Kabanata 22: Tanong

202 6 2
                                    

Kabanata 22: Tanong

The Script - Talk You Down (Live)

///

Siguro sadyang magulo talaga ang buhay at kadalasan, wala tayong magagawa kundi magpatuloy lang at tignan kung balang araw magkakaro'n ng magandang pagbabago. Nakadepende rin sa sarili nating pananaw kung paano natin titignan ang mundo, malaking parte 'yon sa pagbabago.

     Nang weekend din na 'yon, sinundo namin si Lola kina Tita at sama-sama kaming nag-stay sa bahay. Pinag-usapan namin 'yung sitwasyon ni Kuya at 'yung pagpapaliban ng kasal ni Ate. Humingi ulit ng tawad si Kuya lalo na kay Lola na sobrang nabigla.

     Malalim na usapan pa ang nangyari pero mas naging magaan na 'yung pakiramdam naming lahat. Ilang payo ang iniwan nila sa 'ming magkakapatid. Pinaalalahan din nila 'ko na kilalaning mabuti si Chase at 'wag magmadali.

     Tinulungan ako ni Mama sa paglilinis at iba pang gawaing bahay. Naging abala kami na napansin kong parang iniiwasan niya minsan si Tito Eman. May problema kaya? Hindi ko magawang magtanong.

     Hapon ng linggo, nagsimba muna kami bago nila hinatid si Lola kina Tita at lumuwas naman sila pagkatapos.

     Kahit naman noon, nasanay na 'ko na mag-isa. Pero sa mga panahon na 'to, mas magaan na 'yung pakiramdam ko, siguro dahil na rin kay Chase na madalas kong nakakausap.

Chase:

Nakagawa na ko ng instagram. Ayos lng bang gamitin yung picture ko na sinend mo noon?

You:

Oo naman. My pleasure.

     S-in-end niya 'yung link ng IG niya at tinignan ko. Nakita kong 'yung black and white na kuha ko nga sa kanya ang naging una niyang post. Ang caption ay 'Photo by Crisel Diaz.' Gusto niya pa sana na buong pangalan ko pero napag-usapan namin na paigsiin na lang.

Chase:

Gumawa na rin kami ng accounts para sa banda. Ang nagha-handle ay yung kabanda kong Marketing ang course. Siya na raw bahala.

You:

Nice. Sa tamang marketing mas makikilala pa kayo. At deserve niyo naman yon kung sakali.

Chase:

Salamat. Marami nga silang ideas, yung girlfriend kasi non ay digital artist kaya ayos yung mga editing nila. Hindi lang maayos agad kasi mas focus sa pag-aaral kaysa banda.

You:

Send ko rin sa inyo yung shots ko sa inyong banda baka magamit niyo.

Chase:

Salamat sa suporta, malaking bagay. ;)

***

Nagkita-kita kaming magkakaibigan para pumunta sa community event kung saan tutugtog 'yung banda nila Chase, pati na rin sila Jin.

     "Bandang una raw magpe-perform sila Jin," sabi ni Era. Siya lang ang naabutan ko kasi medyo late na 'kong nakarating. Umalis muna raw sila Edward.

     Kanina pa nag-start 'yung event kaya ang dami nang tao. Marami pang ibang sikat na banda ang tutugtog mamaya kaya marami talagang nag-aabang.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon