✴ Kabanata 7 ✴

2.3K 88 9
                                    

KABANATA 7

"Leonora"

"Ama!" sabi ko at niyakap siya. Dahil na rin sa malalim na pag-iisip ko ay di ko napansin ang pagbukas ng kabilang pintuang daan at paglabas nila Ama, Ina at ate Luna.

"Salamat at ligtas ka" sabi ni Ina na ngayon ay namumugto ang mga mata, nasa likuran niya si ate Luna na nakatingin sa amin at katulad ni Ina, namumugto rin ang kanyang mga mata.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Ama at niyakap si Ina at si ate Luna.

"Paumanhin, Ina kung napalayo ako sa iyo" sambit ko.

"Paumanhin din, Anak ko kung di kita nahanap agad at napabayaan kita" sambit ni Ina.

"Sige na pumasok na kayo sa loob at doon na tayo mag-usap" sabi ni Ama.

Papasok na sana kami sa loob nang tawagin ako ni ate Luna.

"Leonora" tinignan ko siya.

"A-anong nangyari sayo? bakit puro dugo ang iyong katawan?" nag-aalalang tanong ni ate Luna. Tinignan ko ang bestidang suot ko at puro mantsa nga ito ng dugo na pakiwari ko ay galing kay Isadora.

"M-may masakit ba sa iyo, Anak?" nag-aalalang tanong ni Ama.

"W-wala po, Ama. Sa loob ko na lamang ipapaliwanag, Ama" tugon ko.

"Sige na, pumasok ka na sa loob." sabi ni Ama nang may ngiti at tinapik ang aking balikat. Nagpaiwan muna si Ama at kinausap ang mga kawal namin.

"Alam mo bang pinahanap ka ni Ama sa mga kawal natin, kung titignan mo maigi, ang dating sampung kawal n1a nagbabantay sa pintuang daan ay lima na lamang, ang ilang kawal kasi ay hindi pa nakakabalik. Ganoon nag-alala si Ama sa iyo, Leonora at kahit pa may galit at tampo siya sa iyo ay nananaig parin ang pagmamahal niya sayo" sabi ni ate Luna. Marahang inusisa ko ang buong kapaligiran, nakatitig sa akin ang mangilan-ngilan naming manggagawa, pawang nag-aalala rin sa nangyari sa akin.

"Maligayang pag-uwi, Senorita!" sigaw ng lalaking nakasuot ng kamisa de chino at nakasuot ng salakot. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

✴✴✴

Gabi na at ngayon, hindi parin mawaglit sa isipan ko ang kempetai na tumulong sa akin. Nangangahulugan lamang na hindi lahat ng tao ay masama at hindi tayo dapat manghusga kung sino o ano sila o anong lahi sila nagmula. Lahat tayo ay may kabutihang taglay, mapa Filipino man o Hapon. Miski nga si ate Luna, si Ina at Ama ay humanga sa kempetai na iyon, naikwento ko narin ang buong pangyayari pero ninais ni Ama na maging pribado na lamang sa amin ang buong kwento at Hindi ko rin kinuwento ang biglaang pagkakita namin ni Arnaldo.

"Oh! Bakit ika'y nakatulala?" tanong ni ate Luna at inilapag ang isang baso ng gatas.

"Wala naman, Ate." tugon ko, ngumiti siya sa akin at nagtungo sa likuran ko, naramdaman ko ang marahan niyang pagsuklay sa aking mahabang buhok.

"Si Arnaldo..." panimula ko at naramdaman ko na nahinto siya sa pagsuklay ng aking buhok, ibinaba niya ang suklay at naramdaman kong tumayo siya at umupo sa aking tabi. Tinignan ko siya sa mata bago ko ipinagpatuloy ang aking sinasabi."N-nakita ko siya"

"S-saan? N-nagkausap ba kayo?" nag-tatakang tanong ni ate Luna. Naalala ko na naman ang mga titig niya(Arnaldo) na para bang nangangahulugan na wala siyang gagawin para isalba ako.

"Huwag ka mag-alala kapatid, magiging ayos din ang lahat" sabi niya at marahang pinunasan ang ngayo'y tumutulong luha ko na hindi ko na namalayan sa pagtulo.

"Hindi niya na ako mahal, Ate ni hindi nya man lang ako tinulungan habang dinudukot ako ng mga kempetai" sabi ko habang umiiyak at yinakap siya.

"Leonora.." sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon