Kabanata 24: Litrato

47 2 1
                                    

Kabanata 24: Litrato

Ed Sheeran - Photograph

///

May mga taong umaalis at napapalayo sa 'tin pero minsan may samahan at pagkakaibigan din na bigla na lang nabubuo. Gayunpaman, hindi ko kalilimutan 'yung noon at pahahalagahan ko ang ngayon.

     Katatapos lang ng meeting namin sa org ng school paper para sa successful na pagpa-publish ng digital newspaper para sa semester na natapos. 'Yung traditional na newspaper na ipi-print, patuloy pa rin naming inaayos para sa year-end release.

     Nagpaalam na kami ni Grace sa mga kasamahan at naglakad na sa kanya-kanyang direksyon. Sinamahan ko siya hanggang sa may tapat ng building nila.

     "Bye fren! Pagdasal mo 'ko sa recitation namin. New terror prof," paalam ni Grace.

     "Oo sige," sagot ko. "Bagong sem, bagong pagsubok talaga."

     Naglakad na rin ako paalis do'n. Inabot na ng hapon 'yung meeting namin kaya medyo padilim na.

     Napadaan ako sa isang medyo liblib na parte ng university. Tahimik ang paligid kasi nasa klase pa ang mga estudyante pero nakarinig ako ng ilang nag-uusap sa dulo ng building na nilalakaran ko.

     "Tama nga pala 'yung naririnig ko. Nandito na 'yan."

     "Akalain mong makikita pa ulit natin 'to."

     "Duda ko kung naaalala ka pa nyan."

     Papalapit at mas napapakinggan ko na lalo 'yung mga boses. Mukhang nasa pagitan sila ng building na 'to at ng susunod pa. Binagalan ko 'yung paglalakad.

     "Napag-trip-an ba kita dati?" casual na tanong ng kung sino.

     Tawanan ang sunod kong narinig pagkatapos no'n. Halatang-halata sa tono ng mga 'yon 'yung sarcasm.

     "Tanginang Benedict 'yan. Pag-aaksayahan mo ba ng oras 'yan 'tol?

     Napahinto ako sa paglalakad dahil do'n. Benedict. Si Ben kaya 'yon? Kaunting hakbang lang na gawin ko, makikita ko na sila pero hindi ko naituloy. Nanatili lang akong nakatayo ro'n.

     "Maraming na-bully 'yan sa 'tin dati. Alam niyo 'yan."

     "Alam naman natin 'yan. Pero kapag ginantihan natin ngayon, ano'ng pinagkaiba natin sa gagong 'yan?"

     "Hindi tayo tutulad dyan. Nakakaloko lang talagang makita siya dito."

     "Ano ba'ng balak niyo sa 'kin?" pagsingit sa usapan ng kung sino, siya siguro 'yung pinag-uusapan ng mga 'yon.

     "'Wag mong sabihing hindi ka pa rin nagbabago Benedict?"

     "Kung sabihin ko bang nagbago na 'ko, maniniwala ba kayo?" Seryoso at walang bakas ng takot 'yung pagsagot na 'yon. Doon ko nasigurong si Ben nga 'yon, hindi ko pa man din nakikita.

     "Mahirap paniwalaan 'yan. Pero kung totoo man, sana alam mong hindi no'n mabubura 'yung mga kasalanan mo... Hindi 'yon makakalimutan ng mga nagawan mo ng masama."

     Ilang sandaling katahimikan ang lumipas. Hindi ko masiguro kung ano nang nangyayari.

     Hanggang sa mayro'n nang nagsalita. "Kung gano'n... kung gusto niyo 'kong saktan ngayon para gumanti, gawin niyo na. Tatanggapin ko."

     Nagtawanan na naman 'yung mga nando'n hanggang sa mukhang may na-provoke na.

     "Hindi kami katulad mo Ben. Pero 'wag mo kaming subukan."

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon