Chapter 47

1.1K 32 10
                                        

"M-Margu?anas ni Div.
"I said lumayas ka dito I don't wanna see your face in front of meeeeee!!!sigaw niya sa binata.
Mabilis niyang nilapitan ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit.
"Baby I'm sorry please forgive me"
"Walanghiya ka!!walanghiya ka Dave!!aniyang pinaghahampas ang likod ni Div dahil mahigpit siyang yakap ni Div na halos hindi na makahinga.
"I know! I know I am such a shamelessly idiot and a full of crap and I got what I deserved baby"aniya sa dalaga.
"Kulang pa yan sa ginawa mo sa akin sana nga pinatay ka na lang ng Papa mo!!!
Binitiwan siya ni Div at tiningnan sa mga mata"k-kung ang makakapagpasaya sayo at mawala ang galit mo sa akin ay ang kamatayan ko then I would not hesitate killing myself right now because I love you and I want you to be happy Margu"anito at umalis sa harap ng dalaga diretso sa labas sinara ang pinto.
Saka naman natauhan si Margu paano kung magpakamatay nga ito?Diyos ko kargo de konsensya niya pa tuloy.Nataranta siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Hinabol niya ang binata at hindi niya na naabutan kaya diretso siya sa labas nagbabasakaling hindi pa nakaalis ngunit wala narin ang binata pati ang kotse nito.Nakita niya si Mang Tasio.
"M-Mang Tasio si Dave po nakaalis na ba?
"Nakaalis na Senyorita nagmamadali nga eh"sagot ni Mang Tasio.
"G-ganon po ba?sige salamat"aniya at bumalik na sa loob ng Mansion.
Kaagad tinawagan si Div gamit ang telephone ng Mansion.Ngunit out of coverage area ang sagot.
"Diyos ko!mahina niya usal.
"What's wrong hija?tanong ni Senyora Amalya na kararating lang nila.
"H-ha?ahm I'm trying to call Dave kaso out of reach ang cellphone niya"kaila niya dahil ayaw din niyang malaman ng mga ito.
"Ganon ba?baka naman lowbat lang or di kaya nawalan ng signal.Anyway kararating ninyo lang umalis na siya agad?tanong nito ulit.
"Saan daw siya pupunta Margu?tanong din ni Senyor Arnulfo.
Naku lagot na ni hindi niya kayang sabihin sa mga ito kung anong dahilan kaya umalis si Div.
"Hindi po sinabi sa akin"mahina niyang sagot.
"Mommy where's Daddy?tanong ni Mara.
Na bumaba kasama ang kapatid at nga yaya ng mga ito at nakaligo't nakabihis na mga ito.Tiningnan niya ang mag asawa at muling tumingin sa mga anak.
"Uhm baby baka may kailangan sa labas ang Daddy mo kaya lumabas sandali"sagot niya sa anak.
Susunduin nina JB at Bianca Mae ang kambal upang lumabas sila upang makapaglaro ang mga bata.
"Senyorita tumawag po si Senyorito JB na sunduin nila daw dito ang kambal"ani ni Jenny.
"Ganon ba?okay walang problema"sagot niya sa katulong at tumingin sa mga anak"kiddos don't be stubborn okay?makinig kayo kay Daddy JB at Mama Bianca okay?
"Yes po Mommy"panabay na wika ng dalawa.
Ilang saglit pa ay may bumusina na sa labas kaya hinatid na ng mga katulong ang kambal.
"Dad,Mom akyat muna po ako sa taas"aniya sa mag asawa ng makalabas na ang mga anak.
"Okay hija go take some rest"anang Senyora Amalya.
Umakyat na ang dalaga at naiwang nagkatinginan sina Senyora Amalya at Senyor Arnulfo.
Pagsapit ng gabi hindi parin umuuwi si Div,naihatid narin ng kuya niya ang kambal ngunit si Div ay wala pa.
"Ahm Dad lalabas po ako"paalam niya sa Senyor.
"Where are you going hija?
"Kanina ko pa po kasi tinatawagan si Div pero hindi ko makontak ang number niya"
"Bakit ba kasi anong dahilan at hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon?tanong ng Senyora.
"Hindi ko po alam"aniya sa mga ito.
"Saan mo siya pupuntahan?tanong ni Senyor.
"Subukan ko po sa hide out nila Dad"
"Hija huwag mo ng hanapin dun uuwu din yon mamayang hating gabi or di kaya bukas,kilala ko yang anak ko"ani ng Senyor.
Diyos ko!kung may alam lang ang mga ito sa dahilan ni Div kaya umalis hindi ganitong kampante lang mga ito,pero siya hindi mapakali dahil alam niya ang dahilan.
"Ahm okay lang po na pupunta ako dun para makasiguro ako"aniya nalang.
Napatango naman ang mag asawa at lumakad na siya at habang sa daan ay tinatawagan niya ang mga kaibigan ni Div na sina Jorick,Moiriz,at Frank.Ngunit iisa ang sagot ng mga ito na hindi nila nakita si Div.Tumawag narin siya sa mga magulang niya at sinabing nagpunta nga doon si Div kanina at sinabi daw ng binata na nagpapa-alam lang ang binata sa mga ito na labis niyang hindi maunawaan lalo tuloy siyang kinabahan.
Atsaka tumawag din sa Tatay at Nanay niya na baka sakaling nandon nagpalipas ng oras ngunit dumaan lang din daw doon at tulad ng sinabi ng binata sa mga magulang niyang nagpapa-alam lang ito sa kanila.
"Diyos ko Dave pero gusto ko ng tanggapin sa sarili kong isa ka ngang baliw"anas niyang napapabuga ng hangin.
Tumuloy parin ito sa bar kung saan ang hide-out ng binata kasama ang barkada nito,tumuloy siya sa VIP room at nadatnan niyang nandon ang mga kaibigan ni Div ngunit wala talaga ang binata.
"Margu what brought you here?tanong ni Frank.
"And what's on that face?pansin ni Moiriz sa pasa ni Margu.
"Ah heto ba?wala to,hindi ninyo ba talaga nakita si Dave?
"I'm sorry pero hindi eh"sagot ni Jorick.
"Do you two are having a trouble again?tanong ni Frank.
"Ha?n-no..hindi naman"
"Don't worry we will inform you kung sakaling darating dito si Div"ani ni Moiriz.
Sa isip niya kung nagpakamatay nga ang lalakeng yon hindi na yon makakarating dito.Lalo siyang kinilabutan sa naisip at nakokonsensya siyang walang alam ang mga ito.
Nagpaalam na siya sa mga ito para umuwi na at umiiyak siyang mag isa habang binabagtas ang daan,ngunit hindi siya dumiretso sa Mansion kundi naghahanap pa siya sa mga ibang bars at clubs na alam niyang sa mga ganitong lugar mahilig mag unwind ang binata.Ngunit halos maubos na niyang pasukin ang mga lugar na ngayon niya lang yata napasok ay hindi niya parin mahanap ang binata.
Naisipan niya ng umuwi dahil palalim narin ang gabi at baka nag alala narin sa kanya ang mga tao sa Mansion.
"Dave baliw ka!baliw ka! Diyos ko huwag naman sanang mangyari ang kinatatakutan ko!aniyang umiiyak.
Pagdating niya sa Mansion ay agad tiningnan ang kotse ni Div at wala parin doon.Hindi niya alam ang gagawin kung sasabihin niya ba ito sa mga magulang ni Div?pero kung sasabihin niyang ngayon malamang huli na ang lahat para hanapin si Div dahil kanina pa iyon nawawala at baka sisisihin siya ng mga ito na bakit hindi sinabi agad.
At sa huli napagpasyahan parin niyang sasabihin sa mga magulang ni Div.Kaya mabilis siyang pumasok sa loob at wala ng ilaw sa living room ibig sabihin nasa kanilang kwarto na ang mag asawa.Agad siyang pumasok sa silid nila at baka doon na si Div ngunit wala parin,tumungo siya sa kwarto ng mga anak nadatnan niyang tulog na ang mga ito kasama ang katulong at wala din si Div.
Kaya pumunta siya sa master bedroom upang katukin ang mag asawa kahit dis oras na ng gabi.Ngunit makailang beses siyang kumatok pero walang nagbukas at alam niyang maaaring tulog na nga ang mga ito.Nanlulumo siyang bumalik sa kanilang kwarto at inisip na pagsikat ng araw ay sasabihin niya agad sa mga ito ang dahilan kaya umalis si Div.
Kinabukasan maaga pa lamang ay nagising na siya at hindi niya alam kung ilang oras lang siya nakatulog dahil nasa isip niya buong magdamag ang binata na natatakot sa maaaring mangyari dito.Pagkatapos maligo ay kaagad siyang bumaba.
"Ate Lily nakita ninyo po bang umuwi si Dave kagabi?agad niyang tanong.
"Ay Senyorita hindi po eh"
"Ganon ba?ang mga anak ko gising na ba sila?
"Maaga pong kinuha ng mga magulang ninyo Senyorita"
"Ha?bakit daw?
"Doon lang daw po muna sa kanila ngayong araw ang mga bata"sagot ni Lily.
"Ah okay,ang mag asawa nasa kwarto nila pa ba?
"Maaga din po silang umalis kasama si Manang Cora"
"Anooo!?sambit niya.
"Bakit po Senyorita?
"W-wala,bakit ang aga nila umalis"aniya nalang.
At nagkibit balikat si Lily at nagtanong ito"kakain na po ba kayo ng breakfast Senyorita?
"Yes okay"aniya sa katulong at tumungo sa living room at tinawagan ang binata.
"The number you have dialed is not attended or out of coverage area please try your call later..."
"Damn it!!mura niya.
At tinawagan ang cellphone ni Senyora Amalya,ngunit nasa maliit lang na mesa naiwan ang cellphone sa living room.
"Lord for all the day why this time?usal niya at tinawagan ang Senyor.
Nagri ring nga ito ngunit wala namang sumasagot,makailang dialed wala parin,gustong gusto niya ng balibagin ang cellphone niya.Ngayon tuloy niya naramdaman ang feelings ni Div nung tinawagan din siya nito ng ilang beses ngunit hindi niya nasagot kasi nga naiwan sa kotse ang dati niyang cellphone niya.
"Senyorita nakahanda na po ang breakfast ninyo"ani ni Lily.
"Okay Ate Lily"aniya at tumungo na sa kusina upang kumain.
Habang kumakain ay pasulyap sulyap siya sa TV na kasalukuyang naka on na nanonood yata si Lily ng paborito nitong morning show.Habang sinusubukan pa ring kontakin ang Senyor ngunit hindi talaga nito sinasagot ang tawag,hindi rin niya matawagan si Manang Cora dahil wala naman itong cellphone.
"Ano bang nangyayari ngayong araw bakit ang pagkamalas malas naman yata"bulong niya sa sarili.
Ng ilang saglit pa ay narinig niya ang balita sa TV na mayroon diumanong lalakeng tumalon mula sa rooftop ng Ayala Avenue sa Makati City at hindi pa diumano na kompirma kung sino dahil mahigpit ang seguridad ng mga Police at SOCO at nakita niya nga ang footage ng News na sobrang daming Police kabilang ang maraming tao kaya hindi niya nakita ang biktimang sinasabi ng reporter.
Saka niya naisip kung saang building nangyari sa opisina ng binata,gayon na lamang ang takot at pangingilabot ang naramdaman niya na nabitawan pa ang mug ng kapeng hawak hawak niya.
"Senyorita ayos lang po ba kayo?tanong ni Lily.
"Aalis ako ate Lily pag dumating ang mga tao dito pakisabi pumunta ako sa opisina ni Dave okay?
Tumango lang ang katulong at umalis na ito at sinundan lamang siya ng tingin ng mga katulong na napapakibit balikat na lamang at nagkatinginan.
Halos liparin niya ang daan upang makarating lamang agad sa opisina ni Div dahil gusto niyang makatiyak na mali ang kutob niya at taimtim siyang nagdasal na sana hindi si Div iyon sana hindi siya.
"Bullshiiiittt!!! Traffic why you being so selfish please not now not today I'm on goddamn rush!!!mura niya sa sarili.
At pilit parin tinawagan ang cellphone ng Senyor"Diyos ko what is going on with these people today!??aniya sabay hampas ng manibela at bumusina naman iyon ng hindi niya sinasadya.
At biglang may sumigaw dahil sa ginawa niya"Miss nananadya ka ba???hindi mo ba alam na nasa kasagsagan ka ng traffic?kung ayaw mo ng traffic disin sanay nag chopper ka nalang dahil tiyak solong solo mo ang kalawakan!!!bruhilda!!asik ng babaeng nasa unahan niya.
Napakagat nalang siya ng labi at nagtimpi din na huwag patulan ang babae,hindi ito ang tamang oras para makipag away dahil may mas importante siyang gagawin kesa sa patulan ang babaeng hindi yata alam ang salitang hindi sinasadya sabagay malay ba naman nitong hindi niya nga sinasadya.
Pagtawag na lang sa kanyang ina ang ginawa niya dahil sa inis at ilang saglit pa ay sumagot na ito.
"Hello Ma kumusta po kayo?
"We are fine hija,anyway sinundo namin dyan ang kambal"
"Ah yeah ate Lily already told me,are they fine Ma?
"Yeah they are fine hija,umuwi na ba si Div sa Mansion?
"Nope Ma but did you watch the News today?
"No hija why what's on the News?
"I'm not sure Ma but gonna call you again I'm on my way to Dave's office now"
"Why what's wrong?
"Mama I'll call you later okay?
"Yeah sure"anang kanyang ina at pinatay niya na ang tawag.
Ilang saglit pa ay umusad na ang kotse.Pagdating niya sa area ng building ng opisina ni Div ay maraming tao na halos hindi na mahulugan ng karayom.Pinarada na lang ang kotse niya sa ibang lugar at naglalakad na siya patungong sa maraming taong nagkukumpulan.At dahil maraming tao halos hindi siya makasingit upang makita ang taong tumalon mula sa rooftop ng nasabing gusali tiningala niya ang taas ng gusali ang taas pa naman pihadong mabubuhay pa kung sino man ang taong iyon.Muli siyang kinikilabutan sa naisip at napa sign of cross pa siya.
"E-excuse me po pwedeng makidaan gusto ko lang makita ang taong tumalon"aniya sa isang lalake na nakihalubilo doon.
Nagbigay daan naman ito at ganon parin kailangan parin niyang makisingit para lang makarating sa pinakagitna,grabe sobrang naiipit na siya dahil sa dami ng mga tao nagsisisi tuloy siya bakit nakisingit pa siya dito pero tinuloy parin ang pakikisingit niya sa mga tao na nagbigay daan naman din sa kanya.Sa isip niya mabuti marami pang mababait na tao ngayon at uunahin talaga ang mga babae.Pagdating sa malapit na sa gitna ay bahagya pa siyang natisod kaya muntik na siyang madapa mabuti nalang hindi siya na out of balance.
"S-sorry po Sir"hinging paumanhin niya sa lalake,tumango lamang ito sa kanya.
Paglingon niya upang tingnan ang taong tumalon ay nahagip ng kanyang mga mata ang kanyang pamilya ang kanyang ina at ama kasama ang kuya JB at si Bianca Mae,napakunot noo siya at nakita din sina Senyor Arnulfo at Senyora Amalya ganon din ang mga magulang ni Bianca Mae nandon din,at sa isang bahagi nakita din niya ang Tatay at Nanay niya kasama sina Ana at si Jameson kasama din si Laurence,lalo siyang naguluhan at nasulyapan niya din ang mga barkada ni Div na sina Moiriz,Frank at Jorick lalo siyang kinabahan at binaba ang kanyang mga mata sa inasaahan niyang lugar kung saan nahuhulog ang taong tumalon ngunit hindi niya inaasahan ang taong makita doon ang dalawa niyang anak na nakaupo sa gitna na napapalibutan ng mga taong naroon kabila na siya.
"Mommy!!tawag ni Mara.
"Mommy!!tawag naman ni Davin.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

PANGARAP NA LANG BATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon