✴ Kabanata 32 ✴

1.2K 50 21
                                    

KABANATA 32

Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin bumabalik sina Ate Luna at Yoshito. Ilang araw na rin akong matamlay at walang ganang kumain kahit pa pilit akong sinusubuan ni Yuishito.

"Kumain ka na, Binibini," ani Yuishito.

"Ayoko," sambit ko habang hindi parin inaalis ang tingin sa pintuan.

"Ayaw mo ba ng kamote?" anito

"Hindi," walang ganang tugon ko.

Nang wala nang magawa ay ibinalik n'ya sa dahon ng saging ang dalang kamote. Umupo siya sa aking tabi.

"Alam mo ba, kapag malungkot ako, pinapapikit lamang ako ng aking Ina at inaalis ang masamang memorya, kaya, Binibini..."

Alam ko na ang susunod n'yang gagawin, alisin ag masamang memorya? may magagawa pa ito?

Humarap ako sa kanya.

"Alam mo? Wala naman talagang magandang naidudulot yang sinasabi mo, ni minsan hindi ako nakalimot ng mapapait na nangyari sa aking buhay dahil sa mga sinsabi mo. Wala namang epekto iyan kaya tigilan mo na ang kahibangan mo, Yuishito!" singhal ko na kaagad ko namang pinagsisihan.

Mabilis siyang ngumiti sa akin at umawang ang labi, "Paumanhin, Binibini," sambit n'ya at saka umalis ng tuluyan sa maliit na sala.

Umiling-iling na lamang ako, mali ito... kay Yuishito ko nabubuhos lahat ng hinagpis ko sa buhay. Mali.

Kaagad akong pumasok sa silid kung saan pumasok si Yuishito.

"Aling Pacing, aalis din po kami ni Leonora rito, pupunta po kami sa Silang, mas maluwag po ang bantay roon at puro kakilala ko, ayaw ko pong madamay pa kayo sa amin," sambit ni Yuishito sa dilim.

"Mag-iingat kayo," ani Matanda.

"A-Aling Pacing... alam kong kalabisan na pero... m-may pasador ho ba kayo riyan?" ani Yuishito at para naman akong tinakasan ng dugo dahil sa kanyang sinambit.

"May karumalan ba ang iyong kasintahan? Nakakatuwa ka naman, Hijo," ani matanda at natatawa pa.

"Hindi ko po siya kasintahan," ani Yuishito at para naman akong nasaksak ng isang bolo sa aing puso. Oo nga naman, hindi kami magkasintahan. Magkaibigan? Oo, magkaibigan nga lang.

"Tinuturing ko po siyang asawa," masayang sambit ni Yuishito. Ang kaninang bolong sumaksak sa puso ko ay unti-unti nawawala at napapalitan ang sakit ng saya.

"Ikaw talaga, naalala ko tuloy ang aking kabataan," ani matanda. "Eto, Hijo. Tatlong pasador, kaya siguro ganyan kainit ang ulo ni Leonora ay dahil sa karumalan, pagpasensyahan mo na lamang, Ginoo dahil ganyan ang mga babae," ani Aling Pacing at uminit naman ang aking pisngi. Bakit tila wala lang sa kanila na pag-usapan ako sa mantalang narito lamang ako malapit sa kanila.

"Oho,  maraming salamat po, Aling Pacing," ani Yuishito at nakarinig naman ako ng mga yapak palabas ng silid kaya't nagmadali akong bumalik sa aking kanina'y inuupuan at binaliwala ang narinig kong pag-uusap.

"Binibini, mamayang bago mag ala-una pupunta tayong Silang," anito at tumango na lamang ako bilang tugon.

Mag-aalas nuwebe na ng gabi ng makarating kami sa madilim na lugar at may mataas na talahib. Bumaba si Yuishito sa kalesa at binuhat ako mula sa baywang.

"Salamat," malamig kong tugon.

"Manong, maraming salamat!" ani Yuishito sa kutsero ng kalesa. Tumango lamang ang matanda at nagpatuloy na.

"Bakit ba tayo naririto, Yuishito?" tanong ko.

"Nais kong mabuhay tayo ng maayos, Leonora" anito.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon