Chapter 2

1.8K 43 0
                                        

Magkasabay silang napatingin sa ginang na papalapit sa kanilang dalawa,agad naman ito binati ni Ana"Magandang araw sa'yo Manang Cora"

"Magandang araw din sa inyo Ana"sagot nito saka tumingin sa kanya"Siya na ba ang pinapahanap namin na magiging kasama mo"tanong nito kay Ana na sa kanya tumingin.

"Siya na nga po Manang Cora,siya pala si Margu matalik ko rin siyang kaibigan,Margu siya si Manang Cora ang Mayordama ng mga Montenegro"pagpapakilala ng kaibigan nito.

"Magandang araw po sa inyo Manang Cora,natutuwa po akong makilala kayo"nahihiya nitong bati sa ginang.

"Ako rin Hija at sa palagay ko magkakasundo tayo,mukha kang mabait sa aking palagay"puri nito sa kanya.

"Naku Manang Cora hindi po mukhang mabait,dahil mabait po talaga itong kaibigan ko,di ba bestie?wika ng kaibigan sabay siko at kindat nito sa kanya.

"Bestie ano ka ba nakakahiya naman kay Manang Cora,maraming salamat po Manang Cora"nahihiya niyang sagot dito.

"Hahaha kayo talagang dalawa puro kalokohan,oh tayo na sa inyong silid at maayos ninyo ang inyong mga gamit"sabi ng ginang at nagpatiuna na ito sumunod naman silang dalawa.

Pagdating nila sa maids quarter muli silang hinarap ng ginang"Ana kayong dalawa ni Margu dito sa silid,malinis narin yan dahil pinalinis ko kay Lily kahapon"wika nito sa kanila.

"Salamat po Manang Cora"sabay nilang sagot dito.

"Sige magpahinga muna kayo dito dahil bukas pa naman kayo magsisimula sa trabaho"

"Ah Manang Cora ano po magiging trabaho ni Margu?tanong ni Ana sa ginang.

"OO nga pala muntik ko ng makalimutan,si Senyorito kasi nangangailangan ng personal niyang maid kaya nagpapahanap siya sa akin"

"Ah ganon po ba?sige po Manang Cora salamat"wika ni Ana dito at umalis na ito at iniwan sila.

"Uy bestie ano raw ako yung mag aalaga sa Senyorito nila?tanong ni Margu.

"Ganon na nga bestie kaya ihanda mo ang iyong sarili"sagot ni Ana.

"H-ha?ba-bakit anong meron sa Senyorito nila?kabadong tanong naman nito.

"Hahaha uy ano ka ba joke lang yon noh ikaw naman masyadong nerbiyosa"

"Hindi nga bestie seryoso ako,hindi naman ba masungit at suplado yung Senyorito?saka sino magtuturo sa akin kung ano ang gagawin ko?

Humarap ng mabuti sa kanya si Ana saka nito hinawakan ang mga kamay ng kaibigan"bestie don't worry hindi ka lalapain nun ng buhay,mabait naman siya sa tingin ko at si Manang Cora ang magtuturo sayo kung paano siya pagsisilbihan"paliwanag nito sa kaibigan.

"Nakita mo na siya?

"Hmmmm,oo one time lang naman yon at hindi naman kami nag-uusap,pero siya din ang pinagsisilbihan ng pinsan ko dati"

"Ah ganon ba?so mabait naman daw?

"Eh yon ang sabi ni insan,pero sa tingin ko sa kanya wala ka naman magiging problema"

"Eh bestie kung magpalit kaya tayo ng trabaho?sa iyo ang Senyorito at sa akin yung papel mo dito"suhestiyon ng dalaga.

Hagalpak naman ng tawa ang huli sa naging turan nito"hahaha bestie ano ka ba,naka toka na kaya tayo sa mga assign natin,saka ako yung trabaho ko mahirap kesa sayo kasi yung mag-asawa ang pagsisilbihan ko"

"Ay ganon ba"sagot nalang nito at tumahimik na.

Sa isip niya sana hindi siya mahirapan sa trabaho niya.

PANGARAP NA LANG BATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon