✴ Kabanata 16 ✴

1.5K 74 24
                                    

KABANATA 16

"Leonora, Ang Ate Luna mo! Gumising na siya." Sigaw ni Ama mula sa pintuan ng bahay na gawa sa pawid.

"Sandali lamang, Ginoo" Wika ko at dagliang tumakbo papunta sa bahay at sa silid na kinilalagyan ni Ate Luna. Naroon si Yuishito at masuring tinitignan ang kalagayan ni Ate Luna.

"Maayos na ho siya, paroroon muna ho ako sa labas at kailangan ni Aila ang tulong ko."

"Maraming salamat, Ginoo" ani ate Luna.

"Sige, Ginoo kanina lamang ay masaya niyang inihatid ang niluto niyang putahe para sa iyo at ngayon ay narito ulit siya, walang malay at puro galos. Kaawa awa ang sinapit niya." Bakas sa mga mata ni Ama ang lungkot.

"Hindi ko nga ho alam kung sino ang may gawa sa kaniya niyan, mabait siya at maalalahanin lagi niya akong dinadalhan rito nang makakain tuwing uuwi ako rito." Pahayag ni Yuishito.

"Nga pala, bakit naparito kayong dalawa?" Tanong ni Ama.

"Nasa Maynila ho ang aming A-Ama, A-Anak po kami ng Heneral ng kempetai" Tugon niya, hindi ba't isa siyang Heneral? Pero bakit hindi niya ito sinabi, alam kong may dahilan kung bakit at kailangan kong alamin iyon.

"Ahh, sana ay hindi kayo tumulad sa ibang mga hapon, lubos din akong nagpapasalamat sa isa mong kalahi na nagligtas sa aking anak noong dinukot siya at nais gawing babaeng tagapaghatid uhaw at maraming salamat nga pala sa pagtulong niyo sa akin sa pagtakas"

"Walang anuman po, puntahan ko ho muna si Aila" Magalang niyang tugon.

Sinundan ko lang siya ng titig pero hindi niya man lang ako pinansin at nagpatuloy kung nasaan si Aila. Siya pala ang babaeng naghahatid ng pagkain ni Yuisito, hindi kaya'y magkasintahan sila? o di kaya'y mag-asa---

"Anak?"

"P-Po Ama." Napabalikwas ako sa katinuan nang nagsalita si Ama. Masyado na akong nagpapapekto sa Aila na iyon.

"Malalim ata ang iyong iniisip, Leonora. Kanina ka pa tinatawag ng iyong Kapatid" Napalaki ang mata ko at bumaling ang tingin kay Ate Luna na ngayon ay nakaupo na.

"Maiwan ko muna kayo upang makapag-usap ng mabuti." Ani Ama at saka umalis ng silid.

Dahan-dahan akong lumapit kay Ate Luna, kinakabahan ako at labis na nakokonsensya sa pag-iwan ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan niya ang naginginig kong mga kamay.

"Bakit nanginginig ka kapatid? May nangyari ba? " Tanong niya.

"W-wala po, A-Ate. P-Patawad kung iniwan kita dahil sa akin kung bakit ka napahamak." Nagtatangis na wika ko. Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti.

"Wag kang mag-alala kapatid nasa maayos na akong kalagayan." Sambit niya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko.

"Napansin kong malagkit ang titig mo sa hapon na iyon, Leonora." May mapanuksong ngiti sa kanyang labi.

Bumilog ang mata kong tumingin sa kanya. "Po? Hindi Ate"

"Sa akin ka pa ba mag-tatago kapatid? Siya ba iyong tinutukoy mo na nagligtas sa iyo noong dinukot ka ng heneral na kempetai? Pero sabi niya ay---"

"Shh, Ate. Siya nga iyon, pero hindi ko batid kung bakit hindi niya pinaalam kay Ama."

"Wala rin akong alam, Kapatid at siguro ay may dahilan kung bakit."

"At kung anuman iyon ay kailangan kong malaman." determinado kong tugon.

"Kapatid ko," tawag niya at hinawakan ang aking kamay. Tumingin ako sa kanya. "Maari mo bang dalhin rito ang ginoong nagligtas ng buhay ko? Nais ko sanang pormal na humingi ng pasalamat sa kaniya." Pagpapatuloy niya.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon