"No!No!No! Hindi totoo yan!!wika ni Margu habang umiiling.
"Hija"sambit ng kanyang ina at dinaluhan siya.
"This can't be true Ma,darating si Dave..pupuntahan niya ako at ang kambal namin diba Ma?darating si Dave,darating siya"wika niya habang hilam na ng luha ang kanyang mga mata.
Umiiyak narin ang kanyang mga magulang dahil naaawa sila sa dalaga pero mas naaawa sila sa binata.Ang tanging magagawa na lamang nila ngayon ay palakasin ang loob ni Margu at maging sila man.Ang pagkamatay ni Div is really a big lost for them.
Lumabas din ng araw na iyon sa hospital si Margu dahil sa kagustuhan narin niya at hindi niya alam kung bakit wala siyang sakit na nararamdaman sa panganaganak kundi sakit sa puso ang naramdaman niya ngayon.Ayaw man ng kanyang mga magulang ay wala ng nagawa ang mga ito.Pumunta sila sa morgue at inalalayan nila si Margu dahil alam nilang mahina pa ito pero mapilit pumunta sa morgue upang makita ang sunog na bangkay ng binata.
Napaluhod siya ng makita ang bangkay ni Div,ayaw niyang tanggapin ang nangyari at hindi ito maaaring mangyari,hindi siya handa hindi pa,hindi pa panahong mawala sa kanila si Div dahil marami pa silang mga pangarap na dapat tuparin.Magpapakasal pa sila ni Div at bubuo ng masayang pamilya at silang dalawa dapat ang mag-aalaga sa kambal tulad ng pag-aalaga ni Div sa kanya.Pero,ang lahat ng iyon ay biglang naglaho sa isang iglap lang,ang lahat ng iyon ay hanggang pangarap na lang ba?gusto niyang sabihin na sa dinami daming tao sa mundo ang pwedeng mawala ngayong araw bakit si Div pa?bakit si Div pa?
"Daaaaavvvvvvveeeeeeee!!!sigaw niya habang umiiyak.
"Hija"wika ni Senyora Maria.
"Ayoko!hindi maaari to..hindi pwedeng mamatay si Dave..hindi siya pwedeng mawala sa amin.hindiiiiii
ii...hindiiiiiii"aniyang sumisigaw habang niyuyugyog ang bangkay"Dave hindi ngayon..hindi sa ganitong paraan Dave..hindi ka maaaring mamatay kailangan ka pa namin,kailangan ka pa ng kambal natin Dave kaya gumising ka!!!!mabuhay ka Dave parang awa muna!Utang na loob mabuhay ka Daaaaavvvvveeee
ee"paghihinagpis niya habang nakaluhod parin.
Awang awa ang kanyang pamilya ngunit maging sila man ay nagdadalamhati sa nangyayari sa kanilang anak.
"Hija tama na yan wala na tayong magagawa,hindi na natin maibabalik ang buhay ni Div"ani ni Manang Cora na umiiyak din.
Patuloy parin sa pagtangis si Margu hindi niya kaya,hindi niya kayang mawala si Dave.
"Hindi ko kaya..please Dave hindi ko kayang mawala ka hindi ko matatanggap kaya please lang magbalik ka sa amin Dave..Dave..Daaaavvveeee!!!
Naabutan ng mga kaibigan ni Div ang pagtangis ni Margu at maging sila man ay hindi makapaniwalang wala na ang kanilang kaibigan.Sumunod sila dito dahil tinawagan sila ni JB na balak sana ng mga ito ay sa hospital pumunta para sana bisitahin si Margu pero hindi nila inaasahang magkasabay pang nangyari ang lahat ng ito.
Hilam parin sa luha si Margu ng umuwi na sila sa kanilang bahay,umuwi narin ang pamilya ni Div at napagkasunduan nilang huwag ng ipabalita ang nangyari sa binata,gusto nilang gawing pribado ang pagkawala ng heredero ng mga Montenegro.
Pagpasok ni Margu sa kanilang silid na inalalayan ito ng kanyang ina at ama ay biglang sumikip ang kanyang dibdib.Dito sa silid na ito sila maraming alaala ni Div,nagkukwentuhan ng kung ano ano at nagpaplano para sa kanilang buhay.Muling naglandas ang kanyang mga luha dahil sa mga naalala at sabihin pang nakita niya ang kanilang kambal na mahimbing natutulog.Hindi niya alam kung paano tanggapin ang lahat ng ito,paano niya haharapin ang bukas na wala ang binata sa kanila?
"Baby tama na ang pag-iyak makakasama sayo yan isipin mo ang kambal mo"ani ng kanyang ama.
Diyos ko lalong nagsusumikip ang dibdib niya at parang sinuntok ang puso niya dahil sa paraan ng pagtawag sa kanya ng ama.Hinding hindi niya na maririnig ang pagtawag sa kanya ni Div na baby.At alam niyang mangungulila siya sa binata.
"Hija magpahinga ka na muna ha it's really a long day for you"ani ng kanyang ina.
"Little sis I will be the one who take cares of the twins so you don't have to think about it too much okay?mungkahi ni JB na awang awa sa kapatid.
"P-paano ko tatanggapin ang lahat ng ito?sana pag gising ko bukas ay panaginip lang ang lahat at nandito lang si Div sa tabi namin,o di kaya nag overtime lang sa trabaho kaya hindi nakapunta sa hospital.Mama,P
apa,kuya JB I really wanted to think just like that,dahil ang hirap pong tanggapin eh ang sakit sakit po,ang bigat sa dibdib"lumuluha niyang wika sa mga ito.
Niyakap siya ng mga ito kung sana ganon na lamang na sana panaginip na lamang ang nangyari,pero hindi eh dahil totoo ang lahat.Alam nilang mamimiss nila ang binata at mamimiss din nilang magbarkada ang presensya ni Div ngayong wala na ito.
Kinabukasan halos hindi pa sumikat ang araw ay gising na si Margu,hindi din siya masyadong nakatulog kagabi dahil si Div ang laman ng kanyang isipan.Tiningnan niya ang kambal at mahimbing parin ang mga ito natutulog at ang kuya niya ang nagbabantay sa kambal.Walang emosyong sinilip niya sa crib ang anak at napabuntong hininga.Tumungo siya sa closet kung saan nandon ang mga damit ni Div pinadaanan niya ng kanyang palad ang mga ito,hinawakan saka niyakap at muling naglandas ang kanyang luha.
"Diyos ko hindi ko na kaya to tulungan po ninyo akong tanggapin ang lahat,tulungan po ninyo akong mabuhay na wala ang taong pinaglalaanan ko ng puso ko,tulungan po ninyo ako alang alang sa mga anak ko at sa mga taong nagmamahal sa akin"mahina niyang usal habang nakaluhod sa sahig at yakap yakap ang damit ng binata.
TWO YEARS LATER:
"Davin,Mara are you two ready?tanong ni JB sa mga bata.
"Yes po Daddy we are ready"masayang sagot ni Davin.
Nasa mall sila at naglalaro ang kambal,hindi sumama si Margu dahil marami itong trabaho sa opisina,dahil isa na itong President sa kanilang kompanya.Savellian Real Estate.Ayaw naman kasi ni JB na mamahala ng Real Estate Business nila dahil ang gusto niyang papatakbuhin ang kanilang Hacienda.
"That's good kiddos then here we go"aniya sa mga bata na naglalaro sila ng racing car.
"Daddy I don't like playing racing car po"reklamo ni Mara.
Nilingon naman siya ni JB"okay sweetie,yaya Rina will play with you okay?aniya sa bata at kinausap ang yaya nito"Rina dalhin mo si Mara sa gusto niyang laruin"
"Okay po Senyorito JB"anang katulong at giniya na ang bata.
Matagal din silang naglalaro at napagpasyahan ni JB na kumain muna bago umuwi ng Bungalow kaya pumunta sila sa food court.
"Daddy I want beef burger and french fries with mango shake"ani ni Davin.
"And for me Daddy I want chicken fillet and potato nuggets"ani naman ni Mara.
"And how about your drinks?
"Nothing Daddy I dont want"sagot ng bata.
"Okay I'm going to order our food and behave okay?
Sabay naman sumagot ang kambal"yes Daddy!panabay nilang sagot.
"Rina what do you want to eat?tanong niya sa katulong.
"Kahit na ano po Senyorito"
"Alright,take care of the kids okay?aniya bago iniwan ang mga ito.
Hindi malikot si Mara at kung saan mo ito ilalagay doon parin siya hindi rin pasaway at wala masyadong problema sa kanya.Kabaliktaran naman kay Davin na sobrang likot na hindi mapakali sa isang pwesto,pasaway at makulit matigas pa ang ulo at hindi mo mapagsabihan dahil uumbagin ka ng suntok oras na pipigilan mo sa ginagawa nito.Sa mga play ground nanununtok pa ng mga batang maglalaro kaya si JB ang palagi nitong kasama dahil kay JB lang siya takot sa lahat ng tao sa bahay nila.
"Davin stop it now"saway ni Rina dahil umalis ito sa upuan at pumunta sa mga mesa ng ibang tao.
"No!tanggi niya at nangungulit parin.
"Daddy JB is coming Davin"panakot ni Rina.
Lumilinga linga ito pero wala naman ang Daddy niya kaya tiningnan ng matalim ang katulong.
"Don't lie it's bad okay?aniya kay Rina.
"Don't be too stubborn also it's bad okay?dipensa ni Rina.
"Bleeeehhhh"binelatan lang siya ng bata saka umismid at bumalik na sa upuan.
"Davin don't do that again to yaya Rina it's bad"saway ni Mara na nakaupo lang ito.
Binatukan siya ni Davin at sinundot ang ulo nito.
"Heeyyy Davin stop it"saway ni Mara at umiilag ito.
"Davin halika nga dito grabe ka talaga kapasaway ba"ani ni Rina at binuhat ang bata saka pinaupo sa tabi niya.
"Heeeyy let me go"pagpupumiglas ng bata dahil hinawakan siya sa kamay.
"Davin what's going on here?agad na tanong ni JB at dala na nito ang kanilang pagkain.
"Daddy look yaya Rina she's not allowing me to sit on my chair"agad nitong sagot.
"Eh kasi po Senyorito inaaway niya si Mara kaya pinaupo ko sa tabi ko"
"Liar!asik ni Davin.
"Davin!?sita ni JB sa bata at tumahimik naman ito"don't say it again get it Davin?alam narin kasi nila ang ugali ng bata na ito kaya hindi na sila maniniwala kahit nagsusumbong lalo na tungkol sa mga katulong nila.
"Yes po Daddy"aniyang maayos ng umupo.
Kumain na sila pero si Davin binabato ng french fries ang walang imik na si Mara.
"Heeyy Davin!sita ni Mara.
Napatingin naman si JB kay Davin at tumigil ito na animo'y walang ginawang kalokohan.Napapailing na lamang si JB sa bata dahil nakikita niya ang ugali ng kaibigang namayapa kay Davin habang si Mara naman ay ugali talaga ni Margu.
On the way na sila pabalik ng Bungalow and as usual si Davin lang ang malikot sa kotse,binubuksan nito minsan ang windshield ng kotse at dumudungaw,minsan naman bubuksan ang sa itaas at tatayo para makatingin sa labas,at kapag pagod na ito eh ang kapatid na naman ang kukulitin,aalisin ang headband ni Mara o kahit anong makita sa buhok ng kapatid eh tatanggalin.Kapag umiyak na ito saka pa hihinto sa pangungulit.Minsan naman ang yaya nila na susundutin ang tainga o di kaya laruin nito ang buhok ng huli.Grabeng bata talaga.
"Davin behave now"ani ng katulong dahil pinagdidiskitah
an na naman nito ang buhok niya.
"Davin sit properly come on"sita ni JB habang nagmamaneho.
At kapag umupo naman ito kailangan ang isang kotse ay para lang dito dahil kung saan saan pinapatong ang paa.Mangungunsumi ka talaga pag ito ang inaalagaan mo mabuti nalang at matiisin ang kanilang mga katulong dahil alam nilang bata ito.
"Daddy!?tawag ni Davin kay JB habang nakahiga ito sa upuan at nasa taas ang mga paa.
"Yes baby boy?
"I wanna go to grandpa and grandma house"ang mga Montenegro ang tinutukoy niya.
"Right now?
"Yes po Daddy"aniya.
"Mara sweetie would you like to go there too?
"Natulog po siya Senyorito"sagot ni Rina habang karga niya ito.
"Oh okay"
Makalipas ang ilang minuto ay nasa Mansion na ang mga ito,ginising narin nila si Mara.kaagad sila pinagbuksan ng mga guards.Nasa living room ang mag asawa ng pumasok sila at kaagad tumakbo ang mga bata patungo sa kanilang lolo't lola.
"Oh our cute twins are here"anang Senyor at pinugpog ng halik ang kambal.
"Ako naman ang hahalik sa mga cute naming apo"ani naman ng Senyora sabay halik din sa mga bata.
"We miss you po grandpa and grandma"ani ni Davin.
"Where's lola Cora po?tanong naman ni Mara.
"Lola Cora is not here baby may pinuntahan"sagot ni Senyor.
Nakaupo lang si Mara sa tabi ng lolo at lola habang nag uusap naman sina JB at mag asawa.At sympre si Davin eh nalibot na kaagad ang Mansion habang may katulong na nakabuntot sa bata.
"Galing pala kayo sa mall?tanong ng Senyora.
"Opo Tita Amalya at pauwi na kami biglang naisip ni Davin na pupunta daw dito"
"Mabuti naman at pumarito na kayo dahil balak namin pumunta sa inyo bukas para sana makita ang mga apo namin"ani naman ni Senyor.
"Sasabihin ko po kay Margu kung pupunta kayo sa bahay bukas"
"Yaman din lang nakita na namin ang kambal baka sa susunod na araw na kami makapunta sa inyo,ikumusta mo na lang kami kay Margu"anang Senyor.
"Sige po kayo ang bahala,opo sasabihin ko kay Margu"aniya sa mga ito.
Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay nagpaalam na sila upang umuwi,maghahapon narin naman.
Ilang minuto pa ay dumating na sila kaagad sila sinalubong ni Bianca Mae.Kasal na sila ni JB isang taon na ang nakakalipas at ngayon nga ay naglilihi na si Bianca Mae ng una nilang magiging anak.
"Honey mabuti at dumating na kayo"salubong niya sa asawa at hinalikan ito saka pinugpog ng halik ang kambal"hello kiddos kumusta ang paglalaro ninyo ng Daddy hmm?
"I'm having fun po Mama Bianca"sagot ni Mara at nagpapabuhat kay Bianca.
"That's good and how about you baby boy?lingon niya kay Davin.
"I'm having fun too Mama Bianca"at tumuloy na ito sa living room saka humiga sa sofa.
"Maybe he's tired ang likot likot kasi"ani ni JB at sabay na silang pumunta sa living room at ini-on ang TV.
Habang nanonood sila ng TV ay dumating na ang mag asawa.
"Hello everyone what's up?tanong ng Senyor.
"Hi Papa,Mama"ani ni JB at humalik sa mga magulang pati si Bianca.
"Uhm behave yata ang isa dyan"pansin ng Senyora sa apong lalake.
Seryoso kasi itong nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV pagkatapos nito magmano sa kanila.
"Napagod yata Ma kasi galing din kami kina Tito at Tita nagyaya kasi siyang dumaan doon"
"Really?siguro nga pagod yan"sagot ng ina.
Naghahanda na ang mga katulong ng kanilang hapunan at nagpaalam naman ang mag asawa na magpapalit ng damit at pinalitan narin ni Rina ng damit ang kambal.
Nasa mesa na silang lahat siya namang pagdating ni Margu agad siyang tumungo sa kusina upang batiin ang mga ito.
"Hello guys kumusta kayo dito?and how's my lovely twins are you two had fun?aniya sabay humalik sa mga ito at binuhat isa isa ang kambal at pinugpog ng halik.
"Yes po Mommy we're having fun"sagot ni Mara at buong higpit niyakap ang ina.
"And we went to grandpa and grandma house po Mommy"ani naman ni Davin at yumakap din sa ina.
"Oh really?that's good then,okay now go back to your sit our sweet twins and I'm going to change my dress and come back okay?
"Okay Mommy"panabay na sagot ng kambal.
Masaya silang tinitingnan ang mag inang masaya na ngayon lalo na si Margu,nasaksihan din nila kung paano ito nahihirapang tanggapin ang pagkawala ng ama ng kambal.Na halos ikakamatay din ng dalaga mabuti na lamang andyan sila at laging sinasabi sa dalaga na may kambal pa siyang dapat isipin at kailangan siya ng kambal.Nagpapasalamat naman sila na unti unting bumabangon si Margu mula sa pagdadalamhati hanggang sa bumalik ito sa normal at ngayon heto nga at masaya siya kasama ang kambal.
Pagkatapos nilang maghapunan ay pumasok na sa silid nila si Margu at ang kambal,dahil alam naman kasi ng kambal na hindi si JB ang ama nila at patay na ito.Pero dahil si JB ang namulatan nila kaya Daddy ang tawag nila sa kuya niya at hanggang sa nagpakasal nga ito ay Daddy parin ang tawag.
"Mommy!?tawag ni Mara habang nakahiga na sila.
Sa gitna siya sa magkambal"yes sweetie?
"If I die,am I going to meet our real Daddy in heaven?seryoso nitong tanong.
Kinilabutan si Margu sa tanong ng anak.
"Please sweetie don't talk about it again okay?
"Oh I'm sorry Mommy I promise I won't talk about it again"agad naman nitong wika.
Niyakap niya ang anak at paglingon niya kay Davin ay nahimbing na ito,nagpapaantok narin si Mara.Inisa isang hinalikan ang kambal at siya man ay gusto naring matulog.
SAMANTALA naghahanda na si Paolo upang matulog dahil maaga pa siya bukas mamasada ng marinig niya ang tawag ng kanyang ina.Kaya agad niya itong pinuntahan sa maliit nitong silid.
"Inay bakit po may nasakit ba sa inyo?agad niyang tanong sa inang sakitin.
"Anak pakikuha nga ako ng tubig inuubo na naman ako"utos nito sa anak.
Mabilis naman sumunod si Paolo upang kumuha ng tubig,ilang saglit pa ay bumalik na ito dala ang basong may tubig.
"Heto po Inay saka uminom narin po kayo ng gamot"aniya sa ina.
"Salamat anak sige na anak matulog ka na dun"utos nito sa anak.
"Wala na po kayong kailangan Nay?
"Wala na anak sige na matulog ka na"
Hinalikan muna ang ina bago ito iniwan upang bumalik sa sarili niyang silid.
Nakahiga na siya sa papag at muling inisip ang kalagayan ng kanyang ina.Nalumpo ito dahil naaksidente ang kanyang mga magulang sa minamanehong jeep ng kanyang Itay at iyon din ang ikinamatay ng kanyang ama.At mula ng mangyari iyon ay siya na ang taga pasan ng responsibilidad para sa kanilang mag ina.At ang pamamasada nga ang kanyang hanapbuhay.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Fiksi RemajaSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...