"Hey you poor lady I told you to bring me a Margarita in a cocktail glass and you brought me this?sigaw sa kanya ng isang babae sabay pakita sa kanya ang kopita na may laman ng ibang klaseng alak.
"I'm sorry ma'am I'm really sorry"hingi niyang paumanhin sa bisita ni Div.
"Apology is accepted but take this bitch!!anang babae sabay tapon ng alak sa kanyang mukha.
Biglang uminit ang kanyang mukha dahil sa galit at hindi dahil sa alak,gustong gusto niya itong sampalin ng buong lakas ngunit ng akma niya ng gawin ang gusto niya ay nakita niya si Div na matalim siyang tinitingnan na para bang pinababatid sa kanya na oras may gawin siyang masama sa bisita ay mananagot ito sa kanya sabihin pang pinagsabihan na siya ni Div kanina na show some respect daw.
Palihim niyang naikuyom ang kanyang palad at umalis upang kunin ang basahan at lilinisin niya ang alak na nakakalat sa sahig.Pagdating sa storage room ay nagbabadya na namang tumulo ang kanyang luha ngunit pinigilan niya ito,nagpakawala ng buntonghininga sabay inayos ang sarili naghilamos sa isang toilet na naroon.
NAKITA ni Div ang pangyayari kanina gusto niyang kaladkarin palabas ng condo ang babaeng tumapon ng alak kay Margu ngunit ng ma-alala na isa itong pagpapahirap kay Margu kaya niya ginawa ito ay nagtimpi siya bagkus tiningnan niya si Margu ng matalim ng tingin.
"Hey dude you're okay?ani ni Moiriz sabay subo ng pagkain.
"Yes I'm okay"
"It seems like you're not enjoying your own party huh?ani naman ni Jorick na pasulyap sulyap kay Margu na hindi nakaligtas sa paningin niya.
"No..of course I do..I enjoy this party dude"sagot nito sa kaibigan at sa sulok ng kanyang mata ay nakita niyang abalang abala sa pag aasikaso si Margu sa kanyang mga bisita.
"The foods are so delicious,your chef really cooked it perfectly "ani ni Frank habang kumakain din.
"Thank you dude just enjoy your food"
Ilang sandali pa ay nagpatugtog na ang Disc Jockey (DJ) hudyat na magsisimula na ang sayawan,kasabay ng pagtugtog ay nagsitayuan naman ang mga ilang kalalakikan doon kasama ang ilang babaeng guests ng binata.At may lumalapit narin na mga babae sa grupo nila Div.Nag uumpisa ng pinupuluputan ng mga higad na babae sina Frank,Div,Moiriz at Jorick na hindi pa sumasayaw at hinayaang mag enjoy ang bisita.At dahil pinatay ang ilaw at tanging disco lights lang ang nagbibigay ng liwanag sa condo ay para narin itong nasa club,may kadiliman.Hinahalikan na sila ng mga babae na katabi nila at humihimas na ito sa kanilang pribadong katawan.
At kabilang na si Div na unti unti ng natutukso sa mga ginagawa sa kanya ng babae at dahil medyo marami na ang alak na nainom niya ay bumibigay narin ito sa halik ng babae.Nirroromansa niya ang babae kahit nasa harapan pa siya ng mga kaibigan dahil ganon din naman ang mga ito busy na sa halikan.
Mga pangyayari na hindi nakaligtas sa mga mata ni Margu.Dahil kitang kita niya mula sa kusina kung saan siya nagpahinga at dahil hindi siya sanay sa maingay kaya nagpasya siyang mananatili muna sa kusina dahil alam niyang tatawagin naman siya ng mga tao dito kapag kailangan siya.Hindi niya kayang makita ng matagal ang nakikita niya ngayon na nakipaghalikan si Div sa ibang babae pakiramdam niya tinutusok ng libo libung karayom ang kanyang puso.Kung masakit sa kanya na pinapagalitan siya ni Div sa harap ng mga kaibigan nito dahil pinagtanggol niya lang ang kanyang sarili,at masakit na wala itong pakialam kahit tinapunan pa siya ng alak,masakit na wala din itong pakialam kahit hatid dito hatid doon kuha dito kuha doon ang ginagawa niya para sa kanyang bisita kahit pagod na pero lahat ng iyon masakit lang pala,mas may masakit pa pala doon,iyong nakikita niya ngayon?sobrang masakit,masakit na masakit kaya sobra sobra siyang nasasaktan.
Nakaupo siya sa isang sulok ng kusina habang yakap ang sariling tuhod,pagod ang kanyang katawan ang kanyang puso pero hindi na siya umiyak kasi ayaw niya ng sayangin ang kanyang luha.Nasa ganon siyang ayos ng pumasok si Moiriz sa kusina dahil nakita niya ito kanina na dito tumungo kaya pinuntahan niya para kausapin dahil magaan ang loob niya sa dalaga,feeling kasi niya mabait ito.
"Hi.."bati niya sa dalaga.
Bigla naman napatingala si Margu sa taong nagsalita na hindi niya namalayang pumasok.At ng makita na isa ito sa mga kaibigan ni Div ay mabilis siyang tumayo at nagbigay galang.
"Hello po Sir may kailangan po ba kayo?
"Uhm no..I just want to be out of noisy so I guess I found a right place"anito sabay upo sa bangko na naroon.
Hindi siya nagsalita at tumango lang siya dito na nanatiling nakatayo sa pwesto niya.
"May I know your name?if you don't mind me asking"nagsalita siya ulit ng mapansin wala itong imik.
"No..of course I don't mind..Margu po ang pangalan ko Sir"
"Nice name that's it just Margu?
"Ah..Margarette Marguex Domingo po full name ko"
"So kaya pala maganda ka dahil maganda ang pangalan mo"birong wika ni Moiriz.
"Hindi naman po nagkataon lang Sir"
"Anyway..I'm Moiriz Jeco Alcante"anito sabay lahad ng palad nito sa kanya,akmang tatanggapin niya ito ng biglang sumulpot si Div.
"Margu!?tawag niya sa dalaga dahilan ng bigla niyang binawi ang kamay na hindi pa ito naabot ni Moiriz.
Samantala nakalahad lang ang kamay niya sabay lingon sa kaibigan.
"What's up dude?tanong ni Moiriz dito at napakamot nalang ng ulo.
"Why are you here?tanong niya kay Moiriz na kay Margu nakatuon ang paningin.
Nagbaba naman ng tingin ang dalaga dahil hindi niya kayang salubungin ang mapanghusgang tingin ng binata.
"Well I just want to be out of noisy for a while"
"Okay"aniya kay Moiriz at muling tiningnan si Margu at nagsalita ito"Margu get out of here,you supposed to be inside to serves my guests and you are here sitting and doing nothing!?sita niya sa dalaga na kinabigla ni Moiriz.
Sobrang hiya ni Margu,at sobra sobra ng pamamahiya ang ginagawa ni Div sa kanya,kung pwede nga lang siyang maglaho ngayon ay gagawin niya.
"Hey Div what's wrong with you?don't be too harsh to her she's already working for a whole day and until now,could you give her a rest for quiet sometimes?wika ni Moiriz.
"So are you going to stay here and have a talks with her?
"And what's the problem with that Div?
"Come on dude she's just a low class and she's worthless,she's just a maid and you got that nerves of having a conversation with her?
"Tamaaaaa naaaaa!!!!!sigaw ni Margu sa binata na kinalingon nilang dalawa dito.
Hindi na napigilan ni Margu ang galit niya,punong puno na siya sa mga pang-iinsulto ng binata sa kanya,sobra na ang ginawa nitong pang aalipusta sa pagkatao niya,nasa lupa na nga siya pero inaapakan pa siya nito.Hindi baleng magtrabaho o pagsilbihan niya ito o sila na buong magdamag pero ang lait laitin siya ay ibang usapan na iyon.
"Tama na!!alam ko at hindi ko nakakalimutan na isa lamang akong katulong,kahit anong pinag-uutos ninyo at ipapagawa sa akin ginagawa ko dahil trabaho ko iyon bilang katulong.Pero ang sabihan ako ng isang mababang uri ng babae at walang kwentang tao iyon ang hindi ko matatanggap dahil buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang tumulong sa mga magulang ko at lalong wala akong ginawang masama na nakakasira ng pagkatao ko!!Pero ito ang tandaan mo Senyorito hinding hindi ko ibababa ang level ng pagiging katulong ko para patulan ang salaula,walang modo at bastos na C.E.O na katulad mo!!!aniya sa binata sabay iwan ang mga ito na parang tinuklaw ng ahas.
Napalunok si Div sa mga sinasabi ni Margu at bahagya itong yumuko,tumingala ito sa itaas ng maramdamang nagbabadyang lumuha at iyon ang ayaw niyang mangyari.Ng maya't maya ay nagsalita si Moiriz.
"She's brave enough to defends herself but may I know if who is she?
"Her name is Margu"mahina niyang sagot.
"She told me already..wait..Div napansin kong iba ang trato mo sa kanya knowing you are not that kind of person especially sa mga maids ninyo sa Mansion"
"It's nothing dude it just happened na hindi siguro kami magkasundo"kaila parin niya dito.
"No!! I know there is a certain things aside from that,magtapat ka nga is there something between you and her?
"What!?no!!of course nothing!!
"I can see..you don't treats her like a maid but I feel like you deeply mad at her,are you really mad at her?but why?
"This is nonsense dude let's go back inside"aniya at humakbang na sana ng pigilan ito ni Moiriz.
"Div you can not hide it now,nararamdaman ko na there is something wrong between you and her...wait.."an
iyang medyo natigilan"by chance..is she your personal maid?that you secretly inlove with?tanong ni Moiriz na kinatingin niya dito.
Matagal siyang hindi sumagot pero iba ang nasabi niya ng magsalita ito"no..this is not the right time to talk about her,let's go in now"anito at humakbang na.
Naiwan si Moiriz na sinundan lamang ito ng tingin at natitiyak niyang si Margu at ang personal maid ng kaibigan ay iisa lamang.Pero ang hindi niya lubusang matiyak kung bakit ginagawa ito ni Div sa babaeng alam nilang lahat na mahal ni Div.
"I will find out why are you doing this to her the woman you madly inlove with"usal niya sa sarili at sumunod na ito.
Sa living room ay parang walang nangyari kay Margu at sa amo niya nagse-serve parin ito sa mga guests na walang tigil sa pag lamon kahit hating gabi na sa mga sandaling ito.May disco music parin at may iilan pang sumasayaw at hindi na ganoong kalakas ang sound nila.Nasulyapan niya ang babaeng nagsabuy sa kanya ng alak at ito rin ang kahalikan ni Div kanina at ngayon ay patuloy parin sa pakipaglandian sa binata na hindi na siya pinagkaabalahang tingnan pagkatapos ng nangyaring sagutan nila.Sa isip niya kiber ko ba kahit itapon mo pa ako ngayon dahil nasagi ang ego mo.
Nasa ganon siyang pag-iisip habang nagsasalin ng alak sa baso ng isang guest ng marinig niyang tinawag siya ng babae,take note ha bitch lang naman ang pangalan niya sa babae na ito na hindi man lang ito pigilan ng damuhong na si Div. Oh well bakit nga ba gagawin yon ni Div eh siya nga tinawag ng ganon.Yumuko muna sa guest at lumakad upang puntahan ang babae na nasa grupo nila Div at ibang mga kaibigan nito.
"Yes po ma'am?magalang niyang tanong sa babae na pumulupot kay Div na hindi man lang siya nito nilingon.
"Bring me a glass of sweet wine Stella Rosa Moscato"anang babae.
"Sure ma'am"aniya at humakbang na sana ngunit muling nagsalita ang babae.
"Hey bitch I'm not finish talking to you"anito at tumayo ito mula sa pagkakaupo.
Tumingin sa kanila ang mga kaibigan ni Div pero si Div nagpatay malisya lang ito.
"I'm sorry ma'am"sagot niyang nakatayo lang din.
"You already getting into my nerves bitch,kanina binigyan mo ako ng maling wine na gusto ko and now you just turning your back off me without asking what kind of glass do I want to use?is that how you serves a guests?
"No..pasensya na po kayo,I'll make sure it won't happen again ma'am"
"Your right bitch it won't happen again because I'm going to teach you how to treats a guests properly with this one..."anang babae at inangat ang kaliwang kamay niya upang sampalin sana siya nito,ngunit mabilis niya itong naharang gamit ang kanyang kamay.
Naalarma ang magkakaibigan pati si Div sa gagawin ng babae kay Margu at tumayo na sila para awatin ang babae ngunit mas mabilis si Margu.
"Hinayaan kitang tawagin akong bitch everytime you need me to served you dahil isa lang akong MAID and even that's not my name.But one thing I won't let you to do is to touch my face with your dirty hands and full of germs!!galit niyang wika sa babae sabay buong lakas niya itong tinulak sa sementadong sahig na kinabigla ng lahat pati ng babae.
Iniwan niya ang mga ito at tumalikod na sa kanila ng muli niyang narinig sumigaw ang babae.
"Hey come back hindi pa tayo tapos!!sigaw nito.
"Darlene stop it now!!awat ni Moiriz.
Hindi na siya lumingon sa mga ito ang gusto niya ay lumayo sa mga taong napakalupit sa kanya ngayon.Kaya dumiretso siya sa maid's room para doon ibuhos ang luhang kanina niya pa pinipigilan.Tinakpan niya ng kanya kamay ang kanyang bibig upang hindi mapabunghalit ng iyak,hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali sa kapwa niya na pinaranas ito sa kanya.Isang buong araw at gabi na pakiramdam niya'y nasa impyerno siya dahil tila napapaligiran siya ng mga demonyo.
Umiyak siya ng umiyak hanggang nakaramdam siya ng pagod at pamamaos ng lalamunan,dahan dahan siyang humiga sa maliit na mattress na naroon atsaka pa niya naramdaman na sobrang napagod din ang kanyang katawan sa buong maghapong trabaho at ngayon nga ay maghahating gabi na.Kaya hindi na niya namalayang nakatulog na siya na may luha sa kanyang mga mata.
KINABUKASAN naalimpungatan si Margu agad niyang pinagala ang paningin sa paligid at naalala niya na dito pala siya sa condo ng binata.At naalala din niya na basta nalang pala niya iniwan ang gawain kagabi.
"Diyos ko nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan"usal nito at napapahilamos sa sariling mukha.
Nagbanyo muna siya bago lumabas ng silid at paglabas niya sa living room ay may nakita siyang isang babae na kasalukuyan itong nagliligpit ng mga kalat kagabi.
"Magandang tanghali po ma'am"bati ng babae sa kanya.
Tanghali na pala?hindi niya alam ah naku lagot na naman siya nito at for susumbatan na naman siya ni Div.
"T-tanghali na po pala..magandang tanghali din sa inyo"aniya at tinulungan niya ito.
"Opo ma'am tanghali na ay huwag na po kayong tumulong dyan,punta na po kayo sa kusina para makakain kayo"
"Huwag mo nga akong tawaging ma'am,katulong lang po ako dito"
"Hindi po halatang katulong kayo..ako nga pala si Nanet part time maid ni Sir Div dito sa condo"
"Ganon ba?ako pala si Margu personal maid ni Sir"
"Personal maid?
"OO bakit Nanet?
"Pagka-alam ko eh girlfriend ka niya"
"Bakit mo naman nasabi yan?
"Eh binilin sa akin na huwag daw ako maingay masyado kasi baka daw magigising girlfriend niya"
"Ah iyon?baka yung isang babae ang tinutukoy niya sa inyo"
"Pero wala namang ibang tao dito simula pagdating ko kaninang umaga,saka natapos ko narin linisin ang mga kwarto wala naman akong nakitang ibang babae liban sayo"ani ng katulong.
"Ganon ba?huwag mo ng isipin iyon,sige na tatapusin na natin ito"ani ni Margu na pinagsawalang bahala nalang ang tinuran ng katulong.
"Huwag ka na kasi tumulong at kumain ka na doon,sige na Margu ako na dito"utos sa kanya ni Nanet.
"Sigurado ka kaya mo na?
"OO kaya ko na ito sige na kumain ka na doon"
"Sige na nga kumakalam narin ang sikmura ko,ikaw hindi ka ba kakain?tanong nito kay Nanet at saka naalala na hindi nga pala siya kumain kagabi.
"Tapos na ako kumain,ikaw nalang"
"Okay"anito at gumawi na sa kusina.
Naghanda na siya ng kanyang kakainin at ubos narin ata ang mga niluto niya kahapon dahil hindi niya na makita at galing restaurant ang kakainin niya ngayon.Nakailang subo siya sa kanyang pagkain ng maramdaman niyang may nanunuod sa kanya.
Pag-angat niya ng kanyang ulo nakita niya ang nakahalukipkip na taong minsan naging malupit sa kanya.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
PANGARAP NA LANG BA
Fiksi RemajaSi Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal sa buhay.Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kapus ang kanyang pamilya sa panggastos sa ka...