✴ Kabanata 36 ✴

1.1K 58 18
                                    

KABANATA 36

Tinatakan ako ng guwardiya sa likod ng palad at mabilis akong pumasok, dahil sa aking panaginip ay naging pamilyar na ito sa akin. Kaagad ko tinungo ang aking kuwarto, may harang doon na isang tali, nagpalinga-linga ako sa paligid at nang walang nakakakita sa akin ay kaagad akong pumasok. Tinignan ko kaagad ang loob ng aparador at hindi nga ako binigo ni Arnaldo. Lumabas ako ng mansyon at naglakad papunta sa likod ng bahay, umupo ako sa bermuda bago binuksan ang kahon.

Tumulo ang aking luha nang makita ang laman ng kahon. Isang magandang pares ng hikaw na gawa sa purong ginto, maliit lang ito at simpleng bilog lamang na may pakaw.

Kinuha ko ang hikaw at automatikong lumuha ang aking mga mata, lahat ng sakit sa aking panaginip ay muling bumalik. Kuya Leonardo.

"Miss, nakita kita, kinuha mo iyang kahon na iyan. Sino ka ba? Alam mo bang pupwede kang makulong sa ginawa mo?" boses na galing sa aking likuran. Nag-angat ako ng tingin at hinarap siya.

"A-Ama?" wala sa sariling banggit ko.

"Miss, hindi kita anak, iisa lang ang aking anak at nasa bahay s'ya. Minsan rin siyang nagpupunta rito kasama ang aking asawa," anito.

"M-May l-litrato ho ba kayo nila?" tanong ko.

"Wala, Hija wala akong telepono, saka nga pala, bakit mo kinuha ang bagay na iyan? Paano mo nalaman ang kinalalagyan niyan? At paano mo iyan nabuksan? Matagal nang walang nakakabukas ng kahon na iyan, Hija, kaya ang sabi ng iba, sinumpang kahon daw iyan pinapatapon na nga nila dahil nakakatakot daw," aniya.

"Pu-pwede ho bang aking na lamang ito?" tanong ko. "Babayaran ko po kahit ilang halaga," pagpapatuloy ko.

"Sa iyo na iyan--"

"Mahal ko!"

"Papa!"

Narinig kong sigaw galing sa aking likuran. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at pinunasan ang aking luha bago umikot at tinignan ang paparating.

My heart sore the moment I saw them, her hair is black, her lips is colored red like what she is before, she look stunning in her dress and she's ... my mom in the past life.

May kasamang batang lalaki ang babae, at nakangiti sila sa lalaking nasa aking gawi... si Ama sa aking dating buhay.

Ang bata ay may taglay na tapang, ang ngiti n'ya ay sobrang ganda na animo'y magtataglay ng kakaibang karakakas sa mga babae and that child resembles my Kuya Leonardo in past life.

"Sino siya, Sendo?" tanong ng babae. Sendo, parang pinaikling Segundo---na pangalan ng aking Ama noong dating buhay.

"Hindi ko alam ang kanyang ngalan, Ysabel," aniya. Ysabel na halos kaparehas ng pangalan ni Ina... Isabel.

"Miss, ano nga'ng pangalan mo?" ani Ama--- Manong Sendo.

"Leonora--- Clarabelle po," agap ko.

"Ano ba sa dalawa, Hija?" natatawang tanong ni Ina--- Manang Ysabel.

"Clarabelle po," saad ko.

"Ano at narito kayong dalawa? Nagdala ako ng makakain, gusto n'yo bang dito na tayo sa bermuda kumain? Picnic baga," ani Manang Ysabel.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon