✴ Kabanata 28 ✴

1.2K 60 61
                                    

Nang kumawala ang mga labi n'ya sa aking labi ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sobrang hiya.

Tumalikod ako sa kanya at inalis ang braso n'yang ginawa kong unan. Kaagad kong sinapo ang labi kong hindi makapaniwala sa nangyari.

Isang kahihiyan, kahihiyan na gusto kong gawin paulit-ulit sa nag-iisang tao--kay Yuishito.

"Ah, B-Binibini g-gomen'nasai" nahihiya n'yang turan. Kahit hindi ko naintindihan ang huli n'yang pahayag, pero base sa kanyang asal, sigurado akong humihingi siya ng tawad.

"P-patawad, n-nabigla lang ako" usal n'ya.

"Patawad, Binibini. Handa kong panagutan ang aking pangahas na gawa. Handa akong magpakita sa iyong Ama at hingin ang kamay mo sa kanya." pahayag n'ya.

"Y-Yuishito, pinapatawad na kita. Hindi mo naman kailangang hingin ang kamay ko sa aking Ama dahil lamang sa isang halik." wika ko.

"H-Hindi mo ba ako gustong makasama habang- h-habang buhay, Binibini? Bilang iyong kabiyak?" may lungkot sa kanyang tono.

"Hindi naman sa ganon, Ginoo. Sa tingin ko masyado kang napabilis para sa ikalawang yugto."

"Patawad." usal n'ya at saka tumayo.

Lumabas s'ya ng sikretong silid ng hindi man lamang ako pinukulan ng tingin.

Parang may isang milyong lagari ang humiwa sa aking puso. Galit ba siya? Bakit? Hindi ba't ako ang dapat magalit dahil ako itong kinuhanan n'ya ng halik?

Malapit na akong maging isang istatwa sa kakahintay sa kanyang pagbabalik. Narinig ko na rin ang kalam ng aking sikmura at ramdam ko na ang init sa loob nito.

Lumapit ako sa larawan kong ipininta ni Yuishito. Ito ang mga sandaling masaya kaming nagtatampisaw ni Ate Luna sa dagat na malapit kila Michi. Ang isa namang larawan ay sa may ilog, kung saan nakaupo ako sa harap n'ya at siya naman ay nakatampisaw sa tubig at mariing nakapikit.

Kinuha ko ang isang larawan at may nalaglag na kung ano sa likod.

Isang liham hindi-- isang tula.

Binuksan ko ang liham at tumambad sa akin ang isang tulang hindi pa natatapos.

Maging akin

Noong una kang makilala
Natakot ako at nangamba
Natakot na masaktan
Nangamba na muling iwanan
Pero ano nga bang magagawa?
Tadhana na ang siyang nagdidikta

Magkaiba man ang ating lahi
Maari bang sa akin ka na lang hanggang sa huli?
Kahit imposibleng mangyari
Na ang tulad ko sa puso mo'y magwagi

Ang mga mata mong nakakabighani
Ang mga labing kay sarap angkinin
Maari bang sa akin ka na lang hanggang sa huli?
Pinapangako kong sa iyo lang ako hanggang sa muli.

Pa


Isang ngiti ang kumawala sa aking bibig, ako ba ang tinutukoy n'ya rito?
Hindi naman nakamamatay ang umaga hindi ba?

Paulit-ulit kong binasa ang tula at walang kupas ang sayang hatid nito sa akin lalo na ang huling saknong.

Nakarinig ako ng mga hakbang na papunta sa silid, agad kong itinago ang aking magkabilang kamay upang itago ang tula.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha na kanina pa hinihintay ng aking mga mata. May dala itong kung anong nakabalot sa dahon ng saging.

Tumigil siya sa aking harapan at saka imiwinestra akong umupo sa sahig. Umupo ako sa sahig at ganoon rin s'ya malaya kong ibinaba ang tago-tago kong liham.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon