Chapter 14

1K 34 3
                                    

"B-bestie!?gulat niyang sambit sa pangalan ni Ana na sa kanyang harapan ngayon.
"Nakakadisturbo ba ako sa inyo?
"H-ha?ahm..hindi..hindi naman katunayan nga niyan ipaghahanda ko na si Se-Senyorito ng mga damit niya"anito na hindi makatingin ng diretso sa kaibigan.
"Ganon ba?so si Senyorito pala ang may kagagawan kaya ka umiyak kagabi?
"Ha!?hi-hindi ah wala..wala siyang kinalaman dito"
"Bestie kung kagabi nakumbinsi mo ako sa iyong pagtanggi,ngayon hindi na,napansin kita kanina paglabas mo upang tumungo dito nag sign of cross ka na alam ko at alam nating dalawa na ginagawa mo yan sa tuwing may tensyon o kinababahalaan kang haharapin"
"Hindi naman sa ganon bestie kinaugalian ko nalang siguro yon"tanggi parin niya sa kaibigan.
"Okay sige ganon na nga..eh paano mo naman ipagkaila ang mga narinig kong sinasabi ni Senyorito sayo?
Pabigla siyang napatingin ng diretso sa kaibigan na buong akala niya hindi nito narinig"ha!?yon..yon ba?
Pagbukas ng pinto ng bathroom ang narinig nila habang nag-uusap sila"sige na asikasuhin mo muna si Senyorito"ani ni Ana at iniwan na siya nito.
Mabilis naman siya kumilos upang ihanda ang mga susuutin ni Div na hindi niya nagawa kanina.
"Pa-sensya na po kayo Senyorito may kailangan lang kasi sa akin si...."
"It's okay no problem"putol ni Div sa sasabihin pa sana niya at nagpapatuyo ito ng buhok.
Nakaramdam naman siya ng lungkot na tila bang nanlalamig si Div sa pakikitungo sa kanya,inaasahan pa naman niyang muli siya nitong suyuin at sabihin kung anong gusto nitong sabihin sa kanya kanina.Walang imik na tinungo ang closet ng binata at inilabas ang mga damit nito at walang imik na binigay ito kay Div.
"Thanks"maikling wika ni Div sabay abot nito ng damit.
"Ipaghahanda ko na po kayo ng agahan Senyo...."
"Okay go ahead"putol ulit ni Div sa sasabihin niya.
Para bang binagsakan siya ng langit na lumabas sa kwarto ni Div ang bigat ng kanyang pakiramdam at nasasaktan siya sa pinapakita ni Div.Bakit ganon?bakit parang baliwala lang ito sa binata ang nangyari sa kanilang dalawa?hindi kaya nagkatotoo ang nararamdaman niya noon pa na pinagti-tripan lang siya ng binata?at ngayon nangyari na nga sa kanya pero umasa siya sa mas higit pa doon na magugustuhan siya ni Div.OO nga naman bakit naman mangyari ang inaasahan niya eh di ba nga hindi sila magka level ng binata,langit ito at lupa siya,mayaman ito at dukha lamang siya siguradong parang suntok sa buwan na mangyaring magugustuhan siya ni Div at yung nangyaring sweetness nila ng binata for sure trip lang yon ni Div.
Napaluha siya ng maisip ang mga bagay na yon at namalayan niya nasa kusina na pala siya.Nagulat na lamang ito ng batiin siya ni Rosa na hindi niya napansin na nandoon ito.
"Good morning Margu anong nangyari sayo bakit ganyan itsura mo?
"Ha!?wala naman ate Rosa,bakit ano pala ang itsura ko?
"Medyo namamaga yang labi mo at umiiyak ka pa nga eh"
"Ah ito ba nakagat ata to ng langgam kagabi"anito kay Rosa.
"Eh anong dahilan ng pag-iyak mo pinapagalitan ka ba ni Senyorito Div?
"Ha!?naku hindi ah..naalala ko lang ang mga magulang ko"kunwari niya dito.
"Mahigit isang buwan ka na dito hindi ka pa rin nasanay?
"Nasanay naman kaso minsan namimiss ko rin sila"
"Hayaan mo mawawala din yan at tuluyan ka ng masanay na wala sila sa tabi mo"
"Sana nga"anito at ginawa na ang dapat gawin.
"O siya maiwan na kita dito at may tatapusin pa ako"
Tumango lang siya kay Rosa at iniwan na siya nito.Ilang saglit pa ay dumating naman si Manang Cora.
"Good morning po Manang Cora"bati nito sa ginang na umiwas ng tingin.
"Morning too hija kumusta ka Margu?tanong ng ginang habang nagtimpla ito ng sariling kape.
"Ayos lang po ako Manang Cora"sagot nito na ayaw tingnan ang ginang.
"Mabuti naman kung ganon pero teka napaano yang labi mo bakit nagkasugat yan?tanong nito sa kanya na akala niya hindi nito mapansin.
"At bakit mugto ang mga mata mo?umiiyak ka ba hija?tanong ulit ni Manang Cora na hindi niya alam sagutin.
"A-ah..wala po i-ito Manang Cora"sagot nito sabay iwas ng tingin dito.
"Margu pwede bang wala?magsabi ka nga ng totoo ano bang nangya...."
"Good morning ladies"bungad na bati ni Div na kinahinto nito sa pag usisa sa dalaga.
Agad naman ito tiningnan ni Manang Cora at sumagot"good morning too hijo kumusta ang tulog ng alaga kong sobrang pogi?birong wika ng ginang.
"Uhm well okay lang naman po Nanay Cora and as usual pogi pa din naman"ngiting wika ni Div sabay yakap sa ginang.
"Good..good to heard that,o siya eat your breakfast now"
"Sure"anang binata at nilingon si Margu"my coffee please"aniya sa dalaga.
Tahimik lamang sumunod si Margu sa binata at ipinaghanda ito ng kape ng mailapag na niya ang kape ay nagpaalam ito upang tumungo sa kwarto ng binata.Tanging pagtango lang ang isinagot sa kanya ni Div bagay na mas lalong nagpapasikip ng kanyang dibdib.
Palihim lang din sinundan ng tingin ni Div si Margu habang palabas ito ng kusina upang tumungo sa itaas.At nagpakawala siya ng marahas na buntonghininga na hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Manang Cora.
"Having trouble with her?patay malisyang tanong ng ginang na kinatingin niya ng diretso dito.
"Trouble?no!of course not"tanggi niya sabay higop ng kape.
"Did you caused any problem to her?
"Hell no!!why would I Nanay Cora?
"Why don't you ask yourself Div?
"I..I didn't caused any problem to her and there's no reason for me of causing problem with her either"
"I think you already did young man"
"What..what do you mean Nanay Cora?
"I've seen it on her face even though you two both are denial King and Queen"ani ng ginang sabay inubos na nito ang kape upang iwan ang binata na halos hindi na maipinta ang mukha nito.
"Nanay Cora!?
"Just finish your coffee and go"anito pa sa binata at umalis na.
Sinundan na lamang niya ng tingin ang ginang na papalayo na sa isip niya hindi kaya ito manghuhula o sadyang transparent lang siya?o baka naman malakas lang talaga ang radar nito sa katawan bagay na kinaiilang na lamang niya sabay ubos ng natirang kape sa mug.Lumabas na ito ng kusina at nakita niyang naghihintay sa living room si Margu na hindi man lang ito lumingon sa kanya.
Binagtas niya ang living room palabas ng Mansion na hindi pinansin ang dalaga.At ng makita ni Margu si Div palabas ng Mansion walang imik na sumunod na lamang siya sa binata na hungkag ang pakiramdam.
"Good morning po Senyorito"magalang na bati ni Mang Tasio sa binata.
"Good morning too Mang Tasio"sagot niya dito at sumakay na siya ng kotse pagkatapos ito pagbuksan ng driver.
Nakita niyang kinuha ng driver ang kanyang briefcase mula sa dalaga at nginitian nito ang driver bago ito humakbang papasok ng Mansion.
"Silly"usal niya sa sarili na matalim ang tingin sa dalaga mabuti na lamang tented ang kotse kaya hindi siya makikita ng tao sa labas.
Walang imik na binagtas nila ang daan patungo sa kanilang company,ng maya't maya kinausap siya ng driver.
"Senyorito may dinadamdam po ba kayo?magalang na tanong ng driver.
Nagtaka naman ito na tila may napansin yata ang driver sa kanya"ah no..wala naman po Mang Tasio"
"Mabuti naman po kung ganon"ani ni Mang Tasio at tumahimik na.
At dahil palagay ang kanyang loob sa driver ay sinubukan niya itong tanungin"Mang Tasio!?
"Ano po iyon Senyorito?
"Nag..nagmahal na po ba kayo dati?hindi..ibig kong sabihin po paano ninyo malalaman na mahal ninyo ang isang babae?tanong niya sa driver na may asawa pala ito.
Bahagya naman napangiti ang matanda sa tanong ng binata.
"Nagseselos siya kung may makita siyang lalake na kasama nito kahit hindi pa sila magsyota o di kaya bigla nalang siya magagalit ng walang dahilan at malalaman mo na talagang nagmamahal ka sa isang babae kung masasaktan ka dahil hindi ka niya pinapansin o kaya hindi ka niya kinakausap iyong parang wala siyang paki alam sayo"mahabang paliwanag ni Mang Tasio na kinatango niya.
"Mang Tasio!?tawag niya ulit sa driver ng wala na muli itong imik.
"Po Senyorito?
"Paano..paano ninyo naman po malalaman na mahal kayo ng isang babae?
"Sa bagay na yan po hindi ako sigurado Senyorito,pero isang bagay po na sigurado ako na kahit nakagawa ka ng marami o malaking pagkakamali sa kanya madali sa kanya na patawarin ka"
"Ganon po ba?
"Bakit Senyorito may minamahal na po ba kayo iyong totoong pagmamahal?tanong ni Mang Tasio na kinangiti niya.
"Uhm well hindi din naman ako sigurado kung mahal niya ako Mang Tasio"
"Eh kayo po sigurado ba kayong mahal ninyo siya?
"Well iyong mga sinasabi ninyo kanina may mga binabanggit kayo doon na I think nararamdaman ko na"
"Kung ganon siya ang hindi kayo sigurado Senyorito?
"I guess so Mang Tasio"
"Bakit po hindi nalang kayo magtapat ng diretso malay po ninyo naghihintay din siya na ligawan ninyo?
"Ha liligawan?aniyang hindi yata alam ang salitang panliligaw.
"Opo Senyorito,iyong magbigay ka ng bulaklak,ayain siyang kumain kayo sa resto,tanungin kung gusto niya bang makipag date sa inyo,at pupuntahan siya sa bahay nila para kausapin ang mga magulang nito na tinatangi ninyo ang anak nila,at yung haharanahin ninyo sa gabi,iyong ganon po Senyorito"kamot ulong wika ng driver.
"Oh my God!!aniyang bahagyang tumawa na wala sa bukabolaryo niya ang mga ganong gawain.
"Pasensya na po kayo Senyorito ganon po kasi sa amin noong kapanahunan namin"
"No it's okay Mang Tasio thank you for sharing anyway parang nakaka challenge lang po"
Ngumiti lang ang driver at maya't maya pa ay dumating na sila sa kanyang opisina.
"Thank you for a nice talked Mang Tasio"tapik nito sa driver.
"Wala po iyon Senyorito"
"By the way pakidala po dito ang kotse ko Mang Tasio at huwag ninyo na akong sunduin mamaya"
"Masusunod po Senyorito"
"Okay bye"anang binata at pumasok na sa gusali ng kanyang opisina.
Agad siyang binati ng mga employees pagka kita sa kanya.
"Good morning Sir"
"Morning too"
"Good morning Sir"
"Good morning lady"anito at pumasok na sa elevator paakyat sa 14th floor.
Pagdating sa kanyang pintuan ng kanyang opisina ay nadatnan niyang naghintay doon si Ms. Meagan.
"Good morning Sir...Sir you have an appointment with El Baguette Company today at 9:00 am sharp in Marriott Hotel Sir"anang secretary habang sinusundan siya nito.
"Cancel it"
"Pardon me Sir?
"I said cancel it Ms. Meagan"
"But Sir your company is one of..."
"Ms. Meagan who's the boss here you or me?
"Of course you Sir"
"Then just do what I have telling you to do,period"anito na halos mag-iisang linya na ang makapal nitong kilay.
"As you said Sir"anang secretary at lumabas na itong ng silid.
Paglabas ng secretary niya ay agad niyang tinapon ang mga gamit niya sa mesa,sinipa ang maabot ng kanyang mga paa.Kanina pa kasi siya nagtitimpi ng galit dahil sa pinapakita sa kanya ni Margu.Sa isip niya bakit ganon?bakit biglang nagbago ng pakikitungo ang dalaga sa kanya,iyong lambing nito,at yung paraan ng pagtawag ni Margu sa kanya na Dave bakit biglang naging Senyorito na kinasira ng araw niya.
"Pa-sensya na po kayo Senyorito may kailangan lang kasi sa akin si...."
Napamura siya ng maalala ang paraan ng pagtawag sa kanya ng dalaga"Bullshit!!!bullshit!!!mura pa niya habang nagtatapon parin ng mga gamit niya na biglang pagsulpot ng secretary niya dahil sa kalabog na naririnig nito.
"Si-Sir ano pong nangyari sa inyo!?
Tiningnan niya ito ng matalim"out!!utos niya sa secretary.
Pero hindi ito kumilos bagkus pinulot ang mga kalat niya.Bigla na namang umakyat ang dugo sa kanyang ulo ito kasi ang ayaw niya iyong nag uutos pero hindi sinusunod madali siyang magalit doon.
"I said get out of here now!!!sigaw nito kay Ms. Meagan na kinagulat ng huli.
"Y-yes po Sir I'm sorry po"anito sabay nagmamadaling lumabas.
Marahas siyang napabuga ng hangin sabay sabunot ng sariling buhok,naiinis siya sa panlalamig na pakikitungo sa kanya ni Margu,nagagalit siya sa pangbabalewala ng dalaga sa kanya na tila bang walang nangyari sa kanila.Baliwala lang ba sa dalaga ang halikang namagitan sa kanila kagabi?bakit ganon siya na parang wala itong pakiramdam na hindi nito maramdaman na gusto niya ito?Iyong pag-alala sa kanya ni Margu kagabi?iyong pagtugon nito ng halik niya?iyong pinadama ni Margu na pareho sila ng nararamdaman lahat ba ng mga iyon pagkukunwari lamang?biglang nagtagis ang kanyang bagang sa isiping iyon.
"Damn you Margu!!Damn you!!!you really played well with my feelings and I won't let you to do it again you'll pay for what you've done Margu!!you'll pay for fooling me!!galit niyang wika sa sarili.
Ng makahuma ay inayos ang sarili at pinindot ang intercom upang tawagan ang secretary.
"Ms. Meagan come to my office please"
"N-now Sir?
"Yes"
Bigla naman kinabahan si Meagan"Lord hindi kaya niya ako tatanggalin sa trabaho ko?Lord please marami pa po akong bill na dapat bayaran kaya huwag ninyo pong pahintulutan na matanggal ako dahil need ko po talaga ang pera"anito at lumakad na papasok sa opisina ng boss.
Kumatok muna siya sa pinto at narinig niya ang sagot ng boss.
"Come in please"
"Sir I'm sorry po kung nakialam ako kanina I..."
"It's okay I should be the one to say sorry sa ginawa ko sayo"
"Hi-hindi ninyo po ako tatanggalin Sir?
"Why would I do that Ms. Meagan?
"Ah nothing po Sir"aniya at nagsalita ulit"do you need anything Sir?
"Yes please call for me a few office girls to clean up my office,I'm going now"anito sa secretary sabay suot ng kanyang coat.
"Yes Sir"sagot ng secretary.
Pagdating sa loob ng elevator ay tumingin si Div sa CCTV at tumango ito habang nakatingin sa camera.
CCTV MONITORING SYSTEM UNIT:
Agad kumilos ang isang staff ng monitoring team ng makita nila si Div sa elevator na tumango ito,ibig sabihin aalis siya at dapat iparada na sa main entrance ng building ang personal car nito.Alam din nila kung may sundo ito dahil sa opisina niya mismo susunduin ng family driver nila.
"Jigs pare pakitawagan mo ang car service ng company na kailangan ni boss ang kotse niya"ani ni Larry sa kasama.
"Sure pare"aniya at tumawag na"pare pababa na si Sir ngayon pakipark ang kotse niya sa entrance"
"Okay pare"
"Sige salamat"anito at binaba na ang telephone.
"Ang aga naman yata ni Sir mag-iinuman"ani ni Jigs.
"Boss siya eh kaya magawa niya gusto niyang gawin"ani naman ni Larry na nasa monitor nakatuon ang mga mata.
Nagkibit balikat na lamang ito saka pumwesto narin sa kanyang trabaho.
Paglabas sa main entrance agad binigay ng car service ang susi ng kotse niya"here's your key Sir"anito at bahagya pang yumukod.
"Thank you"anito sabay abot ng susi at gumawi na sa driver seat.
Pagkaandar niya ng kanyang Red Ferrari ay agad niya itong pinaharurot ng takbo,bagay na pinagtatakhan ng ilang mga security doon dahil hindi naman ganon ang boss nila.
Hindi alam ni Div kung saan siya pupunta habang pinagmamaneho ang kotse,umalis siya sa opisina dahil walang konsentrasyon sa kanyang utak,hindi din niya maaaring ipaalam sa barkada ang problema niya dahil umiiwas ito sa pangbubuska ng mga ito kung sakali at masyadong maaga upang pumunta ng bar,hindi rin niya hilig na pumasok sa club sa kasikatan ng araw at lalong ayaw niyang umuwi ng maaga sa Mansion dahil makikita niya lamang si Margu na ito ang dahilan kung bakit siya nagka ganito.
Pagka isip sa dalaga ay bigla siyang nakaramdam ng galit,dahil sa galit niya ay buong lakas niya hinampas ang manibela dahilan ng pagbusina nito.
"Hoy bulag ka ba hindi mo ba nakita ang red light?kung makabusina ka wagas ah gumawa ka kaya ng sarili mong kalsada!!yabang nito!!galit na wika ng may katandaan ng lalake sa unahan niya na talagang inilabas ang ulo nito sa kotse.
Napapailing naman siya sa lalake at bahagyang kumaway upang ipabatid dito ang paghingi niya ng pasensya,ilang saglit pa ay umusad na ang sasakyan sa unahan niya at heto siya ni hindi alam kung saang direksyon siya tutungo.Sa kakatakbo ng sasakyan niya ay may naisip siyang puntahan.
Namalayan niyang nasa lugar na siya kung saan nakatira ang mga magulang ni Margu,ipinarada niya sa isang gilid ng kalsada ang kanyang kotse habang tiningnan ang direksyon kung saan ang bahay ng dalaga na hindi niya matiyak sa sarili kung bababa ito para bisitahin ang mga magulang ni Margu o mananatili sa loob ng kotse.Ilang sandali pa ay binaling ang paningin sa unahan niya at gayon na lamang ang pagkagulat niya ng makita ang isang lalake na pamilyar sa kanya.
Yes siya nga ang lalakeng pumunta sa kanilang Mansion na kinausap ni Margu,pagka alala ng lalake ay kaagad siyang umibis ng kotse at sinalubong ang lalake na hindi niya alam kung saan ito pupunta o saan ba ito galing.
Nagulat din ito ng makita siya na nasa kanyang harapan na siya nito.
"Not expecting me to see here?tanong nito na nakahalukipkip pa.
Nagpalinga linga naman ito sa paligid bago siya nito sinagot"kayo po pala Sir"
"I know this is me"pilosopo niyang sagot.
"May kailangan po ba kayo Sir?
"Well kanina wala but seeing you now I think I really need something from you"
"Kung may maitutulong po ako sa inyo Sir bakit hindi?
Napipikon na talaga siya sa sobrang kababaang loob ng impaktong ito kung batukan kaya niya ito para magalit sa kanya?dahil iyon ang kailangan niya ngayon eh iyong makipag away at magsuntukan ng sa ganon mailabas naman niya ang galit sa puso niya ngayon.
Humakbang siya palapit sa lalake at akmang kukuwelyuhan niya na ito ng marinig niyang tinatawag ang kanya pangalan.Lumingon siya at nakita niya si Mang Carding kaya imbes na kwelyuhan niya ang lalake nakipagkamay na lamang ito at ng tinanggap ng lalake pinisil niya ang kamay nito kaya mabilis nitong binawi sa kanya.
"I'm going now"aniya sa lalake na ang ibig sabihin pupuntahan si Mang Carding.
Sinundan na lamang niya ng tingin ang amo ni Margu at sabay pag iling ng ulo nito at tumuloy na sa pupuntahan.
SAMANTALA sa mansion masinsinang nag-uusap ang magkaibigan sa laundry room dahil natapos na ni Margu ang gawain sa silid ni Div nagpasya siyang kausapin si Ana.Nasabi narin niya dito ang lahat ng nangyari sa kanila ni Div at nangyari ngayong umaga bagay na nagpapagulo din sa isip ni Ana.
"Ang gulo nga noh bakit kaya siya ganon bestie?tanong ni Ana habang nagpa-plantsa ng damit ng mag-asawa.
"Ewan ko hindi ko rin siya maintindihan ang gulo gulo nga niya eh"sagot naman niya habang nagtutupi ng panloob na damit ng mag-asawa.
"Pero bestie sigurado ka ba sa feelings mo para sa kanya?
Bumuntonghininga muna siya bago sumagot"noong una mahirap aminin at hindi din ako makapaniwala na mahuhulog ang loob ko sa kanya ng ganon kadali,pero bestie nangyari na eh may bahagi na siya sa puso ko hindi man ako sigurado sa feelings ko na mahal ko siya pero natitiyak kong may lugar na siya dito"aniya sabay turo sa kanyang puso at umiyak dahil naalala niya ang pambabaliwala ng binata sa kanya.
Dinamayan naman siya ni Ana"sshh tama na bestie huwag ka ng umiyak,kagabi ka pa umiiyak eh"aniya sabay hinagod ang likod ni Margu.
Suminghot singhot siyang sumagot sa kaibigan"ang sakit.."aniya sa pamamagitan ng paghikbi"ang sakit sakit lang kasi bestie na kung kailan handa na akong sumugal sa nararamdaman ko sa kanya saka naman niya ako pinagsawalang bahala"aniya pa na patuloy parin sa pagluha.
"Malay mo maisip din niyang suyuin ka kapagka matitiyak niya sa kanyang sarili na mahal ka din niya,bigyan mo siya ng oras o panahon para makapag isip dahil hindi naman madaling mag disisyon pagdating sa mga ganyang bagay eh"
"Bakit siya binigyan ba niya ako ng pagkakataong mag-isip para halikan niya hindi di ba?sabihin pang first kiss ko yon na ninakaw niya sa akin kung tutuusin ako nga ang agrabyado eh,tapos heto...."anito na muli na namang umiyak.
Instead na maawa si Ana sa kaibigan eh napapangiti na lamang siya sa inasal ng kaibigan paano naman kasi eh parang batang paslit lang na inagawan ng candy na nagsusumbong sa ina.Siguro nahalata ni Margu ang pananahimik niya kaya tumingin ito sa kanya.
"Grabe ka naman bestie nagawa mo pa akong pagtawanan?kakaiba ka rin noh?
"Hindi bestie nakakatuwa ka lang kasi eh"
"Ano naman ang nakakatuwa sa nangyari sa akin aber?
"Yung nangyari sayo of course sad yon pero yung reaksyon mo lang naman ang nakakatuwa"aniya na pinigilan ang huwag matawa.
"Ewan ko sayo kung kaibigan ba kita o ano"
"Naman bestie,kaibigan mo ako at maaasahan pa"anito at sumeryoso na ulit"alam mo bestie ito lang ang masasabi ko sayo,kapag mahal mo ang isang tao na kahit nagawan ka pa niya ng kasalanan o di kaya'y nasaktan ka pa niya,dyan sa puso mo may puwang ng kapatawaran at pang-uunawa dahil nga mahal mo siya"
"Anong ibig mong sabihin?
"Ang ibig kong sabihin nagawa mong patawarin at tanggapin si Div ng ganon kadali kahit sinaktan at inagrabyado ka pa niya dahil mahal mo siya.Kaya huwag mo siyang sisihin kung bakit hindi ka niya hinayaang mag-isip dahil ang puso mo ang may hawak ng disisyon pagdating sa taong mahal mo at hindi ibang tao"
Matagal siya napapasa isip sa sinasabi ng kaibigan kung sa bagay tama naman ito,hinayaan niyang mangyari iyon dahil may nararamdaman siya sa binata.Pero sa feelings ng binata para sa kanya hindi siya sigurado at hindi niya tiyak kung may pagmamahal ito sa kanya.
"Tama ka bestie siguro nga hinayaan ko iyon dahil sa may nararamdaman ako para sa kanya,pero siguro tama lang ngayon na tatapusin ko na kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya dahil batid kong ako lang naman mag-isa ang nagmamahal eh kaya siguro ako lang din ang nasasaktan ng ganito"
"Bestie..."ani ni Ana na hinagod muli ang likod ng kaibigan.
"Okay na ako bestie huwag kang mag-alala hindi ito makaka apekto sa trabaho ko,isa pa mabuti narin na tapusin ko na ito dahil alam nating lahat na hindi pwedeng maging kami,kita mo nga katulong lang ako at isa siyang amo ang yaman nila samantala ako ano?isang walang natapos at katulong lamang"
Niyakap siya ng mahigpit ni Ana at gusto pa niyang umiyak ngunit pinipigilan niyang lumuha ulit.Tama na,ayaw niya ng umiyak sa walang kwentang dahilan,ayaw niya ng pahirapan ang kanyang kalooban dahil lang sa umasa siya sa walang kabuluhang akala,na akala niya mahal siya nito,na akala niya totoo ito,na akala niya mahalaga siya dito,na akala niya ay naging....maling akala nga lang talaga.saklap!!
SA BAHAY nila Aling Minda ay panauhin nila ang binata.
"Kay aga naman yata ng pagpunta mo dito Div"ani ni Aling Minda sa binata.
Mula na kasing maging close sila ng mga magulang ni Margu eh hindi niya na pinahintulutan na tawagin siyang Senyorito,Div nalang daw at Nanay at Tatay naman kung tawagin niya ang mga ito. O di ba ang close nila.
"Opo wala naman pong masyadong trabaho sa opisina"anitong umiinom ng juice na hinanda ni Aling Minda.
"Siyanga pala Div paano kayo nagkakilala ni Laurence?tanong ni Mang Carding.
"Laurence?sino po Tatay?
"Iyong kinausap mo kanina sa may kalsada?
"Ah siya po?ahm ano yung nakita ko siya sa Mansion dati"sagot nito.
"Sa Mansion nyo?tanong ni Aling Minda.
"Opo Nanay parang nag-uusap po sila ni Margu"
"Ah iyon ba?nagpunta kasi dito sa bahay noong isang araw tinanong sa akin kung saan daw ang address ng bahay na pinagtatrabahuhan ni Margu kaya binigay ko naman"ani ni Mang Carding.
"Naku pasensya ka na Div sa asawa ko pero huwag kang mag-alala mabait na bata naman si Laurence kaya huwag sanang sasama ang loob mo kung naibigay ni Carding ang address ninyo"
"No..no..hindi po Nanay okay lang po iyon mabuti nga po at may dadalaw na kaibigan niya sa Mansion"anito na gusto na talagang malaman ang relasyon ng dalawa.
"Salamat Div malaki din kasi ang tiwala namin kay Laurence dahil matagal na namin siyang kilala at ganon din sila ni Margu"ani ni Aling Minda.
"Eheem...mag..mag..I mean ano pong relasyon nila?hindi na nito mapigilang itanong iyon.
"Magkababata at magkaklase sila ni Margu hanggang elementary"sagot ni Mang Carding.
"Ganon po ba?maikli niyang sagot.
"OO..at dahil hindi nakapag highschool ang anak namin,si Laurence naman nagpatuloy mag aral,at paminsan minsan dinadalaw niya si Margu dito o di kaya susunduin sa pinagtatrabahuhan niyang canteen"pagpapatuloy naman ni Aling Minda.
"Ganon po pala sila ka close Nanay at Tatay?
"OO Div at nabanggit nga sa amin ni Margu na nililigawan siya ni Laurence bagay na hindi naman kami tumututol"ani ni Mang Carding.
Napa-ubo naman si Div sa narinig mula sa mga ito.
"Ayos ka lang ba Div?
"O-opo Nanay Minda ayos lang po ako"
"Talagang ayos ka lang bakit kasi bigla ka nalang napapaubo?
"Opo Tatay napadami po yata ang inom ko ng juice"
"Maghintay ka lang at kukuha ako ng tubig"
"No...no need na po Nanay Minda hindi naman po ako magtatagal,at salamat po sa pag asikaso"
"Sigurado ka uuwi ka na?
"Opo may pupuntahan parin po ako"anito at nagmano muna sa dalawa bago umalis.
"Mag-iingat ka"ani ni Aling Minda.
"Opo salamat po"sagot niya at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Naikuyom ni Div ang kanyang kamay sa pinipigilang galit sa puso niya.Ganon?so iyon pala yon kaya binaliwala lang siya ni Margu dahil may manliligaw itong inaasahan,so iyong pinakita ni Margu sa kanya talagang pagkukunwari lang iyon,pero siya ang bilis niyang naniniwala na enosente si Margu iyon pala simula't sapol may kasa kasama na itong lalake sa buhay niya?iyong pagpupunta ng lalake na yon sa Mansion nila may balak ba itong paghaharanahin ang kolokoy na iyon?
"Fuck you!!!mura niya sa sarili at pinaghahampas ang manibela"damn it!!damn you!!damn!!!damn!!damn!!"at huminto lamang ito sa ginagawa ng maramdaman niyang sumasakit na ang kanyang kamay.
Kasunod noon ay pinaharurot ang kotse paalis sa lugar na iyon,habang sa daan ay tinawagan niya ang driver nila.
"Hello Mang Tasio?
"Yes po Senyorito?
"Mang Tasio pakihatid po sa condo unit ko si Margu ngayon din"
"Saang condo po Senyorito?
"Sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay City"
"Nandoon na po ba kayo Senyorito?at hihintayin ko po ba kayo dumating bago ako aalis?
"Not yet Mang Tasio pero I'm on my way now,at pagkahatid mo sa kanya iwan mo lang sa unit ko then makaka-alis na kayo huwag mo na akong hintayin"
"Sige po Senyorito masusunod po"
"Thank you"aniya at pinatay na ang tawag.
"I will put your life in hell Margu at sa gagawin ko sayo pagsisisihan mong pinaikot mo ang isang Dave Primo Vincent Montenegro,I'll show you and let you feel how Dave transform into a dangerous monster!!galit nitang wika patungkol sa dalaga.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

PANGARAP NA LANG BATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon