Chapter 27

1K 31 8
                                    

"What's the meaning of this!??bungad na tanong ni Senyora Amalya.
Kaagad napabangon si Margu sabay binalot ang kumot sa hubad niyang katawan na takot na takot at nanginginig dahil sa nakikitang galit sa mga mata ng ginang.
"S-Senyora Amalya!!usal niya at nilingon si Div sa tabi niya.
"I'm asking both of you what's the meaning of this all??asik ng ginang.
Tiningnan ni Margu ang binatang nagsusuot ng mga damit nito at gusto niya itong magsalita.Pagkatapos makapagdamit ay bumaba sa kama at hinarap ang ina nito.
"Mom I'm sorry I'm just a normal guy who could easily tempted by woman"ani ni Div na hindi inaasahang marinig sa binata.
"Dave!?namutawi sa labi niya ngunit kahit siya halos hindi marinig.
"What do you meant Div??galit na tanong ni Senyora.
"Common sense Mom she flirting me so I just gave her what she needs from me"ani ng binata sabay tiningnan siya nito.
Tila binagsakan siya ng langit sa narinig mula sa binata hindi ito ang inaasahan niyang sasabihin nito sa ina.
"Dave!?sa wakas ay nakapagsalita din at narinig iyon ng binata at ina nito.
Inilang hakbang siya ni Senyora Amalya hinawakan sa braso at sapilitang pinababa sa kama.
"You slut how dare you to call my son that way ha!???galit na wika ni Senyora sabay sinampal siya sa mukha.
Paaakkkk
"Aaahhh..Senyo..Senyora nagkakamali po kayo na-nagmamahalan po kami ni Dave at iyon po ang totoo"aniya sa Senyora at binalingan ang binatang nakatayo lang at pinanonood siya nito.
"Dave please bawiin mo ang sinasabi mo,sabihin mo ngayon sa mama mo na nagmamahalan tayo dahil iyon ang totoo di ba Dave?please sabihin mo Dave"pagmamakaawa niya sa binata.
"Huwag na huwag mong lalapitan ang anak ko malanding babae"ani ni Senyora at hinila si Margu na humawak sa kamay ni Div.
"No!!anito at pilit nagpupumiglas sa pagkakahawak ng Senyora at lumapit muli sa binata at lumuhod.
"Please Dave nakikiusap ako sayo sabihin mong may relasyon tayong dalawa,Dave please save me ipaliwanag mo sa mama mo ang lahat Dave please I'm begging you please"umiiyak niyang wika at nagmamakaawa sa binata.
"I'll go ahead Mom I have important things to do"ani ni Div at iniwan siya nitong nakaluhod at luhaan.
"Nooo!!!Daaaavvveee please!!tawag niya sa binata at akmang hahabulin ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Senyora sa braso.
"Napakawalang hiya mo talagang malandi ka at hahabulin mo pa ang anak ko for what para landiin ulit!??
"Senyora maniwala po kayo sa akin mahal po ako ni Dave at mahal ko rin siya,Senyora nagmamahalan po kami at iyon ang totoo"pagmamakaawa niya sa ginang.
Paaakkk!!!muli siyang sinampal nito sa magkabilang pisngi na kinasubsob niya sa sahig.
"Aahhh Senyora maniwala po kayo sa akin"lumuhod siya sa ginang.
"Hindi ikaw ang paniniwalaan ko higad ka kundi ang sarili kong anak,at talagang makapal ang mukha mo para landiin ang anak ko,pwes ito ang nararapat sa mababang uring babaeng katulad mo!!galit na wika ni Senyora at hinawakan siya sa buhok at kinalakadkad palabas ng silid niya.
"Huwag po Senyora parang awa ninyo na po maawa po kayo sa akin"pakiusap niyang umiiyak habang mahigpit ang pagkahawak niya sa kumot na nakabalot sa kanyang katawan upang huwag siyang makitaan.
Dahil sa nakakabulabog na sila sa loob ng Mansion ay nagsipaglabas ang mga ito at nakita nilang kinaladkad ng Senyora si Margu na nakabalot ito ng kumot.
"Diyos ko anong nangyari?mahinang usal ni Lily sa kasamahan niya.
"Ewan ko hindi ko alam"mahina ding sagot ni Rosa.
Walang salitang mula sa iba pang kasambahay kundi nanonood lang sa ginawa ni Senyora kay Margu.
"Amalya!??sigaw na tawag ni Senyor Arnulfo sa bukana ng hagdan.
Kaagad sila tumingala sa Senyor sa ikalawang palapag at napahinto din si Senyora sa pagkakaladkad sa dalaga na nasa pintuan na sila ng Mansion para ilabas ito.
Pumanaog ang Senyor at lumapit sa kanilang dalawa.
"What are you doing right now Amalya?tanong nito at tiningnan sila.
"I give this poor slut a right lessons for flirting our son and claiming in front of my face that they are in relationship!!for God sake Arnulfo"anito at muling hinawakan sa buhok ang dalaga"you bitch out we don't need you here"
"Senyor maniwala po kayo sa akin hindi ko po nilalandi ang anak ninyo,kagustuhan po namin ang nangyayari Senyor at totoo pong nagmamahalan kami maniwala po kayo sa akin Senyor..Senyora"pagmamakaawa parin niya sa mga ito.
Akmang magsasalita ang Senyor ngunit mahigpit siyang pinagbawalan ng esposa.
"Don't even thinks of believing her Arnulfo at huwag na huwag kang makialam dito all my life being your wife and a mother never ako nakikialam sa kung anong gusto mong mangyari sa anak ko,now let me do my part as a mother of my son!!anito sa Senyor at muli siyang hinawakan sa buhok at kinaladkad palabas ng Mansion.
At bago tuluyang lumabas ay inutusan ang kanilang mga katulong"you all housemaids come out side and see what I'm going to do with her"
Walang nagawa ang Senyor dahil alam niyang ni minsan ay hindi ito nakikialam sa gusto o ipagawa niya sa kanilang anak.
"Huwag po Senyora parang awa ninyo na po nakikiusap po ako sa inyo maawa po kayo sa akin"hagulgol niyang pakiusap sa Senyora ngunit animo'y isa na itong demonyo.
Tinulak siya ng Senyora sa sementadong parking lot at napasubsob siya sa semento.Lumabas naman ang mga kasambahay dahil sa takot na baka may gagawin ito sa kanila oras na hindi sila sumunod,nakiusyo narin ang mga guard at si Mang Tasio na nagtataka kung anong nangyayari bakit ito ginaganito ng Senyora ang dalaga.
"Maawa po kayo sa akin Senyora huwag ninyo pong gawin sa akin ito nakikiusap po ako"lumuluhod at pagmamakaawa parin niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa kumot na hiyang hiya na siya sa mga nakakita sa kanya.
Sinipa siya sa dibdib ng Senyora at napahiga muli sa semento.
"Huwag na huwag mo akong mahawakan dahil nakakadiri ka"asik nito sa kanya at tumingin ito sa mga housemaids,guards at kay Mang Tasio.
"Pagmasdan ninyo ang malandi at ambisyosang babae na ito,gustong makuha ang kaisa isa kong anak para yumaman agad kesyong gagamitin niya ang kanyang katawan upang landiin ang anak ko"anito na animo'y nagra rally sa kalsada.
"Hindi po totoo yan Senyora hindi ko po magagawa ang mga yan maniwala po kayo sa akin"aniyang patuloy sa pagtangis dahil sa kahiya hiyang sitwasyon.
Dahil walang kaalam alam ang mga kasambahay ay agad bumaba at maduming babae ang tingin nila kay Margu,tinitingnan nila ito ng nakakadiring tingin at bahagya pang umismid ang mga ito na lalong ikinaiyak at sunod sunod niyang pag iling upang ipabatid sa mga ito na hindi totoo ang lahat.
"Hindi..hindi po totoo ang lahat ng ito..maniwala po kayo"tila wala ng tinig ang lumalabas sa kanya bibig.
"At anong gusto mong paniwalaan ko na mahal ka ni Div?na nagmamahalan kayong dalawa?paano naman ako maniniwala kung itinanggi mismo ng anak ko ang pinagsasabi mo ha?do you think that I'm stupid enough to believe in you?then you're wrong bitch!!!asik niya ulit sabay sampal ng maraming beses sa dalaga.
Halos hindi na maramdaman ni Margu ang sakit ng sampal ng Senyora dahil mas masakit pa sa mga sampal nito ang katotohanang itinanggi siya ni Div at iniwan sa ere.Umiyak siya sa bawat paglagapak ng palad ng Senyora sa magkabila niyang pisngi ngunit hindi dahil sa sakit na dulot nito kundi sa isiping nalagay siya sa kahiya hiyang sitwasyon na walang kakampi,walang karamay at wala ang taong inaasahan niyang ipaglaban siya sa mga oras na ito.
"Tamaaa naaa po..tamaaaa naaa.."pakiusap niyang paos na ang tinig at dumudugo na ang labi.
Nagkakasugat narin ang kanyang siko at tuhod sa paulit ulit na pagbagsak sa semento.
"Masakit na ba ang mukha mo sa mga sampal ko?ibig ba sabihin niyan hindi na makapal ang mukha mo?tanong ng Senyora at hinila siya sa buhok palabas ulit sa malaking gate ng Mansion"then come out side tingnan ko kung hindi tuluyang mawala yang pagmumukha mo"aniya at kinaladkad palabas ng gate.
Nagulat at nabigla siya ng sumalubong sa kanya ang nag iilawang flash ng cameras,iba't ibang uri ng digital na iba't ibang tao ang may hawak at may ari nito.
Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak niya ng kumot na ito lamang ang tanging saplot niya sa katawan.
"Huwag po itigil ninyo yan maawa po kayo sa akin"anito sa mga taong reporters at kinausap ang Senyora na hawak hawak siya nito sa buhok"Senyora nakikiusap po ako huwag ninyo pong hayaang mangyari sa akin ito parang awa ninyo na po..maawa po kayo sa akin"
"Pwes sa kanila ka mag makaawa dahil tapos na ako sayo,ang isang langaw na kagaya mong gustong tumungtong sa kalabaw na maliit ang pakpak ay hindi makakaapak sa taas kundi sa basurahan ang bagsak"ani ng Senyora at muli siyang tinulak sa harap ng maraming tao.
Bumagsak si Margu sa lupa ngunit nanatiling nakahawak ang isang kamay niya sa kumot upang huwag itong matanggal hindi bale ng masaktan siya huwag lang makita ng mga tao ang kanyang katawan ni katiting ay walang saplot.
"Siya ang malanding higad na babaeng pumasok bilang personal maid ng anak ko,and sad to say na nahuli ko ang ginagawa niya before niya makuha ang loob ng anak ko.She's using her body upang landiin ang anak ko which is pinagbigyan lang ang gusto niya,she only needs sex because she's a whore,a poor bloody whore!that's all guys"anito at pinasara sa mga guards ang gate.
"Senyora!!Senyora!!tawag ni Margu sa ginang ngunit wala na ito at patuloy kinalampag ang gate ngunit wala naring nagbukas nito.
Dahan dahan siyang lumingon sa mga taong naroon habang walang tigil sa pagkuha sa kanya ng litrato.
"Huwag po maawa kayo huwag ninyong gawin to..wala po akong ginawang masama hindi po totoo yon maniwala po kayo sa akin"pagsusumamo niya sabay tinatakpan ng kanyang isang kamay ang mukha at isang kamay naman ay nakakapit sa kumot niya.
At mabilis siyang umalis sa lugar na iyon tumakbo siya na hindi niya alam kung saan siya pupunta.Habang tumatakbo ay sinusundan parin siya ng mga reporters at patuloy kinukuhanan ng mga litrato.
"Pabayaan ninyo na ako utang na loob,tigilan ninyo ako parang awa niyo na"pakiusap parin niya sa mga ito habang patuloy parin tumatakbo at hawak hawak ang kumot.
Dahil sa kasikatan ng araw kaya maraming nakakakita sa kanya,pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan niya at sa mga taong dumadaan sa kalsada.Takbo siya ng takbo dahil gusto niyang makawala sa mga reporters na sumusunod sa kanya hanggang sa pagtakbo niya at kakalingon sa hulihan ay nakabangga siya ng tao at napaupo sa lupa at kaagad yumuko at tinago ang kanyang mukha sa mga flash ng cameras na hindi na inabalang tingnan kung sino ang nabangga niya.Kasunod ng paulit ulit na pagmamakaawa sa mga ito na pinagpipiyestahan ang kanyang kalunos lunos na itsura.
"Hey you bunch of cruel and abusive uneducated useless people living in the world!!stop taking photos of her now!!!makapangyaring utos mula sa kung sinong boses na iyon.
Nag uutos at makapangyarihang boses ang nagpatigil sa mga ito upang tumigil sa pagkuha sa kanya ng litrato.At wala na siyang narinig na click ng cameras hudyat tumigil na nga ang mga ito.
HABANG sa Mansion ay kitang kita ni Div ang mga ginagawa ng kanyang ina sa dalaga dahil nakabukas ang bintana sa kwarto niya ay dinig na dinig niya ang pagmamakaawa ni Margu at hindi rin nakaligtas sa pandinig niya ang mga binitiwang salita ng ina para sa dalaga.Hanggang sa kinaladkad ito ng ina palabas ng gate at pinagkukumpulan ng mga reporters ay kitang kita niya parin ang nangyayari doon,nawala lang ito sa paningin niya ng tumakbong paalis si Margu upang umiwas sa mga reporters at tuluyan na itong naglaho sa paningin niya.
Bago nagsi alisan ang mga reporters ay hiniling muna niyang idelete ng mga ito ang litrato ng babaeng kinukuhanan nila dahil kung hindi ay sasampahan niya umano ang mga ito ng illegal photography without consent and public morality and copyrights at matatanggalan sila ng lisensya as reporters.
Ginawa naman ng mga ito ang iniuutos niya at pagkatapos matiyak na nagawa na ng mga itong burahin ay inutusan niyang magsilayas na sila.
Binalingan niya ang babae pagkaalis ng mga reporters,hinubad ang leather jacket at pinatong sa likod ng babae habang nakayuko ito't nagtatago sa sariling kamay at hindi parin ito nag angat ng ulo.
"Hello Miss you're safe now"mahina niyang wika sa babae.
Dahan dahan siyang nag angat ng ulo at nakita niya ang lalakeng nasa harap niyang hindi niya ito kilala.
"S-salamat"aniya at lalong hinigpitan ang paghawak ng kumot.
"You're welcome,let's go to my car now everyone are looking at us"aya ng lalake sa kanya.
Nabuhayan siya ng loob at kaagad naisip na magpahatid sa mga magulang niya.
"P-pwedeng makiusap sayo ihatid mo ako sa amin parang awa mo na!pakiusap niya at umiyak pa.
Nahabag naman ito sa babae at alam niyang kahiya hiya ang sinapit nito sa kamay ng kung sinuman ang gumawa nito dahil sa bakat ng daliri sa magkabilang pisngi,putok at dugo sa labi at galos nito sa siko at tuhod.
"Are you sure you want me to take you to your home with that kind of looks of yours?
"S-Sir wala na akong mapupuntahan kundi sa mga magulang ko lang kaya please pakihatid ako sa amin nagmamakaawa ako sayo"
"Okay okay as you like,then let's go to my car"
"Salamat po maraming salamat"
Inalalayan siya nitong makapunta sa kotse nito na pinagtitinginan sila ng mga tao at siya'y pilit ikinukubli ang mukha.At dahil malapit lang nakapark ang kotse ng huli ay kaagad nilang narating agad siyang pumasok sa loob na pinagbuksan siya nito at gumawi sa driver seat.
Pagkaupo ay agad siya nitong tinanong.
"So where are we going?
"Sa Tandang Sora"maikli niyang sagot.
Pinaandar na nito ang kotse at ng may nadaanan silang shop ng mga damit ay kaagad nagpark sa tabi.
"I'll gonna get some clothes for you before I send you to your home what is your sizes by the way?
"H-ha?kahit ano basta damit"
"Uhm wait I got an idea I'll bring you to my house and you'll get dress when we get there okay?
"Huwag ayoko please pakihatid nalang ako sa amin"tutol niya sa sinabi ng lalake.
"Come on don't be afraid I won't do anything bad to you I just wanna help you"
Feeling niya parang mabait naman ito at ito nga din ang tumulong sa kanya kanina.
Tumango nalang siya sa lalake at pinasibad na ang kotse upang tumungo sa tahanan ng lalake ni hindi niya magawang itanong ang pangalan nito,basta ang nais niya'y maihatid na siya nito sa kanilang bahay.


DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

PANGARAP NA LANG BATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon