Note: With the help of my sister, I got to be active on my facebook page. You can check it out:
Facebook.com/CamsAnnWattpad
CamsAnn
Kabanata 5: Noon Pa
Paramore - When It Rains
///
Naglakad siya papunta sa gawi ko at huminto sa harap ko.
"Sa 'yo 'to, 'di ba?" tanong niya at iniabot ang portfolio.
Pinagpawisan ako bigla. Nakakakaba siyang kausapin. "A-ah oo. Salamat," sagot ko at kinuha 'yon.
Tumango siya, nakatingin lang at walang sinasabi. Naghahanda na sigurong umalis.
"Ahh Mr. I-I mean Kuya Chase..." Hindi ko alam kung paano siya tatawagin. Ginagalang ko siya bilang bokalista pero estudyante rin siya na mas higher sa batch namin.
"Mr.? Kuya? Seryoso? Please don't, Chase na lang," sabi niya at hindi napigil ang ngiti. Nakakahanga 'yung saya sa mukha niya. Nakakahawa.
"So, Chase..." sabi ko.
Tumango-tango siya. "Yup. Chase lang. Ano 'yon?"
"Itatanong ko lang sana kung paano mo... Itong portfolio..."
Nakuha na niya ang ibig kong sabihin. "Nagpunta ako sa computer shop. Tapos nakita kong tinitignan ni Manong Joey 'yung nasa loob na mga litrato. May nakita 'kong pamilyar na mukha. Nakita ko rin ang pangalan mo. At 'yung note..."
Si Manong Joey ang nagbabantay ng shop. Kilala niya pala 'yon. At 'yung note! Tama, nakalagay na to be submitted tomorrow na ang tinutukoy ay ngayong araw. Kaya niya ibinigay ngayon... Pero paano niya kaya nasigurong sa 'kin 'yon? Pero siguro hindi gano'n karami ang Criselina na pangalan.
Tumango ako at 'di na nagtanong pa. "Salamat ulit, sorry sa abala," sabi ko at ngumiti.
Tumaas nang bahagya ang gilid ng labi niya. Tumango siya at umalis na nang tuluyan.
Nagmadali akong tignan ang text message ni Grace kanina na hindi ko tinapos basahin.
'Wala na rito. May nakakuha. Kilala ka raw at pupuntahan ka raw para ibalik sayo. 'Yan ang sabi ni Manong Joey.'
Napangiti ako. Because it's nice to see Chase.
***
'Nandito na kami sa loob ng mall. Same restaurant.' Text ni kuya.
'Bilisan mo.' Text naman ni ate. Nag-commute na agad ako.
Nang nakababa na 'ko ng jeep, tumakbo na 'ko papasok ng mall. Binagalan ko lang nang malapit na sa restaurant.
Mula sa pintuan papasok, nakita ko na agad sila. Si kuya na mukhang may kinukwentong nakakatawa kaya nagtawanan sila pwera kay ate na bahagya lang ngumiti.
I'm used being in this position. Kung saan nakatayo ako 'di kalayuan sa mga taong mahalaga sa buhay ko at nakikita silang masaya na wala ako. Weird pero hindi ko hinihiling na maging malungkot sila kahit wala ako. I just... really feel like they can live without me. And it's fine with me, as long as they are happy. We can't force our value to other people.
May umiyak na bata malapit sa 'kin kaya nakaagaw ng pansin. Nakita ako ni Ate dahil do'n. Tumayo siya at sinundo ako.
BINABASA MO ANG
Just Today
Novela JuvenilI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."