"Daddy!?Dadddddddyyyy!?anang bata sabay yakap nito sa kanya.
Nagtataka naman siyang tinawag siya nito ng Daddy,at maya maya lumapit sa kanila ang katulong.
"S-Senyorito Div!?gulat na tanong ni Rosa.
Mas lalo siyang nagtaka na kilala siya ng mga ito pero siya hindi niya kilala.Lumapit na rin ang mga guards sa kanila at tinawag din siyang Senyorito.
"S-sino kayo hindi ko kayo kilala"aniya sa mga ito.
Nagkatinginan silang lahat at inaya siya ni Rosa papasok ng Mansion at nagpakarga ang bata sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi buhatin ito.
"You're my Father Daddy Div"ani ni Davin sa kanya at tiningnan niya lang ito.
Nasa garage pa lamang sila ay siyang pagdating ng kotse ni Margu nagtataka siya kung sino ang taong nagkarga sa anak niya.Mabilis siyang umibis ng kotse at agad tinawag si Rosa na patungo sila sa loob ng Mansion kasama ang lalake.
"Ate Rosa!?
Lumingon si Rosa at nakita niya si Margu.
"Senyorita mabuti at dumating na kayo"anang katulong.
"Mommyyyyy"tawag ni Davin ng lumingon ito.
Humakbang siya upang lumapit sa mga ito at siya namang paglingon ng taong karga karga ang kanyang anak.Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita ito at nabitawan niya pa ang kanyang shoulder bag dahil sobra siyang nagulat sa nakita na nasa kanyang harapan ngayon.
"D-Dave!?mahina niyang tawag sa lalake.
Nagpalinga linga naman si Paolo at tumingin sa babaeng parang pamilyar ang mukha.Sa gulat niya ay mabilis lumapit sa kanya ang babae at niyakap siya nito ng mahigpit na mahigpit at umiiyak.
"Dave!usal ni Margu habang mahigpit itong niyakap ang lalake.
Kinuha naman ni Rosa ang bata at nagpaubaya naman ito saka nauna na silang pumasok sa Mansion.
"Dave ikaw nga..ikaw nga Dave nagbalik ka..salamat at nagbalik ka na Dave"ani ni Margu at hinawakan ang mukha ng binata.
Nagtataka man siya na parang hindi nasasabik si Div na makita siya ay binaliwala na lamang niya iyon basta siya sobra niyang niyakap ng mahigpit ang binata.
"We really miss you so much baby..I really miss you so much Dave"ani ni Margu at hindi niya natiis ay hinalikan ang binata.
Umiiwas naman ang binata sa halik ni Margu at tiningnan ito ng matagal at napakunot noo na ito nga ang babae sa larawan at sa kanyang panaginip ngunit sino ito?sino ito sa buhay niya noon?
"D-Dave?anas ni Margu habang hawak ang mukha ng binatang nagtataka sa kinikilos nito.
"I-I'm sorry Miss pero hindi kita kilala"ani ni Paolo.
"H-hindi mo ako kilala?ako si Margu at may anak tayo Dave ang kambal natin,hindi mo kami natatandaan?
Sasagot na sana ito at siyang paglabas ng mag asawa at isang ginang kasama ang mga katulong at ang kambal.
"Div!?panabay na tawag ng mag asawa at ni Manang Cora.
"Senyorito Div!?tawag din ng mga katulong.
"Dadddyyyyyy!!tawag ng batang babae na kamukha din niya.
Mabilis itong lumapit at niyakap siya tumingin siya sa mag asawa dahil nakita narin niya ang mga ito sa larawan.At tiningnan ang batang babae na tumingala sa kanya at tumingin ulit sa babaeng kaharap niya na umiiyak na ngayon.
Binuhat ang batang babae at mabilis siya nitong niyakap.
"Daddy you're back and I really miss you Daddy"ani ni Mara habang nakagapos ito sa kanya.
Lumapit sa kanila ang mga ito at niyakap din siya ng mahigpit sabay umiiyak sila.
"Div hijo this is unbelievable but really you're back"ani ni Senyor.
"Kung panaginip lamang ito sana'y hindi na kami magigising hijo"anang Senyora.
Lumapit din sa kanya ang ginang at masuyo siyang hinawakan sa mukha.
"Div anak ikaw nga buhay ka Div buhay na buhay,Diyos ko paanong nangyari to?ani ni Manang Cora.
Nagpalipat lipat siya ng tingin sa mga ito na nag iiyakan na pati ang mga katulong.At ilang sandali pa ay giniya siya papasok sa loob ng Mansion at bahagya pa siyang nagtaka na ang laki ng bahay.
"Div hijo hindi mo ba kami namimiss dahil kami sobra ka namin namimiss at hindi ka namin nakalimutan kahit lumipas ang ilang taon nawala ka"ani ni Senyora.
At lahat sila ay nagtataka kung bakit ganito si Div ni hindi mo kakikitaan ng pananabik na muli nito silang nakita at makasama.
"Pasensya na po kayo pero wala po akong natatandaan at hindi ko kayo kilala,wala po akong maalala sa nakaraan ko"ani ni Paolo.
Nagkatinginan ang lahat sa sinabi niya at iisa ang sa kanilang isipan na maaaring nagka amnesia ang binata.Maliban kay Margu na labis labis itong nasasaktan sa mga naririnig mula sa binata kaya mabilis siyang umalis paakyat sa ikalawang palapag at hindi na pinansin ang tawag ng mga ito sa kanya.
At hinayaan na lamang nila ang dalaga dahil naiintindihan din nila ang nararamdaman nito na halos hindi na sila makilala ni Div.
Kaagad siya naglock ng pinto at padausdos umupo sa sahig na hilam ng luha ang kanyang mga mata,tinakpan pa ang bibig upang hindi mapabunghalit ng iyak at paulit ulit na umiiling dahil hindi niya matanggap na hindi na siya kilala ni Div.Nagbalik nga ito sa kanila sa hindi inaasahang pangyayari pero kung masakit sa kanya nung nalamang patay na ang binata mas masakit pa pala sa kanya ngayong nagbalik si Div ngunit hindi nito siya nakikilala pati ang kanilang kambal.
"Aaaahhhhhhh!!!sigaw niya dahil sobrang paninikip ng kanyang dibdib.
Awang awa siya sa kanyang sarili ngunit mas kinukurot ang puso niya para sa mga anak na umaasang makasama ang kanilang ama ngunit ngayon nandito na hindi naman sila kilala nito.
Sa living room naman ay nalulungkot din sila dahil nagbalik nga ang kanilang anak hindi naman sila kilala nito.
"Daddy where have you been?tanong ni Davin.
"Daddy is heaven a good place to stay with?tanong naman ni Mara.
Nakakandong sila sa binata na hindi sila kinakausap ni Paolo na tahimik lamang ito.
Tiningnan niya ang mga ito at nakangiti lamang sa kanya at muling tiningnan ang mga batang naghihintay ng kanyang sagot.
"G-galing ako sa ibang lugar at hindi naman ako nakarating sa heaven"malamig niyang sagot.
"But everybody told us you are in heaven already Daddy"ani ni Mara ulit.
"Anong pangalan mo baby girl?pag iiba nito ng usapan.
"My name is Mara Manuela Savellian Montenegro"sagot ng bata.
"Ang gandang pangalan"aniya at lumingon sa batang lalake"at ikaw baby boy anong pangalan mo?
"I'm Davin Priam Vicente Savellian Montenegro"
"Ang gaganda naman ng mga pangalan ninyo"
"Ako nga pala si Paolo..Paolo Reyes"
Nagkatinginan ang mga ito sa sinasabi niyang pangalan ngunit nauunawaan nila iyon.
"No Daddy does not your name,you're name is Dave Primo Vincent Montenegro"ani ni Davin.
Napakamot siya ng ulo dahil iyon nga pala ang tunay niyang pangalan ayon sa mga calling card niya.
"Davin and Mara sweetie can you play with yaya for a while mag uusap lang kami ng Daddy ninyo okay?ani ni Senyor.
"Okay po grandpa"panabay nilang sagot at humalik pa sa binata ang mga ito bago umalis.
"Rosa and Jenny kayo muna ang bahala sa mga bata okay?ani ni Senyora.
Naiwan sila sa living room at pinagmasdan ng mabuti si Div,medyo umitim ito na parang nasusunog sa araw,pumayat din ng konti na parang kulang sa kain at tulog o di kaya sa dami ng trabaho pero ganon pa man pogi pa din ito kahit may nabago sa itsura nito.
"Hijo pwede mo ba kaming kwentuhan tungkol sa naging buhay mo?ani ni Senyora.
"At papaanong nangyaring buhay ka gayon may nakitang tao sa kotse na ginagamit mo?tanong ni Senyor.
Tahimik lang din si Manang Cora.
"Hindi ko po alam ang tinatanong ninyo Senyor dahil hindi ko maalala kung anong nangyari sa akin,pero ang tanging masasabi ko lamang po ay mabuting tao ang kumupkop sa akin at sila po ang nakilala kong mga magulang sa mga nagdaang taon"
"W-wala ba silang sinasabi sayo tungkol sa tunay mong pagkatao at hindi ka ba nila kilala kung sino ka at bakit ka nila tinatago at hindi binalik sa amin?sunod sunod na tanong ni Senyora.
At nagsimula siyang magkwento ayon sa kinuwento ng nanay niya sa kanya bago pa ito pumanaw.At sinabi din niyang wala na ang mga ito at siya narin ang humingi ng tawad sa tunay niyang mga magulang para sa namayapa niyang nakilalang mga magulang.
Nagkatinginan sila ulit pagkatapos nito magkwento at nagpapasalamat sila sa kumupkop sa binata at naiintindihan nila ang gusto ng mga taong kumupkop sa anak nila.
"Ganon ba hijo huwag kang mag alala hindi kami galit sa mag asawang nag alaga sayo,na hindi sila naghahangad ng materyal na bagay"ani ni Senyor.
"Salamat sa kanila dahil kung hindi ka nila nakita malamang hindi ka mabubuhay"ani ni Senyora.
"Nalulungkot kami hijo dahil wala na sila at hindi man lang kami nakakapagpasalamat sa pag aalaga't pag aaruga nila sayo"ani Manang Cora.
"Salamat po sa muli ninyong pagtanggap sa akin kahit ganito ang kalagayan ko,maaari ko po bang marinig sa inyo kung anong naging buhay ko dito at sino ang mga batang iyon at ang babae kanina?aniya sa mga magulang.
Nagkatinginan silang lahat at sinimulang ikwento ni Manang Cora ang buhay ni Div mula umpisa hanggang kung paano naging parte ng buhay niya si Margu dahil di hamak na siya lang ang pinagsasabihan ni Div ng mga sekreto nito noon.
Pagkatapos niyang marinig ang kwento ng ginang ay natahimik ito at napatingin sa kambal na nilalaro ng mga katulong.Ganon pala kahalaga at ka importante sa buhay niya si Margu na kaya niyang mawala ang lahat sa buhay niya huwag lang ang dalaga.At ngayon gusto niyang maalala ang lahat dahil nasasabik siyang maramdaman ang pakiramdam na minamahal niya ang dalaga.
"Tulungan po ninyo akong maalala ko ang lahat dahil ayoko pong masaktan si Margu,ayokong nasasaktan siya dahil hindi ko sila maalala,ganon din po kayong mga magulang ko"aniya sa mga ito.
"Huwag kang mag alala hijo tutulungan ka namin,tutulungan ka naming bumalik ang dating ikaw"ani ni Senyora.
Niyakap nila ang binata na naaawa sila sa kalagayan nito at isang pasya ang naisip nilang ipatingin ito sa Doctor.Walang pagsidlan ang kanilang saya sa isiping nagbalik si Div kahit wala itong maalala kung ano man ang kwento sa likod ng nangyari sa binata a couple of years ago saka nila na ito aalamin basta ang importante bumalik ito sa kanila ng buhay.
Hinayaan nilang umakyat sa taas ang binata ng magpaalam ito sa kanila.Para umano kausapin si Margu.
Kumatok siya sa pinto ng ilang beses ngunit walang nagbukas kaya pinihit niya ang seradura at kusa na itong pumasok,wala siyang nadatnan sa silid nagpalinga linga ito ngunit wala si Margu.Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng silid at nakita niya ang kanyang mga frames na naka display.Hinawakan niya ang frame kung saan nandon siya at buntis si Margu.Sa tingin niya ang saya saya nila ng kunan ito ng larawan.
Ng biglang bumukas ang pinto mula sa bathroom at lumabas si Margu nakabalot ng tuwalya ang ulo nito at nakasuot ng roba at tumingin ito sa kanya na malamlam ang mga mata.Diretso ang dalaga sa closet at kumuha ng mga damit at wala kiyemeng hinubad ng dalaga ang kanyang roba at tumambad sa kanya ang magandang katawan ni Margu,iniiwas niyang makita ang tinatago ng dalaga kaya tumingin siya sa ibang direksyon habang nagsusuot ng mga damit ang dalaga.
"Hindi ko sinasadyang saktan ka Margu"simula niya ng walang salita mula sa dalaga.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nasasaktan eh kahit hindi mo naman sinasadyang saktan ako,siguro dahil mula noon hanggang ngayon ay umaasa akong magbabalik ka,ngayon nagbalik ka nga pero wala na kami sa parte ng buhay mo"ani ni Margu.
Lumapit ang binata sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Huwag kang mag alala pipilitin kong maalala ang lahat,hindi ko alam kung kailan pero sana mahintay mo ang pagbabalik ng mga alaala ko Margu"ani ng binata.
Niyakap siya ni Margu at muli itong umiyak.Sobra siyang nangungulila sa binata kaya gagawin niya ang lahat muli lamang sila maalala nito.
"Maghihintay ako Dave,hihintayin namin ang pagbabalik ng iyong mga alaala"
"Salamat Margu maraming salamat"tugon ni Div at yumakap din ng mahigpit.
At bumukas ang pinto ng kwarto nila at pumasok ang kambal.Kaagad ito lumapit sa kanila at nagpapakarga sa kanilang ama.
"Daddy take me up"ungot ni Mara.
"Me too Daddy,me too"ani din ni Davin.
Binuhat ni Div ang dalawang bata at masaya ang mga itong nakayakap sa kanya.
"Davin and Mara sweetie please let Daddy to take a rest because he's tired"ani ni Margu.
"Hindi okay lang gusto ko naman silang makasama"ani ni Div at hinalikan ang mga bata.
"See Mommy did you heard that?ani ni Davin.
"Okay okay you win again"ani ni Margu.
"Daddy please don't die again okay because we want you to be with us"inosenteng wika ni Mara.
Ngumiti naman si Div sa kanya at tumingin kay Margu"hindi naman ako namatay anak nawala lang ako ng ilang taon at kung namatay siguro ako noon malamang hindi na ako makabalik dito kahit kailan,nauunawaan mo ba ako baby girl?
"Hmmm you meant if you die you can not come back here again Daddy?tanong ni Mara.
"Hindi na baby"sagot ni Div.
"So Daddy are you going to gone again?tanong naman ni Davin.
Tiningnan niya si Margu na nakikinig lang ito sa kanila.
"Hindi na baby hindi na ako mawawala ulit"aniya sa anak at muli niyang niyakap ang mga ito.
Dama niyang mahalaga ang mga ito sa buhay niya kahit hindi niya maalala ang kanyang nakaraan pero umaasa siyang mapabilis ang pagbalik ng kanyang alaala sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Pagsapit ng gabi ay magkakasama sa iisang kwarto sina Div ay Margu kasama ang kanilang kambal.Dahil sa buong araw lang naglalaro ang mga ito kaya madali silang nakatulog.Pagkatapos pinatulog ni Margu ang mga anak ay pinuntahan niya si Div nakatayo ito malapit sa bintana at nakatingin sa labas.Niyakap niya ito mula sa likod at napapitlag ang binata.
"You know? I really miss my Dave that I used to be with,yung Dave na may pagka bad tempered,short tempered minsan pa nagiging bayolente at sadista,pero sa kabila ng mga pangit niyang katangian minahal ko parin siya dahil kahit ganon siya ay damang dama kong mahal na mahal niya ako at kaya niyang mawala ang lahat sa kanya para sa akin"ani ni Margu habang nakayakap parin sa binata.
Kinuha ni Div ang kanyang mga kamay na nakapulupot dito at hinarap siya nito.
"Patawarin mo ako kung nagawa ko ang mga iyon sayo,hindi mo dapat maranasan ang kalupitan ko noon dahil ramdam kong isa kang mabuting tao"ani ni Div.
"Hindi..hindi Dave matagal na kitang pinatawad,hindi mo naman ginagawa sa akin yon dahil gusto mo akong saktan kundi gusto mong makasagirong iyong iyo ako"
Niyakap siya ni Div na hindi ito nagsalita at ilang sandali pa ay humiwalay siya at kinulong ang mukha ng binata.
"I love you baby I really love you so much"mahinang wika ni Margu.
"Margu!?ani din ni Div.
Unti unting niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ng binata upang halikan ito,napapikit pa siya ng mga mata,at ng isang dangkal na lamang ang pagitan ng labi nila ni Div ay bigla itong umiwas na kinabigla niya.
"H-hindi..hindi pa ako handa..a-ayokong samantalahin ang pagkakataong mahina ka at wala ako sa sarili ko,Margu ayokong galawin ka na hindi ko pa kilala ang sarili ko kaya sana maintindihan mo ako"aniya kay Margu.
Napatango naman si Margu at niyakap na lamang ang binata.
"I'm sorry Dave"
"Sige na matulog ka na sa tabi ng mga bata at sa sofa na ako matutulog,ayos lang ba iyon saiyo?
"OO okay lang,sige ayusin ko lang ang higaan mo"
"Sige salamat"
Kumilos na ito at inayos ang higaan ng binata at nilagyan narin ng unan at kumot,pagkatapos makapag good night ay tinabihan na ang mga anak at natulog narin siya.
Kinabukasan maagang gumising si Div,tiningnan ang kanyang mag ina at tulog pa ang mga ito kaya dahan dahan siyang kumilos at tumungo sa bathroom para maligo.Ilang sandali pa ay tapos narin siya at lumabas na,tumungo sa closet at magsuot ng damit na siguro ay sa kanya ito dati dahil kasyang kasya sa kanya.Lumabas na siya na tulog parin ang kambal at si Margu.
Pagbaba niya sa living room ay maraming taong naghihintay sa kanya at nakatuon sa kanya ang mga mata nito.Wala siyang idea kung sino ang mga ito kaya tumingin siya sa kanyang mga magulang at ngumiti ito sa kanya at nilapitan.
"Div hijo halika may mga bisita tayo and guess what?sila ang mga taong malalapit sayo"anang kanyang ama.
"Sino po sila?
Nasasabi narin ni Senyor Arnulfo sa kanila ang kalagayan ni Div ngunit ang gusto nilang malaman sana ay kung anong kwento sa likod ng nangyayari at masasagot iyon kung magbabalik ang alaala ni Div.
"Hijo,sila ang mga barkada mo,si Frank,Jorick,Moiriz at si JB ang kapatid ni Margu"ani ni Senyor.
"At sila si Tito Alfonso na kapatid ko at Tita Beatrice Rose mo at si Bianca Mae ang pinsan mo na asawa na ngayon ni JB"
"Sila naman ang mga magulang ni Margu ang Tito Eduardo at Tita Maria mo"isa isang pagpapakilala ng Senyor.
Nahihiya siyang nakipagkamay sa mga taong pinapakilala ng kanyang ama at nauunawaan yon ng mga ito.
"Welcome back dude"ani ni Frank na naging chairman sa Company nila Div dahil nga sa wala na ito.
"Hopefully you gain your memory's back soon"ani ni Moiriz.
"Yes that's right dude para malaman namin what's all the story behind the accident a couple of years ago"ani naman ni Jorick.
"This is really shockingly unbelievable but we are so happy that nothing happened to you that bad hijo"ani ni Senyora Maria.
"Shockingly indeed but we are very thankful that you're back even-though you lose your memory temporarily"anang Senyor Eduardo.
"Hoping just really temporary losing and you remember us eventually hijo"ani ni Senyor Alfonso.
"I really miss my cousin that got too much attitude,sabi nga nila weather weather daw ang ugali mo"biro ni Bianca Mae at tumawa sila.
Tumawa na lamang siya at sumabay sa mga ito kahit wala siyang idea kung ano iyon basta ang importante sa kanya ngayon ay nakilala ang mfa taong malapit sa puso niya at ganon din ang mga ito na nagpapasalamat at bumalin si Div sa kanila.
Ilang araw pa ang nagdaan at ganon parin si Div hindi parin niya maalala ang lahat,napatingim narin ito ng Doctor at ayon sa Doctor ay babalik din ang alaala ni Div basta gagawin lang nila ay sasabihin sa binata ang naging buhay niya dati,sasabihin kung anong paborito nito,kung anong nakagawiang gawin ng binata at kung anong mga gawain na madalas nito ginagawa and eventually mag ga-gain unti unti ang kanyang memory.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Teen FictionSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...