✴ Kabanata 22 ✴

1.3K 63 29
                                    

✴✴✴
So here is the 22nd Chapter :) Thank you for reading :) nareach na natin ang 1k reads
✴✴✴

KABANATA 22

Binibining Leonora,
Magandang araw binibini.

Nais ko munang ipabatid sa iyo na nasa mabuting kalagayan ang iyong Ama't Ate na nasa kamay ngayon ni Tatang Cardo at wala na rin sa tinitirhan ang iyong Tiya Carlota at Pinsang si Mikaela 'Michi' dahil pinaghinalaan sila ng mga kempetai na nagkakanlong sa iyong Ama, pero narinig kong nasa maayos na silang kalagayan dahil kinuha sila ng kapatid ng Ama ni Michi.

May nakalap din akong impormasyon sa pagkamatay ni Anselmo, Binibini. Naglalakad ako sa isang masukal na kagubatan dahil pinahabol kami sa gwardiya ni Michi, at dahil doon ay may narinig akong usapan, at doon ay napag-alaman ko ang totoong sangkop sa pagkamatay ni Anselmo. Hindi totoong nagpakamatay si Anselmo, Binibini pero totoo na kinailangan niya ang pera para sa kanyang may sakit na Ama. Alam kong mabibigla ka kung sino ang lalaking tinutukoy ko at ito ay si ....


Naputol ang sulat sa napakaimportanteng detalye, kailangan kong mahanap ang sulat, kailangan kong makita ito hanggang hindi pa huli ang lahat.

"Binibini? Ano at nagkukumahog ka riyan?" Tanong ni Lolita.

"Wala ka bang napansin na papel, Lolita? Napakaimportante ng maliit na papel na iyon."

"Wala na, Binibini. Gusto mo bang balikan natin kung saan tayo nagpulot ng piraso ng mga liham?" Napaisip ako, oo tama baka naroon lamang iyon.

Bumalik kami sa pinangyarian ng insidente at napagtanto ko na umulan ng malakas kagabi at siguro nga ay natunaw na ang piraso ng papel na iyon. Ang pinakaimportanteng detalye sa papel pa ang nawala.

"Binibini wala akong makita rito" Sambit ni Lolita.

"Wala na iyon, Lolita. Umulan ng malakas kagabi at siguro ay natunaw na iyon."

"I-Ikinalulungkot ko." Sambit niya.

"Pumasok na tayo, Lolita. Ipagluluto kita ng Pinakbet." malamya kong wika. Nawawalan na ako ng pag-asang makita ang katarungan sa pagkamatay ni Kuya Leonardo at Anselmo bakit lagi na lamang pinagkakait sa akin ang mga ebidensyang kailangan ko?

Nagtungo kami sa likuran ng bahay nina Lolita at namitas ng mga sariwang gulay na gagamitin ko sa pagluto ng Pinakbet-kahit hindi ako eksperto sa pagluto-

"Ito ang pinakapaborito kong gawin, Binibini ang mamitas ng gulay" Sambit niya."Hindi ba't nakakatwang anihin ang lahat ng iyong pinaghirapan?" Nakangiti niyang wika.

"Siyang tunay, Lolita." Tugon ko habang namimitas ng talong.

"Ganun din ang katarungan na hangad mo para sa iyong pamilya, Binibini makakamit mo ito at tulad ng mga gulay na ito na unti-unti itong tutubo ng kusa kailangan lamang ng pasensya dahil hindi naman ito mabilisang tutubo" Sambit niya. Oo nga tama siya, siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon."Wala namang sikretong hindi nabubunyag hindi ba, Binibini? Hayaan mo at ang sikreto na mismo ang magbubunyag sa kanyang sarili" Nakangiti niyang wika n'ya habang napitas ng okra."Tara na? Iluto na natin ang paborito kong ulam" Nakangiti niyang sambit at iginiya ako sa loob ng kusina.

✴✴✴

"Bakit hindi mo pa ginagalaw ang iyong pagkain, Binibini?" Tanong ng nasa harap kong si Lolita. Nasa hapagkainan na kami ngayon at naluto ko na rin ang paborito nyang pinakbet.

"Ha? Wala kasi akong gana." Nakahain sa hapagkainan ang niluto kong pinakbet at tinolang manok na manok pala ni Lolita na si Tikong at katulad nga ng sinabi niya, hindi niya tinikman ang tinolang manok.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon