Chapter 41

993 36 5
                                    

NAPAPALUNOK ng sunod sunod si Paolo ng marinig ang kwento ng kanyang ina,ngunit bakit ni minsan ay walang sumasagi sa isip niya ang tungkol sa tunay niyang pagkatao?Kinapa ang sarili kung mayrong galit sa puso niya dahil sa naging disisyon ng kanyang mga magulang na itago siya kahit alam ng mga ito ang tunay niyang pagkatao.Pero wala siyang nararamdamang galit para sa mga ito bagkus ay nagpapasalamat siya na dinugtungan ng mga ito ang kanyang buhay.
"Patawarin mo kami anak hindi namin hangad ng Itay mo ang makakuha ng kahit anong bagay na meron ka kundi gusto lang namin maranasan ang magkaroon ng anak"untag ng kanyang ina.
Niyakap niya ang kanyang ina at hindi na napigilan pang umiyak"Nay,wala po kayong dapat ihingi ng tawad at nagpapasalamat po akong tinulungan ninyo ako at patuloy na nabubuhay kahit hindi ko kilala ang sarili ko"aniya sa ina.
"Napakabuti mong anak Paolo at salamat sa mahabang panahong naging anak ka namin,alam kong mali ang ginawa namin at kung sakaling magbalik ang iyong alaala at maalala mo na ang iyong tunay na mga magulang handa akong panagutan ang ginawa naming pagtatago sa iyo"
"Hindi Nay..hindi ko gagawin yan dahil nagpapasalamat po ako sa mga nagawa ninyo sa akin utang ko po sa inyo ni Itay ang pangalawa kong buhay"
"Salamat anak at sa nalalabi ko pang buhay napasaya mo ako"
"Nay huwag po kayong magsasalita ng ganyan mabuhay pa kayo ng matagal Nay"aniyang muling niyakap ang ina.
Ilang sandali pa ay may kinuha itong isang bagay at nakita iyon ni Paolo,ito yung nakita niya kagabi malapit sa higaan ng kanyang ina.
"Heto kunin mo ito anak dahil sa iyo yan"inabot ito sa kanya.
"A-ano po ito Nay?
Wallet ni Div kung saan nandon ang calling card,business card,address at family pictures at picture nila ni Margu.
Kinuha niya ito at isa isang tiningnan ang laman niyon,hindi niya kilala ang mga ito at nakita niya ang kanyang sarili sa mga larawan at wala siyang matandaan kahit isa sa mga ito maliban sa isang babaeng kasama niya sa isang larawan at larawan na buntis ito at ito ang babaeng madalas niyang napapanaginipan.Nabasa din niya ang kanyang pangalan,Napapailing siya sa mga nakikita talagang walang pumapasok sa utak niya kahit katiting na alaala.
"Anak huwag mong piliting maalala ang lahat,kaya ko pinakita iyan sayo para unti unti mong makilala ang sarili mo"
"Nay may asawa po ba ako at may anak na ba ako Nay?
"Iyan ang hindi ko masagot anak dahil pribado ang personal mong buhay kaya wala masyado kaming alam tungkol sayo"
"Itong babae po sa larawan na buntis at kasama ko ito po ang madalas kong napapanaginipan Nay"aniya sa ina.
"Malamang isa siya sa malapit sa puso mo anak"anang kanyang ina.
At biglang sumagi sa isip niya ang babae kahapon bakit parang magkamukha ang babae sa larawan at ang babae kahapon?
"Anak anong balak mo ngayong alam mo na ang tungkol sayo?
"Pag iisipan ko po muna Nay baka po hindi nila ako matanggap kung bigla akong susulpot sa kanila,siguro Nay hintayin ko nalang ang pagkakataon na magkatagpo ang landas namin ng mga magulang ko,sa ngayon po dito muna ako sa inyo"anang binata.
"Anak!?mahinang usal ni Aling Tinang.
"Nay hindi ko po kayo iiwan at pabayaan,ngayon nyo higit kailangan ang isang anak"
Niyakap siya ng kanyang ina ng mahigpit at napaiyak ito.
HABANG sina Margu at Ana ay nasa tabi sila ng kalsada at kinakausap ang driver ng bawat dumaraan na jeep.
"Grabe ka Bestie ibang klase rin itong trip mo"reklamo ni Ana.
"Bestie relax ka lang dyan"
"Paano naman ako magre-relax kung nagpapasama ako sa kalokohan mo ha?
"Bestie naman eh kalokohan agad di ba pwedeng gusto ko lang kompirmahin?
"Hay naku nangungulila ka lang sa boses ni Div Bestie kawawa naman yung taong pinagdidiskitahan mo"
Natahimik siya hindi kaya totoo ang sinasabi ni Ana na nangungulila lang siya kay Div?pero hindi eh,malakas ang pintig ng puso niya sa tuwing naririnig ang boses na iyon.
Hanggang sa ilang oras sila nandon nag aabang ay wala siyang naririnig na ka boses ni Div kaya naisipan na nilang umuwi at magtatanghali narin pala.
Pagkahatid kay Ana sa bahay nila ay dumaan siya sa bahay ng kanyang mga magulang.Malayo pa lamang ay tanaw niya na ang sari sari store nila naparenovate narin ang bahay sa tulong ng kanyang Mama at Papa.
"Naaayyy,Taaayyy"malayo pa lamang ay tinawag niya ang mga magulang.
"Anak Margu napadalaw ka?ani ni Aling Minda.
"Bakit ikaw lang mag isa anak nasaan ang kambal?tanong ni Mang Carding at nagpalinga linga ito.
Niyakap niya ang kanyang mga magulang atsaka sumagot"hindi ko po sila kasama Tay dahil may pinuntahan lang po kami ni Ana kaya pagkahatid ko sa kanya dumaan naman po ako dito para makita kayo"paliwanag niya dito.
"Ah ganon ba anak?
"Kumain ka na ba anak?tanong ni Aling Minda.
"Hindi pa po Nay pero doon na po ako kakain sa bahay nangako po kasi akong uuwi din agad"
"Sige ikaw ang bahala ikumusta mo kami sa mga magulang mo at sa kambal okay?
"Makakarating po Inay,sige po uuwi na ako mag-iingat po kayo palagi Tay,Nay"aniya sa mga magulang.
Kumaway muna siya sa mga magulang bago tuluyang pinasibad ang kotse upang umuwi na sa bahay.At sa Mansion pa nga pala sila matutulog mamaya hanggang bukas ganon kasi ang routine nila every Saturday and Sunday doon sila natutulog sa Mansion ng mga Montenegro.
Kinahapunan ay naghanda na sila upang tumungo sa Mansion.
"Kiddos don't be too stubborn there,behave okay?bilin ni JB sa mga pamangkin.
"Opo Daddy JB"panabay na sagot ng kambal saka humalik sa kanya at kay Bianca.
"We gonna miss you kiddos"ani ni Bianca.
"Missing you too Mama Bianca"ani ni Mara.
"Hija ikumusta mo kami sa mag-asawa"anang kanyang ina.
"Okay po Ma"
"Sige na baby lumakad na kayo at mag ingat ka sa pag drive okay?ani ng kanyang ama.
"I will po Papa,anyway guys we go ahead now"aniya at humalik sa mga ito bago umalis.
Kumaway ang mga ito sa kanila saka tuluyan na silang umalis.Ilang minuto pa ay narating na nila ang Mansion kaagad sila pinagbuksan ng gate.
"Magandang gabi po Senyorita"bati ng mga guards sa kanya.
"Magandang gabi din po sa inyo,kumusta kayo dito?aniyang umibis na sa kotse.
"Maayos naman po Senyorita"
Ngumiti naman siya sa mga ito at pumasok na sa loob ng matapos lambingin ng mga guards ang kambal.Wala pa sa Mansion ang mag asawa pati si Manang Cora at ang mga katulong lang ang nadatnan nila.
"Magandang gabi po Senyorita Margu"bati ni Lily.
Ayaw naman sana ni Margu na tawagin siyang ganon ng mga katulong dito kaya lang ayaw paawat ang mga itong Senyorita ang itawag sa kanya kaya hinayaan na lamang niya
"Magandang gabi din Ate Lily kumusta na kayo dito?
"Mabuti naman kami dito Senyorita at masaya kami na nandito kayo ulit kasama ang mga cute na kambal"ani ni Lily saka binuhat ang mga bata at nasanay din naman sa kanila ang kambal.
Lumapit narin sa kanila ang iba pang katulong at nilalaro sina Davin at Mara.
"Senyorita i-akyat ko nalang po sa taas ng kwarto ninyo ni Senyorito Div ang mga gamit ninyo"ani ni Mila saka kinuha ang mga gamit ni Margu.
"Sige salamat aakyat din naman ako maya maya lang hintayin ko muna sina Daddy at Mommy"aniya dito.
"Darating na po yon sila malamang on the way na"
Dinala na ng katulong ang gamit ng mga anak niya at siya ay gumawi sa kusina upang kumuha ng tubig.Naalala niya noon sa tuwing pupunta siya dito iiyak siya dahil lalo niyang naalala si Div pero ngayon nasanay narin siya.
Ilang minuto pa ay dumating na ang mag asawa kaagad ito sinalubong ng kambal at nagmano sila.
"Grandpa,grandma!panabay na wika ng kambal.
"Hello kiddos here you are"ani ni Senyor at isa isang pinaghahalikan ang mga apo.
Nagpapakarga sila sa mag asawa at humalik din sila sa mga ito at siyang paglabas ni Margu mula sa kusina.
"Hija Margu how are you?tanong ng Senyora sabay yakap sa dalaga.
"I'm fine Mom had you both enjoyed the party?tanong niya at gumanti din ng yakap.
"Glad you okay hija,yes we did"
"And how about you Dad?aniya sa Senyor at humalik dito.
"You know hija partying isn't my things but I do enjoyed it somehow"birong sagot ng Senyor.
Tumawa naman sila sa biro ng Senyor at maya maya pa ay nagpaalam siya upang tumungo sa kwarto nila ni Div,tumungo narin ang mag asawa sa master bedroom upang makapagbihis at tangan tangan nila ang kambal.
Pumasok siya sa silid nila ni Div kung saan naranasan din niyang matulog dito kasama ang binata nung buntis pa lamang siya sa kambal.Tumungo siya sa closet at kinuha ang mga picture frames ni Div saka nilagay ulit kung saan ito nakalagay dati.Pinalabas din ang isang malaking frame ni Div na naka display dati sa living room,ipapa kabit niya ito bukas.
Pagkatapos niyang makapagbihis ay kinatok na siya ng katulong upang sabihing bumaba na at nakahanda na ang hapunan.
"Senyorita nakahanda na po ang hapunan"ani ni Mila.
"Sige susunod na ako"aniya sa katulong.
Nasa mesa na ang lahat pati si Manang Cora.
"Hello po Nanay Cora kumusta po kayo?bati niya sa ginang at humalik dito.
"O hija Margu mabuti naman ako at ikaw kumusta ka na?
"Mabuti naman po ako Nanay Cora"aniyang umupo na sa tabi nito.
Nagsimula na silang kumain at inasikaso ni Rosa at ni Jenny ang kambal sila ang nagpapakain nito,kapag kasi dito sila sa Mansion eh gusto ng mag asawa todo asikaso ang kambal ng mga katulong at doon sa kanila hinayaan nilang kumain mag isa ang mga ito.Kaya spoiled talaga ang kambal lalo na si Davin.
"Yaya I don't eat pumpkin soup"reklamo ni Davin samantala doon sa kanila kumakain naman ito.
Magsasalita sana siya ng magsalita ang Senyora.
"Rosa huwag mong pakainin ng soup iba nalang"ani ng Senyora.
"Mom kumakain naman po iyan ng pumpkin soup nag iinarte lang yan"aniya sa ginang.
"Hayaan mo na hija"sagot naman ni Senyor at kinausap ang apo"what do you want baby boy?
"I want alphabet soup and french fries po grandpa"
"Davin hindi nagluluto si yaya Rosa ng ganyan ngayon kaya kumain ka kung anong dito sa mesa"sita ni Margu.
"Noooo!!! I said I want that soup and french fries noooowwww!!!sigaw ni Davin.
Dios Mio nabuhay yata ulit si Div sa katauhan ng batang ito.Grabe hindi talaga mahihindian kung ano ang gusto iyon dapat ang ibigay.
"Okay tatawag tayo sa restaurant to deliver you food okay?ani ni Senyora.
"Mommy Amalya huwag na po kakain din yan maya maya"
"It's okay hija he doesn't want to..kumain na kayo okay at tatawag ako sa restaurant"anang Senyora at gumawi sa sala.
Pinandilatan niya ito ng mga mata at nakita ni Manang Cora.
"Hija hayaan mo na bata yan eh,magbago din yan"ani ni Manang Cora.
Sumunod naman si Davin sa lola niya at si Mara ay patuloy naman kumakain,mabuti pa ang isang ito wala masyadong problema sa kanya.
Nagpatuloy na silang kumain at ilang minuto din dumating na ang pagkain ni Davin.Masaya naman ito sa kakarampot na pagkaing gusto niya samantalang ang daming nakahain na pagkain sa mesa.
Nasa balcony sila pagkatapos nilang maghapunan nilalaro naman ng mga katulong ang mga bata dahil hindi pa inaantok ang mga ito.
"Parang kailan lang kayong dalawa pa ni Div ang pumupunta dito,ngayon naging tatlo na nawala nga lang ang isa"simula ni Senyora.
"Sobra ko ng namimiss ang anak kong iyon"ani naman ni Senyor.
"Palagay ko kung hindi siya nawala ng araw na iyon,siguro siya na ang pinakamasayang tao sa mundo dahil isinisilang mo ang inyong anak"ani naman ni Manang Cora.
Napabuntong hininga siya at ngumiti sa mga ito.
"Masaya narin po ako kahit papaano dahil nawala man siya dito sa mundo kahit kailan hindi naman po siya nawala sa ating puso at sana po masaya siya kung saan man siya naroroon ngayon"aniya sa mahinang tinig.
"Hija anak siguro ito na ang tamang panahon para pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo"ani ng Senyor.
"Anong ibig po ninyong sa Dad?
"Margu anak bata ka pa siguro panahon na para pakawalan mo si Div,bakit hindi mo subukang magkaroon ng relasyon sa ibang lalake para may kasama ka sa iyong pagtanda?ani ng Senyor.
Natahimik siya sa tinuran ng Senyor ng magsalita ang Senyora.
"Mas masaya siguro si Div kung matutunan mo na siyang pakawalan at kalimutan at pagtuunan mo ang sarili mong kaligayahan"anang Senyora.
Tumingin siya sa mga ito at tumingin din kay Manang Cora na hindi ito nagsasalita.Pero hindi niya maintindihan kung bakit biglang tumutulo ang kanyang luha at para bang sinaksak ng matalim na kutsilyo ang kanyang puso sa isiping kakalimutan niya si Div at maghahanap ng lalakeng mamahalin niya ulit.Parang ang sakit sa dibdib dahil hindi niya kayang ipagpalit si Div at mas lalong hindi niya ito kayang kalimutan.
"Hija!?untag ng Senyor.
Nagpahid siya ng luha at ngumiti siya sa mag asawa.
"Nagpapasalamat po akong iniisip ninyo ang kapakanan ko at sarili kong kaligayahan patunay lamang po na hindi kayo makasarili.At isipin po ninyong baliw ako pero hindi ko po kayang kalimutan si Dave at higit sa lahat hindi ko magawang ipagpalit siya sa iba dito sa puso ko,dahil siya lamang po ang mamahalin ko habang ako'y nabubuhay dahil nung araw na namatay siya kasama po niyang namatay ang puso ko kaya hindi ko po magawang magmahal ng ibang lalake"ani ni Margu na tuluyan ng napaiyak.
Dinaluhan naman siya nina Manang Cora at Senyora.
"Tahan na hija patawarin mo kami ng Daddy mo kung nabanggit namin iyon sayo"ani ni Senyora.
"Margu hija maraming salamat sa pagmamahal na binibigay mo sa anak namin kahit wala na siya at patawad sa mga nasasabi namin sayo"ani ng Senyor.
"At natitiyak kong masaya si Div sa mga sinasabi mo Margu"nakangiting wika ni Manang Cora.
Ngumiti siya at nagpahid ng luha saka nagsalita.
"Daddy Arnulfo,Mommy Amalya at Nanay Cora humihingi po ako ng pahintulot mula sa inyo na sana'y hayaan ninyong mamahalin ko si Dave habang nabubuhay ako sa mundo,huwag ninyo po sanang ipagkait na mararamdaman ko rin ang pagmamahal niya sa akin sa pamamagitan ninyong pamilya niya"ani ni Margu.
Ngumiti sa kanya ang mga ito at tumango sa kanya kaya muli niyang niyakap ang mga magulang ng binata na labis labis niyang iniibig kahit nasa kabilang buhay na ito.
Pagkatapos nilang mag usap at mahaba haba din ang ginugol nila ay kanya kanya ng nagpaalam na papasok na ang mga ito sa kani kanilang kwarto upang matulog na.
Pumasok narin siya sa silid nila ni Div at nadatnan niyang nahimbing ng natutulog ang kambal na pati si Jenny at Rosa ay nakatulog na sa tabi ng mga anak.Lumapit siya sa mga ito at mahinang ginising ang dalawa.
"Ate Jenny!?Ate Rosa!?mahina niyang yugyog.
Nagising naman ang dalawa"Senyorita?
"Sige na pumunta na kayo sa silid ninyo para matulog at maraming salamat sa pag aalaga sa kambal ko ha?
"Wala po iyon Senyorita sige po good night na sa inyo"ani ni Jenny at lumabas na sila.
Pagkaalis ng dalawa ay nagpalit na siya ng damit pantulog at tumabi sa dalawang anak,hinalikan muna ang dalawa saka kinuha ang photo frame ni Div sa bed side table at hinalikan ito.
"Good night baby and I love you so much"aniya at binalik na ito saka pa nahiga upang matulog na rin.
"Babyy!Babyy!ang naririnig niyang tumatawag sa kanya.
Tiningnan niya ito at nakita niyang isang pigura ng lalake ang nasa bungad ng pintuan ng kwarto.
Bumangon siya at tiningnan ang kambal tulog parin ang mga ito,kaya dahan dahan siyang bumaba ng kama upang lapitan ang tumatawag.
"Baby come here"anang lalake.
"Dave!?
"Yes baby it's me come closer baby I really miss you"
Lumapit siya at nakita niya ang mukha ni Dave,nangingislap ang mga mata sa tuwa ng makita siya at wala paring ipinagbago ang gwapo parin ni Dave kaya lang medyo umitim ito at pumayat din ng konti at parang hindi na ito ang Dave na matagal niyang nakasama noon.Ganon pa man hindi nabawasan ang pagtingin niya sa binata.
"Dave I really miss you too and please don't leave us again baby because we need you"aniya sa binata at niyakap ito ng mahigpit.
"I won't baby I promise I won't leave you again I'll be by your side at sa magiging anak natin"sagot ni Dave na nasasabi niya na ito dati pa.
At bigla itong naglaho na parang hangin mula sa kanyang pagkakayakap.
"Nooooo!!!!!Daaaaaavvvvvveeeeee!!!sigaw niya sabay may yumugyog sa kanya.
Napamulat siya ng mata at si Manang Cora ang nakita niya.Pawisan siya na sobrang init ang kanyang nararamdaman kahit may aircon naman.
"N-Nanay Cora!?nanginginig niyang wika.
"Hija nanaginip ka yata?
Nilingon niya ang kambal ngunit wala na ang mga ito.
"Ang mga anak ko po Nanay Cora?
"Gising na sila kanina pa at ewan ko ba kung bakit ang aga aga nilang nagising"
Nagtataka siya anong oras na pala?tumingin siya sa wall clock at 4:40 AM pa.
"Masyado pa palang maaga Nanay Cora"aniyang humiga ulit.
"Nadatnan kitang umuungol ng kumuha ako ng mga damit ng kambal at tinawag mo si Div"
"Akala ko po totoong nagbalik na siya Nanay Cora dahil parang totoo pong nayakap ko siya pero panaginip lang pala"
"Hindi naman talaga totoong nawawala siya hija dahil nandito lang siya"ani ni Manang Cora at lumabas na.
Ngumiti lang siya at balak niyang matulog ulit ngunit hindi na siya dinadalaw ng antok kaya bumangon na siya saka inayos ang higaan nila at tumungo na sa bathroom upang maligo.Pagkatapos maligo ay nagsuot na ito ng casual dress dahil sa Mansion lanh naman siya ngayong araw.
Nasa hagdanan na siya upang bumaba ng mahagip ng kanyang mata si Davin na nasa balcony at tumungtong ito sa taas.Bigla siyang natakot dahil kapag mahulog ang bata ay diretso sa sementadong parking lot ng Mansion kaya bago mahuli ang lahat ay mabilis siyang tumakbo upang lapitan ang anak na sobrang kabog ng dibdib.
"Daviiiiiiiiinnnnnn noooooooo!!!sigaw niya habang tumatakbo.
Sa awa ng Diyos ay nasagip naman niya at napigilang tuluyang tumungtong sa taas.At dahil sa sobrang takot at kaba niya ay hindi niya napigilan ang sarili kaya pinalo niya sa pamamagitan ng kanyang kamay na makailang ulit si Davin.
"You little brat!!you scared me to death don't you know that!????asik niya sa bata at pinalo ito sa paa.
"Do you really want to die ha!???muli niyang asik at muli itong pinalo.
""Huhuhu Mommy!ilag ni Davin.
"Papatayin mo ba talaga ako sa nerbiyos ha Davin gusto mo bang sumunod sa Daddy mo kaya gusto mong magpakamatay ha bata ka!?????tinamaan ka ng lin.."
"Margarette Marguex!!!!sigaw ng Senyor.
Mabilis silang lumapit sa mag ina bago pa ulit paluin ni Margu si Davin.
"What do you think you're doing ha Margu why did you hit my grandson!??asik ni Senyor sa kanya.
Saka naman siya natauhan at natahimik dahil ito ang unang beses na pinagtaasan siya ng boses ng Senyor.
"Margu bakit mo pinalo si Davin at kung ano ano pa ang pinagsasabi mo sa bata?tanong din ni Senyora at kinuha ang batang umiiyak.
Napatingin siya sa mga ito at nakita niya ang galit sa mga mata nila kaya bago pa tuluyang mapasama siya ang nagpaliwanag na ito.
"I-I'm sorry po hindi ko sinasadyang paluin ang anak ko at pagsabihan ng kung ano ano,nagawa ko lamang iyon dahil sa takot ko kanina na tumuntong siya dito sa taas at akala ko po mahuhulog siya at iyon po ang kinakatakot ko"aniya sa mga ito.
Nabigla naman ang mga ito at tiningnan ang apo na natakot din para sa bata.
"Davin why did you do that?don't you know it's very dangerous for you to come up here?tanong ni Senyor.
"I'm sorry grandpa,I'm sorry grandma,I'm so so sorry Mommy"iyak ni Davin.
"Oh my God Davin you're going to give us a heart attack please huwag mo ng uulitin yon ha masyadong delikado sa iyo"ani ng Senyora.
"Okay po I won't do it again"
"Go to Mommy Margu and say sorry to your Mom now"utos ng Senyor.
Sumunod naman ang bata at hinawakan sa kamay ang ina at tumingala sa kanya.
"Dear Mommy I'm really really sorry for what I did I promise I won't do it again Mommy and I'm sorry for giving you too much nervous just now"ani ni Davin at yumukod.
Lumuhod si Margu upang magkapantay sila ng anak,nagsisi din siya dahil napalo niya ito this is the first time na pinalo ang anak pero hindi niya masisisi ang sarili dahil sobrang natakot siya at ayaw niyang may mawala pa sa mga mahal niya sa buhay dahil hindi niya na kakayanin yon.
"I'm sorry baby hindi ko gustong saktan ka natakot lang ako dahil ayokong may masamang mangyari sayo dahil mahalaga ka at mahal ko kayo ng kapatid mo please don't do it again anak"aniya saka pinaghahalikan ang anak at niyakap ito ng mahigpit.
"I won't Mommy and I love you too,we love you so much Mommy"ani ni Davin.
Ng mahimasmasan ay pinakuha na nila ang bata sa katulong at sinabing bantayan ito ng mabuti saka nila kinausap si Margu.
"Pasensya ka na hija kung nasigawan kita kanina hindi ko lang kasi gusto makitang sinasaktan ang apo ko"anang Senyor.
"I'm sorry din po kung nagawa ko iyon sobra po akong natakot na baka mawala na naman sa akin ang mahal ko sa buhay"naiiyak niyang wika.
Niyakap siya ng mag asawa at pinakalma ito dahil naiintindihan nila ang nararamdaman ng isang ina.
Balik naman sa pamamasada si Paolo at tulad ng nakagawiang gawin bago umalis ay nakahanda na ang kakailanganin ng kanyang ina at ngayong araw ay uuwi siya sa bahay ng tanghali upang makasalo sa tanghalian ang kanyang Nanay.
"Anak mag-iingat ka sa pagmamaneho mo"bilin ni Aling Tinang.
"Opo Nay palagi po akong mag-iingat"aniya sa ina.
"Hinding hindi kita makakalimutan anak sa bawat dasal na gagawin ko at ipinagdarasal ko rin na sana bumalik na ng tuluyan ang iyong alaala ng sa ganon mapanatag ang loob kong iwan ka"
"Si Inay talaga kung ano ano na naman ang pinagsasabi"
"Tandaan mo anak mahal na mahal kita"anang ina at niyakap siya.
"Opo Nay alam ko po iyon at damang dama ko po kaya ngayon iiwan muna kita para makapaghanapbuhay at ng may pagsasaluhan tayo mamaya okay Nay?
"O siya anak sige na lumakad ka na"nakangiting wika ng ina.
Umalis na siya at sinundan ito ng tingin ni Aling Tinang.
"Ngayon magaan na ang loob ko dahil nasabi ko na sayo kung sino ka at sana sa pagkakataong ito ay unti unti mo ng maalala ang pinanggalingan mo ng sa ganon makabalik ka na sa kanila kung sakaling mawala na ako sa mundo"ani ni Aling Tinang.
At hindi alam ni Paolo na iyon ang huling araw na makakasama niya ang inang naging mabuti sa kanya sa nagdaang mga taon.
Pagsapit ng tanghali ay masayang umuwi si Paolo bumili siya ng mga paboritong pagkain ng kanyang ina.Sa bungad pa lamang ng pinto ay nagtawag na ito gaya ng nakaugalian niyang gawin sa tuwing dumarating.
"Inay!?Inay nandito na po ako"tawag niya.
Ngunit hindi sumasagot ang kanyang ina,dahil kapag naririnig siya nito agad ito sumasagot.
"Naayy!?muli niyang tawag"siguro nakatulog si Inay kaya hindi niya ako naririnig"aniya at pinuntahan ang ina.
Nakita niyang patagilid itong humiga kaya nilapitan nita atsaka mahinang niyugyog.
"Nay gising na po kayo kakain na tayo"aniya sa ina.
Ngunit hindi ito kumilos at muli niyang hinawakan saka pa niya nadamang malamig ang katawan ng kanyang ina kaya agad niya itong binuhat gayon na lamang ang gulat niya ng makitang wala na itong pulso.
"N-Nay!?Inay gumising po kayo huwag ninyo akong iiwan Nay!?aniyang niyugyog ang ina.
"Naaaaayyyyyyyyyyy!!!sigaw niya at umiiyak habang yakap yakap niya ang inang wala ng buhay.
Isang linggo na ang nakalipas mula ng mawala ang kanyang ina,doon din niya pinalibing malapit sa puntod ng kanyang ama.Mag isa siyang tumira sa maliit na bahay na iniwan ng kanyang mga magulang at hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya sa kanyang buhay.Pinagbili narin niya ang jeep na iniwan ng kanyang ama upang gamitin sa pagpapalibing ng kanyang ina.
Naiisip niya ang palaging sinasabi ng kanyang ina na pupuntahan niya ang bahay ng tunay niyang mga magulang ngunit palagi niyang sinasabi na hindi pa panahon.Dahil ang dinadahilan niya ay mas higit siya kailangan ng ina dahil sa kalagayan nito,pero ngayong wala na siya siguro panahon narin para sa kanyang harapin ang tunay niyang katauhan at buhay.
Nasa bus na siya at habang nagbibiyahe ay marami siyang iniisip kung tama bang magpapakita siya sa mga tunay niyang pamilya pagkaraan ng ilang taong nawawala at namatay na siya para sa kanyang pamilya?At babalik siyang wala siyang maalala tungkol sa nakaraan niyang buhay?siguro ang tanging katibayan na lamang niyang maipapakita sa mga ito ay ang hawak niyang wallet na may laman ng mga larawan nila,at ang ipinagtataka niya hindi man lang ginamit ng mga umampon sa kanya ang perang nasa wallet niya kesyo hindi daw iyon sa kanila.katunayan luma na nga iyon.Mapait siyang ngumiti ng maalala ang kanyang mga magulang na naging parte na ng kanyang buhay.
Makalipas ang mahabang sandali ay narating nila ang bus terminal bumaba na siya at hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon kahit alam niya ang address ng tunay niyang pamilya.Naglalakad lang siya at hindi tiyak kung saan pupunta at hindi niya namalayang nasa harap na siya ng malaki at mahabang gate.Tiningnan niya ito mula sa taas hanggang sa baba ang laki nga talaga ng bahay.
At ilang sandali pa ay bumukas ang maliit na pintuan nito at iniluwa ang batang may tangan ng bola,masaya itong naglalaro at sinusundan ng isang babae na sa tingin niya ay taga bantay ng bata.
"Yaya come on catch the ball"ani ng bata.
At akmang ihahagis ang bola sa tinatawag nitong yaya ay bigla nitong nabitawan,gumulong ang bola patungo sa kalsada at hinabol ito ng bata ng malapit na nitong makuha ang bola ay nakita niyang may paparating na kotse at dahil sa may puno doon ay hindi mo makikita agad ang pagdating ng kotse lalo na kung galing ka sa loob ng malaking gate at siya ay nasa tabi ng kalsada kaya agad niya itong nakita,mabilis siyang tumakbo upang puntahan ang batang hinahabol ang bola at dahil medyo malayo pa ang kotse kaya nasagip niya ang bata para mapalayo sa kalsada.
Sobra siyang natakot sa maaaring mangyari kung hindi niya ito nakita.Tiningala siya ng bata ng binaba niya ito mula sa pagkakabuhat niya dito.Bahagya pang namilog ang mga mata nito ng makita siya at ganon din siya na parang magkahawig sila ng batang ito.
"Daddy!?ani ng bata.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

PANGARAP NA LANG BATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon