✴ Kabanata 35 ✴

1.2K 52 32
                                    

KABANATA 35


"You've been in coma for a week, Clarabelle, you do remember what happened ba?" boses ito ni Klea. Umiinom ng frappe. Nasa coffee shop kami at kasalukuyan nakaupo sa mahabang sofa, maraming tao ngayon dahil weekend, mostly na nandito aymga kakilala ko rin.

"What happened?" kaswal kong tanong.

"Eto, ikwekwento ko sayo, you saw that guy's portrait and you run na, you bumped those treasure figure pa nga so tito need to pay for the damage. Lumabas ka ng museum tapos sinundan pa nga kita, you are shouting someone's name I can't recal is it Paquito? Nichido? I don't know--"

"Yuishito," dugtong ko.

"Right! Yuishito! Then you are being hitted by a car, ang gwapo nga nung lalaking naka sagasa sa iyo, eh! I got his calling card nga, eh. He's a Japanese and he's studying here at an International school!" anito.

"What's his name?" tanong ko.

"Eijiro Nakajima," anito.

Kaagad kong inilabas ang aking phone at tinignan sa facebook ang itsura nito.

Eijiro Nakajima, One mutual friend, from Tokyo, Japan.

I viewed his photos but unfortunately, I loss my battery before it loads.

Tatlong araw matapos akong madischarge sa Ospital ay kaagad akong naglibot-libot sa iba't ibang lugar na napanaginipan ko.

Tinatakan ako ng isang lalaki ng salitang passed sa likod ng aking palad. Pumasok ako sa loob ng malaking mansyon. Sa bandang gilid ay may nakasabit na ngalan ng pamilya.

Hacienda Del mundo

Ang dating Hacienda ng pamilya Martinez... ang pamilya ni Leonora.

Pumasok ako sa pamilyar na mansyon, may malaking larawan na nakasabit sa tanggapan ng bisita. Ang larawan na ipininta ni Leonora noong may kasiyahan.

Lumapit ako sa larawan, ang masasayang ngiti ng mga tao roon ang nagpapaalala sa akin na totoo ang lahat ng aking napanaginipan, na hindi lang ito basta panaginip, na ito ay minsan ding nangyari sa historya ng Pilipinas.

"Ang ganda ng larawang iyan, Hija di ba?" ani isang mayandang babaeng tumabi sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Iyan ang pinakapaborito kong larawan sa lahat ng larawan dito," aniya.

"Ahh. Oo nga ho," tanging tugon ko.

"Maari kitang itour rito, Hija, matagal na akong nagbabalik-balik rito para mamasyal," aniya.

"Sige ho," sagot ko.

Naglakad kami sa red carpet na inilagay para lakaran ng mga turista. Huminto kami sa isang family picture na nakaguhit sa isang canvas. May limang mukha sa larawan. May isang lalaking may bigote, babaeng nakangiti at kulay pula ang labi, may isa pang babaeng nakangiti, isang batang babae at isang lalaking nakatayo at abot tainga ang ngiti.

"Ito ang larawan ng dating mga may-ari ng hacienda, Hija. Sa kanan ay ang larawan ng totoong nagmamay-ari ng Hacienda, sila ang pamilya Martinez ang nasa dulong kanan ay ang bunsong anak ng Senyor at Senyorita, siya si Leonora Martinez, ang katabi naman ni Leonora ay si Leonardo Martinez, ang tagapanguna ng hukbo kontra sa mga hapon, ang katabi naman ni Leonardo ay si Luna Martinez, ang panganay sa magkakapatid. Ang nakatayo naman sa likuran nila ay ang mag-asawang Martinez, si Donya Isabella at si Don Segundo Martinez, mababait ang pamilyang iyan at kahindik-hindik ang pagkamatay nilang lahat," anito at nagpatango-tango na lamang ako.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon