Kabanata 21: Dumating Na
Lukas Graham - Love Someone
///
Sa ilang araw na bakasyon, nakapagpahinga ako at nakagawa ng mga bagay na matagal kong hindi nagawa.
Nag-practice akong maggitara gamit ang youtube bilang mentor. Hindi pa rin ako gano'n kasanay pero hinayaan ko na lang. Nanood ako ng movies at series na matagal nang naipon sa laptop ko. Nagtanim din ako sa bakuran. Madalas din akong mag-videocall kay Lola at minsan kami rin ni Chase.
Ngayong araw naman, naisip kong subukan 'yung sinabi ni Patricia kailan lang. Ano nga kaya kung magsulat ako para sa mga kaibigan ko? Lumipat na si Edward at kung matutuloy din si Juno, kahit ito man lang 'yung magawa ko para sa kanila.
Naupo ako sa harap ng study table saka kumuha ng lapis at papel. Nagsulat muna 'ko ng ilang idea at saka sinimulang buuin 'yung kwento.
Ilang minuto ko 'yong ginawa bago ako nagpahinga. In-open ko 'yung new phone kong madalas ko na rin namang nagagamit. Bumungad 'yung usapan sa group chat namin.
Nagtatanong si Edward kung ano'ng ginagawa ng bawat isa. Sumagot naman sila at nag-send pa ng selfie. Karaniwan nasa bahay lang pwera kay Era.
Era: alone here huhu
Nasa sementeryo siya at mukhang dinalaw 'yung Mama niya. Tumingin ako sa kalendaryo at nakumpirmang ngayon nga ang death anniversary ng nanay niya.
Edward: don't us, ginusto mo yan
Fernando: ayaw mo magpasama e
Era: chos lang! Alone time ko to haha
Jun: ingat mga multo, nakakatakot ka pa naman
Tinawagan ko na lang si Era.
"Yow!" bungad niya.
"Musta?" tanong ko.
"Eto chill lang sa cemetery. It's the time of the year again."
High school siya nang mamatay 'yung Mama niya dahil sa isang sakit. Nasaksihan niya kung gaano nahirapan at unti-unting nanghina 'yon hanggang nawalan ng buhay. She described it as a cruel death, too painful to witness.
Nag-usap kami tungkol sa kanya-kanyang magulang na wala na sa mundo. Napakabilis ng buhay para sa iba. Hindi alam na bigla na lang mawawala.
***
Pagdating ng weekend, maaga akong gumising para maghanda sa pag-uwi ng pamilya. Ngayon ko rin ipakikilala si Chase sa kanila. Mahinang ulan ang bumungad nang buksan ko 'yung bintana.
Mixture of nervousness and excitement, that's how I feel. Ang tagal na rin kasi mula nang huli akong nagpakilala ng manliligaw. 'Yung iba kasi, hindi ko na naiharap sa kanila lalo na kung may pagdududa ako sa nararamdaman ko.
Pagkatapos magkape at kumain ng umagahan, naghanda na agad ako sa paglilinis ng bahay. Nang tumila ang ulan, inayos ko rin 'yung mga halaman sa labas at nilinis 'yung bakuran.
Napatingin ako sa mga painting na nasa magkabilang pader ng bakod. Naalala ko si Papa.
'Hindi ko na naipakilala sa 'yo si Chase, Pa...'
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, biglang may nag-doorbell. Pinagpag ko muna 'yung dumi sa dalawang kamay ko bago buksan 'yung gate.
Si Mama ang bumungad sa 'kin pagkabukas no'n. Nagmano ako saka siya dumiretsong pumasok.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."