✴ Kabanata 38 ✴

1.2K 56 33
                                    

KABANATA 38

"Hindi ako si Yuishito," his voice stuttered. Hindi siya kasing bihasa ni Yuishito sa pagsasalita ng aming diyalekto.

"Para sa akin, ikaw siya!" sabi ko pa.

Marahas n'yang inalis sa kanyang pisngi ang aking kamay. "Anata no kyōki" Your crazy.

Bumaling ang tingin n'ya sa security guard. "Kanojo o hanareru yō ni kyōsei suru, kanojo wa kurutte iru!" Force her to leave, she's crazy! Anito at sinenyasan ang guwardya na palayuin ako.

"Ma'am tara na ho! Nagbago na ang isip ng may-ari. Umalis na ho kayo rito," ani guwardiya at hinawakan ang aking magkabilang braso.

Sa halip na sumama ay siniko ko ang tiyan ng guwardiya at mabilis na hinawakan ang kamay ni Yuishito.

"Hindi ba ako pamilyar sa iyo? Titigan mo ako! Ako si Leonora noong dati nating buhay..." pakiusap ko sa kanya.

Iginiya ko ang magkabila n'yang kamay sa aking pisngi.

"Ā... Watashi wa anata o omoidashita," Ahh... I remembered you, anito at nagpatango-tango pa. Animo'y natatandaan n'ya ako. "Anata wa baishunpudesu yo ne?" You are a whore right? Anito at may mapanudyong ngiti.

Bakit sapagkakataong ito... puno ako ng takot sa kanya? Bakit nakikita ko ang dating Arnaldo sa kanyang mukha? But he looks exactly Yuishito. Siguro ay dahil narin sa modernisasyon kung bakit nagbago ang kanyang ugali... o dahil sa sinabi ni Yuishito'ng dati siyang naging demonyo?

Magbabago rin siya... alam ko...

"Yuishito... please... alalahanin mo ako... please," sambit ko.

"How much do you need to leave my house?" tanong nito na nangangapa ng ingles.

"What? I'm not here because of your money," palabang kong sagot.

His jaw clenched and his eyes are full of madness. "Watashi wa anata o korosudeshou ka?" Leave or I'll kill you.

Kahit hindi ko naiintindihan ay napaatras na lamang ako. Ayokong panghinaan ng loob. Alam kong magkakaroon din ako ng puwang sa kanyang puso.

"Anong nangyayari dito?" boses na nanggagaling sa likuran. May naradaman akong kamay na humawak sa magkabilang braso ko at nakapuwesto ito sa aking likuran.

"Ma'am nagpupumilit ho siyang pumasok," ani guwardiya at hinarap ako sa gawi ng babae.

Nagtama ang paningin namin ng babae, nakasuot siya ng isang maluwag na t-shirt at maong short. Bakas sa mukha niya ang taglay na kasungitan.

"Sino ka? At bakit mo gustong pumasok sa isang pribadong pagmamay-ari?" masungit nitong tanong.

She resembles someone... someone who is as tough as she is... Manang Minda.

"Gusto ko lang sanang pagmasdang ang dagat," sabi ko sa nanginginig na boses.

"Hindi ba sinabi sa iyo ng iyong mga magulang na hindi maaring pumasok ang isang tao sa pagmamay-ari ng iba?" singhal n'ya.

Lumapit ito sa akin at pinakawalan naman ako ng guwardiya'ng nasa aking likuran.

"You have no manners!" sigaw pa nito at naramdaman ko nalamang ang sakit ng aking pisngi nang dumapo ang kanyang palad.

Namuo muli ang panibagong luha sa aking mga mata. Hindi tumigil ang pagsasampal n'ya sa akin at bandang huli ay tinulak n'ya ako at sinipa sa aking tiyan.

Bumaling ang tingin ko sa lalaking kamukha ni Yuishito, humihingi ng tulong ang aking mga mata pero hindi n'ya ako tinulungan, sa halip ay dinuraan ang aking suot na kamiseta at ngumisi.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon