Kabanata 3: Balang Araw
Paramore - My Heart
///
May mga pagkakataon talaga sa buhay na kapag parang hindi na umaayon sa 'yo ang mundo, bigla ka na lang magkakaro'n ng maliit na pag-asa, inspirasyon.
Maaga akong pumasok sa school pagdating ng Lunes.
Pagkababa ko ng jeep, nakita ko agad 'yung computer shop sa malapit. Madadaanan 'yon bago ang gate ng university.
Naalala ko 'yung lalaki na kinuhanan ko ng litrato habang kumakanta. Napangiti ako. Nakakaantig ng damdamin 'yung mga sinabi niya pati 'yung paraan niya ng pagkanta. Naalala ko noong nag-sketch ako ng mukha ng lola ko, 'yung pakiramdam na mula sa puso 'yung paggawa. Gano'n.
"Papa-print?" bungad ni manong na galing sa likod ko at may bitbit na kape at tinapay. Matagal na rin siyang nagbabantay rito at kilala siya bilang Manong o Kuya Joey.
Wala akong balak na magpa-print o ano man kaya umiling ako. Bigla namang nag-vibrate sa bulsa ko 'yung may keypad kong cellphone. May text mula kay Jack.
'Sunday ng hapon. Pupunta o pupunta? Pupunta ;)'
Naalala kong hindi ko pa nasisimulan gawin 'yung pangregalo ko sa birthday niya, 'yung sketch ng motor niya.
"Papa-print po pala 'ko," sabi ko at pumasok na sa computer shop.
Buti dala ko ang digicam. Pinahanap ko sa files ang picture ng motor ni Jack. Kaya rin kasi ito ang napili kong i-sketch ay dahil may kuha ako ng motor niya na talagang magandang i-drawing at kitang mabuti 'yung mga detalye.
Sa paghanap ng picture, aksidente namang nabuksan ni manong 'yung isang image. Bumungad ang black and white na picture.
"Galing mong kukuha ng litrato a," sabi niya at agad ding in-exit iyon. Hindi naman siguro nakilala nitong si manong ang lalaking 'yon sa litrato. Sana hindi. Pero kung iisipin, wala namang kaso kung kilala niya. Picture lang naman 'yon.
Ilang sandali akong nag-isip.
"Pa-print na rin po nung kanina, 'yung black and white."
***
Nakaupo ako sa may bench sa malawak na garden ng university at nilalagyan ng grid lines 'yung mga litratong pina-print ko nang biglang may nagsalita sa harap ko.
"Huy!" Si Grace. Napansin ko agad na mukha siyang napagod sa mga bitbit.
"Huy din. Balita?"
"Eto, nakabawi na ko ng lakas. Naubos werpa ko sa midterm last week. Putek na Business Law 'yan! Hindi makatarungan magpa-exam 'yung Attorney'ng prof na 'yon," pagkukwento niya.
Umupo siya sa kaharap kong upuan at ipinatong sa lamesa ang isang bag na may lamang gitara. Iginawi ko sa kanya 'yon dahil medyo natabingan ang ginagawa ko.
"Na-badtrip din ako sa prof na 'yan noon. Pero matututo ka naman do'n," sabi ko.
"Oo kasi no choice kami kundi magbasa nang magbasa. Buti pa kayo, nalagpasan niyo na siya, iba na 'yung Business Law niyo, grabe talaga, patayan din sa recitation. Anyway, ayan na nga pala 'yung gitara ng kuya mo. Pinapasabi ng groupmates ko na thank you sa pagpapahiram."
"Sige lang," sagot ko at tinatapos pa rin ang paglalagay ng grid lines.
Ilang sandali siyang natahimik hanggang sa tinabihan na niya 'ko sa upuan ko. Alam kong tinitignan niya 'yung ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."