HABANG sa bahay ni Aling Minda ay hindi siya mapakali paano kasi gabing gabi na ay wala pa ang asawa niya.
"Carding nasaan ka na ba ang sabi mo kanina hindi ka gagabihin ng uwi"kausap nito sa sarili habang ang mga mata ay nakatuon lang sa kalsada.
Nakalabas narin si Mang Carding sa Hospital at nagbiyahe na silang tatlo para ihatid ang matanda sa Tandang Sora kung saan sila nakatira. Dumaan din sila sa mini store para bumili si Div ng mga groceries para sa mga magulang ni Margu,na kahit tumanggi ang dalawa ay wala parin silang nagawa dahil nagpupumilit ito.Habang sa biyahe ay walang imik ang binata na pasulyap sulyap lang sa front mirror dahil nasa likod ang mag-ama,kung hindi tented ang kotse niya tiyak mapagkamalan siyang driver ng mga ito.
"Itay huwag niyo po kalimutan inumin ang gamot ninyo ha para po mabilis kayong gumaling"
"Opo anak gagawin ko yan"birong sagot ng matanda na ikinatawa naman ni Div.
Almost an hour silang nagbiyahe ay narating narin nila ang lugar kung saan nakatira sina Margu.
"Ahm Senyorito pwede ninyo na po ihinto sa may kanto"ani ng dalaga.
"Dito ko lang ba i-park ang kotse ko Margu"?tanong niya sa dalaga.
"OO Senyorito kasi hindi na po makakapasok sa loob"sagot niya sa binata at inalalayan ang kanyang ama upang makalabas"halika na Tay labas na po tayo"aniya sa ama.
"Margu wait...just wait there"ani ng binata saka mabilis ng umibis ng kotse at pinagbuksan si Mang Carding na inalalayan pa niya itong makababa.
"Salamat Senyorito"ani ng matanda.
"No,Div nalang po itawag ninyo sa akin"ani ng binata na ngumiti pa dito.
Tumingin lang ang dalaga sa mga ito at binitbit na ang pinamili ng binata,kinuha naman ito ni Div ng makita na bitbit niya lahat"ako nalang po Senyorito"tanggi niya dito.
"No I will bring it all"ani ng binata.
Oh siya edi magpa-alila ka"anang kanyang isip at maya't maya pa ay magkasabay na silang naglakad patungo sa bahay nila Margu na ilang hakbang pa mula sa kalsada.
Malayo pa lang ay natanaw na ito ni Aling Minda kaya agad siyang sumalubong sa asawa at anak na nagtataka kung anong nangyari.
"Anak bakit ka nandito?at Carding ano yang nasa ulo mo ha?bakit napaano ka?anong nangyari sayo?sunod sunod na tanong nito sa kanila.
"Minda pumasok muna tayo sa loob ng bahay,halina kayo anak"ani ni Mang Carding at tumango sa binata.
Ng nasa loob na sila at napaupo na nila ang bisita,diretso naman sa maliit nilang kusina si Margu upang ayusin ang pinamili ng binata.Sa sala naman ay nag-uusap ang kanyang mga magulang kasama ang binata nasabi narin nila sa kanyang ina ang nangyari tulad niya sa una lang nagalit pero nawala din iyon ng maipaliwanag na ng binata.
"Nanay minda at Tatay Carding muli po akong humingi ng tawad sa nagawa ko,at maraming salamat po na pinatawad ninyo ako ng ganon kabilis.I wasn't expecting that you both can forgave me easily that's why I really thankful for that"ani ng binata.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa at ngumiting bumaling sa kanya"hijo sapat na sa amin na hindi mo pinabayaan ang asawa ko at binalik parin sa amin,hindi natin kagustuhan ang nangyari"
"Thank you so much po"ani ng binata at yumakap ito sa kanila na kinagulat nila.
Nagulat man sila ay tinapik tapik nalang nila ang likod ng binata upang ipabatid dito na ayos na ang lahat.
"Eheeemmm"tumikhim ang dalaga na kinalingon nila.
"Nay,Tay siguro po kailangan na naming umuwi sa Mansion"
"Ay oo nga pala hijo masyado ka na namin nagambala"ani ni Mang Carding.
"Siyanga makakaalis na kayo at baka hinahanap na kayo sa Mansion lalo na ikaw hijo"ani naman ni Aling Minda na tumingin sa binata.
"Uhm sige po Nanay,Tatay mauna na kami,mag-ingat po kayo at muli salamat po"sagot ni Div.
"Salamat din sa mga binigay mo at naitulong mo sa pambayad ng asawa ko sa Hospital"
"Wala po iyon maliit na bagay lang po"
"Sige po Nay,Tay uuwi na kami,at kayo na po ang bahala kay Tatay ha?
"OO anak huwag kang mag-alala ako na bahala sa Tatay mo"
"Sige anak palagi ka din mag-iingat ha?ani naman ni Mang Carding.
"Opo Tay"
"Ah siyanga pala anak muntik ko ng makalimutan,may pera ka pala galing kay Mona sahod mo daw,teka kukunin ko lang sa silid mo baka kailanganin mo"ani ni Aling Minda sabay hakbang na sana nito ngunit pinigilan siya ni Margu.
"Inay,Inay huwag na po,sa inyo nalang po iyon gamitin ninyo kung may kailangan kayong bilhin dito sa bahay"
"Anak naman eh"
"Sige na Nay huwag na po kayong tumanggi okay"?anito sa ina at niyakap ang mga ito.
Napapangiti na lamang si Div sa nakikita sa mga ito.
Wala silang imik dalawa habang pauwi sa Mansion ng maya't maya naisip ni Margu kung tumawag ba ito sa Mansion.
"Senyorito baka po nakalimutan ninyong tumawag sa Mansion"?
"Thanks for reminding me Margu pero tinawagan ko na si Nanay Cora kanina and I already told her what really happened"
"Aw okay po"aniya at tumahimik na.
"I'm sorry again Margu for what I've done to Tatay Carding"
"Ayos na po iyon Senyorito huwag mo ng alalahanin pa"
"Your family is really an ideal family,you guys have such a good personalities and kindhearted person"
"Salamat po Senyorito"
Ngumiti lang ito sa kanya at tinuon na ang konsentrasyon sa pagmamaneho.Hindi nagtagal dumating narin sila sa Mansion kaagad sila pinagbuksan ng security guard.
"Good evening po Sir"bati ng guard ng binaba nito ang windshield ng kotse.
"Good evening too Mang Edgar"
Pagkapark niya ng kanyang kotse ay agad itong bumaba at mabilis na pinagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Salamat po"ani ng dalaga na nahihiya baka may makakita sa kanila.
Ngunit nasulyapan niyang ngumiti ang dalawang guards bagay na kinayuko niya at humakbang na papasok sa Mansion.Sumunod naman ang binata sa kanya at pagdating sa tapat ng pintuan akmang pipindutin niya na ang combination code ng pinto ay maagapan itong pinigilan ng binata.
"Let me do it Margu just stay here okay"anang binata sa kanya.
Tumango lang siya at ng bumukas na ang door glass ay inilahad pa ng binata ang kamay nito na paunahin siya.
"Papasok na po ako sa kwarto namin kung wala na kayong ipag-uutos"lingon niya sa binata.
"Yeah...yeah go ahead and good night"
"Good night po"anito at humakbang na sana.
"Ahm Margu....
"Bakit po Senyorito?
"Uhm...ano...yeah Margu can you wait here for a while may kukunin lang ako sa kotse"
"Okay po"
Sinundan niya ito ng tingin na nagtataka sa kinikilos ng binata.Ilang saglit pa ay bumalik na ito na may dalang bulaklak.
Napakunot noo naman siyang tumingin sa binata,hindi naman niya napansin na bumili ito kanina ah.
"Margu...flowers for you"ani ng binata sabay bigay ng pumpon na magandang bulaklak.
"H-ha!?f-flowers fo...for me"?tanong niya sabay turo sa sarili.
"Yes,a peace offering I must say"
Ano daw peace offering?ano ba sa tingin ng kolokoy na ito may world war 4 sa kanilang dalawa?ay Diyos ko kahirap intindihin ang amo niya in fairness.
"Ah sige...okay po Senyorito at salamat"aniya sabay amoy ng bulaklak.
"Actually I bought that before the incident happened,for peace offering dahil may mali din akong nagawa sayo,while driving home nabangga ko si Tatay Carding knowing nothing at all,pagdating namin sa Hospital I waited for an hour at nakausap ko ang Doctor telling me everything is fine.When the checked up is done,I was worried how do I get to contact his family,I was helpless for a moment kasi hindi ko alam ang mga informations related to him so I went to the information desk to asked any informations about my patient and luckily they gave me his wallet which happened that I saw your photo with your mother"paliwanag ng binata.
Dahil sa narinig bigla siyang napayakap sa binata,hindi niya din maintindihan ang sarili pero gusto niyang magpasalamat sa binata sa mga nagawa nito para sa ama niya knowing na oo ito nga ang nakabangga sa kanyang ama pero hindi nito pinabayaan,hindi natakot sa kung anong susunod na mangyari,he is brave and strong enough to face the consequences no matter what might be come.At natitiyak niya na kung ibang tao ang nakabangga sa isang mahirap na tulad ng tatay niya malamang pabayaan nalang ito sa kalsada o di kaya dalhin man sa Hospital pero iiwan na lamang doon at tatakasan ang krimen na ginawa.
But this guy is totally different,he made an effort to beg for forgiveness from her family especially from her father.And she couldn't thankful enough for that.
Sandaling nabigla ang binata sa ginawa ng dalaga but he keep silent for a moment at niyakap din ang dalaga.
"Salamat...maraming salamat po Senyorito at pasensya na po kung napayakap ako"aniya at dahan dahang humiwalay sa binata.
"No..it's okay..I can be your friend Margu"ani ng binata.
"S-sige po salamat at salamat din sa bulaklak,mauna na po ako Senyorito"paalam niya dito.
"You're welcome..okay go ahead"aniya at sinundan lang ng tingin si Margu habang papasok ito sa maids quarter.
Pagpasok niya sa room nila ni Ana buong akala niya tulog na ito pero nadatnan niyang nakaupo ito sa kama niya na sa kanya nakatingin.
"Ahm...uh...hi bestie gising ka pa pala"?aniya sa kaibigan na umiiwas ng tingin na dahan dahang nilapag ang bitbit niyang bulaklak sa may mesa.
"Natural,hindi pa ako tulog eh"seryosong sagot ni Ana.
"Ah hehe oo nga maghugas at magpalit lang ako ng damit ko at matulog na tayo"aniya at papasok na sana sa CR ng magsalita si Ana.
"Kumusta na ang lagay ni Mang Carding"?
"Alam mo na pala"?
"OO nasabi na sa amin ni Manang Cora kanina,nagtanong kasi ako dahil hindi ko alam na umalis ka"
"Ganon ba?pasensya ka na nagmamadali kasi kami kanina,pero maayos na si Itay nai-uwi na namin sa bahay bago kami umuwi dito"
Tumayo si Ana at lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit"nag-alala kasi ako mula pa kanina at salamat ligtas siya"
Gumanti naman siya ng yakap sa kaibigan"salamat bestie,huwag ka ng mag-alala maayos na ang lahat"
"Oh siya sige na maghugas ka na doon at matulog na tayo"
Pumasok na siya sa CR at si Ana naman ay humiga na ito sa kanyang kama,ng matapos ito magbihis nahiga narin siya,nag-uusap sila tungkol sa kanilang pangarap at gustong gawin sa buhay habang nakahiga pampa-antok kumbaga kalaunan pa ay nakatulog na si Ana pero siya mulat pa ang mata,iniisip ang mga nangyari ngayong araw at sa kanilang dalawa ni Div nagpapasalamat siya na hindi siya kinulit ni Ana tungkol sa bulaklak.
ALAS SAIS ng madaling araw nagising si Margu kaya dali dali siyang kumilos ayaw niyang mahuli sa paggising sa kanyang amo.Nahirapan naman kasi siyang makatulog kagabi dahil maraming iniisip.
Diretso siya sa kwarto ng binata ni nakalimutan ng kumatok bago pumasok sa silid,nadatnan niyang nakatihayang natulog ang binata na tanging maliit na saplot lamang ang suot nito.Pagkalamig ng Air con ni hindi man lang ito magkumot dios mio!!!
Pabigla siyang tumalikod sa binata upang huwag makita ang bagay na iyon"Senyorito gumising na po kayo at umaga na"aniya sa binata ngunit walang sagot at ayaw din niyang lumingon.
"Diyos ko ano bang gagawin ko"?aniya sa sarili at may naisip siyang gawin.
Kaya dahan dahan siyang lumakad ng paatras patungo sa kama ng binata at ilang hakbang pa ng paatras ay naramdaman niya na ang kama ng binata na bahagyang bumangga sa kanya paa.
"Hay salamat naman narating ko rin"usal niya saka dahan dahan niyang kinapa ang kumot ng binata.
Paghawak niya ng kumot ay buong lakas niyang hinablot ito tinakip sa katawan ng binata kasabay din ng pagharap niya dito,matagumpay naman niyang nagawa iyon,sorry guys dalagang pilipina ako eh kaya may pagka sensitive pagdating sa bagay na iyan.
"Senyorito?Senyorito?gising na po kayo"aniya sabay yugyog ng balikat ng binata.
"Hmmmm...."ungol naman ng binata sabay bumaling ito paharap sa kanya at dahil nakayuko siya nahagip siya ng kamay ng binata at napasubsob sa kama.
"Punyemas naman to oh"piping usal sa sarili at pilit na inaalis ang mabigat na kamay ng binata sa kanyang batok.
Pero nagtaka siya ng bahagyang humigpit ang pagkapit ng kamay ng binata sa kanya.
"S-Senyorito g-gising na po ba kayo"?tanong niya sa mahinang boses.
Dahil magkalapit lang ang kanilang mukha,tumingala ito sa binata at nakita niyang pikit pa ang mga mata nito.
"Senyorito gumising na po kayo at baka mahuli kayo sa trabaho ninyo"ulit niyang wika sa binata at akmang aalis ito pero lalo siyang niyakap ng binata.
"S-Sen...Senyori...!!!
"Please stay like this for a moment please"ani ng binata habang nakapikit parin ang mga mata.
Hindi niya maintindihan pero hindi niya magawang magalit o mainis sa ginawa nito sa kanya.At ng hindi na siya pumalag naramdaman niyang bahagya siyang hinalikan ni Div sa kanyang tuktok,kinakabahan siyang hindi niya mawari pero wala siyang nararamdaman na pagtutol sa kanyang puso.
"Margu!?mahinang tawag ni Div sa pangalan niya.
"B-bakit Senyorito?
"I...I... I will going to take a shower now"anang binata na hindi masabi ang gustong sabihin.
Kaagad naman bumangon ang dalaga at mabilis inayos ang nagusot niyang buhok na hindi magawang tingnan ang binata,humakbang ito papunta sa closet upang kunin ang mga damit ni Div.At salamat nalang na nagsuot ng mga damit niya si Div bago bumangon at tumungo sa CR,sa isip niya may respeto din naman ito paminsan minsan nga lang ay topakin tulad ngayon na basta basta nalang mangyayakap.
Siya nga din eh basta nalang yayakapin ang amo soulmate nga kayo.
Pagkalabas ni Div sa CR ay agad siyang nagpaalam dito"Senyorito nakahanda na po ang inyong mga damit,bababa na po ako para ipaghanda kayo ng kape"aniya sa binata na hindi makatingin ng diretso.
Sinulyapan siya ng binata at ubod ng tamis itong ngumiti sa kanya"okay Mrs. Montenegro"sagot nito at ngumiti ng nakakalokong ngiti ng makita niya ang reaksyon ng dalaga.
Pakiramdam ni Margu ay nagmistulang kulay makopa ang kanyang mukha dahil sa tinuran ng binata,hindi niya mawari sa sarili kung nahihiya ba siya,naiinis o nagagalak dahil doon basta gusto na niyang mawala sa harapan ng binata.
"L-lalabas na ako"aniyang nagmamadaling humakbang.
Habang nagsusuot ng kanyang damit si Div ay nangingiti ito kapag naalala niya ang ginawa ni Margu sa kanya kanina.Honestly,tulog pa naman siya nung pumasok yata si Margu sa silid niya,nagising lang siya nung tinawag siya ni Margu habang nakatalikod ito sa kanya sandali siya natigilan pero tumingin siya sa kanyang katawan naka brief lang siya so that's why siguro kaya ito nakatalikod but you know guys nagtakip din naman ako ng kumot bago niya pa ako kinukumutan,because I respect her and I am a type of a guy na may isang salita,speaking of I am undressed yes dahil balisa ako kagabi sa pagtulog at siya lang naman ang laman ng isip ko buong magdamag.But Margu is a type of woman na may pagka funny at the same time.
Pagkabihis ay bumaba na ito at sa kusina dumiretso nadatnan niyang mag-isa lang si Margu.
"How do you like it Margu"?
"A-ano Senyorito"?baliktanong nito sa binata habang naglalagay ng kape sa mug.
"To call you Mrs...
"Aahhh...araaayy..."daing ng dalaga habang hawak ang sarili niyang kamay dahilan sa hindi natuloy ang sasabihin sana niya.
Nahintakutan naman si Div kaya kaagad siyang tumayo at lumapit sa dalaga na nabuhusan pala ng mainit na tubig ang kamay nito.
"Hey Margu are you hurt?tanong nito sabay tingin sa kamay ni Margu na bahagyang namumula.
"H-hindi naman mas..."
"For God sake Margu next time can you just be extra careful when doing something!!!you give me a heart attack is that what you want!??asik nito kay Margu sabay hawak sa magkabila nitong balikat na kahit hindi pa ito natapos magsalita.
Nabigla naman si Margu sa reaksyon ng binata na tila ba eh mamatay na siya sa lagay na iyon,ng maya't maya tinawag ni Div si Jenny.
"Jenny!?Jenny!?tawag nito na lumabas sa kusina.
Lumapit siya dito para pigilan na kung ano man gusto nitong ipagawa sa katulong"Senyorito okay na ayos lang ako,mag breakfast ka na lang"
Lumingon ito sa kanya"No!!just sit there and wait for me"ani ng binata.
"Jenny!?muli pa nitong tawag.
Ilang sandali pa dumating naman si Jenny"yes po Senyorito"?
"Jenny kunin mo sa akin ang medicine kit hurry"utos nito sa katulong.
"Masusunod po Senyorito"
Habang hinihintay si Jenny palakad lakad naman si Div na akala mo ay mamatayan na ng pasyente,grabe over acting naman talaga eh noh.
"Heto na po Senyorito"
"Thank you Jenny"aniya at lumapit sa kanya.
Nagtataka naman na umalis si Jenny sabay iwan ng nakakaasar na ngiti kay Margu ng magtama ang paningin nila.
"Come here let me see your hand"anang binata sabay lahad ng palad nito.
"H-ha?okay lang naman talaga ako Senyo..."
"I said come here and let me see,I put some ointment para hindi mangitim"anito na hindi parin kumilos ang dalaga.
"Oh my God you really a hardheaded "wika nito at kusang hinablot ang kanyang kamay.
"A-araayy naman"
"Don't say aray you said you're okay and now you saying aray!?sermon nito sa kanya habang nilalagyan ng cream ang kanyang kamay na kinangiti niya.
Ang cute lang nito magalit parang tatay lang eh kung maka concern wagas.Nakapaskil pa sa kanyang mukha ang ngiti niya ng mapatingin siya sa may pintuan ng kusina na nakatalikod naman si Div dito.
Biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib,natatakot siya na hindi niya maintindihan kaya mabilis niyang hinatak ang kanyang kamay na hawak hawak ni Div sabay napatayo ito na hindi parin maaalis ang tingin niya dito.
"Hey I'm not done yet"ani ng binata sabay tingala sa dalaga.
Nagtataka siya na tila may kinatatakutan ito kaya sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng dalaga,gayon na lamang ang pagkagulat niya ng mapagsino ito.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Ficção AdolescenteSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...