Kabanata 16: Pananaw

184 8 1
                                    

Kabanata 16: Pananaw

Taylor Swift - Crazier

///

I almost thought it was just a dream... But then, sometimes, dreams can turn into reality, right?

     Nang araw na 'yon, inasar kami nang inasar ng mga kaibigang lalaki. Pero kalaunan, hinayaan nila kaming makapag-usap na dalawa. Nagkwentuhan kami saglit sa isang coffee shop sa mall. Pero umuwi rin agad para hindi gabihin nang sobra.

     Natapos ang Finals week. Akala ko madi-distract ako sa pag-aaral sa mga sumunod na subjects pero habang tumagal, ramdam kong mas na-inspire at mas nag-effort ako sa school.

'Sana nakakakain ka nang maayos kahit mag-isa ka sa inyo... Eat healthy foods...'

     Hindi gaya noong high school pa, hindi na gano'n karami 'yung usapan namin. Pero naa-appreciate ko na kahit hindi gano'n kadalas, laging may concern sa mga sinasabi niya.

Nag-reply ako. 'Oo. Minsan bumibili lang ako ng pagkain, pero nakakapagluto rin. Tinuruan ako ni Lola ng mga may sabaw saka gulay.'

'That's good. Dalan kita ng prutas minsan. Kapag nadaan ako sa inyo?'

''Wag na. Bumibili naman ako minsan. Gagastos ka pa.'

'Galing lang sa 'min sana, marami naman kaya ayos lang. Nang huminto kasi si Papa sa trabaho dati, nag-focus siya sa pagtatanim ng mga gulay at prutas sa lupain namin dito... Payag naman si Papa...'

     Naalala ko tuloy 'yung naging phone conversation namin noong matagal bago siya nagparamdam dati. Sa tanda ko, nag-away sila ng Papa niya noon. Sinigawan siya, pinagalitan na mukhang related sa mga kaibigan ni Chase.

'Ayos na kayo ng Papa mo? Kumusta ang pamilya mo?' tanong ko.

     Bigla namang nag-ring 'yung phone ko. Tumatawag siya.

     "Hey..." bati ko.

     "Ayos na kami... Hindi naging madali, lalo na nung namatay si Mama. Hindi agad-agad, pero isang araw nagbago na lang. Nagkaintindihan kami ni Papa. Pinagpatuloy niya 'yung hilig ni Mama sa pagtatanim. Naging business na rin kalaunan."

     Napangiti ako. "Gano'n siguro talaga 'no? 'Pag hindi ka nawalan ng pag-asa sa kabila ng lahat, may magbabago..."

     Sa paglipas ng mga araw, simple lang naman 'yung mga ginagawa niya pero masaya ko sa mga maliliit na bagay na napapansin at naaalala niya tungkol sa 'kin.

     Dinalan niya 'ko minsan ng iba't ibang prutas. At nakapagkwentuhan kami sa labas ng gate, sa mahabang upuang kahoy ro'n.

     He asked about my favorite songs, bands and such. Nagkwento naman siya ng mga kantang nahihirapan siyang kantahin dahil hindi raw akma sa boses niya, pati mga engineering subjects na hirap siya. He shared his weaknesses, not only his strengths.

     Umalis din siya agad at alam niyang kailangan ko pang mag-focus sa review para sa paparating pang bagong tests.

***

Sa sumunod na linggo, nagsimula ang qualifying exam. Tatlong araw 'yon at do'n nakasalalay kung mag-i-stay pa kami sa kursong 'yon. Bukod pa sa maintaing grade.

     "Crisel, pa'no nga ulit 'to. Putek nakalimutan ko na," sabi ni Fernando at ipinakita sa 'kin ang isang problem sa book.

     Binasa ko muna at inalala 'yung lesson saka ko itinuro kung pa'no.

     Ilang sandali, nakaupo na kami sa kanya-kanyang designated na upuan. Naghihintay na lang kami ng pagdating ng proctor na magbabantay sa pag-e-exam namin.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon