✴ Kabanata 24 ✴

1.2K 57 3
                                    

⛔⛔⛔
Please also support my on-going romance novel entitled "She who hides in darkness" Gracias! 😘
⛔⛔⛔

KABANATA 24

"LOLITA! Anong nangyari?" sambit ng nagmamadaling si Marco. Lumapit siya kay Lolita at niyakap ito.

"M-Marco" ani Lolita sa pagitan ng hikbi.

"Tara na!" sambit ni Manang Minda at hinila ako palayo sa tahanan nina Lolita.

✴✴✴

"TUMIGIL ka nga riyan!" singhal ni Manang Minda ng may inis sa boses. Kanina pa ako umiiyak simula noong insidente sa tahanan nina Lolita, at ngayon malapit na kami sa aming noo'y hacienda ngunit hindi parin naglalaho ang mga luha sa aking mga mata.

"Narito na tayo." sambit ni Manang Minda.

"May alam ka bang lagusan papunta sa loob?" Tanong niya.

"Meron, ngunit siguro ay natakpan na iyon sapagkat alam ni Arnaldo ang lagusang iyon" tugon ko. Ang tinutukoy ko ay ang lagusan malapit sa karagatan namin kung saan malayang nakakalabas masok si Arnaldo noong kami'y magkasintahan pa.

"May paparating," sambit ni Manang Minda "magtago tayo" iginiya niya ako sa madilim na lugar. Nakita ko ang pamilyar na Auto-Calesa, ang aming Auto-Calesa at ngayon ay minamaneho ng hindi ko kilalang lalaki.

Binuksan ng isang Guardia ang pintuang daan at tuluyang pumasok ang Auto Calesa. Lumabas ako sa aming tinataguan at humarap sa pintuan daan.

"Bakit nasa labas ka pa?" Sambit ng guwardiya. Hindi pala pinalitan ang aming dating guwardiya at kakilala ko ang guwardiyang ito

"Buksan mo ang pintuang daan" sambit ko nang natural na boses.

"Kilala ko ang boses na iyan, B-Binibining Leonora?" Tanong nang g'wardya.

"Ako nga." sambit ko.

"A-Ano pong ginagawa niyo rito? Baka mapahamak pa po kayo" sambit ng Gwardya.

"Buksan mo na lamang" Utos ko. Binuksan nya ang pintuang daan at sinenyasan ko si Manang Minda na pumasok na, magsasalita pa sana ang gwardya pero inunahan ko na siya.

"Kaibigan ko siya. Isarado mo na." sambit ko at nagpatuloy na kami sa loob ng Hacienda.

"Saan tayo patutungo, Leonora? Masyadong malaki ang inyong Hacienda" sambit ni Manang Minda.

"Paniguradong nasa silid tanggapan si Arnaldo at ang kanyang bisita kaya magtungo tayo roon" sambit ko. Tumango naman si Manang Minda at patakbo kaming nagtungo sa silid tanggapan.

"Sa silid ko malapit ang silid tanggapan maari tayong magtungo doon at makinig nang usapan." Sambit ko. Tumango siya at sinundan ako.

Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan, ang aking silid, ang aking silid ang ginawa niyang silid tanggapan. Agad kaming tumalikod ni Manang Minda at maingat na naglakad palayo.

"Sino yan?" Narinig kong tawag ni Arnaldo at nakarinig din kami ng papalapit na hakbang. "Humarap kayo sa akin!" sambit pa ni Arnaldo. Nagkatinginan kami ni Manang Minda at pawang walang maisip na idahilan. Pinikit ko ang aking mga mata at nagsalita ng malayo sa aking boses, boses lalaki.

"Paumanhin, Ginoo kun--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng sinita s'ya ng kanyang panauhin. "Arnaldo! Hayaan mo na yan! Bumalik ka na rito at may mas importante pa tayong pag-uusapan kaysa sa mga yan" sita ng lalaki.

"Sige." sambit ni Arnaldo at naramdaman namin ang papalayong hakbang sa amin. Nakahinga kami ng maluwag ni Manang Minda.

"Kamuntikan na tayo roon, Leonora" Bulong niya.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon