"Inay!?"Inay!?...malayo pa lang ito ay tinatawag na ang kanyang ina.
Nagmamadali namang lumabas si Aling Minda para salubungin ang anak."oh Margu anak bakit anong nangyari sa'yo?tanong nito agad ng makita si Margu.
"Nay,mano po"wika nito sabay mano sa inah.."eh Nay may sasabihin lang po ako sa inyo"pagpapatuloy pa nito sabay ngiti sa ina.
"Kaawaan ka ng Diyos anak,oh ano naman iyang sasabihin mo sa akin na mukhang ang saya saya mo pa"?
"Nay,mula nung hindi na ako nakapagpatuloy sa aking pag-aaral,nag apply po ako ng trabaho"
"Ha!?eh di ba anak may trabaho ka na sa karenderya ni Aling Mona"?
"OO nga po Nay,kaso Nay ang liit lang po ng sahod ko at matatagalan po ako mag-iipon para sa pag-aaral ko,saka Nay kahit nga sa panggastos natin eh kulang pa yon"ani nito sa ina.
"Pasensya ka na anak,kokonti lang din ang kinikita ko sa pananahi kaya hindi kita matutulungan sa pag-iipon mo.Pero hayaan mo anak dodoble....
"Inay...Inay..."putol ni Margu sa sasabihin pa ng kanyang ina"ayos lang po iyon Nay ang importante po naman nagtutulungan tayo kahit pakonti konti lang po"
"O sya...eh ano naman ang pinasukan mo na trabaho anak?
"Katulong po Nay sa isang mayamang pamilya dito sa ating bansa"
"Katulong ba kamo Margu"?gulat na tanong nito sa anak.
"Opo Nay sa mga Montenegro po"sagot naman nito sa ina.
"H-ha!?...a-ah...eeehhh a-anak,hindi ba nakakatakot doon?saka anak baka mahirapan ka doon?doon ka ba maninirahan anak?paano kung...kung...
"Si Inay talaga oh umaandar na naman ang pagka nerbiyosa nyo po,wag po kayong mag-alala Nay kasi kasama ko po si Ana"
"Dalawa kayo mamamasukan doon?
"Opo Nay,kaya payagan nyo na po ako Nay saka malaki po kikitain ko doon Nay kasi mataas daw sila magsahod"
"Paano mo naman nalaman na mataas sila magsahod sa katulong?
"Eh yung pinsan po ni Ana sa kanila galing at umuwi na ito ng probinsya kasi daw may problema sila doon,kaya si Ana po ang pinalit nya atsaka nangangailangan din sila ng isa pa na sakto naman na naghahanap ako ng trabaho"ang mahaba nitong paliwanag sa ina.
"Pero anak,baka mahihirapan ka sa pagiging katulong atsaka nakakatakot manilbihan sa kanila kasi ang yaman yaman nila.Paano kung makakasira o makakabasag ka ng mga gamit doon"?wika ng kanyang ina na mababakas ang pag alinlangan sa mukha nito.
Naiintindihan naman iyon ni Margu kaya sinubukan pa rin niyang kumbinsihin ang ina"Nay,mag-iingat po ako,dobleng ingat po ang gagawin ko,saka Nay pag hindi ko po nagugustuhan ang trabaho ko doon kusa po akong aalis"ani pa nito habang hawak ang kamay ng ina upang mapanatag ang kalooban nito.
"Sige na nga anak papayagan na kita,basta mag-ingat ka sa mga kagamitan nila ha?pagbutihin mo rin ang trabaho mo,at pag may nakikita ka na mahalagang gamit nila ay isauli mo sa amo mo maliwanag ba anak?payag at payo ng ina nito.
"Salamat Nay at pumayag na kayo,opo Nay tatandaan ko po lahat ng bilin nyo,saka Nay di ba mabait naman po ako"wika nito na nasisiyahan sa pagpayag ng kanyang ina.
Pagsapit ng gabi ay salo salo na silang kumain sa hapagkainan,ng magsalita ang padre de pamilya.
"Margu anak,sigurado ka na ba sa disisyon mo?hindi madali ang maging katulong"tanong ni mang Carding sa anak.
"Sigurado na po ako doon Tay,saka paano ko po malalaman kung hindi ko susubukan"sagot naman nito sabay subo ng kanin.
"Kung akong ang tatanungin eh ayoko sana,kaya nga ako nagpapakahirap bilang konstraksiyon worker para sa atin"wika ng ama na may pagtutol parin.
"Tay,gusto ko po kayong tulungan sa abot ng aking makakaya,kung ako nga lang din po ang tatanungin gusto ko na kayong magpahinga na lamang sa bahay.Kasi Tay matanda na po kayo at ngayo'y malaki na ako at kaya ko ng magtrabaho,gusto kong tumulong sa inyo ni Inay"madamdaming wika ni Margu na siyang kinatango ng ama nito.
"Mapalad parin kami na nagkaroon ng isang butihing anak na katulad mo Margu,salat man kami sa materyal na bagay,nandyan ka naman na mas mahalaga pa sa ginto't pilak"ani ng ama na niyakap ang anak"basta mag-iingat ka doon anak"dugtong pa nito.
"Ako din po Itay,Inay mapalad na nagkaroon ako ng maunawain at mabuting mga magulang na kagaya nyo"sagot din nito sa mga magulang.
Napapaluha na lamang na tumingin sa kanyang mag-ama si Aling Minda,na natitiyak nila sa kanilang sariling hahanap hanapin nila ang presensya ng kanilang anak.
Kinabukasan maagang gumising si Margu upang maghanda ng kanilang agahan,alas otso pa naman ang alis nila ni Ana kaya sa huling pagkakataon gusto nyang pagsilbihan ang mga magulang.Pagkat
apos niya maghanda ng makakain,hinand
a narin nito ang kanyang sarili ng sa gayon kung darating si Ana ay nakahanda na siya.
Ilang minuto pa'y lumipas gising narin ang kanyang Nanay at Tatay.Agad niya itong sinalubong"Nay,Tay magandang umaga po sa inyo,halina po kayo sa kusina't sabay na tayo kakain ng agahan"anyaya nito sa mga magulang.
"Magandang umaga rin sayo anak,sige anak mauna kana sa hapagkainan at ako'y magbabanyo muna"sagot ng kanyang Ina.
"Sige na Minda magbanyo ka na't sasamahan ko na ang anak natin"wika naman ni Mang Carding.
Kalaunan pa'y sabay sabay narin silang dumulog sa hapagkainan,matapos silang kumain siya naman pagdating ni Ana na susundo kay Margu.
"Magandang umaga po Tiya Minda,Tiyo Carding"bati nito sa mga magulang ng kaibigan.
"Magandang umaga rin sayo Ana,halika't maupo muna dito"ani ni Aling Minda sa dalaga.
"Magandang umaga rin Ana,panatag ang loob ko't magkasama kayo ni Margu"wika din ni Mang Carding.
"Salamat po at pinagkatiwala ninyo sa akin si Margu"sagot ng dalaga sa mga ito.
Nang maya't maya pa'y lumabas na si Margu mula sa maliit nitong silid,tangan tangan narin niya ang maliit niyang bag.
"Hello bestie,ready ka na ba?salubong ni Ana kay Margu.
"OO bestie ready na ako"sagot sa kaibigan sabay lingon sa kanyang mga magulang"Nay,Tay paano po aalis na kami ni Ana"wika nito sa mga magulang.
Walang sagot mula sa kanyang mga magulang,niyakap nalang siya ng mga ito"Sige anak,basta mag-iingat kayo doon ha?lahat ng bilin namin ni Itay mo huwag na huwag mong kakalimutan"
"Siyanga anak magpakabait kayo doon at kahit anong mangyari babalik ka dito"ani ng kanyang ama.
Gumanti din ito ng yakap sa butihing mga magulang"Opo Nay,Tay tatandaan ko ang lahat ng mga iyan,kalimutan ko na ang lahat basta huwag ang mga payo ng mga magulang ko"sagot din nito sabay halik sa mga ito.
"O siya sige na lalakad na kayo at naghintay na ang inyong sasakyan"ani ni Aling Minda.
"Sige po Tiya Minda at Mang Carding aalis na po kami"wika ng dalaga.
Hatid tanaw ng mag-asawa ang sasakyan ng kanilang anak at kaibigan nito,hanggang sa maglaho ito sa kanilang paningin.Napapa-upo si Aling Minda sa bangko na matamlay at malungkot ang mukha.
"Minda,huwag ka ng malungkot,babalik naman ang anak natin"suyo ng asawa nito sa kanya.
"Hindi naman,inaalala ko lang ang magiging kalagayan niya doon"
"Manalangin tayo na sana mababait ang mga Montenegro"
Tango na lamang ang naging sagot nito sa asawa saka sabay na silang pumasok sa loob ng bahay nila,maya maya din ay gagayak na si Mang Carding upang tumungo sa pinagtatrabahuhan nitong gusali,at si Aling Minda nama'y tatapusin ang kasalukuyan nitong tinatahi na pinapatahi sa kanya ng mga tao.
Mahabang biyahe din ang biniyahe ng magkaibigan bago marating ang Forbes Park kung saan ang Mansion ng mga Montenegro.
"Bestie andito na tayo"wika ni Ana kay Margu.
Nalula naman si Margu sa nakikita niya ngayon,ang laki ng bahay,hindi pala,sobra sobrang laki ng bahay na nasa kanyang harapan ngayon.Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakakita ng ganitong tanawin,ang laki ng garage,ang daming uri ng mga sasakyan,ang linis ng paligid,maging ang inaapakan nito ngayon ay yari sa semento,ang daming iba't ibang bulaklak ang nakatanim sa bawat sulok ng paligid.wow!!!!nasa paraiso na ba ako?usal nito sa sarili.
Tapik ni Ana ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad"huy bestie natulala ka na diyan"
"H-ha!?ah eh pasensya na bestie masyado akong humanga sa nakikita ko ngayon"sagot nito kay Ana,si Ana naman kasi alam niyang pabalik balik na ito dito dahil nga sa madalas nito bisitahin ang pinsan niya noon.
"Na feel kita bestie,ganyan din ang reaction ko noong unang pagpunta ko dito,pero sa kalauna'y masasanay din ang mga mata mo"sagot ni Ana dito.
"OO noh?grabe sobrang yaman pala nila talaga,alam ko naman na mayaman sila pero hindi ko sukat akalain na ganito sila kayaman,grabe lang"sagot pa nito.
"Hahaha ikaw talaga bestie,sige tara na sa loob ng Mansion,alam kong hinihintay na tayo ng mayordama"yakag nito sa kaibigan.
"Teka bestie makakapasok tayo sa loob ng ganon ganon lang"gulat na tanong nito sa kaibigan.
"Hello!!!ano ka shunga?sympre magdo-doorbell tayo noh,saka isa pa dito na tayo sa compound nila"
"Ah ganon ba,oh siya tara na sa loob"
Magkasabay na silang naglalakad sa kahabaan ng step road papasok sa pintuan ng Mansion.Pagdating nila sa malaking door glass ay agad pinindot ni Ana ang buzzer,Maya maya pa ay bumukas na itong mag-isa.
"Bestie walang tao"inosenteng wika ni Margu.
"Bestie remote control ang pintuan saka nakikita tayo sa camera"sagot ni Ana sa kaibigan sabay nguso sa CCTV.
"Aw ganon ba,sensya na po bago lang hehehe"wika nito at sabay na silang pumasok sa loob.
Pagpasok nila sa loob agad sumalubong sa kanya ang mabangong halimuyak,ang malaking living room na animo'y pagdadausan ng ballroom sa luwag nito,ang mga kagamitang yari sa antique at mamahaling porcelain,ang sahig nito na kay kintab nga naman na animo'y madudulas ito sa maling paghakbang,ang mga nakakabit na iba't ibang photo frame at naglalakihang paintings sa mataas na wall.wow!!!just wow!!!ibang klase talaga.
"Hija,salamat naman at matiwasay kayo nakarating dito"tinig ng ginang ang pumukaw sa kanyang paghanga.DONT FORGET TO VOTE, COMMENT &FOLLOW!!!
ENJOY READING!AJ❤

BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Teen FictionSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...