✴ Kabanata 15 ✴

1.4K 75 20
                                    

KABANATA 15

Nabalot ng sigaw ang buong paligid dahil sa pagkahulog ko sa isang patibong, kanina naman ay wala ito rito. Nakakainis, Paano na ako ngayon makakalabas sa butas na ito?

Narinig ko ang mga yapak papunta sa butas at nakita ko ang mukha ni Yuishito na pulang pula at nagpipigil ng tawa.

"Ah, Aray ang balakang ko. Ano bang nginingisi ngisi mo riyan? Humanap ka ng lubid upang maiangat ako" Pagalit na utos ko.

"Oo, sandali lamang, binibini magtutungo lang ako sa bahay upang kumuha ng lubid hintayin mo ako riyan." Nagpipigil parin sya sa tawa.

"Oo, pero bilisan mo paki-usap"

"Oo, Binibini. Sasabihin ko sana sayo iyan kaso hindi ka nakikinig." Sambit nya. Pinanlisikan ko lang siya ng mata at umalis na siya.

✴✴✴

Nakaupo ako ngayon sa napakadilim na butas, mag-dadalawang oras na rin noong nagpaalam si Yuishito na magtutungo sa bahay upang kumuha ng lubid ngunit wala parin siya. Tinignan ko ng kalangitan. Malapit nang magdilim at naririnig ko narin ng mga gamu-gamu. Hay. Hindi kaya gumaganti siya at bukas nya pa ako babalikan?

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko.

May narinig akong yapak papunta sa kinalalagyan ko at labis na natutuwa ang aking puso at umaasang si Yui..

May lumingat sa aking kinalalagyan at inilawan ako ng lampara.

Nagtangis ang bagang ko nang makita ang kanyang mukha. "Arnaldo" sambit ko.

"Ako nga, Leonora. Bakit naman sa lahat ng oras ay rito pa kita makikita, nga naman kung hinahanap ay hindi magpapakita at kapag hindi hinahanap ay siyang magpapakita."

Kitang kita ko ang mga ngisi niya sa labi at mapangasar na mga mata na nasisinagan ng liwanag ng lampara.

"Kailangan mo ba ng tulong ko ?" Tanong niya.

"Hindi, at kahit dito pa ako mamatay ay malugod kong tatanggapin, wag lamang tulungan ng isang kagaya mo."

"Matapang ka na ngayon, Leonora. Hindi mo ata alam kung sino ang kaharap mo" nakangisi nyang sambit.

"Isang Demonyo." Matapang kong pahayag.

"Siyang tunay, Mahal ko at tutal rin ay na riyan ka na bakit hindi ka na lang maglagay riyan ng iyong libingan? Tutal rin ay may dala kaming mga pala." Sambit niya nang may mga ngisi sa labi.

"Wala ka talagang kasing sama, Arnaldo. Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang minahal ko." Singhal ko.

"Ha-ha-ha, pagmamahal ba talaga ang sinukli mo sa akin, Leonora? Ni hindi mo nga ako naipakilala sa iyong Ama ni ipaglaban sa kanila, dahil ba mahirap kami, isang kahig isang tuka?"

"Hindi ganoon yun, Arnaldo hindi ba't kila---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumigaw siya. "Tama na ang satsat! Ilibing niyo na iyan nang buhay!" Utos niya at may lumabas na dalawang lalaki na may hawak na pala at nagsimulang maglagay ng lupa sa kinatatayuan ko, pinikit ko ang aking mga mata dahil sa mga lupang tumatama sa mga mata ko na siyang pumupuwing sa akin. Hindi ko na magawang masalita pa dahil sunod-sunod ang mga lupang siyang bumubuhos sa akin.

Paakyat na nang paakyat ang lupa sa kinatitirikan ko, hanggan sa umakyat na ito sa aking mga balikat, hindi ko maigalaw ag aking buong katawan, dahil na rin sa mga lupang ngayon ay nakapalibot sa akin.

"Sandali!" Tumigil ang dalawang lalaki sa pagpapala at tumingin sa akin si Arnaldo .

"Ano Leonora? Masarap bang mailibing?" Nagtawananan silang tatlo sa tanong ni Arnaldo.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon