SINIIL siya ni Div ng mapagparusang halik,madiin,ma
bigat at masakit ang halik na iyon na binigay sa kanya ng binata.Ito ang first kiss niya pero parang may mali hindi ito ang halik na banayad at may paggalang sa mga nababasa niya sa mga pocketbooks kahit sabihin pang unang halik niya ito.
"Hmmmmmm....."tanging ungol na lamang ang kumawala sa kanya na nanatiling sakop ng binata ang kanyang bibig sabay pagpupumiglas parin.
At lalong pinakadiinan ng binata ang paghalik sa kanya kung nagpupumiglas siya at magtangkang manlaban.At lalo pang dumiin at lumalim ang halik na iyon naghahanap,naglulumikot at sumisipsip sa labi niya ang labi ng binata.Tahimik siyang napapaluha dahil sa sakit na nararamdaman,hindi niya alam kung saan ba ang masakit sa mga oras na ito,ang paggipit ni Div sa kanya sa pader gamit ang malaki nitong katawan?ang pagkagapos nito sa dalawa niyang kamay na sobrang higpit?o ang paghalik nito sa kanyang mga labi na kulang na lang ay kakainin siya nito.
Tahimik siyang napapaluha sa isiping iyon at maya maya ay may kakaiba siyang nalalasahan maalat na matamis at kasabay din na banayad na paghalik ni Div sa kanya at pagluwag ng pagkakahawak nito sa mga kamay niya.
Ng makalayo ng ilang hibla ang mukha ni Div sa mukha niya ay may nakita siyang mapula na likido sa labi nito at nararamdaman niyang mahapdi ang kanyang labi.Binitawan narin ng binata ang kanyang mga kamay gayon din ang kanyang baba at tumaas ang kamay nito upang sakupin ang kanyang mukha na luhaan at dumudugo ang labi niya.
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga ang binata at nagsalita ito"I'm...I'm so sorry baby...I didn't mean to hurt you...I just got...damn!!!wika ng binata sabay bitaw sa mukha niya at buong lakas na sinuntok ang pader na malapit sa kanyang ulo na kinagulat niya at bahagya siyang umiwas sabay hinarangan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay sa pag-aakalang susuntukin siya ni Div.
"H-huwaaaggg po...pa-parang a-awa..."
Agad siyang pinaharap ng binata at inalis ang mga kamay na nakatakip sa mukha niya at masuyong hinaplos ni div ang kanyang mukha"no...no baby I wouldn't hurt you"anito sabay hinalikan siya nito at dinilaan ang labi niyang may dugo na hindi na niya magawang pumalag dahil sa naramdamang takot"I'm so sorry don't be afraid now baby I'm not mad anymore so please calm yourself"wika nito sabay punas ng luha niya at niyakap niya ito ng mahigpit at hinalik halikan niya din ito sa buhok na tahimik lang ang dalaga.
Mahabang sandali silang ganon ng hiniwalay siya ni Div mula sa pagkakayakap nito sa kanya at buong pagsuyong hinaplos nito ang kanyang mukha kasunod ay ginawaran siya ng banayad at may paggalang na halik ng binata dahilan sa pagpikit niya ng kanyang mga mata,matagal siyang hinalikan ni Div ng ganon na kaysarap sa kanyang pakiramdam at dahil wala pa siyang alam ay nanatiling nakaawang lang ang kanyang labi na hindi humahalik kahit kinukulikot na ng dila ni Div ang loob ng kanya bibig at napapaungol na lamang siya sa kiliting nararamdaman na hindi niya na magawang tumanggi o manlaban man lang.Nilunod na siya ng kakaibang sistema ng halik ng binata na maging ang takot niya dito ay unti unting naglaho,at kung kanina ay ayaw nito na hinahalikan siya ng binata ngayon ay kaibahan mas gusto niya ang paraan ng halik na iyon ni Div.Ilang minuto siyang hinalikan ni Div na wala itong tugon mula sa kanya ngunit tila hindi sumusuko si Div na patugunin siya sa halikan na namagitan sa kanila.
Kaya unti unti niyang ginalaw ang kanyang labi,marahang tumugon sa mapag anyayang labi ng binata,humalik din siya sa mga labi ni Div dahilan ng paghigpit ng pagyakap ni Div sa kanyang likod na tila ba'y nagugustuhan nito ang kanyang halik.
Napahigpit siya sa pagyakap sa dalaga ng sa wakas ay tumugon ito sa kanyang halik at ngayon niyang batid na wala itong alam sa ganong bagay at huli na sa kanya para bawiin ang masasakit na sinabi niya patungkol sa dalaga.
Matagal nilang sakop ang labi ng isa't isa at nakakasabay narin si Margu sa paraan ng paghalik at galaw ng labi ng binata,pagkatapos ng mapusok at marubdob na halikan ay kapos ang kanilang hininga ng pinaghiwalay nila ang kanilang mukha,marahan siyang hinawakan ni Div sa mukha pagkatapos nun at pilit na hinuhuli ang kanyang paningin.
"Baby look at me now I wanna see you,your eyes baby"ani ng binata.
Malamlam niyang tiningnan ang binata na ngayon ay kay amo na ng mukha"I'm really really sorry sa mga nasabi ko sayo kanina,it was just because I feel jealous over that guy,please baby tell me na mapatawad mo pa ako please"pagsusumamo nito sa kanya.
Marahang humaplus ang kanyang kamay sa mukha ng binata at kinuha iyon ni Div sabay hinalikan ang kanyang palad"I'm so sorry baby"usal ulit ni Div.
"D-Dave!?mahinang usal ng dalaga sa pangalan niya,bagay na kinangiti niya at pabiglang niyakap ang dalaga.
Ang sarap sa pandinig niya ang paraan ng pagtawag ni Margu sa pangalan niya.Kay sarap sa pakiramdam na tinuri siya ngayon ni Margu na isang lalake at hindi isang amo.
"Oh Margu baby it's really good to hear my name the way you call it"anito sa dalaga at humiwalay sa pagyakap nito.
"I want you to call me that way from now on baby"
"At bakit ko naman susundin yon?mahina niyang tanong dito.
"Because I want you to do so"
"Pag ayoko sundin anong gagawin mo?
"I will punish you with my kiss"ngiting wika ni Div.
Kinurot ni Margu ng pino sa tagiliran si Div"ouch you hurting me"anito sabay kuha ni Div sa kamay niya ngunit napansin niyang may dugo ang kamay ng binata dahil siguro sa pagsuntok niya sa pader kanina.
"Diyos ko Dave dumudugo ang kamay mo"nag-alala niyang sambit sa binata.
"It's okay just a minor injured"
"Kahit na kailangan parin magamot yan,teka kukunin ko sa bathroom ang medicine kit mo"aniya at humakbang na ito upang kunin ang medicine kit.
Napapangiti siyang sinundan ng tingin ang dalaga"I love you Margu"anang kanyang isip at bahagya itong ngumiti ngunit nawala din iyon ng maalala ang lalake kanina.
Ng maalala ang lalake ay agad siyang sumunod sa dalaga na nasa bathroom niya.
"Who is that guy!?maawtoridad na tanong niya sa dalaga na nasa kamay na nito ang medicine kit.
Humakbang palapit sa kanya ang dalaga eyes to eyes,face to face body to body kung sinong kukurap o magbaba ng tingin o di kaya uurong ay talo,bagay na nagpakunot ng noo ni Div at maya maya pa ay naramdaman niyang hinawakan siya ni Margu sa kamay at pahablot siyang hinila nito palabas ng bathroom at iginiya sa kama niya.
"Hey what are you doing?nabigla niyang sita sa dalaga na tangan tangan siya nito at patulak siyang pinaupo ni Margu sa kama niya.
"Hey you woman!
"Hey you hey you ka dyan,gusto mo puputulin ko lahat ng daliri mo sa kamay?asik ni Margu saka pahablot na kinuha ang kanyang kamay at sinimulang linisin ang natutuyo nitong dugo.
Napataas naman ang kanyang kilay sa binanggit ni Margu pero ilang sandali pa nakahuma narin siya at buong suyong pinagmamasdan lang niya si Margu habang nililinis nito ang kanyang sugat na hinihipan pa nito paminsan minsan.Masakit man dahil sa paglagay ng dalaga ng alcohol sa sugat nito hindi niya ininda iyon dahil masaya siya sa presensya ng dalaga.
"Baby!?tawag niya sa dalaga na kinatingin nito sa kanya.
"Hmmm...?mahinang sagot nito sa kanya at muli ding tinuon ang tingin sa ginagawa nito.
Sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi dahil pakiramdam niya ang lambing ng dalaga.
"Baby will you please tell me who is that guy?
Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya ng matapos nitong lagyan ng cream saka bandage ang sugat niya.
"That is exactly what I wanted to tell you a while ago but sad to say you don't have an ears to listen to me at all and now you wanted to know about him?what for?the damage has been done"taray na sagot ni Margu sabay irap sa binata na bahagya pang nakanganga ito habang nagsasalita siya.
Napailing naman siya ng ulo ng makahuma"w-wait
...what...?are you talking to me in english?nagulat niyang wika na hindi makapaniwala na may tinatago din pala itong talento akala niya nakakaintindi lang ito at hindi makapag salita ng english.
"Hindi po Senyorito Dave Primo Vincent salitang pang kalye lang po iyon kaya huwag ninyo ng problemahin pa okay?anito na bahagya pang pinalambing ang boses.
Sa tuwa niya dahil sa pa cute effect ni Margu ay bigla niyang niyakap ang dalaga sabay kinuyumos ito ng halik dahil napalakas ang pagsipsip niya sa labi ni Margu ay napa-aray ito.
"Hmmm...aaraayy ang labi ko masakit"ani ng dalaga.
"Oh I'm sorry that was me before"aniya at nakita nga niyang medyo namamaga ito at may maliit pang sugat"my Goodness what I've done to you baby"anito at hinaplos ng daliri ang labi ni Margu.
"A-aaw it's okay huwag mo ng hawakan baka lalong mamaga eh"anito na iniwas ang mukha.
Ng maalala kaya niya nagawa yon sa dalaga dahil sa selos sa lalake ay agad niyang hinawakan sa braso si Margu.Nagtaka naman si Margu sa ginawa ni Div kung kanina ay medyo hindi na siya natatakot dito ngayon ay muli na naman siyang nakaramdam ng takot dahil ganito ang itsura ng binata kanina na halos makapatay na ng tao.
"A-ano na naman bang problema mo?ani ni Margu na hindi niya maintindihan kung bakit ito paiba iba ng mood.
"Sino ang lalake na yon?tell me who the hell is he?how are you related to him?what kind of relation do you have with that fucking man!?sita nito sa kanya na matalim ang tingin.
"Alam mo para ka talagang babae na paiba iba ng mood,pwede ka naman magtanong ng hindi galit o di kaya'y manakit ng tao"anito sabay bawi nito sa kamay na hawak ng binata para sa kanya sobra na pagtitiis niya sa ugali nito.
Akmang lalabas na ito ng silid ngunit marahas siyang hinila ni Div sa buhok paharap dito.
"A-aaraayy Dave ano ba bitiwan mo ang buhok ko nasasaktan ako"anito na pilit inalis ang kamay ni Div sa buhok niya.
"You really gets hurt if you won't tell me if who is he"aniya sa dalaga na lalo pang hinigpitan ang paghawak sa buhok ng dalaga.
Ewan niya sa kanyang sarili pero gusto niyang manakit ng tao ngayon sa isiping may relasyon ang dalawa.At natatakot siyang sabihin ni Margu na may relasyon ito sa lalake na iyon bagay na mas lalong masasaktan sa kanyang kamay ang dalaga pag sinabi niya iyon.
"D-Dave ano ba nasasaktan ako pakibitiwan mo nga ang buhok ko,baliw ka talaga,bitiwan mo ako sasabi...."aahh
h araayy"daing ni Margu at hindi natuloy ang sasabihin nito ng hinablot ni Div ang kanyang buhok at sabay hinawakan ang kanyang baba palapit sa mukha ng binata.
"Now tell me is he your boyfriend that bastard man!?wika pa nito na halos idikit niya na ang labi sa pisngi ni Margu.
Umiyak na si Margu sa sakit sa paraan ng paghawak ni Div sa buhok niya"h-hi....aahhh Dave nasasaktan na ako...ta-tama na...maawa ka..."reklamo niya sa pamamagitan ng pagpaliwanag sa binata dahil lalong dumidiin ang paghawak nito sa buhok niya.
Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak ng buhok ng dalaga sa bugso ng pagseselos niya"you'll gets hurt more than this if you dare to mention that he's your...."
"D-Dave makinig ka muna sa akin"aniya sa pamamagitan ng pag- iyak"hindi ko naman siya boyfriend at wala kaming relasyon!!bakit ba ayaw mo akong bigyan ng pagkakataong sumagot!!"hagulgol na sagot ni Margu na pilit parin niyang inaalis ang kamay ni Div sa kanyang buhok.
Napabitaw naman si Div mula sa pagkakahawak niya sa buhok ni Margu at paghawak ng baba nito kasabay nun ay mabilis ng lumabas ng silid si Margu na luhaan dahil sa ginagawa sa kanya ni Div.
"Margu!?tawag niya sa dalaga habang sinusundan ito ngunit mabilis ng nakababa sa hagdan ang dalaga,gusto niya itong tawagin ng malakas ngunit nag alala siya dahil baka makagising ang mga tao sa Mansion.Gusto niya din itong sundan sa quarters nila ngunit natatakot din siyang baka maka disturbo siya sa kasama ni Margu dahil hanggat maaari ayaw pa muna niyang malaman ng sa loob ng Mansion ang tungkol sa kanila ni Margu o kung ano man ang nangyari sa kanila.
"Damn it...damn it!!!mura nito sa sarili sabay sabunot ng sariling buhok at muling sinuntok ang pader"oooucchh bullshit!!!aniyang halos pinipigilan ang sumigaw sa naramdamang sakit ng kamay niya dahil baka makalikha siya ng ingay.
Pagdating ni Margu sa kwarto nila ni Ana ay agad itong tumungo sa CR nila hindi niya na napansin na nakahiga na si Ana ngunit dilat na dilat pa ang mata.Nagtaka siya na diretso sa CR si Margu na parang umiiyak naaninag niya iyon kahit lampshade lang ang ilaw na ginamit niya ngayon.Sinabihan niya si Margu kanina na labasin si Laurence dahil narin sa guards sa loob na may naghahanap umano kay Margu bagay na pinayagan niyang makausap ni Margu si Laurence sa labas dahil magkakilala naman silang tatlo.Ngunit ngayon kung bakit nagka ganito si Margu sa isip niya ano kayang ginawa ng mokong na iyon sa kaibigan niya?patay ka ngayon lalake ka pag nalaman kong pinaiyak mo kaibigan ko anang kanyang isip saka bumangon at tumungo sa CR alam niyang hindi ito nai lock ni Margu.
Sa loob naman ng CR ay patuloy parin sa palihim na pag iyak si Margu,gusto niyang sumigaw at umiyak ng malakas ngunit pinipigilan niya iyon dahil ayaw niyang makahalata si Ana.Umiyak siya ng umiyak habang hawak ang masakit niyang ulo kung saan bandang hinablot ni Div ang kanyang buhok,nakaramdam din siya ng pamamanhid sa kanyang labi na lalong nagpatulo ng kanyang luha.
"Walanghiya ka!!napakasama mong tao!!!walanghiya ka!!walanghiya ka!!walanghiya ka!!mura niya sa binata habang inu-untog ang ulo sa pader na iyon lang ang masabi dahil hindi likas sa kanya ang magmura at magbitiw ng masamang salita.
Yon ang tagpong nakita ni Ana ng binuksan nita ang pintuan ng CR nagmumura ito habang inu-untog ang ulo.
"Hoy bestie ano ka ba nababaliw ka ba?bakit mo sinasaktan ang sarili mo?aniya at pinigilan si Margu sa ginagawa nito sa sarili.
Huli na para magtago at umiwas si Margu kay Ana dahil kitang kita na siya nito kaya marahan siyang nagpunas ng luha.
"B-bestie ikaw pala...ba-bakit bigla bigla ka nalang papasok dito?aniya kay Ana sabay iwas ng mukha sa huli.
"Importante ba sayo na tanungin ako niyan sa sitwasyon mo ngayon?di ba at ako dapat ang magtanong kung bakit ka nagkaganyan?tanong ni Ana sa kanya.
"Ha?ah w-wala ito bestie huwag mo na akong alalahanin"
"Margu pwede ba naman na mag sawalang kibo na lang ako dito sa nakikita ko sayo ngayon?ano ba kasing nangyari sa inyo ni Laurence?may ginawa ba siyang masama sayo kanina?
"Ah hindi...wala naman...wala siyang ginawa sa akin bestie"anito na umiiwas parin ng tingin dito.
"Pwede bang walang nangyari sayo sa lagay na yan Margu?bestie ano ba ako sa buhay mo hindi ba magkaibigan tayo?so what is friends for kung kahit sa konting problema mo ayaw mong sabihin sa akin?
Dahil sa sinabi ni Ana ay pabigla siyang napayakap ng mahigpit dito at hindi niya na kayang pigilin ang sarili napahagulgol siya habang niyayakap ito ng mahigpit na hinahagod hagod ni Ana ang kanyang likod ng sa ganon maibsan ang bigat na nararamdaman nito ngayon.
"Sige bestie idaan mo lang yan sa pag iyak hanggang maging okay ka na,at kapag okay ka na ipangako mong sasabihin mo sa akin okay?ani ni Ana habang hinahagod siya sa likod.
Dahil pakiramdam niya paos na siya sa kakaiyak ay tumango na lamang siya dito ng paulit ulit na umiiyak parin.
"Shhh tama na ang pagluha baka mamaga ang mata mo kinabukasan"ani ni Ana at tiningnan siya sa mukha gayon na lamang ang paglaki ng mga mata nito ng makita ang kanyang labi"oh my God bestie sino...sino..sino ang may gawa nito sayo ha?tanong nito sa kanya na tinutukoy ang labi niya.
"Bestie patawarin mo ako pero pagod ang katawan ko ngayon pati isip ko,bestie gustong gusto ko na itong itulog kaya pwede bang bukas na tayo mag-usap please?
"H-ha?pagod ka...pagod ang katawan mo?bestie sinuko muna agad ang bataan ng ganon ganon lang?
Nabigla siya ng buong suyo itong niyakap ni Margu"bestie huwag kang mag alala,buo parin ako,buong buo pa ako at nagsasabi ako ng totoo"
"G-ganon ba?sige...sige matulog ka na doon dahil maaga ka pa gigising bukas para gisingin si Senyorito"
Bahagya siyang napaubo pagkabanggit nito ng Senyorito.
"O ayos ka lang ba"
"OO bestie sige na matulog na tayo,magpapalit lang ako ng damit ko"
"Okay sige mauuna na ako"ani ni Ana at lumabas na ng silid na naguguluhan parin sa kaibigan.
Ng gabing iyon ay madali ding nakatulog si Margu dahil siguro sa pag-iyak nito kaya napagod ang mga mata gayon din ang katawan na sobrang pagod din pero sa umaga ay ganon parin naman maaga parin itong gumising,matamlay siyang kumilos dahil sa isip niya makikita na naman niya ang binata bagay na gusto niya sanang iwasan ngunit wala siyang magawa dahil ito ang trabaho niya.
Nag sign of cross pa muna siya bago lumabas ng silid niya upang gisingin ang amo.Amo?teka ano nga bang relasyon meron sila ni Div?hindi naman ito nagtapat ng pag ibig sa kanya pero hinalikan na siya nito at parang jealous boyfriend pa kung makasita sa kanya na kulang nalang ay patayin siya nito.Marahan niyang pinilig ang kanyang ulo sa isiping iyon habang binabagtas na nito ang living room patungo sa hagdan na paakyat sa ikalawang palapag.
Mahihinang hakbang ang kanyang ginawa habang iniisip niya na tumutugon din naman siya ng halik sa binata,hinahayaan din naman niyang yakapin siya nito ng mahigpit at halikan ng paulit ulit sa totoo nga eh ang binata ang nagturo sa kanya kung paano ang tamang paghalik.Nandoon pang nakaramdam siya ng ibayong saya sa kanyang puso sa tuwing tinatawag siya ni Div ng "baby" na gusto niya iyon na lamang sana ang itawag nito sa kanya at hindi rin niya mawari sa sarili kung bakit kusa na lamang niya tinawag si Div sa unang pangalan nito.
At ngayon ay naguguluhan siya sa kanilang sitwasyon kung ano ba sila talaga ng binata?Dahil sa lalim ng iniisip hindi niya namalayan na nasa harap na pala siya ng pintuan ng kwarto ng lalakeng laman ng kanyang isip ngayon.Marahas siyang napabuga ng hininga at nagpasyang katukin ang pinto at sa kanyang pagkatok sana ay bigla na lamang ito bumukas at tumambad sa kanyang harapan si Div na gulong gulo ang buhok,na ang damit nitong pantulog hindi niya na mawari kung saan ba banda ang unahan at likuran nito at halata din ang pa mumugto ng mga mata nito bagay na pinagtataka niya.
Kumilos ang kanyang bibig upang sana magtanong kung anong nangyari dito ay nagulat nalang siya ng kinabig siya ni Div papasok sa silid nito at sinara ang pinto sa pamamagitan ng paa nito at buong suyo siyang niyakap ni Div na hindi niya magawang itulak.Palagi nalang ganito...palagi nalang siya ipagkanulo ng kanyang sariling katawan,ng sa wakas ay nagsalita si Div habang yakap parin siya nito.
"I don't know how to say sorry anymore baby"usal ni Div sa kanya.
Napasinghap siya sa narinig mula sa binata,heto na nga ba eh,heto na naman ang kahinaan niya,ng muli ding nagsalita si Div.
"Baby I promise that I won't hurt you anymore...I believe in you...I believe na wala kayong relasyon...and that is the reason why I got mad and cause of hurting you"ani ni Div na hiniwalay siya mula sa pagkakayakap nito.
Walang salitang lumabas sa kanyang bibig na mataman niya lang ito tinitingnan gusto niyang marinig mula sa binata kung bakit niya ginagawa ito at bagay na ayaw din niya itong tanungin kung ano nga ba ang dahilan ng lahat ng ito,dahil ayaw niyang sagutin ng binata na hindi naaayon sa gusto niyang malaman at ayaw niyang umasa dahil madali man aminin ang tungkol sa nararamdaman niya ay may bahagi na ang binata sa puso niya.
Naguguluhan naman si Div sa nakikita sa dalaga wala itong ka emo-emosyong tumitig lang sa kanya bagay na kinabahala niya dahil baka tatanggihan siya ng dalaga kung magtapat siya ng nararamdaman dito but he already decided last night na sasabihin niya ang feelings niya para kay Margu nandon din ang konsensya na nararamdaman niya dahil nagkasugat ang labi ng dalaga.
At ng mapansin niyang tahimik parin ito ay muli siyang nagsalita para sa kanya bahala na basta ang importante malaman ni Margu na mahal niya ito"I did that because I feel jealous of that guy,and I don't want to see you with other guy because I'd suddenly losing my control and thinking that you might lost from me is already getting into my nerves,I madly feels all of those because I...."
Knocking at the door in his room of stoping him to say his feelings about Margu.
"Damn it!!mura nito at tumingin muli sa kanya"baby you can open the door and prepare my things then"pabulong nitong wika sa kanya sabay ginawaran siya ng banayad na halik sa kanyang labi at tumungo na ito sa bathroom.
Ng makapasok ang binata ay naguguluhan parin siya sa mga sinasabi nito at tinungo ang pintuan para pagbuksan ito na nasa kanyang mukha parin ang labis na pagtataka.
Nagulat siya kung sino ang nasa kanyang harapan ng buksan niya ang pinto.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
TeenfikceSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...