✴ Kabanata 10 ✴

1.7K 80 21
                                    

KABANATA 10


Hindi pinayagan ng mga kempetai na maiuwi ang katawan ni Kuya kaya't wala na kaming nagawa pa kundi ang umuwi. Mahabang katahimikan ang sumakop sa aming sinasakyan, walang nais magsalita at lahat ay kapwa nadudurog ang puso, paano ko nga ba sasabihin sa kanila na nakausap ko si Kuya? Paano ko sasabihin sa kanila ang naging trato ng mga Hapon kay kuya sa loob pa lamang ng selda? Parang unti-unting nadudurog ang aking puso. Bakit sa lahat ng tao ang kuya Leonardo ko pa? Bakit?

Bumuntong hininga ako. Tinignan ko ang oras sa aking relos. Alas-dos trenta na nang umaga.

"Leonora, sa palagay ko'y hindi na muna natin maipagdiriwang ang iyong kaaraawan ng kumpleto" Malungkot na sabi ni Ina na halos kagigising lamang mula sa pagkakahimatay.

"N-Naiintindihan ko po. Pero kung inyong mamarapatin, nais ko sanang mamasyal sa karagatan ng kabilang bayan nais ko doon idaos ang aking kaarawan at kalimutan ang nangyari." Iyon ang pinangako sa akin ni Kuya Leonardo ang mamasyal kami sa karagatan at doon ipagdiwang ang aking kaarawan, pero wala na siya, napakadaya mo kuya ang sabi mo sa iyong sulat ay sasamahan mo ako sa lugar na gusto kong putahan pero nasaan ka? Hindi naman iyan ang lugar na ating napagkasunduan.

"Sige pero pasasamahin ko si Luna sa iyo at si Mang Isidor at hindi kami makakasama sa inyo ng inyong inay dahil may aasikasuhin kami sa Hacienda, paumahin anak." sabi ni Ama.

"Gracias, Papa Naiintindihan ko naman po." (Thank you,Papa) Ngumiti sa akin si Ama at Ina at muling nanatili ang katahimikan.

✴✴✴

Alas-otso na ng umaga nang makarating kami sa Hacienda, sinalubong kami ng mga tauhan ng Hacienda at nagpapaabot ng pakikiramay sa nangyari kay Kuya Leonardo, marahil ay batid na nila kung anong nangyari kay Kuya Leonardo.

"Mang Isidor, samahan ninyo ang aking anak sa kabilang bayan, dalhin ninyo ang isa sa mga Auto-Calesa" Utos ni Ama. Tumango naman si Mang Isidor at ginawa ang iniatas sa kanya.

"Magdala kayo ng pang-itaas na kontra sa lamig, at heto magdala kayo ng kwarta upang mabili ang anumang inyong naisin at huwag na huwag kayong pagugutom." sabi ni Ina at inabot ang balabal at Dyaket sa amin, iniabot niya rin ang dalawang bayong ng pera, dalawang basket ng pagkain at inayos ang aming buhok.

"Mag-iingat kayo, nais kong makalimutan nyo nang pansamantala ang nangyari sa inyong kapatid kaya't pinayagan namin kayo ng inyong Ama. Magtungo kayo sa Morong at magpalipas ng gabi sa tahanan ng inyong Tiya Carlota " sabi ni Ina nang may lungkot ang tono.

"Salamat, Ina" Tugon namin. Dumating na si Mang Isidor at sumakay na kami sa Auto-Calesa kumaway sa amin sina Ina at Ama at kumaway rin kami sa kanila.

✴✴✴

Huminto ang aming sinasakyan, nilinga linga ko ang kapaligiran at nakita ko ang maraming tao sa kalsada. Nagising si ate Luna na kanina pa nahihimbing sa kanyang pagtulog.

"Bakit Mang Isidor?" tanong ni Ate Luna.

"Hindi ko alam, Senorita pero madaming tao ang naglalakad sa kalsada." tugon ni Mang Isidor. Dumako ang mga mata ni ate Luna sa paligid.

Bumaba ako sa Auto-Calesa at narinig ko ang panunuway ni Ate Luna pero winalang bahala ko na lang iyon.

Naglakad ako sa gilid ng kalsada at nakita ang napakaraming taong naglalakad sa gitna ng kalsada.

"Ugoku! Ugoku!" (Move, Move) sabi ng Kempetai at tinulak kami papalayo sa kalsada.

"Leonora! Ano bat---Diyos ko, mahabaging Diyos" sabi ni Ate Luna at nag-antanda ng Krus. Nasa harapan namin ay ilang libong mga Filipino at Amerikano, kapwa pagod at ang ilan ay may mga sugat pa na sariwa.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon