✴ Kabanata 37 ✴

1.1K 54 18
                                    

KABANATA 37

Ilang araw matapos ang cremation ni Arnaldo ay pumunta ako sa Hacienda del mundo upang doon ilagak ang kanyang abo. Nakita ko rin si Manong Sendo at Manang Ysabel sa bukana ng museo.

"Siya ba talaga ang may-ari ng Hacienda na ito, Clara?" tanong ni Manong Sendo. Nabalitaan na nila na dito ilalagay ang abo ni Arnaldo dahil kahit papaano ay siya parin ang nagmamay-ari ng Hacienda.

"Opo, siya po," tugon ko. Inilagay ko ang bitbit kong banga sa isang estante. Isinara ko ang salamin ng estante at hinarap sila.

"Siya po si Arnaldo del Mundo," pagpapatuloy ko.

"Naririnig ko lang ang kanyang ngalan sa mga tourist guide na nagpupunta rito, ako kasi ang tagapamahala pero hindi ko naman alam ang buonh historya talaga ng Hacienda," ani Manong Sendo.

"At ang buong Hacienda ay pagmamay-ari na ng pamahalaan at dito ako nagttrabaho," anito.

Tumango-tango ako sa kanya at ngumiti. "Nga pala, Binibini may ipakikita ako sa iyo," anito at iginiya ako papunta sa isang silid. May malaking salamin doon at may laman na papel sa loob.

Dumunga ako sa salamin at nakita ang pamilyar na larawan, "Nakita ito sa dating bahay nina Yuishito at Leonora noong taong 1942, ang sabi ng ilang kapitbahay doon ay baka pagmamay-ari itp ng dalawa. Ang mga nasa larawan ay mga pamilya ng tinaguriang bayani ng Corregidor. Ang isa rito si Emilio, siya ang isa sa nagtanggol sa Corregidor noong panahon iyon, namatay sila nang pasabugan sila ng bomba ng mga kempetai," anito.

Namatay nga siya. At ang mga larawang ito ay ang mga larawang hindi nahatid ni Leonora sa mga pamilya ng mga lumaban sa Corregidor.

"Ang mga larawang iyan ay hindi kumukupas at hindi man lamang nagugusot, para bang may hinihintay talaga," pagpapatuloy pa nito.

"Ito naman," aniya at tumuro sa mga liham na nasa tabi ng mga larawan. "Ito ang liham ni Don Segundo kay Don Antonio noon," aniya.

Pinasadahan ko ng tingin ang liham.

Mahal kong Don Antonio,
Maaring napalitaan mo na ang aming kalagayan, sana ay makaabot sa iyong kamay ang liham na aking isinulat.

Nais ko sanang humingi sa iyo ng kaunting tulong sa kwarta para sa aking mga anak. Sana ay iyong paunlakan ang aking sulat.

Segundo Martinez

Nakalathala rin sa liham ang lokasyon ni Ama--- Don Segundo. Kung saan nakatira pa kami sa maliit na bahay ni Yuishito.

"S-si Don Luisito del Prado po? Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ko.

"Namatay siya sa katandaan, Hija, noong isang taon lamang, at nakahimlay ang kanyang katawan sa libingan ng bataan. Dahil hindi pinahintulutan na ilibing siya sa libingan ng mga bayani dahil ang paggawa n'ya sa kilusan ay isa raw kataksilan sa bansa," aniya.

Tumango-tango lamang ako sa kanya upang ipabatid na nakuha ko ang sinasabi n'ya.

"M-Mauna na ho muna ako," paalam ko. May nais pa akong puntahang lugar. Ang Mansyon ng mga dela Vega.

"Oo, Hija, mag-iingat ka, ha!" anito. Nagmano ako sa kanilang dalawa at saka na lumabas ng museo.

Nagdrive ako papunta sa pamilyar na Hacienda ng mga dela Vega. Nang makarating ako ay kaagad akong bumusina sa harapan ng bahay. Nang walang lumabas na tao ay lumabas na ako ng aking sasakyan.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon