Epilogo

1.8K 62 52
                                    

EPILOGUE

Mula sa malayong dingding ay
narinig ko ang pagsasambit ng salitang nakapagpadurog ng aking puso.

"I do," ani isang lalaking singkit sa padreng nagkakasal sa kanila. Hindi maari, kami ang itinakda! Kami at hindi sila!

"Solmia, do you take Hiroshi to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?" ani padre sa babaeng ngayo'y nakatalikod sa akin.

I gathered all my guts as I step to hinder the wedding.

"I do," ani babae.

Umawang na ang labi ko at may isang kamay ang sumakop sa bibig ko. "Hayaan mo na sila, sila ang itinakda, makuntento ka na," ani pamilyar na boses.

Tatlong buwan mula noong makulong ako sa kasong hindi ko naman talaga ginawa.

Tatlong buwan akong nagpabalik-balik sa tahanan ng mga Ryosuke ---ang pamilya ni Hiroshi, na kamukha ni Yuishito--- upang sulyapan at makausap siya tungkol sa amin... sa akin na hindi niya matandaan.

Tatlong buwan ang lumipas na pinagtanggol ko ang pag-ibig na akala ko'y para sa akin.

Tatlong buwang ang lumipas at ngayon, narito ako sa malayo sa kanya habang pinagmamasdan siyang ikasal sa iba, na taliwas sa dating pangako n'ya.

Tatlong buwan ang lumipas at nakita kong taliwas siya sa pag-uugali ng totoong Yuishito.

Tatlong buwan ang lumipas at pabalik-balik ako sa kulungan ng bataan dahil sa kasong trespassing.

Tatlong buwan ang lumipas at pinipilit ko na lamang ang puso kong mahalin siya kahit alam ng puso ko na hindi talaga siya.

Tatlong buwan ang lumipas at ngayon pagod na ako. Sa tatlong buwang paghahabol masasabi kong sumusuko na ako.

Umupo ako sa sementadong bench at humagugol sa balikat ng lalaking nakasama ko sa paghahabol sa lalaking kamukha ni Yuishito... si Felix Ferrer.

Hinagod n'ya ang aking likod habang patuloy ang aking paghikbi. "Hindi naman lahat ng pinagtagpo ay itinadhana, Binibini," aniya.

Umupo ako nang maayos at hinarap siya. "Pero kami ang itinakda! Kami!" singhal ko sa kanya. Hinawakan n'ya ang aking pisngi at pinunasan ang mga luhang sumakop sa aking mga pisngi.

"Pero bakit hindi ikaw ang katabi n'ya sa altar?" aniya na nakapagpadurog ng aking puso. That is the truth! The truth that hurts me.

"Hi... hindi ko alam..." tanging sagot ko.

"Miss, hindi naman lahat ay makukuha mo," aniya. "Ang mga bituin ay maaring bumaba sa karagatan, tulad ng pag-asang ika'y makakasama," narinig kong bulong n'ya. Ang mga katagang iyon ay pamilyar sa aking pandinig, animo'y narinig ko na kung saan man.

"Ano iyon, Felix?" tanong ko.

"Wala, Miss. Ito-tour na lamang kita sa ibang lugar upang maibsan ang iyong lumbay," aniya at ngumiti.

Tumayo siya at iniabot ang kamay sa akin. Kinuha ko ang kanyang kamay at saka tumayo.

Bago pa makahakbang ay narinig ko ang mga taong sumisigaw ng saya. "Best wishes! Best wishes, Mr. and Mrs. Ryosuke!" anila.

Sinulyapan ko ang bagong kasal, buhat-buhat ni Hiroshi ang kanyang asawa... ngayon ko lamang nasulyapan ng maayos ang mukha ng babae, maayos na nakabun ang buhok niya, may purong masayang ngiti ito sa labi, Filipina'ng filipina ang kanyang mukha at alam ko sa sarili ko na pamilyar ang kanyang mukha dahil minsan ko nang naging kaibigan ang kahawig na mukha. Si Marcelinda.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon