✴ Kabanata 19 ✴

1.3K 61 10
                                    

KABANATA 19

Si Michi.

Bakit mayroong mukha ni Michi rito? Siguro ay iginuhit ito ni Yoshito.

Mayroon ring mangilan na larawang ng isang babae, masaya, nakangiti rin at ito naman ay si Isadora. Labis na nadurog ang puso ko ng makita ang mga larawan ni Isadora. Nakangiti pa siya sa mga larawang ito pero ang una't huli naming pagkikita ay isang malagim na pangyayari.

Kumuha ako ng isang puting canvas at kumuha ng mga makukulay na akrilikang pintura. Wala akong naisip iguhit at kusang ang kamay ko na lang ang siyang nagdidikta ng nais niyang gawin.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pag-guhit nang may nagsalita sa aking likuran."Napakagaling mong gumuhit,Binibini. Si Yuishito ba iyan?" Tanong ni Manang Lucia. Napatingin ako sa kanya at may malawak siyang ngiti.

"Ho? Hin--" Napatingin ako sa aking iginuguhit, bagamat hindi pa tapos ay makikita mo na ang pinal na itsura nito. Si Yuishito nga. Si Yuishito nga ang aking naipinta.

Lumapit siya sa aking kinalalagyan at ibinaba ko ang palette kung saan nakalagay ang pinaghalo-halong pintura. "Heto na nga pala ang iyong pulseras" Sambit niya at inilagay sa aking pulso ang pulseras na kanyang ginawa.

"Maraming salamat ho. Nga po pala san ko ho ito pwedeng ilagay?" Tanong ko at itinuro ang aking likha.

"Doon na lamang, binibini" Sambit nito at tumuro sa isang pinto na nasa silid.

"Sige ho." Sambit ko at kinuha ko ang aking ginuhit at naglakad na papunta sa pintuan. Hahawakan ko na ang tangan ng pinto ng may isang boses ang nagpahinto sa akin.

"Leonora !" Si Yuishito iyon. Lumapit siya sa akin at kaagad ko naman itinago ang aking ipinintang larawan.

"B-Bakit Ginoo?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"Wala naman, m-may nakalimutan lamang ako. P-Pumasok ka ba riyan?" Sambit niya at itinuro ang nasa likuran kong pinto.

"Hindi pa, Ginoo ngayon pa lamang dahil ilalagay ko sana ang aking ipinintang larawan"

"Ako na lamang ang magpapasok, Binibini" Sambit niya at akmang kukuhanin na ang aking ipininta ay tinabing ko ito.

"Hindi! K-Kasi ano ginoo." Ano nga bang dapat kong idahilan ?

"Kasi ano binibini?" Nakakunot noong tanong nya.

"K-Kasi ... Kasi may sumpa ang imaheng ito" sambit ko at dahan dahan umalis sa harapan nya habang itinatago ang aking ipinintang larawan, nakita ko naman siyang nangamot ng ulo habang si Manang Lucia naman ay tumatawa sa gilid. Sinensyasan ko si Manang Lucia na tumahimik at tumahimik naman siya.

Pagkalabas ng silid na iyon ay agad akong tumakbo sa silid kung saan ako nagising. Itinago ko ang aking ipininta sa ilalim ng kama.

"Manang Lucia mauna na ho ako" Narinig kong paalam ni Yuishito kay Manang Lucia.

"Sandali, Ginoo!" Sambit ko at nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Maari mo ba akong ihatid sa kabilang dako ng ilog? Naroon kasi sina Ate Luna at Ama."

"Sige, Binibini" Sambit nito.

"Mauna na ho muna kami" Paalam ko kay Manang Lucia.

"Sige at mag-iingat kayo" ani Manang Lucia.

✴✴✴

Nakasakay na kami sa kanyang Auto Calesa pero nababalot parin kami ng katahimikan.

"Ginoo" Pagbasag ko ng katahimikan.

"Bakit mo inilihim kay Manang Lucia ang nangyari kay Isadora?"

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon