✴ Kabanata 9 ✴

1.7K 91 27
                                    

KABANATA 9

"Si Leonardo, itinuro siya ni Anselmo bilang kasapi ng mga Hukbalahap" sabi ni Ina habang hapung hapo.

"Ano?!" gulat na tanong ni Ama, tumayo siya sa kanyang silya at daglian na lumabas sa silid. "Tara na, Ina" sambit ko. "O-Oo, Anak" sambit ni Ina habang malalim na humihinga. Inakay ko si Ina na papalabas ng Hacienda na hapong-hapo at hinahabol ang hininga.

Nadatnan namin si kuya Leonardo na nakaluhod sa pagitan ng dalawang naka-unipormeng sundalong militar ng mga hapon, pawang may galit sa kanilang mga maliliit na mata, nakatapat sa leeg ni kuya Leonardo ay ang isang patalim na nasa dulo ng kanilang bayoneta.

"Anselmo.." nanlulumong sabi ni Kuya. Nakagapos siya, basag ang ulo at ang kanyang suot na bughaw na kamisa de chino ay nababalutan ng mantsa ng dugo na nagmumula sa sarili n'yang dugo. Tinignan lamang siya ni Anselmo ng may blankong ekspresyon."Hindi ka ba nagtataka kung bakit ni-isang bala ay walang dumadaplis sa akin?" ani Anselmo habang nakatingin ng direkta kay kuya Leonardo.

"Anselmo! Ano bang paratang ito?" galit na wika ni Ama.

"Hindi ito paratang Don Segundo, ang anak niyo ang isa sa nagtatag ng hukbo laban sa mga hapon" sambit ni Anselmo nang may malumanay na tono.

Hindi ako makapaniwala na ang taong tinuturing ni Kuya na matalik na kaibigan ang siyang babaliktad sa kanya. Sa palagay ko, ito ang mas nagdurog sa puso ni Kuya, mas masidhi pa sa sakit ng bala at sugat na kanyang natatatamo sa mga laban.

"Anselmo, bakit mo ito ginagawa kay Leonardo? Hindi ba't matalik kayong magkaibigan?" humihikbing tanong tanong ni Ate Luna na ngayon ay nasa tabi ko na at tulad ko ay patuloy na umaagos ang luha.

"Kailan man ay hindi. ko siya. itinuring. na. kaibigan" malumanay ngunit may diing pahayag ni Anselmo. Dumako ang aking tingin kay kuya Leonardo, kitang kita ko ang lungkot at unti-unting pagtulo ng mga luha ni Kuya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin.

"K-Kuya.." naluluhang sambit ko, humakbang ako palapit sa kanya ngunit marahas akong tinulak ng isa sa mga kempetai na nakabantay kay kuya Leonardo, napaupo ako sa lupa at naramdaman ko ang sakit ng aking p'wetang tumama sa lupa. "Leonora!!" rinig kong sigaw ni kuya Leonardo. "Senorita" sambit ng lalaking nasa aking likuran na nakasuot ng pulang kamisa de chino, si Mang Nestor. Inalalayan n'ya ako patayo at pinagpag ko ang mga duming sumama sa aking bestida. "Maraming salamat ho, Mang Nestor" sambit ko.

"Paki-usap, ilayo n'yo na ako rito, sa ibang lugar n'yo na lang gawin ang nais n'yong gawin sa akin, H-H'wag lang sa harap ng aking pamilya!" malumanay na sambit ni kuya Leonardo, nais mang magsalita ng aking bibig ngunit walang lumalabas na salita. Bakit kuya Leonardo? Bakit ayaw mong ipaglaban ang iyong sarili?

"Watashitachi wa kare o manirahoteru ni okurimasu" (We will send him at the Manila Hotel) sabi ng lalaking nakasuot pang heneral. Nkakunit noo akong tumingin sa kanya, pilit iniintindi ang salitang kanyang binitiwan ngunit wala ni-isa akong maintindihan.

Hinila ng dalawang bantay si kuya Leonardo pataas at iginiya sa hindi namin alam na lugar.

"Kunin nyo ang Auto-calesa, susundan natin sila. Mang Nestor, isara ninyo ang pintuang-daan at damihan ang mga kawal sa lahat ng lagusan. Mang Isidor, ipagmaneho n'yo kami, bilisan n'yo ang kilos!" utos ni Ama. Tumango ang dalawa nyang inutusan at patakbong ginawa ang iniutos ni Ama.

✴✴✴

Gabi na nang huminto ang sinusundan naming Auto-Calesa ng mga hapon, ibinaba nila ang nanlalambot na si kuya Leonardo at pinasok nila ito sa loob ng malaking gusali.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon