"Margu"?bigkas nito sa pangalan ng dalaga habang hawak niya ang kapirasong letrato nilang tatlo"how...how do I explain it to you now?God why is this all happening to me?for all people here in Manila,bakit nagkataon na papa mo pa ang nabangga ko"?aniya sa sarili at mabilis na tinawagan ang number nila sa Mansion.
"Damn why aren't they answering the phone"galit niyang wika at tumingin sa wrist watch niya"quarter to 9:00 PM I know they're not in their room yet"aniya sabay dial ulit.
"Yes Po Senyorito"?anang kabilang linya.
"Thanks God you picked it up,Mila where's Margu"?
"Nasa storage room po Senyorito"
"Storage room?what is she doing down there?
"May kinuha lang po yata Senyorito"
"Okay Mila put down the phone go there and tell her I'm on line,quickly"anito sa katulong
"Okay po"
A minutes later nasa phone na si Margu"yes po Senyorito?
Pinakalma muna ang sarili bago ito sumagot"M-Margu listen carefully I've done a big mistake so please patawarin mo ako,it was an accident not really my intention but the accident is already happened"paliwa
nag niya sa dalaga kahit hindi pa niya nasabi kung anong problema.
"Senyorito ano po ba ang gusto ninyong sabihin"?
"Okay...okay...prepare yourself and I'll pick you up"
"Bakit po Senyorito?teka hindi ko po kayo maintindihan eh"
"Yes I know I just can't tell you right now so I'd better pick you up"
"Ga-ganon po ba,sige po Senyorito maghihintay ako"
"Okay thank you"aniya at pinutol na ang linya.
Lumabas na siya sa silid at dumaan muna sa information desk upang ihabilin sa mga nurse aalis muna siya pansamantala.
Pagdating niya sa kotse agad niya itong pinasibad patungo sa Mansion upang sunduin si Margu at dalhin sa Hospital.
"I'm really really really sorry Margu"usal nito sa sarili habang nagmamaneho.
Ni hindi na magawang tapunan ng tingin ang bulaklak na binili niya kanina.Ito kaya ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya ito.Pagdating sa Mandion ni hindi na pinansin ang mga guards na bumati sa kanya diretso ito sa loob at hinahanap si Margu.
"Margu!Margu!Margu!malayo pa lang at tinatawag na nito ang dalaga.
Agad naman lumapit sa kanya si Manang Cora na nagtataka kung napapaano ba ang binata"oh bakit Div anong nangyari sayo at bakit mo hinahanap si Margu"?
"Nanay Cora I'll explain it later but for now we need to go,where's Margu?I told her to prepare herself"anito na halos hindi mapakali.
"Sa room nila at naghanda nga papalabas narin yon"
Sasagot pa sana ito ng makita niya ang dalaga na lumabas galing sa maids quarter hindi na nito hinintay na makalapit sa kanya,hinakbang na nito ang dalaga saka hinawakan sa kamay palabas ng bahay.
"S-sandali Senyorito huwag mo naman ako kaladkarin marunong naman ako lumakad"reklamo nito sa binata na naguguluhan parin.
"Oh okay I'm sorry,and good thing na simple lang ang suot mo akala ko kasi nakagown ka kaya ka natagalan"anito na lang sa dalaga.
Umismid lang si Margu at tahimik ng sumunod sa binata,naiwan namang nagtataka si Manang Cora pati ang mga kasambahay.
Habang sa biyahe gusto niyang i-enjoy ang sarili dahil ito ang unang beses na nakasakay siya sa ganitong kagarang kotse,pero hindi niya maiwasan ang magtaka ng mapansin niyang patungo sila sa Hospital saglit nilingon ang binata na walang imik kaya nagtanong na ito.
"A-anong gagawin natin dito"?
"You will know Margu"
Kaya tumahimik na lang siya ulit,ilang sandali pa ay nakapark na sila at pinagbuksan siya nito ng kotse.
"Let's go in"ani ng binata na inalalayan siya.
Para lang siyang manika de remote na sunod sunuran sa binata,maya't maya nakita niyang huminto ang binata sa isang silid kaya tiningnan niya ito na tumingin naman sa kanya ang huli.
"Margu kung ano man ang mararamdaman mo,I fully understand you but I hope you would let me to explain before ka magalit or whatsoever"ani ng binata na nagpakunot lalo sa kanyang noo.
Grabe ano bang kadramahan to at sino naman kaya ang nasa loob ng silid na masyado niyang pinagluluksa at heto at idadamay pa siya talaga na hindi niya maintindihan.
"Bakit sino po ba ang nasa loob ng silid"?
Hinawakan siya ng binata sa kamay atsaka sabay na silang pumasok,tumambad sa kanya ang taong nakahiga na walang iba kundi ang kanyang pinakamamahal na ama,kaya mabilis siyang lumapit dito at walang pag alinlangang niyakap ito sabay ng pag-iyak niya.
"T-Tay!?Itay!?ano pong nangyari sa inyo at bakit kayo nandito!?Tay!?Taaaaaayyyyyy!?hagulgol niya sabay yakap parin sa ama.
Naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat kaya marahan siyang nagtaas ng tingin at humiwalay sa pagyayakap ng kanyang itay.Walang kurap na tinitigan niya ang binata na malamlam ang mga mata nito.
"S-sino ang may kagagawan nito?sino ang taong muntikan ng patayin ang Tatay ko?sinoooooo???
sumagot kaaaaaaa....!!!sigaw niya sa binata sabay kinuwelyuhan ito.
Ng bigla nalang siyang yakapin ng binata ng mahigpit bagay na pinagtataka niya"pa-patawarin mo ako Margu it's not really my intention na mabangga ang Tatay mo it was an accident Margu please believe me"umiyak naring sagot ni Div dahil naaawa din siya sa mga ito.
Dahil siguro likas na kay Margu ang kababaang loob kaya himinahon ito sa mga bisig ng binata na talagang kailangan niya sa mga sandaling iyon,hindi niya kayang makita na mahihirapan ang kanyang mga magulang pero hindi rin niya magawang sumbatan ang binata sa nagawa nito sa Tatay niya dahil malawak ang kanyang pang unawa upang unawain ang pangyayari.Kusa na lamang ito umiyak ng sa ganong paraan mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman,nagpapasalamat siya nabuhay pa ito iyon na lamang ang panghahawakan niya.
Aksidente nga,hindi mo yan mapipigilan at hindi mo rin matatakasan.Ilang sandali sila sa ganoong sitwasyon ng kusa na siyang bumitiw mula sa pagkakayakap sa kanya ng binata,inalalayan naman siya ni Div na makaupo sa bango na naroon sa silid at tumabi sa kanya.
Pinahid niya ang kanyang luha sabay ayos sa sarili nito at tiningnan ang kanyang ama.
"I'm really sorry Margu,I know how you feel right now and I want you to know that I am just here beside you,it's my responsibility after all so please let me be the part of it"ani ng binata na kinalingon niya.
Bahagya siyang ngumiti sa binata sabay pahid ulit ng luha na dumadaloy sa kanyang pisngi at nagsalita"una sa lahat salamat sa pagdala ninyo ni Tatay dito sa Hospital at hindi ninyo pinabayaan,nagpapasalamat din ako na ako ang una ninyong sinabihan sa halip na itago ito,at pasensya na kayo sa ginawa ko kanina,nabigla lang ako"ani ng dalaga sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng sandaling iyon,hindi niya alam kung nakokonsensya siya,naaawa ba siya o masaya ba siya dahil tinanggap ng dalaga ang paghingi niya ng tawad kahit pa sabihing ama nito ang pinag uusapan.Dahil siguro sa kagalakan ay niyakap niya ang dalaga ng buong higpit na nagpaubaya naman ang huli.
"T-Thank you Margu maraming salamat sa pang uunawa at pagpatawad sa akin,I really thank you for that Margu you have such a big heart"
"Aksidente naman po ang nangyari kaya wala akong karapatang sumbatan kayo Senyorito"ani ng dalaga at bigla silang nakarinig ng pag-ungol kaya sabay silang napalingon sa matanda.
"Tay!?Tay gising na po kayo?kumusta po ang pakiramdam ninyo Tay?may masakit po ba sa inyo Tay"?sunod sunod na tanong ni Margu.
Tila nanghihina pang sumagot si Mang Carding"a-anak maaari bang isa isang tanong lang muna?heto nga't mahina pa ako anak eh"
Niyakap naman ito ni Margu"salamat po Tay at ligtas na kayo"
"Hindi naman ako napuruhan anak kaya huwag kang mag-alala buhay na buhay pa ako"
"Si Tatay talaga eh magawa pang magbiro"
"Sige na nga,siyanga pala bakit ka nandito?paano mo rin nalaman na nandito ako?at siya ba ang nakabangga sa akin"?tanong ng kanyang Tatay sabay tingin sa binata.
Nilingon naman ito ni Margu at muling tumingin sa ama"Siya po ang nagdala sa akin dito Tay at opo Tay siya nakabangga sa inyo"
"Kumusta po pakiramdam ninyo Tatay?patawarin po ninyo ako sa nagawa ko hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari"sagot naman ng binata na bahagya pang yumukod.
Nabigla naman si Margu sa paraan ng pagtawag ng binata sa kanyang ama ng maya't maya ay sumagot ang kanyang Tatay"ah ganon ba?salamat sa pagdala mo sa akin dito,sino nga pala pangalan mo"?
"Hindi po kayo galit sa akin Tatay"?gulat naman niyang tanong na hindi muna ito sinagot.
"Aksidente ang nangyari kaya wala akong dapat ikagalit sayo pareho nating hindi gusto ito,pasalamat nalang ako at nabuhay pa"wika ni Mang Carding.
"Salamat po,maraming salamat po Tatay"aniya at kinamayan ang matanda sabay sabi ng pangalan niya"ako po si Dave Primo Vincent Montenegro,Div po kung tagawin ako at kayo po si Tatay.....?aniya sa matanda.
Nagtataka man si Mang Carding na isa itong Montenegro pero kinamayan na lamang ang binata"ako si Mang Carding hijo"
"Kinagagalak ko po kayong makilala Tatay Carding"
Sa isip naman ni Margu bakit ba tatay ng tatay ito sa kanyang ama namimihasa na ang kumag na ito ah ng muli niyang marinig nagsalita ang kanyang ama.
"Salamat ako man hijo,sa lagay na iyan hindi na ako magtataka na kayo ang amo ng anak ko"?
"Ako nga po Tatay Carding"
"Mang Carding nalang hijo masyado ng nakakahiya sa inyo bilang amo ng anak ko"
"Ah hindi ayos lang po iyon,natutuwa po akong tawagin kayong tatay,I really enjoy it"ani ng binata na bahagyang sumulyap sa dalaga na nakatingin lang ito sa kanya.
Ilang sandali pa may pumasok na isang nurse upang i-check ang pansyente.
"Nurse kailan po pwedeng makalabas ang Tatay ko"?salubong na tanong ni Margu sa nurse.
"Anytime po Mrs. Montenegro,since wala naman traumatic issue at may gamot naman na dapat niyang inumin"paliwanag ng Nurse.
Pinilig niya ang kanyang ulo upang bumalik sa katinuan ang kanyang isip dahil sa narinig nitong tinawag siyang Mrs. Montenegro.
"S-salamat po nurse pero h-hindi po ako M....."sagot sana nito ng biglang umagaw ng eksena ang binata.
"Okay nurse kukunin na lang namin ang mga gamot para kay Tatay and thank you again for taking care of him"ani ng binata sabay tingin sa mag-ama na parehong natigilan.
Tumango lang ang nurse sa kanila at lumabas na ulit,tiningnan naman siya ng mag-ama na walang salita kaya nagpaalam ito sa kanila"ahm Margu I gotta go to take Tatay Carding's medicine"aniya na hindi na hinintay sumagot ang dalaga at lumakad na ito.
Naiwan namang nagkatinginan sina Margu at Mang Carding ng magsalita ito.
"Anak paano ka naging....."
"Iyon siguro ang sinabi niyang apelyido Tay,hindi naman po niya alam ang pangalan ninyo eh"putol nito sa sasabihin ng ama.
"Kung ganon akala siguro ng mga nurse eh mag-asawa kayo"ani ng ama na kinalingon niya.
"Hayaan mo na Tay,paano po kaya niyo na ba ang kumilos Tay?
"Syempre naman anak hindi naman ako nalampa eh,at kailangan ko ng makauwi baka nag-alala na sa akin ang Nanay mo"
"OO nga po Tay,siyanga pala Tay paano po kayo nabundol at bakit po?
"Kanina kasi anak tumawid ako sa kalsada pero naka red light naman sadya lang siguro na mabangga ako ng amo mo para magkita tayo"
"Hmmm hindi naman po siguro Tay sadyang nangyari lang,eh bakit nga po kayo nasa kalsada pa kahit hapon na pagkaalam ko mga ganong oras eh nasa bahay na kayo"
"Eh kasi naghahanap ako ng trabaho kanina anak"
"Ano?trabaho?bakit po Tay?
"Kasi nagtanggal ng tauhan ang may ari ng gusali na pinagtatrabahuhan ko"
"G-ganon po ba Tay?anito na naawa sa mga magulang.
Napansin naman ito ni Mang Carding ang pag alala sa mukha ng anak"Margu anak huwag ka ng mag-alala makakahanap din ako ng trabaho"
"Nag-alala lang po ako paano kayo makakain kung wala kayong pera dahil wala na kayong trabaho at ako naman sa katapusan ko pa makukuha ang sahod ko"
"Huwag mo ng isipin yon anak may ipon pa naman kami ng Nanay mo kahit papaano,kaya huwag mo na isipin iyon ha?
"Hayaan niyo Tay mangungutang ako sa mga kasamahan ko sa Mansion para ibigay sa inyo"
"Naku yan ang huwag na huwag mong gagawin anak,kaya namin ng Nanay mo ang gastos para sa amin basta ang isipin mo mag ipon ka para sa sarili mo"
"Tay alam ko naman po iyon pero gusto ko rin po kayong tulungan Tay.
"Anak sapat na sa amin ng Nanay mo na kaya mo na ang sarili mo kaya ayos na iyon,nakakahiya man pero kami dapat ang tutulong sayo dahil kami ang mga magulang mo"
"Hay naku si Tatay heto na naman at magdadrama pamilya po tayo Tay kaya dapat magtulungan tayo hindi po ba Itay"?aniya sa ama sabay yakap dito.
"Salamat anak,maraming salamat na dumating ka sa amin"
"Aysus,at salamat din sa inyo na nagkilala kayo ni Nanay at binuo ako,utang ko sa inyo ni Nanay kung ano man ako ngayon,kaya lahat lahat gagawin ko para sa inyo kaya ko magtiis matulungan lang kayo dahil mahal na mahal na mahal ko kayo Tay"aniya ng dalaga at buong higpit silang nagyakap.
Habang sa labas naman ng pintuan ng silid na iyon ay matamang nakikinig si Div sa usapan ng mag-ama,naaawa siya sa mga ito,naantig ang kanyang puso para sa isang amang nagmamahal sa anak at lalo siyang napahanga sa kabutihan at kababaang loob ng dalaga.Sa isip niya,maswerte ang mga magulang nito na may anak na katulad ni Margu at maswerte din si Margu na nagkaroon ng mga magulang na kayaga nina Mang Carding.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤

BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Teen FictionSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...