Kabanata 10: Iiwan

180 8 4
                                    

Kabanata 10: Iiwan

Daughtry - Home

///

Sophomore - Junior Year
High School

Si Lola ang nagkwento sa 'kin ng sitwasyon. Gusto niyang mamulat ako at intindihin ang mga nangyayari. Sa pinagtatrabahuhan daw ni Papa, hindi maganda ang pakitungo ng Manager sa kanya. Madaling pakisamahan si Papa kaya magaan ang loob sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho at kahit mga higher boss ay malapit sa kanya.

     Pero nagkaro'n ng issue dahil sa isang babaeng katrabaho na may asawa na. Siniraan siya ng Branch Manager niya. Noong una, walang naniwala. Alam naman daw kasi ng halos mga kasamahan na hindi palagay ang manager kay Papa. Pero lumala nang naging tahimik 'yung babae. Parang sinasadya niyang ipaisip sa iba na totoo 'yung issue. Kalaunan, nag-resign 'yung babae at hindi man lang nilinaw 'yung katotohanan na wala silang relasyon ni Papa.

     Gano'n din ang paliwanag sa 'kin ni Mama nang pinilit ko siyang sabihin sa 'kin 'yung totoo. Pero may iba pa rin daw issue tungkol sa mga kliyente nila at sa mga investment. Ayaw na rin niyang ipaliwanag.

     "Hindi na kita nakikitang nagte-text a?" bungad sa 'kin ni Grace nang puntahan niya ako sa 'min isang araw.

     Nandito kami sa may garden at nagbabasa ako ng isang english novel.

     "Parang nakakatamad na kasi. Kaya bihira na lang. Sumasakit din kasi ulo ko, saka pinapagalitan na 'ko ni Lola," sabi ko naman.

     Tumango-tango siya. "Dahil rin sa stress 'yan," sabi niya. Alam niya kasi ang issue sa pamilya namin.

     Tumunog ang cellphone ko sa isang text message. Si Grace ang kumuha no'n at nagbasa.

     "Mukhang hindi ka na interesado sa friendly text gaya ng sinasabi ng iba. May pinagdadaanan ka ba ngayon?'" pagbasa niya ro'n. "Huy fren sino 'to?" tanong niya.

     "Hindi ko alam e. Pero schoolmate ko raw siya. Senior. Lalaki. At fan ko raw siya, hindi ko nga alam kung bakit."

     "Hindi 'to makalapit sa 'yo, baka nai-intimidate o natotorpe, kaya dinaan muna sa text," natatawa niyang sabi.

     "Bakit mo naman nasabi?"

     "Kasi lahat naman ng ka-text mo dati kilala mo na muna in person 'di ba? Eto hindi pa."

     Napaisip naman ako sa mga nakaraang message ng taong 'yon. "Gusto rin daw niyang magpakilala kung okay lang sa 'kin. Kaso baka raw mas gusto ko ng kausap na hindi ko kilala. Ewan."

     Tuloy lang siya sa pagtingin sa phone ko. "Grabe ilang months ka nang tine-text o! Pansinin mo naman!"

     "Nasubukan ko na mag-reply," sabi ko.

     "Ay oo nga 'no," sabi ni Grace nang mas binasa ang ibang mensahe. "May kailangan ka ba sa 'kin?... Pakikipagkaibigan?... That's nice but after that what? Baka magpapa-drawing ka lang or pinagti-trip-an mo 'ko... Hindi. I just really admire you, but I'm fine with friends..." pagbasa niya sa usapan.

     Kinuha ko na sa kanya ang phone. Masyado na kasi niyang binabasa lahat.

     "Oh my goodness kaibigan bakit hindi mo ni-reply-an 'yun! Bwisit ka!"

     "Nangti-trip lang siguro 'yan," sabi ko at nagpatuloy na sa pagbabasa.

     Hindi ko na naririnig na nag-aaway sina Mama at Papa sa mga nakaraang buwan pero hindi na sila gano'n kasaya tulad dati.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon