Kabanata 25: Hustisya
Avril Lavigne - Tomorrow
///
May mga pagsubok na kusa na lang nareresolba sa paglipas ng panahon, pero sa mga sitwasyon na hindi 'yon ang sagot, tayo mismo ang inaasahang magbago para malagpasan 'yon.
"Merry Christmas Lola, Ma," bati ko sa kanila at nagmano pagkatapos naming magsimba sa gabing 'yon. Sumapit na ang pasko.
"Merry Christmas din apo," nakangiting sagot ni Lola. Magkakasama kaming nag-celebrate ng kapaskuhan.
Napansin ko naman ang pagtagal ng hawak ni Mama sa kamay ko. Ngumiti siya nang magaan at tumango sa bati ko.
Nagmano rin sina kuya at ate sa kanila pagkatapos. Umuwi na rin kami sa bahay kalaunan, hinatid kami ni Kuya Alfred na kararating lang.
'Yung asawa naman ni kuya, hindi muna nakabisita rito para mag-celebrate kasama ang pamilya sa Manila. Pupuntahan siya ni kuya bukas. Si Tito Eman, umuwi muna sa malayong probinsya nila pero tingin ko may hindi pa rin sila pagkakaunawaan ni Mama.
Nagbigayan kami ng regalo sa isa't isa. May mga batang namasko rin sa labas at masaya naman namin 'yong binigyan ng munting regalo. Nakipagkwentuhan kami sa ilang batang game na game makipag-usap. Hindi tuloy namin napigilang maalala 'yung mga panahong kasing-edad lang namin sila.
"Nakaka-miss maging bata. Ang simple lang maging masaya." 'Yun ang sabi ni Ate pagkaalis ng mga batang masayang nakatanggap ng pamasko.
"Simpleng pogs, teks, jolens at mga astig na larong kalye lang ang lupet na natin noon." Kahit si kuya hindi napigilang alalahanin 'yung mga laro namin noon. Nagpapasalamat ako sa kanila na nakasanayan ko rin 'yung mga 'yon dahil tinuruan nila 'ko.
"Nung mga bata pa tayo, naglalakad lang tayo pauwi para tipid sa baon, may pangbili ng pagkain at laruan," dagdag pa ni Ate, natatawa sa mga naaalala.
Childhood. Innocence.
"Ngayon ibang-iba na..." sabi ko, naisip kung gaano na katindi at kaseryoso 'yung mga pagsubok na kinakaharap. Napabuntong-hininga na lang kami.
Naupo na kami sa may sofa kung saan nandoon din sina Mama at Lola na naririnig 'yung mga hinaing namin sa buhay.
Tumawa si Lola sa madadrama naming reaksyon. "Oo nga at hindi na kayo mga bata mga apo pero dapat nag-e-enjoy pa rin kayo sa buhay. 'Wag madaliin ang mga bagay-bagay. Gawin niyo pa rin 'yung mga bagay na nagpapasaya sa inyo kahit may mga responsibilidad na sa pamilya, trabaho o pag-aaral."
Naisip kong kung tingin namin hindi na kami mga bata, paano pa kaya 'yung mga magulang na at mga lolo't lola? Siguro mas nami-miss nila 'yung kabataan nila, 'yung panahon na parang ang bagal-bagal pa ng oras, ng buhay.
"Kung pakiramdam niyo matanda na kayo, gano'n din kami syempre. Kaya i-enjoy niyo lang kung nasaan kayong stage ng buhay ngayon. Para wala kayong gaanong pagsisihan." Makahulugan 'yung pagkakasabi ni Mama no'n, ang lakas ng naging epekto sa pananaw ko.
"True. Appreciate natin kung ano'ng mayro'n tayo pero 'wag nating tuluyang alisin 'yung pusong bata natin, 'yung tipong maraming rason para sumaya." Tumango ako sa sinabi ni Ate na 'yon.
"'Yung anak ko, gusto ko sana makasanayan pa rin niya 'yung mga laro noon, 'yung mga simpleng bagay na nakagawian natin. Sana 'wag siyang masanay masyado sa technology balang araw," sabi ni Kuya.
"Ayos 'yon. Tuturuan natin siya, tapos ituturo naman niya sa magiging anak niya balang araw. 'Wag nating tapusin 'yung nakasanayan," simpleng suggestion ko naman na sana mapagsikapan naming mapanindigan.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."