Kabanata 13: Nakakahanga
Owl City - This Isn't The End
///
Junior Year
High SchoolMasakit malaman na 'yung mga taong akala mong kilalang-kilala mo, may itinatago pala sa 'yo. 'Yung mga akala mong hindi ka idi-disappoint, kaya ka palang i-down nang sobra. Matagal bago ko na-realize na gano'n talaga ang buhay.
Nailibing na si Papa, pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng mga salita ng babaeng 'yon.
"Akala mo siguro sobrang bait ng tatay mo 'no?" makahulugang sabi niya.
Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang siya, kung gaano siya katapang tignan. Nakakabahala kung pa'no nagre-reflect mula sa mga mata niya na hindi maganda ang dulot niya sa mga taong nakakasalamuha niya.
Narinig ko 'yung bahagya niyang tawa. "Makasarili siya. Mukhang pera. Hindi mapagkakatiwalaan."
Nilingon ko siya, 'yung babaeng katrabaho ni Papa noon na sinasabi ng iba na karelasyon niya. Ngumisi ako. "Gusto mo lang akong maging mas miserable kaysa sa 'yo," sabi ko.
Kahit gaano pa nakaka-intimidate 'yung pagkatao niya, hindi ko gustong maapektuhan niya 'ko.
"Masyado ka pang bata. Ang dami mo pang hindi alam."
Lalo akong napangisi, hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya.
"Good for you then?" sagot ko. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. "Pumayag si Mama na pumunta ka sa libing ni Papa para masabi mo kung bakit ka niya pupuntahan noong araw na naaksidente siya. Sana alam niyo ho 'yon."
Tinitigan niya 'ko at ngumisi. Kahit may asawa na, hindi bakas ang katandaan sa kanya. Mukhang hindi nalalapit ang edad niya kay Papa.
"I know." Hinawi niya ang mahabang buhok bago nagpatuloy. "Kung bakit siya papunta sa 'kin imbis na sa birthday mo? 'Yon ba? Kaarawan ko rin no'n. Siya na ang tumimbang kung ano'ng mas mahalaga."
Hindi ko napigilang matawa. Hindi ako makapaniwala. "'Yun lang ba ang sasabihin niyo? Kung 'yon po ang paniniwala niyo, nirerespeto ko," sabi ko at hindi na siya tinignan. Humarap na lang ako sa malawak na lupain ng sementeryo.
"Mabuti at nirerespeto mo 'ko..."
"Bukod ho sa nakatatanda kayo, wala na 'kong ibang respeto pa." Tinalikuran ko na siya.
"Nagmahal ka na ba?" tanong niya. Pero ilang sandali lang, natawa siya. "My goodness, why am I asking this to a child? Bata na ang alam lang siguro ay puppy love?"
"Mas marami ho siguro kayong karanasan sa buhay kumpara sa 'kin, pero nakakasigurado ba kayong mas marami kayong natutunan mula sa mga 'yon?" tanong ko.
"In time, maiintindihan mo. Kapag naging desperado ka sa pag-ibig ng isang tao. At 'yung kaakibat na sakit."
Hindi ko alam kung kailan ako iibig nang sobra at kung ga'no katindi. Gayunpaman, iba-iba ang istorya ng bawat tao. Pwedeng iasa sa tadhana pero nasa tao pa rin ang desisyon kung mananatili o hindi.
Nagkausap din ang babaeng 'yon at si Mama. Pero hindi ko alam kung ano'ng sinabi nila sa isa't isa.
Matagal bago ako nakakatulog nang maayos tuwing gabi. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Sinikap kong 'wag gumawa ng ingay hanggang paglabas ng gate.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."