ISANG linggo mula ng makalabas si Margu sa Hospital,sa Bungalow nina JB narin sila tumira at hindi na tumuloy patungo sa probinsya dahil sa pakiusap ni Tita Maria.Noong una ayaw ni Margu dahil hindi pa nagsi sink in sa kanyang utak ang mga nangyayari at dahil sa pakiusap ni JB at mga magulang niya ay pumayag narin ito,pero hindi sila gaanong nag uusap ni Tita Maria.
Madalas din dumadalaw si Div sa kanila dahil welcome na ito kina JB at Tita Maria,ganon din sa mag asawa dahil nakikita naman nila ang tyaga nito welcome na siya para bisitahin ito at palaging nagdadala ng mga prutas o kung ano ano pa,pero palagi din naman dinedeadma ni Margu minsan pa uuwi na lang ang binata na hindi sila nagkakaharap dahil galit siya kay Div.
Nalaman narin ng mga kaibigan nila na magkapatid sina JB at Margu at kaibigan ni Margu na sina Ana at Laurence ganon din ang taga Mansion alam na nilang lahat na hindi basta bastang tao lamang si Margu kundi isa itong Savellian na Haciendero ang mga magulang,nagmamay ari ng real estate ang ama at multiple awardee Chief Pilot dahil sa husay at galing nito, at isang summa cum laude ang ina sa Harvard University in United State of America and the iron lady and genius Lawyer in history Maria Marguex Crisostomo Savellian and her brother was trained in Central Intelligence Agency (CIA) in America at isang matinik at matalinong Detective.Sabihin pang namana nila ang katalinuhan nila sa kanilang ina,patunay si Margu na kahit elementary lang ito hindi naiiwan sa englisan.
"Lady Gretta nasa living room po si Senyorito Div"anang katulong sa kanya.
Nasa silid niya nagpapahinga at wala ang Tita Maria at si JB,ang mga magulang naman niya ay binisita ang kapatid ng ama na maysakit.
"Pakisabi po ayoko siyang makita"sagot niya habang nanonood ng Korean Drama.
"Masusunod po"anang katulong at lumabas na.
Ilang sandali ay may pumasok ulit at akala niya ay katulong pa.
"Ate Rina sinabi ko ng....Dave!?aniyang si Dave pala ang pumasok.
"Hello my pretty preggy sweetheart"maaliwalas na ngiti ni Div sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito at sinong may sabi sayong pwede kang pumasok sa kwarto ko!?asik na tanong ni Margu.
"I just wanna give these to you and to see you of course"ani ni Div sabay pakita ng isang basket na iba't ibang prutas.
Inilang hakbang niya ang binata sabay kinuha ang basket na prutas at itinapon sa pagmumukha ni Div at nagkalat sa sahig ang mga ito.
"Ngayon makakaalis ka na dahil nakita mo na ako!!ani ni Margu.
Dahan dahang umupo si Div para pulutin ang mga prutas at isa isang nilagay ulit sa basket,nakatingin lang din si Margu na hindi nagsalita.Pagkatapos mapulot lahat ay nilagay niya sa mesa na naroon saka tumingin kay Margu na nakatingin din ito sa kanya.
"I..I know na sukdulan ang galit mo sa akin at tatanggapin ko iyon,but please allow me to see you because I want to see how our little one grows inside you"ani ni Div na malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Wala ka ng karapatan sa anak ko dahil nung araw na itinanggi mo ako iyon din ang araw na pinutol mo ang pagiging ama sa anak ko!!!
"No!!!! I'm the father of that child and you can't do this to me Margu at may karapatan ako sa kanya!!inis na wika ni Div.
"Wala kang karapatan Dave...naging ama ka lang dahil sayo nagmula ang similya pero hindi ka karapatdapat na magiging ama dahil isa kang duwag at walang paninindigan!!
"Bullshiiittt!!!what do you think of me a sperms donor!??kaya ko nga ginagawa to dahil gusto kong patunayan sayong nagbago na ako!!pikon niyang wika.
"Bakit anong inaasahan mong iisipin ko?dyan ka lang naman marunong ang magpapalabas ng katas mo pero kung magbubunga itatanggi...."
Paaakkkk..
"Aahh.."nasapo ni Margu ang mukhang nasampal dahilan sa hindi na ito matapos magsalita.
Nabigla naman agad si Div dahil nasampal niya si Margu,umiinit kasi ang ulo niya sa mga pinagsasabi ni Margu kaya hindi siya nakapagtimpi.
"I..I'm sorry baby please I didn't mean it..it's just masyado mo na akong minamaliit..Margu I'm trying my best to be responsible at ginagawa ko ang lahat mapatawad mo lang ako"wika ni Div sabay nilalapitan ang dalagang umiiyak habang sapo ang pisngi nitong nasampal.
"Noooo!!!!don't you ever dare to get close to me you crap!!
"Baby please I'm begging you to give me another chance please I'll make up to you Margu maniwala ka,I want to be with you Margu and I want to be with my child huwag mo naman akong tanggalan ng karapatan"aniyang pilit parin lumalapit kay Margu kahit umaatras ito.
"Get lost!!! I said get looossssttttt!!!!sigaw ni Margu sa silid na dinig na dinig nina JB at ni Tita Maria.
"What happened Rina?tanong niya sa katulong.
"Si Senyorito Div po nasa loob ng silid ni Lady Gretta nagpupumilit kausapin"sagot ng katulong.
Humakbang na sana sila upang tumungo sa kwarto ni Margu ay siya namang paglabas ni Div umiiyak ito at nagmamadaling lumakad.
"Hi Tita,JB I'll go ahead"nagawa pa niyang magpaalam saka tuluyan ng lumabas.
Sinundan na lamang nila ito ng tingin at tumungo na sa silid ng dalaga.
Nadatnan nilang nakadapang umiiyak si Margu at nagkalat ang mga prutas sa sahig na maaaring tinapon ulit sa mukha ni Div.
"Gretta hija?tawag ni Tita Maria.
Bumangon siya at hinarap ang ginang sabay nagpahid ng luha.
"Pwede po bang huwag ninyo akong tawagin ng ganyan?naalibadbaran po kasi ako sa totoo lang!!
Bumuntong hininga ang ginang at tumingin kay JB saka ito muling tumingin kay Margu.
"Alright I won't call you that way kahit yan ang binigay kong palayaw sayo noon"aniyang nakangiti at yumuko at muling nagsalita"I remembered bago kita binigay kina Minda ay ako ang nagbigay ng pangalan sayo at magiging palayaw mo,I said Minda iiwan ko sa inyo si baby Gretta and please alagaan ninyo siyang mabuti,ang bigat at ang sakit sa puso ko nung tumalikod na ako para umalis pero wala akong magawa kundi ang sumunod.Siguro mas masakit ang nararamdaman ni Div ng malaman niyang hindi niya ina ang Senyora pero naging sunod sunuran siya,masakit kasing palagi kang sumusunod sa kagustuhan ng iba dahil pakiramdam mo isa kang manika de control at iyon ang pinagsisisihan ko hanggang ngayon na kung hindi ako naging masunuring anak siguro hindi tayo nagkakalayo ng mahabang panahon,I'm sorry Margu"anang ina at humakbang na palabas ng silid niya.
Naiwan si JB at lumapit sa kanya sabay niyakap siya nito.
"I'm sorry Margu na naranasan mo ang lahat ng ito but I hope someday maisipan mo ring mapatawad kami o kahit sinong may nagawang pagkakamali sayo because everything happen for a reasons,isa ng pagkakakilala natin bilang isang pamilya at natuklasan ni Div ang sekreto nila and you...you found yourself that belong to a Savellian clan"ani ni JB at hinalikan siya sa noo sabay iniwan na siya sa silid.
Hindi siya nakaimik na parang may bahagi sa puso niyang kumbinsido sa mga sinasabi ng ina at ng kanyang kapatid.
Malayo pa lang sa gate ng Mansion nila ang kotse ni Div ay binuksan na ito ng mga guards dahil natatakot na silang bubusinahan nito ng makasampong beses at papagalitan pa pagkatapos.Ewan nila para na itong tigre na kahit anong oras ay lalapain ka.
"Kung alam na ninyong darating ako doon pa lang sa edsa ang kotse ko buksan ninyo na ang gate maliwanag!??galit na naman niyang sita samantala kanina pa nakabukas ang gate.
Pumasok na ito ng Mansion at tanging si Mang Tasio at Manang Cora lang ang hindi nito sinisigawan at pinapagalitan.
"Mang Tasio pakipark po ng kotse ko"aniya sa matanda sabay bigay ng susi at pumasok na sa loob.
"Masusunod po Senyorito"ani ng driver.
"Pareng Tasio sana bumalik na dito si Senyorita Margu para bumalik na sa dati si Senyorito"ani ni Mang Edgar.
"OO nga pareng Tasio hindi na katulad ng dati si Senyorito kung siguro bago ka lang dito aalis ka talaga dahil sa ugali niya"anang isa pang guard.
"Hayaan ninyo na babalik din yan sa dati hindi pa kasi sila nagkakaayos ni Senyorita Margu"sagot ni Mang Tasio.
"Sana nga eh,akalain mo yong taong minamaliit at inaapak apakan mo ay isang anak mayaman pala?ani ni Mang Edgar.
"Sshhh tama na yan baka may makarinig sa atin"anang Mang Tasio.
Sa loob ng Mansion hindi magkanda ugaga ang mga katulong na nag asikaso sa pagkain ni Div.
"Rosa ganito na ba ang lasa ng niluluto mo?bumabalik ka ba sa pagiging baguhan na taga luto ha!???asik niya sa katulong.
"Pa-pasensya na po Senyorito masama po talaga ang panlasa ko kasi po may sakit ako"
"Ganon ba?eh di sa Hospital ka tumira!!
"Div!!!!sigaw ni Senyor.
Umalis na sana ito para iwan sila ngunit mahigpit nagsalita ang Senyor.
"Kung nagagalit ka hanggang ngayon dahil hindi mo pa nakukuha si Margu huwag kang mangdamay ng mga tao dito sa Mansion dahil hindi mo pa nakikilala si Margu,sila nandito na at pinagsisilbihan ka!!!
"Bullshiiitt!!!asik ni Div saka sinipa ang bangko.
Akmang sasampalin ito ni Senyor ngunit nagsalita si Manang Cora.
"Subukan mo siyang pagbuhatan ulit ng kamay at ako ang makakalaban mo Arnulfo!!banta ni Manang Cora.
"Kaya yan nagkaganyan eh dahil kinukunsinti mo!
"Talaga?di ba dapat sabihing dahil yan sa inyo kaya nagkaganyan yan?kung hindi kayo nakialam lalo na yang nagmamagaling mong asawa hindi magkaganyan ang alaga ko!!
"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa akin para sa anak ko at kahit magpinsan pa tayo Cora,,marunong kang rumespeto!!
"Respeto?di ba iyan ang ginagawa ko dito sa Mansion ang respetuhin ka pati asawa mo?at sa karapatan,ako ang mas may karapatan kay Div dahil kung hindi dahil sa pagsasakripisyo't pag aalaga ko sa kanya wala kang maaasahan sa kompanya mo ngayon!!
"You..."
"Stop it now Daaaddd"
Sigaw ni Div ng akmang sasampalin si Cora at hindi niya natuloy dahil sa galit na nakikita niya sa mga mata ng binata.
"Letseeee!!!magsama kayong dalawa!!!galit niya at iniwan sila ng Senyor.
Tahimik lang din ang mga katulong na sa isip ay parang mga dragon na ang mga tao sa Mansion dahil palaging nagbubugahan ng apoy ang mga ito.
"Div hijo you okay?
"Yes Nanay Cora"
"You need to rest now hijo ilang araw at gabi ng kulang ang tulog mo"
"I'll be fine Nanay Cora don't worry"aniyang humakbang patungo sa kwarto niya.
"Are you going out again?
"Yes po,maliligo lang ako"anito at tuluyan ng umakyat.
"Rosa at sa inyong lahat sana habaan ninyo pa ang pasensya at pag unawa kay Div,kahit pinapagalitan niya kayo alam kong hindi bukal sa kalooban niya iyon nadadala lang siya sa galit dahil sa pinagdadaanan niya ngayon"pakiusap ni Manang Cora.
"Huwag po kayong mag alala Manang Cora naintindihan po namin si Senyorito ang ipinagdarasal lang namin sana makuha niya na si Senyorita Margu"ani ni Rosa.
"OO nga para bumalik narin siya sa dati niyang ugali nakakamiss na kaya ang dating Senyorito natin di ba?ani naman ni Mila.
"Tama kayo dahil ngayon dapat para kang kidlat kung kumilos pag mag uutos ito hay kaloka talaga"ani naman ni Jenny.
"Ah basta kahit maging dragon pa si Senyorito dito parin ako hindi ako aalis dito sa Mansion"ani ni Lily at sabay silang napatawa.
"Nanay Cora!?tawag ni Div ang nagpatigil sa kanila at para silang baliw kung saan saan nagsusuot at kunwari may ginagawa.
Ngumiti lang si Manang Cora sa mga ito at hinarap ang binata.
"Yes Div?
"I'll sleep over in Frank house tonight"
"Why not in your condo?
"No Nanay Cora..Frank having a small celebration so I better sleep there overnight para makalimutan ko muna si Margu"
"Sige Div ikaw ang bahala"aniyang nalulungkot para sa binata.
"Nanay Cora give some medicine for Rosa I think she's not feeling well"aniya pa sa ginang.
Tumango lang siya at umalis na si Div pagkatapos nitong halikan ang ginang.Pagkaalis ng binata ay nilapitan siya ni Lily ang pinaka tsismosa na katulong.
"Manang Cora ngayon lang po talaga namin nalaman na pinsan kayo ni Senyor?ani ni Lily.
"OO Lily magpinsan nga kami magkapatid ang aming ama"
"Ganon po ba?talagang magkakambal po bang tunay sina Senyor Alfonso at Senyor Arnulfo?tanong niya ulit.
Tumawa naman si Manang Cora at sumagot"oo Lily hindi lang talaga identical twins pero kambal sila panganay si Arnulfo"
"Salamat naman kung tunay talaga,kaya naman pala mabait si Senyorita Bianca dahil dugong Montenegro talaga di po ba Manang Cora?kulit nito.
"Siguro nga Lily"
"Pero isang tanong nalang po at promise balik trabaho na ako..may alam din ba si Senyorito na pinsan kayo ng Daddy niya?
"Dati hindi niya alam pero sinabi ko rin sa kanya nung natuklasan niya tungkol sa Senyora"
"Okay po,,teka last na talaga ah promise,,yung sinabi ninyo pong sana hinayaan ninyo na siyang namatay ano po iyon?
"Ikaw talaga,,ganito kasi yon dahil sakitin si Div nung sanggol pa siya at madalas siya madala sa hospital dahil sa hika at isang gabi muntik na siyang tuluyang hindi makahinga at wala ang Senyor at si Amalya pati ang driver..kaya ako lang mag isa nilakad ko ang pinakamalapit na hospital para dalhin siya at kamalas malasan ay walang taxi,hinihipan ko lang siya ng hangin habang sa daan para sa pang unang lunas at habang ginagawa ko iyon nagre respond naman ang bata at huwag ka ng magtanong ha dahil nasabi ko narin kay Div"
"Wooowww ang galing naman pala ano,kaya pala ganyan kalaki ang malasakit mo kay Senyorito dahil ikaw ang tinaguriang knight and shiny amor niya"nakangiting wika ni Lily.
Umiling ang ginang at nagsalita"Lily hindi knight and shiny amor..kundi knight in shining armour"
"Ah ganon po ba yon?anong ibig sabihin po Manang Cora?
"An idealized or chivalrous man who comes to the rescue of a woman in a difficult situation"anang ginang at umalis na ito.
Napanganga at kukurap kurap si Lily dahil wala siyang naintindihan.
"Yung feeling na tinatanong mo kung anong meaning ng english na sinasabi mo tapos ipapaliwanag din naman sayo sa english?(hala nabuang ko uy sa mga tawu diri sa Mansion kay ininglis tanan gadugo jud akung utuk ba)grabe nababaliw ako sa mga tao dito sa Mansion dahil mga english lahat dumudugo talaga ang utak ko"aniya at nagtrabaho na ulit.
Samantala isang taong hindi inaasahan ng tao sa Bungalow ang makikita nila sa loob ng kanilang bahay.
"Pwede ko bang makausap si Margu?tanong niya sa katulong.
"Pasensya na po hindi po tumatanggap ng bisita ngayon si Lady Gretta"
"Sabihin mong importante talaga please"pagmamak
aawa niya pa.
Ng lumabas si Tita Maria mula sa silid.
"Why are you here?and what are you doing here?do you think that you're welcome to enter in my house?
"No! Maria please allow me to talk to Margu gusto ko lang siya talagang kausapin"
"What for?
"Dahil dapat niyang malaman ang sasabihin ko sa kanya"
Siya din namang pag hinto ng kotse sa parking lot nila nilingon nila ito at maaliwalas ang ngiti nito kay Tita Maria ng umibis ng kotse.
"Pa!?gulat na wika ni Maria.
At sinalubong ito at mahigpit niyang niyakap.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤

BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
JugendliteraturSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...