Ngunit sandali, bakit niyo nga ba siya sinama kung ako lang naman pala ang inyong pakay" nagtatakang tanong ko.

"Sapagkat naroon siya at baka ipagkanulo niya ang mga taong kumuha sa iyo kaya't minabuti na lamang ni tatang Cardo na isama siya hayaan mo nasa mabuting kamay siya."

"Ate, isa siyang maselan na babae, kailangan nya ng espesyal na kalinga."

"Nariyan naman si Tatang Cardo, Leonora hindi ba't isang doktor si Tatang Cardo o Don Luisito?" sambit niya. Tama! Si Don Luis, siguro ay kaya nyang gamutin si Lolita.

"Binibini?" narinig kong tawag ni Lolita mula sa aking likuran."Nasaan tayo? Sino siya?" nagugulumihang tanong niya. Humarap ako sa kanya at iginiya ko si ate Luna palapit sa kanya.

"Hindi ko rin tiyak kung nasaan tayo, Lolita. Nga pala siya si Ate Luna ang aking panganay na kapatid" pakilala ko kay Lolita.

"Kinagagalak ko pong makilala ka" sambit ni Lolita.

"Ako rin, kinagagalak kitang makilala, Lolita" sambit ni Ate Luna.

"Oh siya. Magpahinga na kay---"

"Bilisan niyo ang kilos, ang mga bolo at tabak niyo?" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

"A-Ama?" napalingon siya sa akin.

"Leonora, narito ka na pala. May kailangan lang kaming gawin at dumito ka muna." Sambit niya at saka naglakad na palayo sa akin kasama ang mga kalalakhang katulad nya ay may sukbit na bolo at itak sa tagiliran.

"Ama, sandali." Akmang hahabol pa sana ako ngunit hinadlangan ako ni Ate Luna.

"Hayaan mo na si Ama, Leonora. Katulad mo ay hinadlangan ko rin siya pero hindi siya nagpatinag, kailangan niyang ipaghiganti si Leonardo at kung ako rin ang nasa katayuan ni Ama, ganoon rin ang aking gagawin" Mahaba niyang pahayag, tumingin lamang ako kay Ate Luna nang may samu't saring emosyon, at katulad ni Ama, ay ipaghihiganti ko ang aking Kuya.

"Luna, Halika na!" Sambit ng isang babaeng may maikling buhok, nakita ko na siya. Pamilyar ang kanyang mukha ngunit hindi ko mawari kung saan at kailan ko siya nakita.

"Binibini" Sambit ng bata na ngayon ay papatakbong pumunta sa akin. Si Lito.

"Lito, wag kang tumakbo" Sambit ng Babae, tama! Siya ang Ina ni Lito.

"Paumanhin, Ina" Sambit ni Lito at lumapit sa akin at kay Lolita.

"Sandali lamang aking kapatid" Sambit ni Ate Luna.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon