✴ Kabanata 12 ✴

1.4K 83 16
                                    

"Ako ito si Don Luisito"

"Don Luisito? Bakit ganyan ang inyong kasuotan?" nagtatakang tanong ko.

"Tumakas ako sa piitan kasama ko roon ang inyong Ama na ngayon ay inuusig ng mga Hapones upang maging isang Makapili (espiya ng mga Hapon laban sa mga huks-tawag sa miyembro ng HUKBALAHAP-)at tumestigo laban sa mga Huks. Pinahihirapan ang iyong Ama sa kulungan ngayon." nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ni Don Luisito, n-nasa piitan ang aking Ama? Bakit hindi man lang nagpadala ng sulat ang Ina sa amin?

"S-Si Ina,'Don Luisito. Nasaan siya? At bakit kayo na punta sa piitan? Paano kayo nakatakas?" tuloy-tuloy na tanong ko.

"May tumulong sa akin na hapon at dinala ako rito, hindi na namin magawang tulungan ang iyong Ama dahil biglang dumating ang ilang Kempetai. Ang inyong Ina ay kasalukuyang nagtatago sa Cavite kasama ang anak kong si Selma."

"K-Kumusta po ang aking, Ina?" Nag-aalalang tanong ko.

"Masama ang lagay niya nung huling nakita ko siya dahil nilatay siya ng latigo ng Heneral ng mgs kempetai dahil nagpupumilit siyang pumasok sa loob." seryosong pahayag ni don Luisito at nababasa ko sa kanyang mga mata na nababahala sya.

"Paano po nangyari ang lahat ng ito? Sino hong may pakana ng lahat ng ito? Si Anselmo ba? Bakit? Ano bang dahilan ni Anselmo at napakalaki ng galit niya sa aming Pamilya?" Nagagalit na tanong ko, totoo naman dahil wala naman kaming ginawang masama sa kahit sinong tao sa aming Hacienda, pinapakinggan namin ang bawat hinaing ng aming manggagawa pero bakit hindi pa iyon sapat upang makuha namin ang tiwala nila?

"Patay na si Anselmo, Leonora. Nagbigti siya sa Puno ng Narra, kinagabihan nang pagkuha kay Leonardo ng mga kempetai."

"H-Hindi ba siya ang nagsuplong sa aking Kuya Leonardo? Bakit niya naman gagawin iyon?" Nagtatakang tanong ko.

"Dahil nabayaran lamang siya Leonora at hindi niya kagustuhan na ipahamak si Leonardo" tugon ni don Luisito.

"Paano niyo nalaman ang lahat ng ito, Don Luisito?" Nakakunot noong tanong ko.

"Dahil narinig ko ang paghingi niya ng tawad sa aking anak na si Selma bago ang oras ng kanyang pagpapakamatay, Sinabi niyang hindi niya kagustuhan iyon at dahil lamang iyon sa kakulangan ng pera at pagkain para sa may sakit niyang Ama."

"Kung hindi si Anselmo ang may kasalanan ng pakapiit ni Ama, Sino?"

Napahinga nang malalim si Don Luisito habang ako ay matiyagang hinihintay ang kanyang kasagutan.

"Si...Arnaldo"

Napalaki ang Mata ko sa sinabi niya. Hindi kayang gawin ni Arnaldo iyon, NOON. Pero hindi ko na alam ngayon dahil siya mismo ang nagtangka sa buhay ko sa simbahan ng St.Dominic. at siya rin ang nasa likod ng pagkakasira ng aming pamilya. Ito ba ang laban na gusto niya? Ang Buhay laban sa Buhay? Unti-unting napapalitan ng poot at galit ang pagmamahal ko kay Arnaldo, hindi na sumasapat ang pagmamahal ko upang siya'y unawain. Hindi ko na kaya at kailangan kong lumaban para sa aming Pamilya.

"Siya ang pumalit sa nabakanteng posisyon ng iyong Ama sa pamahalaan, Mayaman na siya Leonora at kaya nya nang paikot-ikutin ang ating mundo sa kanyang mga daliri. Katulad na lamang ng ginagawa niya ngayon." ani don Luisito. "Mauna na ako, Leonora. Diyan muna kayo manirahan sa bahay ng inyong Tiya upang makaiwas kayo sa gulo. Sinisigurado ko sa iyo na ligtas ang inyong Ina sa Cavite kaya wala kayong dapat ipag-alala." dagdag pa niya at tumalikod sa akin. May dala siyang bolo sa kanyang tagiliran at may simbolo ito ngunit hindi maliwanag sa akin.

"Sandali, Don Luisito!" Tumingin siya sa akin.

"Bakit Leonora ?"

"Ang inyong bolo, may simbolo ito." sambit ko.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon