Habang malapit na ang taxi'ng sinasakyan ni Manang Cora sa Mansion ay nahagip ng kanyang mga mata ang maraming reporters sa gilid ng kalsada na tila may pinagpipiyestahan na namang scoop para may maibalita at maisulat sa dyaryo.Napapailing nalang itong napabuntonghininga.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa gate ng Mansion.
"Mamang driver bayad po"anitong binigay ang pera.
Pagkabigay ng sukli niya ay agad na siyang bumaba at lumakad patungong gate.Narinig niyang nag-uusap ang dalawang guards at dahil nakatalikod ang mga ito ay hindi siya nakitang dumarating.
"Grabe kawawa talaga siya"ani ni Mang edgar.
"OO nga pare awang awa nga ako pero anong magagawa natin security lang tayo dito"sagot naman ni Mang pilo.
"Tama ka isa pa hindi naman natin alam ang buong pangyayari"
"Bakit anong pinag uusapan ninyo?may nangyayari ba dito?sabat niya sa dalawa.
Agad naman napalingon ang dalawa at nagkatinginan at yumuko.
"Ano nga ang nangyayari dito?
"Eh Manang Cora maaari po bang sa mga tao ng Mansion na lang po kayo magtatanong?alam ninyo na po"ani ni Mang Edgar.
Tumingin lang siya sa mga ito at hindi na nagsalita pa at pumasok na sa loob ng gate.Nakita niyang naglilinis si Mang Tasio ng kotse at nilapitan niya ito.
"Tasio!?
"O Manang Cora umuwi na pala kayo"
"Tasio anong nangyayari dito habang wala ako?
Kakamot kamot ng ulo ang driver at tumingin sa kanya.
"Magsalita ka anong nangyayari dito?tanong niya ulit na lalong nagpakaba sa kanya at inuusal na sana mali ang hinala niya.
At nag umpisa nga magsalita ang driver simula sa pagkaladkad ng Senyora kay Margu mula sa loob ng Mansion hanggang sa labas ng gate.Sinabi din nito ang mga panlalait at pinagsasabi nito sa dalaga at pagluklok sa dalaga sa harap ng mga reporters na tanging kumot ang saplot.
"Diyos kong mahabagin"ani ni Manang Cora sabay hawak ng kanyang dibdib.
Tama ang kutob niyang pagkarinig pa lamang sa usapan ng guards at yung nakikita niyang mga reporters ay iyon ang pinagpipiyestahan nila.Ang dalaga,natitiyak niyang mapabalita at laman ito ng pahayagan kung sakali lalo na't myembro ng Montenegro ang nagsalita.
"Si Div hindi mo nakita?wala ba siyang ginawa para pigilan ang kanyang ina?tanong nito na alam niyang nasa loob lang ng Mansion ang binata dahil nasa parking lot ang kotse nito.
"Hindi ko nakita si Senyorito Div"sagot niyang kahit siya'y nagtataka din kanina pa kung bakit walang ginawa ito para isalba sa kahiya hiyang sitwasyon ang sinasabi nitong nobya.
Kaagad pumasok sa loob ng Mansion si Manang Cora at nadatnan niyang nasa living room ang Senyor at napansin din niyang nasa kusina ang mga kasambahay na walang imik.Hinahanap ng kanyang mata sina Div at Senyora at hindi niya makita.
"Arnulfo!?pansin niya dito.
"Cora you're here already?
"What's going on here?
"Hindi ko din alam dahil wala akong naiintindihan sa mga nangyayari"
"Hindi mo nagawang pigilan ang asawa mo sa ginagawa niya?ni hindi ka nagsalita para huwag niyang gawin iyon sa bata?
"I tried to stop her pero nasabi niyang huwag akong makialam because all her life hindi niya ako pinakialaman sa gusto ko para sa anak ko"
"At sumunod ka naman dahil yon ang rason niya para pigilan ka na huwag makialam sa pagpapahiya sa tao ganon ba?Arnulfo alam nating lahat na tama ang disisyon mong huwag kang pakialaman sa pagpapalaki sa anak mo dahil iyon ang dapat!!sita ni Manang Cora.
"Why do you even bothering yourself to fight with useless things anyway?tinig ni Senyora na nagpalingon sa kanya.
Humakbang ito palapit sa kanila at nagsalita ulit.
"This is a family problem Cora so keep yourself out"
Hinarap niya ito at buong lakas na sinampal at nabigla ang mga katulong pati na si Senyor ganon din si Div na nasa hagdan na para bumaba.
Paaakkk
"Aahhh"sapo ang mukhang nasampal.
"Mommy!!!tawag ni Div ng sinampal ito ni Manang Cora kaagad siyang pumanaog.
"Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan Amalya dahil alam nating dalawa kung sino ang tinutukoy mong keep herself out of this family"
"Mommy are you alright?agad na tanong ni Div ng makalapit sa ina.
"Nanay Cora why did you do that to my Mom!?tanong nito na may kalakip na taas ng boses.
Binigyan niya din ito ng malakas na sampal na lalong nagulat ang mga tao sa Mansion.
Paaakkk
"Oouchh"
"At ikaw kung alam ko lang sanang kaya mo ring manakit ng damdamin ng enosenteng tao,walang isang salita at hindi kayang lumaban para ipaglaban ang dapat,disin sana'y hinayaan nalang kitang mamatay noon pa!!!galit nitong sigaw sa binata.
Natulala ang lahat kabilang si Senyor at lalong lalo na si Div na naguguluhan sa pinagsasabi ng ginang.
"Pare pareho kayong lahat walang mga konsensya,bagay nga kayong maging isang pamilya na mga pansariling kapakanan lamang ang iniisip"sumbat pa nito at binalingan ang Senyora na hindi nakaimik.
"At ikaw bago ka manlait ng kapwa mo lalong lalo na sa mga katulong at mababang uri ng mga tao,try to remember once for a while if where did you came from at kung saan ka pinulot ng isang Montenegro!!!asik niya dito.
"Corazon Sylvia!??tawag ni Senyor upang pigilan na siya.
Nilingon niya ang Senyor at nakatayo na ito mula sa pagkakaupo.
"Stop it now Cora please"pakiusap ng Senyor na sinunod niya naman.
"You must be thankful dahil malaki ang respeto ko sa asawa mo,dahil kung sayo lang I won't waste my every second just to say Hi to you because you're not worth it"
"Cora please"ulit ng Senyor.
Nilapitan niya ito at humalik sa pisngi ng Senyor"I'm sorry I'm going to my room now"aniya at iniwan niya na ang mga ito.
Sinundan nila ito ng tingin ganon din si Div na talagang naguguluhan sa nangyayari dahil hindi niya akalaing mapapatiklop nito ang kanyang mommy all his life ngayon niya lang ito nakitang magalit at lalong pinagbuhatan ng kamay maging sa ina niya at lahat ng mga binibitawan nitong salita ay pakiramdam niya may ibig sabihin na mas nagpapagulo sa isip niya.Pinalipat lipat niya ang tingin sa kanyang mga magulang na pareho ding tahimik.
"Mom,Dad what's going on please tell me I want to know the truth"
"There's nothing for you to know the truth son"agad na sagot ng Senyora.
"Div hijo umakyat ka na sa silid mo magpahinga ka"utos ng Senyor.
"No..I'm going to Nanay Cora's room I need to talk to her"anito at umalis upang tumungo sa silid mg ginang.
"Div!?Div!?tawag ng Senyora.
"Let him go Amalya may tiwala ako kay Cora so don't worry"
Hindi na ito umimik pa at inutusan ang katulong upang ipaghanda sila ng juice.
Mahinang katok sa pinto ni Manang Cora ang naririnig niya.
"Pasok"aniya sa kumakatok.
Iniluwa si Div sa pintuan at agad siyang tumingin sa ibang direksyon upang hindi ito makita.
Lumapit si Div sa kanya at kinausap.
"I'm sorry Nanay Cora"simula nito.
"Hindi ko akalaing magawa mong panooring sinasaktan,inaalipusta,minamaliit at nilagay sa kahiya hiyang sitwasyon ang taong malaki ang bahagi sa puso mo"
"Naduwag ako Nanay Cora I was so scared of my Mom kaya wala akong ginawa,ni hindi ko alam kung anong gagawin ko"ani ni Div na gusto ng umiyak.
"Nagsisisi ako kung bakit pa ako umalis kahapon kahit pinigilan niya ako,siguro kung hindi ako umalis may magagawa ako kahit papaano para hindi niya maranasan ang narasanan niya ngayong araw"ani ng ginang na bahagya pang suminghot.
"I'm so sorry Nanay Cora hindi ko nagawa ang pangako ko na ipaglaban siya,I'm so stupid,a coward and not a worth to be called a man with a words"umiyak niyang sinasabi dahil nagsisisi siya dahil wala siyang nagawa.
"Nangyari na ang lahat Div hindi na natin maibabalik sa dati,sinayang mo ang mataas kong pagtingin at paghanga sayo na akala ko kaya mong lumaban sa karapatan mo pero nagkamali ako,isa kang duwag at inutil,sinayang mo ang lahat pinakawalan mo ang taong magdudugtong ng pagkatao mo dahil mas pinili mong sundin ang taong sa isang kapiranggot lamang ng papel kayo may ugnayan,nawa'y wala kang pagsisisihan Div sa naging pasya mo"
"Nanay Cora what do you meant?
"Go out now gusto kong magpahinga"
"Please Na.."
"I said get out of here Dave Primo Vincent!!sigaw ng ginang.
Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng silid na dala dala ang maraming katanungan sa kanyang isip.
Paglabas sa silid ng ginang ay kaagad siyang lumabas ng Mansion.Nasa living room ang mga magulang na tila hinintay siya.
"Div hijo!?tawag ni Senyora.
"Div saan ka pupunta?tanong naman ng Senyor.
Sandali siyang huminto at humarap sa mga ito.
"I'm going to find myself dahil gulong gulo na ang isip ko,I asked everyone but no one answering me what the hell is wrong with you people!??asik nito at mabilis ng lumabas.
"Div!?
"Div hijo!?
Panabay nilang tawag ngunit wala na ito at narinig nilang umaandar na ang kotse.Agad tumawag sa security ang Senyora.
"Mang Edgar huwang ninyong buksan ang gate pag binuksan ninyo yan itatapon ko kayo sa kangkungan!!uto
s ni Senyora.
Nagwala sa labas ng Mansion ang binata ng hindi ito binubuksan ng mga guards ang gate.
"I said open the gate now!!!sigaw niya sa mga ito na nakatayo lamang.
"Mahigpit pong ipinag uutos ng Senyora na huwag namin buksan ang gate Senyorito"
"Bullshiiiittt!!!sigaw ulit niya at akmang uundayan ng suntok ang guard ngunit nakalabas na ang mga magulang niya.
"Stop it Div!!sigaw na utos ni Senyor.
Hindi niya natuloy ang pagsuntok sa guard ngunit malakas niyang sinuntok ang bakal na gate dahilan ng pagdugo ng kamao niya.
"Aaaaaaahhhhhhhhhh...dammmnnn iiittt"sigaw niya sa sobrang inis sabay pagsuntok sa bakal.
"Diivvv!???nahintakutang pagtawag ng Senyora at mabilis nilapitan ang anak.
"Son why did you do that?agad niyang sita at hinawakan ang kamay ng anak.
"Don't touch me!!!asik nito at winaksi ang kamay sabay lumakad papasok sa Mansion.
Natakot ang mga ito dahil sa ginawa ng binata na ngayon lang yata nila nakitang nagalit sa buong nilang nagtatrabaho sa Mansion pati ang mga magulang nito ay nabigla din.
Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay nagwala siya,binasag lahat ng mga gamit,tinapon lahat ng mga papeles at magazine na naroon,pinagsisipa ang mga lampshade at pinagsusuntok ang closet hanggang sa nasira ito at nagkakasugat ang kamao niya.
"Bullshhiiiiiiitttt!!!
"Daammmmnnnn iiittt!!!
Pagmumura niya habang nagwawala at hanggang sa nakaramdam ng pagod at sakit saka pa ito huminto.Padausdos na umupo sa sahig at sinabunutan ang buhok habang inuuntog ang ulo sa pader na nadatnan ng Senyora.
"Div son what happen to you?look at these all mess you did and look at yourself Div your bleeding"ani ng Senyora at nilapitan ang anak.
Tiningnan niya ng matalim na tingin ang ina at walang ano ano ay hinawakan niya sa braso.
"Sinunod ko ang gusto mo na huwag ko susundan si Margu because you're my Mom,kahit at the end I realized I should have to fight for her,now tell me who is these family are!?
"Son fix yourself now and we have nothing to talk for"
"You know how much I love her Mom but I choose to follow you,now I just need you to answer my questions is it so difficult to say something why!???sigaw niyang wika sa ina.
"Dave Primo Vincent!??sigaw na wika ni Senyor ng marinig ang pagsigaw sa ina nito.
Natahimik naman si Div at pumunta sa malapit sa bintana.
"Please go out from my room now"anito sa mga magulang habang nakatalikod.
Nagkatinginan naman sila at napagpasyahan nilang iwan ito kahit nag alala sila para sa binata.
Paglabas ng mga magulang ay agad niyang nilock ang pinto at padausdos muling umupo.Masakit na hindi man lang niya nagawang ipaglaban ang babaeng mahal niya dahil sa takot,naduwag siyang lumaban para kay Margu at sa buong buhay niya'y ni minsan hindi niya sinuway ang kanyang mga magulang.
Umiyak siya ng umiyak sa isiping nalagay sa ganong sitwasyon ang dalaga,kung sana'y sumunod siya sa payo ni Nanay Cora na mag ingat siya disin sana'y hindi nangyari ito.Galit na galit siya hindi sa mga magulang kundi sa sarili niya at ngayon dinagdagan pa ng hindi niya maintindihan mga nangyayari sa pamilya niya.
"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh."malakas niyang sigaw habang umiiyak.
Narinig iyon ng mga tao sa Mansion pero wala silang magawa dahil alam nilang hindi ito ang oras para kausapin ang binata.At kampante silang walang gagawing masama sa sarili niya si Div.
SAMANTALA nasa isang malaking bungalow dinala ng lalake si Margu.
"S-saan tayo at kaninong bahay ito?
"Relax don't panic okay?this is our home let's go inside para makapagdamit ka"
"Hindi ka nag iisa dito?
"Nope"
Sabay na silang pumasok sa loob at bumungad sa kanya ang magandang loob ng bahay.Grabe parang five star hotel lang,malinis at mabango na sobrang gara ng kagamitan sa loob.
"Hello son you're here already?tanong ng ginang na kakalabas lang galing sa isang pinto na hindi niya alam kung ano iyon.
"Hi Ma"anito at humalik sa pisngi ng ina.
"Oh who is she?tanong ng ginang at tiningnan siya mula ulo hanggang paa"why is she like that?is something happen to her?
"A long story Ma now can you please dress her up for me Ma so I can take her to her home?
"Okay sure but what is her name?
"I don't know Ma"
Akmang aayain na nito si Margu ng makarinig sila ng news update sa T.V kaya agad silang tumingin sa monitor para makita kung anong ibabalita.
NEWS UPDATE TODAY:
Isang mainit pong balita ang maihahayag namin ngayon sa inyo,ayon sa scoop namin isang gold digger ang pumasok bilang personal maid sa isang mayamang pamilya dito sa ating bansa.Kasunod noon ay nag appear sa screen ng T.V ang kanyang larawan at nagulat ang mga ito lalo na ang ginang.
"So,you..you're the one on News and headlines now"anito at binigay sa kanya ang pahayagan.
"Bullshit!!they are really a bunch of crap"mura nito na sa pag aakalang hindi mababalita ang nangyari dahil sa pinapadelete naman niya ang mga larawan.
Walang imik si Margu habang tahimik itong umiiyak,kitang kita ang pagmumukha niya at ang itsura niya sa T.V at sa mga headlines.Ganon kabilis ang mga reporters gumawa ng balita para lang sumikat.
Ilang sandali ay lumapit sa kanya ang ginang at hinawakan siya sa kamay.
"Come with me I'll dress you up"ani ng ginang.
Sumunod siya dito at sinundan lang ito ng tingin ng binata at awang awa sa babae.Hindi siya naniniwala sa balita kahit wala pa siyang alam kung anong totoo sa likod ng mga nangyayari sa babae.
"I can feel you're a good person but I don't know why have such cruel people living in this world"usal niya.
Sa silid ng ginang ay inutusan niyang maligo ang babae.
"Go to the bathroom and take a shower"
"Kailangan ko pa po ba iyon madam ang kailangan ko ngayon ay makauwi na sa amin"aniyang nagbabadyang tumulo ang luha.
"Look hija you need to fix yourself lalo na't uuwi ka sa inyo,kapag uuwi ka doon na ganyan ang ayos at itsura mo mag aalala sayo ang mga magulang at kapatid mo"
"Bakit ninyo po ako tinutulungan kayo ni Sir kahit nakita ninyo na ang balita?
"Because the News is just a News,bihira ang totoo sa News lalo na about gossips and I'm already used to it"
"H-hindi ninyo po ako hinuhusgahan sa kabila ng nalaman ninyo?
"Why would I judge person I even don't know her,you're a stranger that needs help from us right now,as saying goes..what goes around comes around"
"S-salamat po maraming salamat po sa tulong ninyo ngayon at sa pinapakitang kabaitan at kababaang loob kahit nakakaangat kayo"
"No hija..please don't say that we are all human..human being that has same organs and body no matter who you are or who I am"
Hindi niya alam pero bigla niyang nayakap ang ginang dahil dito nabuhayan siya ng loob upang harapin ang lahat ng mga panghuhusga at panlalait sa kanya ng mga taong nakakilala sa kanya dahil sa kumakalat na balita at pahayagan.
"Salamat po madam at pasensya na po kung nayakap ko kayo,paumanhin po"anitong kumalas sa pagyakap sa ginang at bahagya pang yumukod.
Hinawakan siya nito sa mukha at masuyong hinaplos"you're such have a beauty that can captured everybody's attention and I'm pretty sure you have a golden heart as well,keep your chin up sweetie no matter what people think about you the important is you know yourself very well"
"Mamaaa are you both done now?tawag nito sa ina habang nasa labas siya ng kwarto.
Nagkatinginan silang dalawa dahil hindi pa nga siya nakaligo dahil nag uusap pa sila.
"Sige na hija maligo ka na dun dahil mainipin kasi ang anak ko"
"Sige po madam salamat"aniya at pumasok na sa bathroom upang maligo.
Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na ito at nadatnan niyang nakahanda na ang mga damit na susuutin at wala na ang ginang mabilis siyang nagsuot ng damit at ng makapagbihis ay kaagad siyang lumabas sa kwarto.Natapat na siya sa kusina upang tumungo sa living room kung saan siya galing kanina ay bigla nalang nakaramdam ng pag ikot ng paningin,humawak siya sa pader at pinikit ng ilang saglit ang mga mata at hinilot hilot ang sentido upang ma relax siya.At dumilat ulit upang humakbang ng biglang.
Blaagggg...
Bumagsak siya sa semento at may narinig pa siyang pagsigaw at tuluyan na siyang pumanaw este nawalan ng malay.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Ficção AdolescenteSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...