✴ Kabanata 34 ✴

1.1K 51 32
                                    

KABANATA 34 - Galit

"Yoshito, ano bang ginagawa mo? Kuya mo ang tinututukan mo ng baril!" suway ko.

Mas tumalim lang ang kanyang titig kay Yuishito, may luhang kumawala sa kanyang mga mata pero hindi nagbago ang galit na emosyon n'ya.

Lumapit ito sa aming gawi at mas lalong itinutok ang baril sa ulo ni Yuishito.

"Anata wa kanojo o koroshimashita!" You killed her! Sigaw ni Yuishito. Nagsitayuan ang mga sumama sa aming kasal at nagsilabasan ng simbahan.

"Watashi wa kanojo o koroshite inai, Yoshito!" I did not kill her, Yoshito! Si Yuishito ang nagsalita.

Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung anonh pinag-uusapan nila, kung bakit tinututukan ni Yoshito si Yuishito ng baril.

"Pakiusap, Yoshito, ibaba mo ang baril mo," sambit ko.

"Hindi mo alam ang hinihingi mo, Leonora! Ang lalaking katabi mo ang siyang pumatay sa Kuya, Ina, Ama at iyong Ate Luna, ang aking sing-irog. Siya ang may pakana ng lahat ng paghihirap ng iyong pamilya! Siya ang nag-utos kay Ama... kay Heneral Usui na ipapatays si Leonardo na napag-alaman naming pinuno ng nga huks at dahil din sa kanya... kinuha ng mga kempetai ang inyong ari-arian, siya ang may gawa ng lahat ng iyong paghohirap, Binibini!" sigaw nito.

Hindi ako makapaniwalang bumaling ng tingin kay Yuishito.

"T-totoo ba, Yuishito? T-totoo ba? N-Nagsisinungaling lang si Yoshito hindi ba? Hindi ba?" nanlulumo kong tanong. Nangangatog ang aking tuhog, nanginginig ang aking panga habang naghihintay ng kanyang tugon. Pakiusap, Yuishito, pakiusap itanggi mo ang akusasyon sa iyo ng sarili mong kapatid, papaniwalaan kita.

"Patawad, Binibini," anito at bumagsak ang balikat. "Patawad... h-hindi ko alam na siya ang iyong kapatid bago pa man kita makilala... m-maniwala ka man o hindi... pinilit kong baliktarin ang hustisya... pinilit ko pero huli na... huli na para masalba siya," nakatungong tugon nito.

Hindi ko na namalayan na dumapo ang kamay ko sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kamay ko nang ibinaba ko ito. Kumuyom ang aking palad at lumambot na ang aking tuhod sa sobrang sakit.

Ang sakot na ang lalaking minahal ko... ang dahilan ng pagkasira at pagkawala ng lahat ng miyembro ng aming pamilya. Na nasa aking tabi lamang pala ang totoong pumatay sa kanila, hindi dahil siya ang may hawak ng baril kung hindi dahil ang kanyang salita ang naging senyales ng pagkasira ng aming pamilya. Ang kanyang utos bilabg heneral.

"Leonora, pakiusap... p-patawarin mo ako," anito habang tumutulo ang kuha. Pilit n'yang kinuha ang aking kaliwang kamay at isinusuot ang sing-sing sa aking daliri. "Pakiusap, Leonora, su-suotin mo ito, Leonora," anito habang ipinipilit ang sing-sing sa aking daliri. Kinuha ko ang sing-sing at itinapon ito sa malayo.

"Leonora..." Pagsusumamo nito.

"Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng aking pamilya! Ikaw ang pumatay sa kanila! Ikaw! Hindi ko alam na nasa tabi ko lang pala ang taong gusto kong patayin. Hindi ko alam na ikaw iyon! Bakit sa dinami-rami ng tao na maari kong gantihan... bakit ikaw pa, Yuishito? Matatanggap ko sana kung ibang tao pero bakit ikaw pa?" sigaw ko habang sinusuntok ang kanyang dibdib.

Pinanatili n'ya lang ang pagsuntok ko sa kanyang dibdib habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Patawad... patawad," bulong nito.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon