Kabanata 2: Itim at Puti
Big Time Rush - We Are
///
May mga kanta talaga na kahit ilang taon man ang lumipas, tatagos pa rin sa puso kapag narinig mo uli. Walang kupas.
Madaling araw na nang nakauwi ako.
Nakita ko rin sa may plaza ang ilan kong kaklase, nanood din sila.
Nagpasalamat ako kina Jackson at Elaine sa pagsama nila sa 'kin. Silang dalawa 'yung mga kaibigan ko mula pa noong high school kami.
"Sa birthday ko a. Punta ka Crisel," sabi ni Jack pagkahatid sa 'kin sa bahay. Nauna niyang inangkas kanina si Elaine pauwi.
Inabot ko sa kanya ang helmet niya. Kinuha naman niya 'yon at hinawakan muna habang nakasandal sa motor niya.
"Ano ba regalong gusto mo? 'Yung presyong kaibigan lang a," nakangisi kong sabi.
"Hmm, regalo?" Tila nag-iisip siya. "Sketch mo ko, o easy lang sa 'yo 'yon." He smirked. Loko.
"Parang planado na agad 'yung gusto mo a. Bihira na 'ko mag-sketch o paint. May mga nagre-request sa 'kin, kahit with commission, kaso wala ako sa focus," paliwanag ko.
"Tss. 'Yung ganyang talent dapat ginagamit 'yan. Pinagkaloob sa 'yo kaya ipakita mo."
Natawa naman ako. "Wow words of wisdom from Jackson." Napaisip ako ro'n dahil tama naman siya, hindi dapat binabalewala ang talento. "Dahil dyan hmm sige idra-drawing ko 'yang motor mo, ayoko pa ng mukha e, okay na?"
Natawa lang din siya. "Kahit walang regalo, basta nando'n kayo." Sumakay na siya sa motor at ngumiti bago umalis.
Wala akong kasama sa bahay tuwing weekdays kaya walang naghihintay sa bahay. Pagka-lock ko ng gate at sunod ang pinto, dumiretso agad ako sa kwarto. Naramdaman ko agad ang sobrang pagod.
Dumiretso muna ko sa CR para maglinis ng sarili. Buti na lang at 2PM pa ang klase ko mamaya.
Pagkahiga ko sa kama, alam ko na agad na mabilis akong mahihimbing ng tulog.
***
Bago dumiretso sa university, nagtanghalian muna 'ko sa karinderya para magkaro'n ng lakas sa midterm exam mamaya.
Nang nag-1PM, nasa room na 'ko at nagre-review sa Business Law. Mabuti nakapagbasa na 'ko sa subject na 'to kahapon ng madaling araw kaya kahit kaunting basa na lang ngayon.
Nang nagsidatingan na ang mga kaklase ko, niligpit ko na ang libro ko at nakisama naman sa pagre-review o tanungan nila.
Habang tumatagal, nalalayo na sa pag-aaral ang pinag-uusapan, nagkukwentuhan na tungkol sa kung anu-anong bagay.
"Crisel sama ka mamaya. May bagong bukas na café malapit sa mall," pag-aaya sa 'kin ng seatmate kong si Era. Siya rin ang pinakamalapit kong kaibigan sa mga kaklase ko. Si Grace ay iba ang kurso.
"Sure," nakangiti kong sagot. "Pero susunod na lang ako, may dadaanan pa 'ko. Text kita," dagdag ko.
"Okay," sagot niya at nag-thumbs up.
Isang oras ang binigay na time sa 'min para sagutan ang exam. Nang matapos ko 'yon ay marami na ring nakapagpasa. Dahil pwede nang umalis, sumenyas ako kay Era na mauuna na 'ko at tumango siya.
Pumunta 'ko sa pinakamalapit na computer shop. Pagkarating, nakita kong mukhang inaayos 'yung printer.
"May sira po 'yung printer?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."