"Nay!!Tay!!sambit ni Margu ng mapagsino ang mga ito.
Agad siyang sumalubong sa mga magulang habang papalapit ang mga ito sa kanya.
"Margu anak nag-alala kami para sayo salamat at nandito ka na"ani ni Aling Minda sabay niyakap ito ng mahigpit at ganon din si Mang Carding.
"Anak naaawa ako sayo sa sinapit mo hindi mo ito dapat maranasan"ani ni Mang Carding.
Ng mahimasmasan sila ay saka nila napansin ang kasama ni Margu.
"Sino siya anak?tanong niya sabay tingin sa binatang nakatayo lamang sa tabi.
"Siya at ang mama niya po ang tumulong sa akin Nay,Tay,siya po si JB"at bumaling sa binata"JB ang Nanay Minda at Tatay Carding ko"pagpapakilala niya.
"Maraming salamat hijo sa pagtulong ninyo sa anak namin"ani ni Mang Carding.
"Ganon din ako hijo maraming maraming salamat sa inyo sa ginawa ninyong pagtulong sa anak namin"ani din ni Aling Minda.
"Wala po iyon Tita,Tito masaya po akong nakatulong sa kapwa ko"anitong nahihiya sa mga ito.
Ilang sandali pa ay pumasok na sila sa loob ng bahay dahil maraming taong nagtitinginan at nagbubulungan.N
gunit tumanggi ang binatang tumuloy dahil may lakad pa ito umano at gusto lang maihatid ang dalaga na wala itong masamang mangyari dito.
"Ganon ba hijo?sige salamat ulit"
"Ayos lang po iyon Tita"aniya sa mga ito at binalingan ang dalaga"Margu mag iingat ka palagi ha?at pwede ba kitang dadalawin dito pag may oras ako?
Tumingin si Margu sa kanyang mga magulang at ng walang makitang reaksyon ay tumango nalang ito sa binata.
"Okay lang JB"
"Yes!!sige I have to go"anito sa kanya at kumaway sa mga magulang niya at tuluyan ng umalis.
Pagkapasok nila sa bahay kaagad hinawakan ni Aling Minda sa mukha si Margu sabay hinaplos nito ang pumuputok na labi ni Margu.
"Anak nasaktan ka ba?masakit ba ang ginawa nila sayo?tanong nitong napatawa ng pagak"sira ulo talaga ako nakita ko na nga ang itsura mo nagtatanong pa ako kung nasaktan ka"aniyang niyakap ang anak.
"Nay,patawarin ninyo po ako sa mga nagawa ko,sa naidulot kong kahihiyan sa inyo at dahil sa ginawa ko nag iba ang tingin ng mga tao sa inyo"aniyang umiiyak sa harap ng mga magulang.
"Anak huwag mong sabihin ang mga iyan hindi importante ang sasabihin ng ibang tao,ang importante tayo,nagkakaunawaan at nagdadamayan"
"Tama ang iyong ina,anak huwag kang papa apekto sa kung anong sabihin ng mga tao ang importante tanggap ka namin,tanggap natin ang isa't isa"
Bigla niyang niyakap ang mga butihing magulang nagpapasalamat siya at hindi siya hinuhusgahan ng mga magulang niya at iyon ang mahalaga tanggap siya ng mga ito anuman ang mangyari.Bigla siyang nag alala sa kalagayan niya ngayon hindi niya alam kung sasabihin niya ba sa mga magulang ang pagdadalang tao niya.
Ng maya't maya nakarinig sila ng sunod sunod na katok sa pintuan,nagkatinginan silang mag asawa.
"Ako na po ang magbukas Nay"ani ni Margu.
"Hindi..ako na anak"mungkahi ni Mang Carding.
Pagbukas ng pinto si Ana at Laurence ang napagbuksan niya.
"Ana!!Laurence!!tuloy kayo hali kayo sa loob"
"Mang Carding si Margu po nandito na ba siya?tanong agad ni Ana.
"OO Ana nandito na siya"
Pagkakita ni Margu kay Ana agad niya itong niyakap sabay umiyak sa balikat ng kaibigan.
"Bestie!?
"Bestie!?
Wika nila sa isa't isa ng magsalita si Ana.
"Alam ko na ang lahat Bestie sinabi sa akin ng mga tao sa Mansion ang nangyari"
"Galing ka na doon Bestie?
"OO kasi kanina nga ang balik ko di ba kaya ayon nadatnan kong nag aaway na sila doon,pati si Manang Cora nagalit na daw ewan ko kung bakit"
Natahimik siya at binalingan si Laurence.
"Rence salamat pala sa pagpunta mo dito"
"Ayos lang Marg kaibigan kaya tayo di ba?
"Sinama ko siya nung patungo ako dito para isama ko din pag uwi ko sa Mansion para may kasama akong magdala ng mga gamit natin"
"Gamit natin bakit Bestie aalis ka na hindi ka na magtatrabaho doon?
"Hindi ko kaya maatim na kumain at matulog doon at lalong lalo ng magsilbi sa kanila sa ginawa nila sayo"
"Hindi ka naman kasali sa problema nila sa akin Bestie"
"Ah basta kahit na bestfriend kaya tayo,kaya okay lang ayaw ko na rin doon dahil wala ka na at baka mangungulila lang ako"
Nagyakapan silang magkaibigan at nakatingin lang din sa kanila si Laurence at mga magulang nito.
Makalipas ang ilang minutong kamustahan,iyakan at pagsisiwalat ng totoo sa likod ng nangyari kay Margu at sa kalagayan nito ay wala silang nais gawin kundi ang damayan ang dalaga sa hinaharap nitong problema at hindi nila umano iiwan ang dalaga at lalong hindi nila ito huhusgahan dahil ang pagkakamaling nagawa ay maitatama pero ang pasakit at sugat na dinudulot ng mga taong gumawa nito sa dalaga ay hindi malilimutan at matagal maghihilom.Kaya ngayon sila kailangan ni Margu upang may kasamang harapin ang panibagong yugto ng kanyang buhay kasama ang munting anghel sa kanyang sinapupunan.
Napag uusapan din nilang lilipat sila sa ibang lugar iyong wala masyadong nakikilala sa kanila na sinang ayunan naman nila Ana at Laurence at hihintayin lang umano ni Margu na makabalik si JB sa bahay nila para ipaalam dito na lilipat sila sa lalong madaling panahon,nasabi narin niya sa kaibigan ang tungkol kay JB.
Hapon na ng umuwi ang mga kaibigan ni Margu upang umano pupunta sa Mansion para kunin ang gamit nilang naiwan doon,siya naman ay pumasok na sa silid niya pinapahinga na siya ng kanyang Nanay at ito na daw ang magluluto ng hapunan nila.
Kinabukasan maaga pa lang panauhin nila ulit si Ana at Laurence,hinatid ng mga ito ang gamit ni Margu na naiwan sa Mansion.Pero hindi din nagtagal at umuwi din ang mga ito,binanggit lang ni Ana na hindi niya nakikita sa Mansion si Div bagay na wala ng pakialam ang dalaga sa binata.
Pag alis nila Ana at Laurence ay muling tumungo si Margu sa silid niya,hindi narin siya lumalabas ng bahay mula ng umuwi siya dito.Nakadungaw siya sa bintana sa silid niya banda sa likod bahay kaya walang taong nagdaraan doon.Muling naglandas ang kanyang luha ng muling maalala ang nangyari sa kanya lalo na ang ginawa ni Div sa kanya.
"Siguro nga sa una pa lamang mali ng tinanggap kita sa kabila ng ginawa mo sa akin,pero tinanggap kita kahit alam kong mali at hindi dapat dahil mahal kita.Pero anong ginawa mo hinayaan mo akong malagay sa kahihiyan,kasalanan kong naniniwala ako sayo,pagkakamali kong nagtiwala ako sayo at isang kasumpa sumpang nagmahal ako ng isang katulad mo!!!!!kinasusuklamaaaannnn kitaaaaaa!!!kin
asusuklamaaaannnnn kitaaaaaaa!!!!sigaw niyang wika sabay padausdos itong umiyak dahil sa sobrang galit at pagkamuhi sa taong nagdulot nito sa kanya.
Magkasabay pang pumasok sa silid ng dalaga ang mag asawa at si JB na kararating lamang.Kaagad nilang dinaluhan ang kanilang anak na umiiyak habang nakaluhod.
"Anak Margu tama na yan makakasama sa kalagayan mo tama na"pag-aalo ni Aling Minda sa anak.
Nakatingin lang din sina Mang Carding at JB na awang awa sa dalaga.
"Naay!!!hagulgol na tawag ni Margu sa ina"Naayy..hindi ko"sabay sunod sunod na pag iling"hindi ko na kaya Naayy,akala ko...akala ko kaya ko ang lahat ng ito Nay"aniyang humagulgol parin"pero ang sakit talaga,ang sakit sakit Nay sobrang sakit,masakit na masakit dito Nay"aniya pang umiiyak sabay mahinang sinusuntok ang dibdib niya.
"Shhhhh Margu anak makinig ka sa akin,hindi ka nag iisa anak nandito pa kami ng Tatay mo,nandyan pa ang mga matatapat at nagmahal na mga kaibigan mo,at si JB nandyan para sayo"anang kanyang ina sabay tingin sa binata.
Nilingon niya si JB na hindi niya alam nandito pala ito.
"JB!?mahina niyang tawag.
Ngumiti si JB ng tinawag siya ng dalaga,awang awa ito sa kalagayan ni Margu sa murang edad nito'y nakaranas siya ng ganitong masakit na pangyayari.
Lumapit siya sa dalawa at tumabi dito.
"Margu I have no right to say this because I am not in your situation,but one thing I can tell you,if you have a hundred reasons to give up just remember you have one life to save up if you continue to fight with this battle which is life is more valuable than anything else in this world"
"JB!?mahina niyang usal.
"I'm begging you to be strong and continue fighting for your precious one,your little one will be your strength believe me"anang binata at niyakap ang dalaga.
Nakatingin lang din sa kanila ang mga magulang ni Margu at maya maya pa'y humiwalay na si Margu mula sa pagkakayakap ng binata.
"S-salamat JB pasensya ka na kung iyakin ako ilang beses mo na akong nakitang umiiyak"ani ni Margu na pinahid ang luha.
"It's okay I'm one of your friend now if you agree"
Ngumiti siya dito at sumagot"oo naman bakit hindi"
"Tayo na sa sala para maipaghanda ko na ng maiinom si JB"
"Sige po Nay susunod na ako"
Lumabas na ang mga ito at siya ay inayos muna ang sarili pagkatapos ay lumabas na ito.
Nadatnan niyang nag-uusap ang mga ito at agad siyang umupo sa tabi ng mga magulang.
"Anak nabanggit na namin kay JB ang plano nating paglipat"ani ni Mang Carding.
"Yes Margu I offered your Tatay to stay in one of our apartment but he refused"anang binata.
"No JB ayoko rin sa magulo at matao lalo dito sa Maynila,siguro mas mabuting sa probinsya kami titira para narin sa magiging anak ko"sagot niya dito.
Natahimik ang binata sa sinabi niya sa isip niya tama rin naman ito para malayo sa anumang gossips ang magiging anak ng dalaga.
"Okay if that what you want Margu as long as you think it's good for both of you"
"Salamat JB sana may time na muli kaming magkita ng mama mo bago man lang kami lumipat"
"Don't worry I'll bring my Mom here,but wait kailan kayo aalis?
"Siguro bukas na JB dahil wala naman kami masyadong maraming gamit eh"
"Huh?and what do you think of these things here?ani ng binata na ang tinutukoy ay nakikita niyang appliances na binigay ni Div sa mga ito.
"Iiwan namin ang mga ito kasabay ng paglimot sa taong nagbigay nito sa amin"ani ni Margu na agad naman nakuha ni JB ang ibig sabihin kaya hindi na nag usisa pa.
"Oh okay,so maybe makakapunta kami dito bukas with my Mom but if not here's my calling card call me kung saan man kayo lilipat okay?anito sabay bigay ng calling card niya sa dalaga.
Kinuha niya ang calling card ni JB at nagpapasalamat sila sa binata.At ilang sandali pa ay naghanda na ang ina ni Margu upang makakain na sila at kasama din si JB.Masaya sila sa binata dahil hindi ito maselan sa pagkain.Pero ng pagpasok nila sa kusina ay agad bumabaliktad ang sikmura ni Margu kaya mabilis siyang nagpunta sa banyo nila at doon nagduduwal.
"Anak ayos ka lang ba?tanong ni Aling Minda habang hinahagod ang likod ni Margu.
Patuloy parin sa pagsuka ang dalaga at kalaunan pa'y natapos narin ito.
"N-Nay ang sama po sa pang amoy ko ang ulam natin hindi ko kayang kumain"reklamo ni Margu na naiintindihan nila naman ito.
"Ganon ba anak?sige ipagluluto nalang kita ng ibang ulam ha?aniya sa anak dahil paksiw na isda at ginataang langka ang ulam nila.
"Huwag na Nay wala na akong ganang kumain,kayo nalang po ang kakain papasok na ako sa silid ko"aniya at tumingin sa binata"JB pasensya ka na ha sumama talaga ang pakiramdam ko"
"No problem Margu you can take rest don't worry about me"
Ngumiti lang siya sa binata at iniwan niya na ang mga ito.Nag umpisa ng kumain ang mag asawa pati ang binata na sarap na sarap yata ito sa kinakain niya.
Samantalang sa Mansion mula ng nawala si Margu ay iyon din ang huling araw na nakita nila ang pagmumukha ni Div dahil hindi na ito lumalabas ng kwarto,hindi narin kumakain at maging ang telephone sa kwarto nito ay tinanggal niya pati ang cellphone ay ini-off niya.Kahit kinakatok nila ang pinto nito ay hindi sila pinagbubuksan,gumamit na sila ng duplicate key ngunit nilock nito mula sa ilalim.
"Arnulfo anong gagawin natin hindi na kumakain si Div nag aalala na ako para sa kanya"nag aalalang wika ng Senyora.
"Kung hindi dahil sayo hindi magkakaganyan ang anak ko!!sita niya dito.
"Ginawa ko lang ang tama para sa anak ko Arnulfo!!matigas din niyang sagot.
"Tama?saan ang tama sa ginawa mo?do you meant na nagkaganyan si Div ay tama pa rin yon ganon ba!?
"Arnulfo pag aawayan na naman ba natin ito ng pauli ulit?
"Natural hanggang hindi bumabalik sa dati si Div!!anang Senyor at umakyat sa ikalawang palapag.
Naiwang hindi malaman ni Senyora ang gagawin niya ng makita niya si Manang Cora patungo sa likod kung saan doon ang munting kubo na ginagawa nilang pahingaan.Agad niya itong sinundan upang kausapin.
Umupo si Manang Cora sa bangkong yari sa Narra at tumingin sa magagandang halamang namumulaklak na siya mismo ang nagtanim at nag alaga nito.
"Cora!?tawag sa kanyang pangalan.
Nilingon niya lang ito at muling tinuon ang pansin sa mga halaman.
"Cora I want to know kung anong sinabi mo sa anak ko at kung bakit siya nagkakaganyan"simula ni Senyora.
"Bakit sa akin ka nagtatanong hindi ba dapat sa sarili mo yan tinatanong kung bakit siya nagkaganyan?
"No!he was not like that kahit inilayo ko si Margu sa kanya,it is because of what you said to him"
"Mahal niya si Margu at dahil sa takot niya sayo naging duwag siya para ipaglaban ang babaeng mahal niya,ngayon sabihin mo sa akin paano siya naging ganyan kung hindi mo ginawang paglayuin sila?
"I said that's not the reason why he's being like that it's because from what you said so!
"If that what you think then fine,dahil nga siguro sa sinabi ko,now come to think of it oras na sinabi ko sa kanya ang katotohanan palagay mo ba hindi ka niya kamumuhian at kasusuklaman?palagay mo ba hindi ka niya sisisihin sa mga nangyari sa kanya ngayon dahil inilayo mo siya sa babaeng mahal niya kahit wala kang karapatang panghimasukan ang personal niyang buhay dahil you are nothing to him at all.!!!!sigaw na wika ni Manang Cora.
Biglang natahimik si Senyora at namutla ito kaya mabilis siyang umalis sa harap ni Manang Cora bago pa itong may maraming masasabi na hindi niya gustong marinig.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤

BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Teen FictionSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...