Kabanata 7: Kanta
A Rocket To The Moon - Going Out
///
Isang tawag sa cellphone ang gumising sa 'kin isang umaga.
[Fren! Missed me? Absent prof namin ngayon. Mamaya pa klase mo 'di ba? Punta ko dyan!]
"Bili ka ng pagkain a," sabi ko.
[Oo sisingilin kita! Hati tayo sa bayad!]
"Oo na. Kala ko libre mo."
[Wow. Kuripot kaya tayo. Bye fren!]
Bumangon na rin ako pagtapos ng tawag.
Hinawi ko ang makapal na kurtina at binuksan ang bintana ng kwarto ko. Nakita kong hindi pa gano'n kataas ang sikat ng araw. 6:20AM pa lang pala nang tinignan ko sa wall clock. Umupo ako sa maliit na space sa may bintana.
Walang second floor ang bahay pero mataas ang kinalalagyang lupa kaya medyo mataas kumpara sa ibang bahay sa 'di kalayuan.
Nakatulala sa mga ilang dumadaang sasakyan at nakikinig sa tunog ng huni ng mga ibon. Naaalala ko 'yung masasayang alaala sa bahay na 'to, sa lugar na 'to.
Gaya ng karaniwan, may tumulong ilang luha mula sa mga mata ko. Tahimik na pag-iyak.
Sa mga ganitong pagkakataon ko laging binabalikan 'yung minsang pag-uusap namin ng Papa ko bago siya namatay.
***
"Anak... Nagma-mature ka na. Hindi na kita nyan mapapasunod na gaya noong bata ka pa," sabi niya. Nakaupo kami sa upuang kahoy sa labas pa ng gate namin.
"Ba't naman po parang malungkot ka? Kita sa mukha mo!" sagot ko.
"E kasi kahit nung bata ka pa, hindi mo naman ako sinusunod masyado! Edi lalo na ngayon," sabi niya at tumawa. Alam naman niyang kaya hindi ko siya madalas sineseryoso ay dahil mas komportable ako sa kanya kaysa kay Mama. Mas takot kasi ako sa huli.
"Hay. Pa alam ko pong 'di ako super bait pero... 'di kita pababayaan. Habang nagma-mature ako, ikaw naman tumatanda. Napapansin ko 'yun. 'Wag ka nang mag-alala, ako'ng bahala sa 'yo! Minsan ko lang po 'to sasabihin kaya 'wag mo 'yang kalilimutan."
Natawa siya bigla at hinawakan ang ulo ko. "Sa 'kin ka ba nagmana? Napakalalim namang mag-isip ng anak ko!"
Tinulak ko 'yung braso niya para maalis ang kamay sa ulo ko. "Tss. Minsan lang naman tayo mag-usap nang seryoso kaya hayaan mo na Pa. Bukas niyan nag-aasaran na tayo, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."