Note: Hey, I hope you're okay. Let's pray for the world and for our frontliners. Stay safe everyone.
Kabanata 26: Kahawig
///
Lahat ng tao nagkakamali. Pero ang pagkakaiba, mayro'ng hindi itinatangging nakagawa sila ng masama at gustong magbago habang may iba na hanggang sa huli, hindi maamin sa sarili na nagkamali at naniniwala pa ring tama ang pananaw nila.
Ilang araw pagkatapos ng pasko, umuwi muna si Lola kina Tita Jovie. Si Kuya naman, pumunta sa Manila para bisitahin ang asawa niya at pamilya no'n. Si Ate, nasa syudad din kasama si Kuya Alfred. Naiwan kami ni Mama.
Sa araw na 'to, nagkita-kita kami nina Era, Fernando, Edward, Chase at Kuya Kelvin. Inaya namin si Ben kaso nasa malayong lugar siya ngayon kaya hindi nakasama.
Nandito kami sa may plaza sa bayan kung saan tanaw 'yung mataas na clock tower at matandang simbahan 'di kalayuan.
"Wala na naman si Jun? Kj talaga ng hayop," bungad ni Fernando.
"Hayaan mo na, baka nando'n sa Batangas ang peace of mind ng gago," sabi ni Edward.
Nakaupo kaming lahat sa magkatapat na bench. Sina Edward, Era at Fernando sa kabila habang si Kuya Kelvin, ako at si Chase naman sa harap nila.
"Baka maraming natipuhang sexy, malapit pa naman yata sila sa beach." Si Era.
Humalakhak naman si Kuya Kelvin. "Ano ba kayo, nandito pa naman ako o. Proxy, hawig ng kaibigan niyo, pero 'di hamak na mas gwapo," with confidence niyang sabi. "'Di ba Chase pre?" Nilingon niya 'yung katabi ko sa kanan para humanap ng sasang-ayon.
Ngumisi naman si Chase habang naiiling. "Itigil mo Kelvin."
Masaya at magulong kwentuhan kay Era pa lang. At para maiba ang usapan, inusisa rin ng mga lalaki ang lovelife niya. Nabanggit niyang mas naging malapit pa sila ni Jin, 'yung kaibigan ni Chase at kabanda ni Adrian.
"Kumusta na nga pala si Juno sa Batangas, Kuya Kelvin?" tanong ko naman.
Huminga siya nang malalim. "Ayon. Buhay pa... Maayos naman siya." Pilit na ngiti.
"Nagpupuyat pa rin ba siya sa pag-aaral?" tanong ko at natawa nang maisip kung gaano ka-focus 'yon sa pagre-review.
Napahawak naman siya sa batok at ilang sandaling nag-isip ng sagot. "Ah, hindi. Huminto muna siya sa pag-aaral. Para m-matutukan niya sina... Lolo at Lola. Saka na lang daw niya itutuloy... 'pag okay na."
Napansin kong napangiti si Edward pero parang kakaiba 'yung ibig sabihin. "Sabagay, kayang-kaya niyang magtuloy kung okay na. Hindi halata sa pagmumukha pero ang talino at sipag ng gunggong na 'yon. Deadly combination." Sa ekspresyon niyang 'yon, ramdam kong miss na rin talaga niya ang kaibigan.
"Susunod ka ba ro'n? Nabanggit mo noon na susundan mo si Juno 'di ba?" tanong ni Era sa kuya ni Jun.
Natahimik si Kuya Kelvin at tila... nalungkot. Hindi ko masabi kung ano'ng mayro'n.
Si Chase ang sumagot para sa kaibigan niya. "Pumupunta siya ro'n ilang beses sa isang buwan..."
Tumango naman si Era. "Kaya pala hindi ka namin masyadong nakikita sa school," concern na sabi niya.
"Akala ko nga 'tol lumipat ka na rin ng Batangas." Si Fernando.
"Kung kaya, tapusin mo na 'yung pag-aaral mo rito. Tingin ko lang, sayang kasi 'yung panahon kung sakali. Pero advice lang naman, ikaw pa rin ang bahala. Ga-graduate ka na ba after this sem?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."