Walang tigil ang pag-iyak ni Aling Minda ng makita ang balita sa telebisyon,uminom pa ito ng tubig dahil pakiramdam niya'y hindi siya makahinga dahil naninikip ang dibdib niya.Ganon din si Mang Carding na natahimik dahil hindi niya lubos maisip ang nilalaman ng balita.
Walang ano ano ay may kumatok sa pinto nila,binuksan ito ni Mang Carding.Pagkabukas niya ng pinto ay laking gulat niyang madaming tao sa harap ng kanilang bahay.Natigilan siya't hindi makapagsalita.
"Hoy Carding napanood niyo na ba ang balita?ang kapal din pala ng mukha ng anak ninyong sungkitin ang lalakeng mayaman"anang isang kapitbahay.
"Tama,kunwaring namamasukang katulong iyon pala'y may ibang motibo"ani naman ng isa.
"Di hamak na gagamitin ang katawan makapang akit lang"ani naman ng isa pa at tinapon sa mukha niya ang dyaryong may mukha si Margu.
"Hindi ninyo napapalaki ng maayos ang anak ninyo,nag iisang anak lang naman pero hindi ninyo kayang turuan at pangaralan"
"Anong klase kayong mga magulang?nakakahiya ang pamilya ninyo"
"Carding halika na isara mo na yan huwag natin silang patulan"ani ni Aling Minda at inaya ang asawa saka sinara na ang pinto.
Naririnig pa nila ang mga pangungutya at panlalait ng mga ito sa kanila at sa anak nila.Ngunit wala silang magawa upang ipagtanggol ang sarili nila at ang anak nila dahil iyon ang paniniwalaan ng mga tao.Pero para sa kanila anak nila parin si Margu at hindi iyon magbabago bali baliktarin man ang mundo at si Margu parin ang labis nilang paniniwalaan at hindi kung saan saan lang.
"Minda kailangan natin pumunta ng Mansion ng mga Montenegro para kunin si Margu"
"OO Carding saglit lamang at magpapalit ako ng damit"aniya at tumungo na sa silid upang magbihis.
Ilang sandali pa ay lumakad na sila naglalakad sila palabas ng kalsada upang makasakay sa Jeep at habang naglalakad sila bulung bulungan at tinginan ng mga tao ang nakikita nila,hindi nila pinapansin ang mga ito.
Sumakay na sila sa Jeep at namataan nila ang lalakeng may hawak hawak ng dyaryo at tungkol sa anak nila ang nilalaman nito.Nagkatinginan sila ng asawa na walang salita.Ng maya't maya'y nagsalita ito kinausap ang katabing babae malamang mag asawa.
"Beh tingnan mo oh kakaiba na talaga ang kabataan ngayon kesyong gamitin ang katawan para yumaman lang"ani ng lalake.
"OO nga beh kahiya hiyang dinulot nito sa mga magulang niya,mabuti nalang at napalaki natin ng maayos ang anak natin"
Usapan ng dalawa na nagbulag bingi lamang sila.Kalaunan pa'y narating na nila ang Mansion kung saan nagtatrabaho ang anak nila.Kinausap nila agad ang security doon ng makalapit sila.
"Sir mawalang galang na po,nandito po ba si Margu?tanong ni Aling Minda.
"Si Margu po?wala na dito Ale pinalayas na ng amo namin"
"P-pinalayas po saan po siya pumunta?tanong nito na hindi nila alam wala na pala sa Mansion ang anak.
"Pasensya na Ale pero hindi na namin alam eh"
"Ganon ba?sige salamat"aniya at umalis na doon.
SAMANTALA dinala na nila sa hospital ang babaeng bigla nalang bumagsak sa sahig.Habang naghihintay ay tumunog ang kanyang cellphone kaagad niya kinuha sa kanyang bulsa at sinagot.
"Yes?
"I'm here at the hospital with my Mom"
"No not me nor my Mom"
"Somebody else that we don't know yet"
"Okay don't worry,I'll call you later okay?
"Alright bye"anito at pinatay na ang phone.
Siya namang paglabas ng Doctor na sumuri kay Margu.Agad nila itong sinalubong.
"Doc how is she?is there any problem?anang ng ginang.
"Is she okay Doc?tanong din nito sa Doctor.
Ngumiti ang Doctor sa kanila at nagsalita.
"Mr. Savellian you have nothing to worry about she's safe and nothing any problem with her.And I should say congratulations because your girlfriend is two weeks and three days pregnant"anang Doctor sa kanila na pareho silang natahimik at napanganga.
Nagkatinginan silang mag ina pagkaalis ng Doctor at sabay ding tumingin sa silid kung saan si Margu.
"Oh my Goodness!!oh my God son I..I don't know what to say"
"Either I Ma but that's pretty cool though"aniya at ngumiti.
"What?by saying you're become a Daddy soon?and I'm going to be a grandmother too?
Napahalakhak sila sa kalokohang naiisip nila dahil sa nalaman nilang buntis ang babaeng tinulungan nila.Ilang saglit ay bigla din silang natigilan at nagtanong sa isa't isa.
"Did you asked her name son?
"Did you asked her name Ma?
Panabay pa nilang tanong sa isa't isa at muli ding natigilan at muling napatawa.
"I wonder kung bakit hindi man lang natin naitanong ang pangalan niya"ani ng kanyang ina.
"We have to ask her Ma"anito at pumasok sila sa silid ni Margu.
Nadatnan nilang akma itong babangon sa higaan kaya mabilis inalalayan ng ginang.
"You should take rest hija"aniya at nagtanong"what is your name nga pala hija?
"Margu po Madam"mahinang sagot ni Margu.
"Margu what?sabat naman ng binata.
Sasagot na sana si Margu ngunit nagsalita ang ginang.
"That's enough for now son atleast we know her name"anito sa anak at binalingan ang dalaga"hija ako nga pala si Maria Marguex Savellian and he's my son Jonas Belie"anang ginang.
Bahagya pa siyang natuwa dahil magkapareho sila ng pangalan Maria lang ang hindi.
"Masaya po akong malaman ang pangalan ninyo Madam Maria and Sir Jonas"
"Just call me JB Margu"anang binata.
"Don't call me Madam hija,I want you to call me Tita is that okay with you?
"Po?ah o-okay po Ma..ahm Tita Maria"nahihiya niyang wika.
"Sounds good..so you're feeling good now hija?
"Opo Tita at bakit po ako nandito dapat po nasa bahay namin na ako ngayon anong nangyari po?
Nagkatinginan muna silang mag ina at tumingin sa dalaga.
"Hija wala ka bang alam sa kalagayan mo?
"Kalagayan po?bakit po Tita?
Tumingin muna ang ginang sa nakatayong anak at muling hinarap ang dalaga.
"Hija you are two weeks and three days pregnant"anang ginang.
Buntis siya!?tama nga ang hinala niya at biglang may naalala.
A COUPLE OF DAYS AGO:
IMAGINATION:
"Mahal ko din po si Dave mahal na mahal po Manang Cora"
"Dama ko hija kaya salamat at dumating ka sa buhay niya"ani ni Manang Cora"tayo na sa labas at ng makakain ka ng agahan"
"Tapos na po ako Manang Cora"
"Ganon ba?siya eh di dito nalang tayo magliligpit nito habang nakukwentuhan"anang matanda at tinulungan niya nga ito habang nag uusap sila.
Ay nakaramdam siya ng pag iiba ng pakiramdam niya,ang sikmura niya na parang babaliktad na ito sa sama at gusto niyang maduwal upang ilabas kung ano man ang laman nito.
"M-Manang Cora nasusuka po ako"pansin niya sa ginang habang nagliligpit ito sa mesa.
"Ha?halika sa CR halika dito tayo"anang ginang at inalalayan siyang makapunta sa CR.
Nagsusuka siya doon,nilabas din ang kape at pancake na kinain niya kanina na bigay ni Rosa.
"Ano hija okay ka na ba?tanong ni Manang Cora habang hinagod siya sa likod.
"O-okay na po ako Manang Cora"anito ng mahimasmasan.
"Margu matanong nga kita buntis ka ba?tanong nitong nagpaangat sa kanyang tingin.
"Hindi ko po alam Manang Cora pero delayed na po ako ng two weeks ngayon"
"Regular ba ang dalaw mo?
"Opo Manang Cora"
"Diyos ko malamang buntis ka nga Margu,may nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo nitong mga nakaraang araw?
"Ilang araw na po akong nagigising sa umaga na parang nahihilo ako at pakiramdam ko po mabigat ang katawan ko at tamad akong magkikilos at medyo masakit po ang ano ko"aniya ang tinutukoy ay pananakit ng dalawa niyang bundok at lumaki ng konti.
"Sa tingin ko nga buntis ka at mula pa ng dumating kayo ni Div galing sa trip"anito at natahimik siya"anong plano mo ngayon sasabihin mo ba kay Div?
"Hindi ko po alam huwag na muna siguro Manang Cora saka na pag nakakasigurong buntis nga ako"
"Gusto mo sumama sa akin para magpa check-up ka?
"Sa ibang araw nalang po Manang Cora hayaan ninyo po magpapasama ako sa inyo sa Doctor para magpa check up"
"Siya ikaw ang bahala"
IMAGINATION END:
"Hija natahimik ka na dyan"untag ni Tita Maria.
"H-ho?m-may naalala lang po ako Tita"aniyang sabay pinahid ang luha.
"Masaya ka bang nalaman na buntis ka?
Nilingon niya ito at mapait na ngumiti atsaka sumagot"masaya po ako Tita na malaman nag bunga ang isang pagkakamali ko na magiging mitsa sa buhay ko at dadalhin ko habang buhay"aniyang tuluyan ng umiyak.
"Shhhh stop crying now kahit anong pagkakamali yon Margu a child is still a blessing from God you should be thankful for that because you'll having a baby soon while the other persons somewhere around are still longing for having a child because they couldn't"
"Tita.."aniyang hindi na magawang magsalita.
Niyakap siya ng ginang habang nakatingin lang sa kanila si JB.
Kalaunan pa'y napagpasyahan nilang ihatid ito sa kanilang tahanan.Pagkatapos makapagpasalamat si Margu ng taos puso ay nagpaalam na ito.
"Son I'll go ahead okay ikaw na lang mag isa ang maghatid kay Margu"
"Sure Ma"
Hinawakan lang siya nito sa balikat at lumabas na ng silid.At sila naman ay naghanda na para maihatid na siya ng binata.
Habang sa daan ay tahimik siyang sa labas nakatingin.Iniisip ang kalagayan niya ngayon,kung anong gagawin niya ngayong may isang buhay na sumisibol sa kanyang sinapupunan.Mag bubuntis siya ng walang asawa,magsisilang ng anak na walang ama.Dahil itinanggi sila,pinabayaan at hindi ipinaglalaban ng lalakeng inaasahan nilang karamay nila ngayon ng kanyang anak.
Muling naglandas ang luha mula sa kanyang mga mata,luhang nagsisilbing patunay sa paghihirap niya ngayon dahil hindi lamang ang pamilya ng lalakeng pinangakuan siyang mamahalin habang buhay ang humuhusga,nanlalait,nangungutya at pandirihan siya kundi lahat ng tao sa Pilipinas at nakakakilala sa kanya.
"Margu stop crying now,makakasama daw sa pag bubuntis ang umiiyak or di kaya ang nag iisip ng sobra"anang binata sa kanya.
Nilingon niya ito at tinitigan ng hindi kumukurap at bigla din niyang iwinaksi ang pumapasok sa kanyang isip para sa binata.
"Why is there something wrong in my face?tanong nito sa kanya.
"W-wala naman JB may bigla lang akong naisip"
"Am I looks like the father of your child?
"Ha?hin-hindi..hindi naman"
"Uhm okay"anito at nagtanong sa kanya"how old are you now Margu?
"Twenty one"
"Hmmm I'm older two years than you"
"Ganon ba?may kapatid ka ba?
"Nope"anitong tumahimik na.
Hindi narin siya nagsalita at ilang minuto pa ay narating na nila ang kanilang bahay.
"So dito ka nakatira?
"OO kami ng Nanay at Tatay ko,salamat JB maraming salamat sa inyo ni Tita Maria sa tulong ninyo sa akin"
"Just a little things no problem,so ihahatid na kita sa bahay ninyo"
"No!huwag na lang baka may makakita sa atin na magkasama mapasama ka pa"
"It's okay Margu let's go"anang binata at umibis ng kotse saka siya pinagbuksan.
Wala na siyang magawa dahil mapilit ito,pag ibis ng kotse ay kaagad sa kanya nakatuon ang tingin ng mga tao sabay nagbubulung bulungan sila at nakaismid pa na tila nakakakita sila ng nakakadiring bagay.
Wala siyang imik nakayuko siya habang naglalakad papasok sa kanilang tahanan.
"Hey Margu don't let anybody judged you they doesn't know you nor knows what really happened to you.Walk straight while your chin and head up to prove them that they are wrong of judging you"anang binata habang naglalakad sila.
"JB ayos lang ako hindi ko na lang sila papatulan"sagot niya at mabilis ng naglakad.
Umiiling nalang itong sinusundan ng tingin si Margu sabay may naisip siya na kaagad niya ding iwinaksi sa isipan at sumunod dito.
Pagdating ni Margu sa pinto ay walang taong nagbubukas at nakakandado ang pinto nila.
"What's wrong?
"Walang tao sa loob malamang umalis ang mga magulang ko"nag alala niyang wika dahil sa isip may alam na ang mga ito.
"Okay we'll wait for them to come then"
Ilang sandali pa ay nakaramdam na naman ng pag iikot ng paningin si Margu kaya agad siyang naupo sa hagdan nila sabay hawak ng sentido.
"Are you alright Margu?kaagad na tanong ni JB sabay inalalayan siya nito.
"A-ayos lang ako JB"
"Margu!?tinig na nagpalingon sa kanilang dalawa.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤

BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Novela JuvenilSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...