MAAGA pa lamang ay nakahanda na si Margu upang pumasok sa trabaho at dahil may kailangan siyang puntahan sa Laguna isa sa mga branch ng business nila kaya kailangan niyang agahan ang pagpunta doon,dahil doon ang gusto ng high profile investor nila makipagmeeting.Tulog pa ang kanyang kambal iniwanan niya lang ang mga ito ng mahinang halik.
Nadatnan niyang nasa kusina si Rina at naghahanda ito ng agahan para sa kanila.
"Good Morning po Lady Gretta"tanong ni Rina.
"Good Morning too ate Rina and ikaw na ang bahala sa kambal ko ha?
"Hindi na po kayo kakain ng agahan?huwag kayong mag alala ako na ang bahala sa kambal"sagot nito.
"Hindi na ate Rina,sige aalis na ako take care of my kids okay?bilin pa niya bago tuluyang umalis.
Tumango lamang ang katulong sa amo at alam niyang sobrang tiwala sa kanya ang dalaga kaya naman inaalagaan niyang mabuti ang kambal nito kahit minsan ay napipikon na siya sa batang lalake dahil nga sobrang likot.
NAKAHANDA na si Paolo para mamasada,maaga pa lamang ay gumising na ito at nagluto ng pagkain para sa kanyang ina,saka nilagay malapit dito para kung magutom at wala pa siya ay kaya na nito ang sarili.Kompleto narin lahat ng kailangan ng kanyang ina.
"Nay lalakad na po ako at huwag po ninyo pabayaan ang inyong sarili kumain po kayo pag nagutom kayo Nay"paalam niya sa ina.
"Huwag mo na akong alalahanin pa anak kaya ko na ang sarili ko dahil nilagay mo na lahat ng kailangan ko at maraming salamat sa pag aalaga't pag asikaso sa akin anak"anang kanyang ina.
"Si Inay talaga eh sympre Nanay ko kayo dapat ko lang kayo asikasuhin dahil malaki ang utang na loob ko sa inyo at kayo ang dahilan kaya ako nabuhay sa mundo"ani ni Paolo.
Ngumiti naman sa kanya ang ina at hinawakan siya sa mukha"sige na anak lumakad ka na at palagi kang mag-iingat sa pagmamaneho mo ha?
"Sige po Inay palagi po akong mag-iingat"aniya at hinalikan ang ina bago ito umalis.
Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong binata at napabuntong hininga.
"Tunay ngang napakabait at maalagain kang bata Paolo"usal niya sa sarili.
At ilang sandali pa ay may kinuha siyang gamit mula sa kahon na malapit sa kanyang higaan.Sa isip niya pagdating ni Paolo mamaya ipapakita niya iyon sa binata at pinagdarasal niyang sana sa pamamagitan nito ay matulungan niya ang anak.
SAMANTALA naiinip na si Margu dahil sobrang haba ng traffic.
"Grabe kailan kaya mawawala ang traffic dito sa Pilipinas?marami ng nabago sa buhay ko samantala ang traffic wala paring pagbabago"aniya sa sarili.
Ilang minuto pa ay nakausad din siya sa wakas,nasa Laguna Area na siya at masaya siya dahil nakakarating siya on time high profile pa naman ang kikitain niya kaya ayaw niyang paghintayin ito di bale ng siya ang maghintay.Nagpark siya malapit sa restaurant kung saan sila magkikita ng ka meeting.Nagmamadali siyang umibis sa kotse niya at siya namang pagdaan ng pampasaherong jeep muntik pang mahagip ang braso niya pero nalaglag din ang sling bag niya na iyon ang nahagip ng jeep.
Kaagad bumaba ang nagmaneho ng jeep at tinulungan ang babae at nakita niyang pinupulot na nito ang mga gamit na nahulog mula sa bag nito dali dali niyang tinulungan ang babae.
"Miss nasaktan ka ba?tanong niya sa babae.
"Hindi okay lang ako"sagot ng babaeng hindi man lang siya tiningnan.
"Pasensya ka na masyado kasi malapit sa kalsada nagpark ang kotse mo kaya pag ibis mo sa kotse sakto naman napadaan ako"aniya pa sa babae.
"Sorry nagmamadali kasi ako kaya pasensya narin"sagot ng babae.
At tumayo ito ng matapos pulutin ang mga gamit at diretsong pumasok sa loob ng restaurant na hindi man lang siya nito tiningnan.
Napakamot na lang siya ng ulo sa isip niya ibang klaseng babae iyon ni hindi man lang nagalit sa kanya sabagay sa isip niya eh kasalanan naman ng babae dahil sobrang lapit sa kalsada nagpark.
Sa pintuan na ng restaurant si Margu saka niya naisip ang lalakeng muntik ng makabangga sa kanya kaya nilingon niya ito ngunit wala na doon ang lalake pero nahagip ng kanyang mga mata ang papaalis na jeep sa isip niya posible kayang iyon ang nagmaneho ng jeep na yon?
Pero teka saka pa nag sink in sa utak niya ang boses ng lalake parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon,nasa ganon siyang pag iisip ng may lumapit sa kanya.
"Hello you must be Lady President Margarette Marguex Savellian of Real Estate Company right?anang boses lalake.
Lumingon siya at tumambad sa kanya ang gwapong lalake,matangkad at mestizo na kulay blonde ang buhok.
"Yes I am and you are?sagot niya.
"I'm Alexander Shane Mondreal"pakilala ng lalake.
"Nice meeting you Mr. Mondreal"aniyang nilahad ang palad sa lalake.
"Likewise Lady President,so shall we?anang lalake saka giniya siya papasok sa restaurant.
"Yes sure"aniyang sumunod sa lalake na nauna na pala sa kanya.
Pinaghila siya nito ng bangko ng marating nila ang reservation table ng lalake.Ilang sandali pa ay lumapit na sa kanila ang waitress.
"Good Morning Ma'am!Good Morning Sir!Can I get your order please?anang waitress.
"Good Morning,give me one a sweet waffle with honey and cup of black coffee no sugar"ani ni Alexander.
"Okay Sir and how about you Ma'am?tanong nito sa kanya.
"Just coffee with cream please"sagot niya sa waitress.
"You don't eat anything?tanong ni Alexander.
"No.I don't usually eat early in the morning"aniya sa lalake.
"Oh I see"aniya at tiningnan ang waitress"yes Miss that's all"
"Okay Sir"anang waitress at umalis na upang kunin ang order nila.
Habang kumakain sila ng breakfast ay pinag uusapan nila ang tungkol sa kanilang deal at dahil hindi naman mahirap kausapin ang lalake kaya madali nilang na set up ang dapat nilang gawin.Ilang minuto din silang nag uusap at nagpaalam na siya sa kausap.
"Thank you for trusting our Company Mr. Mondreal"aniya dito.
"Your Company had an excellent background and one on my lists to work with Lady President thank you"ani ng lalake.
"The pleasures is all my mine"
Hinatid siya ng lalake sa kanyang kotse at kumaway pa ito sa kanya bago tumungo sa sarili nitong kotse.
Pinaandar niya ang kanyang kotse upang bumalik na sa Makati at mahaba pa ang kanyang oras para pumasok sa opisina.
Si Paolo naman ay balisang balisa kanina pa,paano kasi hindi na nawaglit sa kanyang mga mata ang mukha ng babae kanina.Parang nakikita niya parin ang imahe ng babae.Ang ganda niya,maputi at matangos ang ilong,nakakaakit ding halikan ang mapula pula at makipot niyang labi at ang pegura ng babae na napaka perpekto sa kanyang paningin na animoy inukit ng magaling na mang uukit.Ang hindi niya yata nakita sa babae eh ang mga mata niya dahil hindi ito tumingin sa kanya.
"Uy Paolo bakit ang tahimik mo ngayon saka tila napakalalim ng iyong iniisip"ani ng kasamahan niyang jeepney driver.
Natauhan naman siya sa pagmumuni muni niya tungkol sa babae.
"Ha?ah wala Romy may iniisip lang"mahina niyang sagot.
"Halata nga kasi hindi mo pa ginagalaw yang pagkain sa harap mo"
Saka niya napagtanto nasa canteen pala sila kumakain dahil oras na ng kainan at pahinga habang naghihintay ng mga pasahero.
"Ay ano pinapalamig ko lang"aniyang nakangiti saka sinimulan ng kumain.
Sa isip niya grabe talaga ang tama sa kanya ng babae parang naka drugs lang siya na hinahanap hanap ang babae.
Pagsapit ng gabi ay pinarada niya ang kanyang jeep malapit sa bahay nila dahil nasa tabi lang naman ng kalsada ang kanilang bahay.Dahil medyo napapagabi siya ng uwi kaya alam niyang tulog na ang kanyang ina.Sinilip niya ito sa silid at hindi nga siya nagkamali tulog na ito.Kinuha ang pinagkainan ng kanyang ina at hindi na nito nakain ang binili niyang pagkain sa labas para sana sa hapunan nito.
Sa isip niya di bale bukas nalang niya ipapakain sa kanyang ina.Hinalikan muna niya ito at inayos ang kumot ng ina at napansin niya ang isang bagay sa tabi nito pero hindi niya pinagka abalahan galawin iyon dahil alam niyang gamit iyon ng Nanay niya.Saka hindi niya ugaling galawin ang gamit ng hindi sa kanya.
Paglabas niya sa silid ay diretso siya sa kusina at hinugasan muna ang mga nagamit na plato,pagkatapos niyang hugasan ang mga iyon ay pumasok na siya sa banyo at naligo para makapagpahinga narin.Ilang sandali pa ay natapos narin siya at lumabas na tumungo siya sa kanyang silid at nagsuot ng damit pantulog.Humiga na siya at biglang nagpakita sa kanyang balintataw ang babae kanina.Ngunit sa kanyang balintataw ay nakaharap ang babae at nakangiti ito sa kanya.Mabilis niyang pinikit ang kanyang mga mata upang mawala ang babae.
Bigla siyang kinabahan,bumibilis ang pintig ng kanyang puso at sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.Dahil ang babaeng nagpakita sa kanyang balintataw ay kamukha ng babaeng madalas niyang napanaginipan na hindi naman niya kilala.OO,palaging may napapanaginipan siyang babae dati pa man at ang nakakapagtaka ay ni hindi niya ito kilala,maraming babae sa kanilang lugar ngunit wala dito ang babaeng madalas nagpapakita sa kanyang panaginip.Nabab
anggit narin niya ito sa kanyang Tatay at Nanay noon pa ngunit ang tanging sagot ng mga ito ay normal lamang.
Minsan sa madalas na pagdalaw ng babae sa kanyang panaginip ay gusto niyang isipin na naging bahagi ito ng kanyang buhay ngunit imposible din dahil wala pa siyang naging nobya.Nakatulog siya na maraming haka haka sa kanyang isipan.
Samantala hindi dalawin ng antok si Margu nasa pandinig parin niya ang boses ng lalake kanina.Gusto niyang isipin na maaaring may mga tao talagang magkaboses pero impossible din naman.
"Mommy aren't you sleepy yet?tanong ni Davin.
Nilingon niya ito at hinalikan"hindi pa baby and you two still wide awake either"aniya sa kambal na hindi pa natutulog.
"I'm not sleepy yet too Mommy"sagot ni Mara.
"why?what do you have on your mind both of you?
"I'm thinking about Daddy I'm hoping that Daddy is right here now with us"sagot ni Davin.
"Yeah me to Mommy,I really want to see Daddy"sagot din ni Mara.
Bigla siyang nalungkot sa mga sinasabi ng kambal dahil maging siya man ay sobrang miss na miss na niya si Div.Napabuntong hininga siya saka sumagot.
"Don't worry Daddy is always watching us up there and Daddy is always here in our hearts so don't think Daddy is not here dahil nandito siya kasama natin"aniya sa kambal.
"But I really miss Daddy"ani ni Mara.
"And I want to hug and kiss Daddy also like I did to Daddy JB"ani ni Davin.
"Shhhh stop it now kiddos okay?aniya nalang dahil hindi na niya alam kung paano sasagutin ang mga anak.
"Mommy do you also miss our Daddy?tanong ni Mara.
"Yes sweetie I really miss your Daddy so so much"aniya sa mahinang tinig.
"I think Daddy also really miss us too right Mommy?ani naman ni Davin.
"Yes baby I'm sure Daddy really miss us like how we miss him"
"Okay and Mommy can we see Daddy's picture now?ani pa ni Davin.
Dahil hindi pa nakikita ng kambal kung anong itsura ng kanilang ama dahil inalis niya lahat ng frames ni Div mula pa noon para huwag na itong maalala pa,at sabihin pang sa tuwing inuungot ng mga itong makita ang picture ng kanilang ama palagi niyang tinatanggihan at maraming dahilan.And this time siguro panahon narin para makita ng kambal ang kanilang ama kahit sa litrato man lang.At alam niyang mabibigla ang dalawa pag makita ang ama dahil sa kanilang ama nila nakuha ang itsura nila.pinagbiyak na bunga kung sabihin.
"Okay I gonna get your Daddy's picture"aniya at tumungo sa closet kung saan nandon parin ang mga gamit ni Div.
"Here..that is your Dad"aniya sabay pinakita ang mga pictures ni Div.
"Wooowww Daddy's looks like me"ani ni Mara at pinaghahalikan ang picture ng ama.
"And Daddy also looks like me"masayang wika ni Davin sabay hug sa picture.
"Mommy are we also a twins?tanong ni Mara na dinikit pa ang mukha niya sa mukha ng picture.
Tumawa siya at pinisil ang pisngi ng anak"no sweetie you and Daddy are not twins but you and Davin got your looks from Daddy so that's why you looks like a twins also"
Matagal pinagsawaang pagmasdan ng kambal ang mga pictures ni Div at tahimik lang siyang pinapanood ang mga anak parang kinukurot ang kanyang puso dahil naaawa siya sa kambal na hindi man lang nila naranasan ang pag aruga ng isang ama.At ngayon tanging larawan na lamang ng kanilang ama ang tinitingnan nila at nakikita parin niya sa mga ito ang sobrang saya.
Nakatulog na ang kambal at isa isa sa kanila ay may hawak pang larawan ni Div.Dahan dahan niya iyon kinuha at napagpasyahang i-desplay sa bed side table ng sa ganon iisipin ng kambal na kasama parin nila ang ama.Dapat sana noon niya pa iyon ginawa pero ayos lang hindi pa naman huli ang lahat.
Tumungo siya muli sa closet ni Div at tiningnan ang mga gamit ng binata,hindi na masakit sa kanyang makita ang mga ito hindi na katulad noon na naninikip ang kanyang dibdib kapag nakikita ang mga ito,ngayon,masakit parin naman pero alam niyang kaya niya na.
"Dave sobrang namimiss na kita sana nandito ka pa sa mga oras na ito ng sa ganon nakakasama mo sana ang kambal natin"mahina niyang usal.
At hindi niya mawari kung bakit bigla niyang naririnig ang boses ng lalake kanina.
"Miss nasaktan ka ba?
"Pasensya ka na masyado kasi malapit sa kalsada nagpark ang kotse mo kaya pag ibis mo sa kotse sakto naman napadaan ako"
"Did I hurt you that bad baby?
"Baby are you okay?
"I won't baby I promise I won't leave you again I'll be by your side at sa magiging anak natin"
Boses ng lalake at boses ni Div ang naririnig niya na paulit ulit nag e-echo sa kanyang pandinig.At sa kanyang pandinig ay magkapareho ang tinig nila,sa paraan ng pagsasalita at bawat bigkas ng mga salitang bibitawan ng mga ito.
"No!please stop it!aniya saka tinakpan niya ng palad ang magkabila niyang tainga.
"Diyos ko!anong nangyayari sa akin am I gone crazy already?usal niya sabay nag sign of cross.
Matagal siyang nakatulog dahil nasa isipan niya ang lalake kung bakit kasi hindi niya nakita ang mukha ng lalake kanina.Pinagmasdan niya ang kambal na mahimbing ng natutulog kapag nakikita ang kambal para narin niyang nakikita si Div dahil magkamukhang magkamukha talaga ang mag ama.Nagpapasalamat siya dahil kahit wala na ang binata ay nag iwan ito ng magandang alaala na kailanman hindi mawawala sa kanya.At may naisip siyang gawin para maputol na ang kanyang haka haka.
"Good Morning hija ang aga mo naman yatang nagising ngayong araw knowing na it's Saturday?bati kaagad ng kanyan ina.
Akala niya siya na ang unang taong nagising ngayon dahil inagahan niya talaga ang pag gising dahil may pupuntahan siya.
"Hello Ma good Morning too,uhm may pupuntahan po sana kasi ako today Ma"sagot niyang sabay halik sa ina.
"Where to?
"Somewhere around Ma"
"Okay,tulog pa ba ang kambal?
"Yes and Ma please look after them po babalik din naman ako agad"
"Sure,aren't you going to eat your breakfast first before leaving?
"No Ma I'll just have some coffee with me"aniyang tumungo sa kusina upang magtimpla ng kape.
On the way na siya para daanan si Ana dahil isasama niya ito patungong Laguna para hanapin ang lalakeng ka boses ni Div.Ng sa ganon matahimik na siya dahil mula pa kagabi hindi siya pinatulog ng boses na iyon na pamilyar na pamilyar sa kanya kahit ilang taon niya ng hindi naririnig.
Bumusina siya ng marating niya ang bahay ng kaibigan dahil nasabi narin niya kay Ana kagabi na dadaanan niya ito dahil may pupuntahan sila.Ilang sandali pa ay lumabas na si Ana.
"Hi Bestie ready ka na ba?agad niyang bati.
"Opo Madam ready na ako"ani ni Ana at sumakay na sa front seat"saan ba kasi tayo pupunta st bigla kang nagyaya na wala sa plano?tanong ni Ana.
"Later Bestie sasabihin ko rin sayo pag na confirm ko na"sagot niya habang nagda drive.
"Hindi ko akalaing naging secret spy ka na rin pala Bestie"
"Silent ka na nga lang dyan dahil malayo ang pupuntahan natin"
"Saan ba kasi yan?
"Sa Laguna"
"Tonta na to ano naman ang gagawin natin doon?
"Secret"ani ng dalaga at tahimik na itong nag drive sa wakas hindi narin nag usisa pa ang kaibigan.
Hindi mawari ni Paolo kung bakit gusto siyang kausapin ng kanyang ina ng masinsinan at hindi siya nito pinayagang mamasada ngayong araw.Dahil gusto daw siya nito makasama.
"Paolo anak wala ka bang gustong tanungin sa akin?ani ng kanyang ina habang kumakain sila ng agahan.
"Tungkol po saan Nay?tanong niyang habang humihigop ng kape.
"Kahit na ano anak"
"Eh Nay yung madalas kong napanaginipan na babae lang naman ang palagi kong tinatanong sa inyo noon pa pero sabi ninyo normal naman daw"
"Kasintahan mo siguro iyon anak"
Nabuga tuloy niya ang kapeng kanyang iniinom saka natatawang tumingin sa ina.
"Nay seryoso po kayo dyan?alam naman po ninyo ni minsan hindi ako nagkaroon ng nobya ni nililigawan nga wala eh"
"Alam ko anak,pero maniniwala ka ba kung may napapanaginipan kang tao at madalas mangyari ito ay maaaring may ugnayan sayong pagkatao?
"Anong ibig ninyong sabihin Nay?
"Malay natin may ugnayan kayo ng babaeng sa panaginip mo,nakita mo ba ang mukha niya at kilala mo ba siya?
Tanong ng kanyang ina na pinagtatakhan niya dahil unang nangyaring pinagkaka interesan ng inang tanungin ang tungkol sa kanyang napapanaginipang babae.
"Madalas ko pong nakikita ang kanyang mukha pero hindi ko po kilala dahil ni minsan hindi ko naman nakita sa personal"
"Natitiyak kong kilala mo rin siya sa personal anak at nakakasama mo siya sa iyong panaginip dahil kahit kailan hindi ka niya nakalimutan"
"Inay naman eh huwag nga kayong magbiro ng ganyan,panaginip lang po iyon at hindi magkatotoo ang isang panaginip,kaya ko lang naman tinatanong iyon dahil gusto kong malaman kung anong ibig sabihin nun"
"Iyon nga ang ibig sabihin nun anak maaaring magkakilala kayo ng babae at may ugnayan kayo dati kaya madalas mo siyang napanaginipan dahil hindi ka niya nakakalimutan"
"Hindi ko po kayo maintindihan Nay"
"Patawarin mo kami ng iyong Tatay anak,wala na siya kaya ako na ang humihingi ng tawad sayo para sa kanya"
"Nay!?
"Matagal naming pina-nanabikan ang magkaroon ng anak,sa tagal naming pagsasama na kahit marami kaming problemang pinagdadaanan ay magkasama naming hinaharap,mahal namin ang isa't isa na isang bagay lamang ang kulang iyon ay magkaroon ng anak"
"Nay?usal ni Paolo dahil umiiyak na ang kanyang ina.
"Hanggang sa dumating ka nga sa buhay namin anak,at sobra kaming masaya ng Itay mo kahit noong una ay hindi mo kami kilala dahil iyon naman talaga ang totoo anak"kwento pa ng ina.
"Nay,a-ano pong.."
"Dahil hindi ka nagmula sa amin Paolo,nakita ka lang ng Itay mo sa bangin"
"Inay!?nagulat niyang tanong.
NANAY TINANG STORY FLASHBACK:
SEVEN PM same day after Div's car accident happened:
Pauwi na ang mag asawang Isko at Tinang ng gabing iyon patungo sa Laguna dahil galing sila ng Quezon para bisitahin ang kapatid ni Isko.Nakita nila ang Barricade Tape sa tabi ng kalsada dahil sa gusto nilang malaman kung ano ang nangyari ay hininto nila ang jeep.
"Tinang dito ka lang ah?
"Saan ka pupunta?
"Gusto kong alamin kung anong nangyari sa baba"
"Sige mag ingat ka at bumalik ka agad"
Pumunta siya sa ibaba dala ang flashlight,nakita niyang may sunog na kotse.
"Kawawa naman ang na aksidenteng ito"usal ni Mang Isko.
Hindi rin siya nagtagal at lumakad na ito para bumalik sa taas ng may mahagip ang kanyang flashlight sa pinakasulok na liblib dahil nawala siya sa dinadaanan niya kanina.
Nilapitan niya ito at nakita niya ang nakadapang tao na walang malay,pinulsuhan niya at buhay pa ito.
"Diyos ko sino kaya ito at anong nangyari sa kanya?usal niya saka mabilid hinanap ang daan kung saan siya dumaan kanina.
Madilim naman kasi kaya hindi niya matandaan masyado ang daan.Mabuti na lamang at nasipa niya ang malaking bato at ito ang natandaan niya nung bumaba siya.
Muli niyang binalikan ang tao saka binuhat ito dahil malaking tao kaya nahihirapan siyang umakyat.
"Tinang madali ka tulungan mo ako"humihingal niyang wika.
"Diyos kong mahabagin"agad na sambit ni Tinang saka tinulungan ang asawa.
"Anong nangyari dito Isko bakit siya nasa bangin?
"Hindi ko rin alam baka siya yung naaksidente sa kotse na nakita ko sa baba"
"Ano!?Diyos ko kawawa naman siya"
Nakarating sila sa kanilang bahay at kaagad inasikaso ang lalake pagkatapos nilinisan ay sinuutan na ni Mang Isko ng damit at wala parin itong malay.
Kinabukasan maaga pa lamang gising na ang mag asawa at agad tiningnan ang lalakeng tinulungan kagabi,nakita nilang gising na ito at tulalang nakatingin sa labas.
"Kumusta ang pakiramdam mo hijo?tanong ni Mang Isko.
"Sino kayo?at sino ako?tanong nito.
Nagkatinginan silang mag asawa.
"Hindi mo alam ang pangalan mo at hindi mo kilala ang sarili mo?tanong ni Aling Tinang.
"Hindi ko alam ang pangalan ko...hindi ko alam kung sino ako at hindi ko rin kayo kilala"
Muli silang nagkatinginan na iisa sa kanilang isipan na maaaring nawala ang memorya ng lalake.Muli nilang iniwan ang lalake at tiningnan ang wallet ng lalakeng nakita nila sa pantalon nito kagabi.
"Ito ang kanyang pangalan,Dave Primo Vincent Montenegro,isang C.E.O"ani ni Mang Isko.
"Isa siyang Montenegro?
"OO Tinang ang ipinagtataka ko bakit hindi binalita ang nangyari sa kanya?
"Hindi ko rin tiyak Isko,anong gagawin natin ipaalam ba natin sa kanila?
"Kausapin natin siya Tinang"ani ni Mang Isko at muli nilang nilapitan ang binata.
Tulala parin ito at walang imik at hindi nila makakausap dahil hindi na ito nagsasalita at tinitingnan lamang sila ng binata.
Nagdaan pa ang mga araw at ganon parin siya gusto laging mapag isa at hindi sila kinakausap hanggang sa nag disisyon silang huwag na nila ipaalam kahit kanino ang nangyari dahil bihira lang naman sa mga tao dito ang may alam tungkol sa binatang Montenegro dahil private ang pagkatao nito.Nagpasya din sila na magpakilala sila sa binata na sila ang mga magulang nito,dahil matagal na nilang pinangarap ang magkaroon ng anak at sasabihin na lamang nila sa binata oras na bumalik ang alaala nito.
Hanggang sa sinabi nga nila at ayon sa kanila ay naaksidente siya sa jeep at nauntog ang ulo sa malaking bato dahilan sa nawala ang memorya nito,sa una tila hindi iyon tanggap ng binata hanggang sa palagi nilang sinasabi dito na ganon ang nangyari at sabihin pang alagang alaga nila ang binata,inaruga at inasikaso na parang tunay na anak.Minahal nila ang binata ng labis labis hanggang sa tinanggap sila nito bilang mga magulang at natutunang mahalin bilang ina at ama.At mula noon ay hindi nagtanong ang binata kung sino ito at saan siya nanggaling patunay ngang wala itong naalala ni katiting maliban na lamang na sinasabi nitong babaeng palaging napapanaginipan.At alam nilang mag asawa na malamang may kaugnayan ito sa pagkatao at buhay niya.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤

BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
TienerfictieSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...