Kabanata 11: Babalik

145 7 1
                                    

Note: Recently, gumawa ako ng Instagram at Twitter account. Kung ma-curious kayo (somehow) sa pagkatao ko bilang writer, you can follow me: @camsannpm

CamsAnn

Kabanata 11: Babalik

Simple Plan - Try

///

Life, indeed, is only borrowed. At hindi mo alam kung kailan babawiin. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha mula sa mga mata ko dahil sa pag-alala sa pagkawala ni Papa. I was almost lost in the memories of the past when a certain voice brought me back to reality.

     "Hey... Na-disappoint ka ba? In-expect mo ba na mas better sana? O ayaw mo na ba sana 'kong makilala?" Bakas 'yung concern at lungkot sa boses niya.

     Kinuha ko agad 'yung panyo ko mula sa bulsa at pinunasan ang luha.

     "Hindi. May naalala lang ako." I assured him.

     Nakita kong mas napanatag na 'yung ekspresyon niya pero may pag-aalala pa rin. "Sorry. Mukhang masakit na alaala 'yon," sabi niya.

     Tinitigan ko siya nang hindi ko alam kung ilang segundo pero hindi pa rin ako sobrang makapaniwala. Ako 'yung fan dito kaya paano naging siya?

     But if it's true, then he was that 'star.' And today, finally, I met him. 'Yung taong nag-motivate at nag-encourage sa 'kin noong mga panahong kailangang-kailangan ko.

     "Naniniwala ka ba o talagang na-disappoint ka? Hinintay mo ba 'yung pagkakataon na 'to o hiniling mo na hindi na lang ako makilala?" He asked again. Humilig siya sa motorbike niya.

     I smiled. "Salamat at hindi mo 'ko nakalimutan." 'Yun lang ang nasabi ko at sana naramdaman niya 'yung sincerity no'n. Na kahit na ilang taon na 'yung lumipas, naalala niya pa rin ang kagaya ko. Naisip pa niyang magpakilala.

     Nakita ko 'yung pagkamangha sa mukha niya at 'yung bahagyang pag-angat ng labi niya. Sana nakuhanan ko 'yon ng litrato.

     I then smirked. "So, kumusta naman ako bilang ako? Ngayong nakilala mo na pala 'ko nang personal. Hindi ako gano'n ka-interesting 'no?" tanong ko at medyo nalungkot sa huli kong linya.

     "Ngayon pa lang kita mas nakikilala nang husto. Makikita natin kung gano'n nga o hindi," maloko niyang sabi.

     "Fren!" Napalingon ako sa tumawag na 'yon at nakita ko si Grace na papalapit na rito.

     Nakita ko 'yung gulat niya nang makita kung sino ang kaharap ko. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa 'ming dalawa.

     Pinakilala ko siya kay Chase. Mukhang balak pa nga niya sanang makipagkwentuhan kung hindi lang siya tinawagan ng Mama niya na umuwi na.

     "Nice meeting you Chase! Ikaw pala ang Star nitong si Crisel. Pero kailangan na muna namin umalis, nadyan na 'yung Papa ko. Ihahatid namin 'tong friend ko," nakangiting sabi ni Grace.

     "Nice to meet you too. Sige. See you next time, then," sabi niya. Tumango ako at ngumiti.

     The feeling was magical. Hindi ko akalain na sa lahat ng encounter namin mula sa computer shop, kilala niya na 'ko. But then I don't want to expect for more. He was a great friend back then, and even better now. I'm just really thankful.

***

Maaga na naman akong nagising kinabukasan. Walang pasok dahil sa event kahapon sa university. Naisip kong magbasa ng isang libro na puno ng short stories.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon