Kabanata 20: Makikinig
Plain White T's - Let Me Take You There
///
It's ironic that we want to grow up too fast then later on miss our childhood days. So I guess regrets are inevitable, but as time passes by, I want to atleast have less of it.
Makalipas ang ilang araw, nagpa-enroll na kami ni Era. Sina Fernando at Jun naman, bilang mga maaagap na nilalang, saka na lang siguro kapag malapit na 'yung klase.
Maaga kaming natapos ni Era kasi inagahan namin ang punta sa school, para hindi maabutan ng mahabang pila. Tinignan namin 'yung new schedule at nakitang mas magiging busy sa parating na 2nd semester.
"May date ako ngayon," sabi niya bigla, walang gaanong emosyon. Palabas na kami ng gate ng school.
"Akala ko pahinga ka muna sa pakikipagrelasyon?" tanong ko.
"Sila kasi nag-set, nakakahiya namang hindi ko siputin."
Kumapara sa 'kin na isa pa lang, ilan na 'yung naging ex ni Era sa nagdaang taon. May tiwala kami sa choices niya kasi alam namin na serious relationship naman talaga 'yung hanap niya. Pero hindi nagtatagal 'yung relasyon, minsan nasa lalaki 'yung problema at minsan naman siya 'yung sumusuko.
Mas matapang siyang mag-take ng risk kaysa sa 'kin na kahit nililigawan pa lang, kinakabahan na 'ko. Pinangungunahan ako ng takot sa commitment at ng feeling na hindi ako sigurado sa isang tao. Ayokong sumubok nang hindi buo ang loob, makakasakit lang ako ng damdamin.
"Sinong nag-set?"
"Sila... Jun. Ewan ko ba. Puntahan ko na lang saglit." May naramdaman akong kakaiba sa pagkakabanggit niya kay Jun.
Pero may ipapakilala sila Jun na lalaki sa kanya? Sa lahat ng tao, si Jun pa? O baka magtatapat na siya? Hindi man lang ako sinabihan no'n.
Bigla namang nag-ring 'yung phone ko. May message mula kay Grace.
Grace:
Fren, paalala ko lang 'yung meeting natin sa org.
Napag-usapan para sa Student Publication na mag-meeting ngayong araw para ituloy 'yung plano sa ire-release na newspaper.
"Sa group chat nila sinabi 'yon. Sabi ni Fernando may ipapakilala raw si Jun sa 'kin. 'Di mo nakita kasi 'di ka naman nag-o-online. Ano, sama ka?" pag-aya niya.
"May meeting kami sa org. Balitaan mo na lang ako, o kaya susunod ako. Saan ba?"
"Sa may café na huli nating pinuntahan."
"Sige, si Edward ba pupunta?" tanong ko.
"Try daw niya. Mamaya na rin kasi luwas niya pa-Manila."
And just like that, we became silent for a while. Edward, our dear bad boy friend na taga-play ng music palagi, hindi pa man graduation pero aalis na agad.
***
Nakadukdok ang ulo ko sa may lamesa habang nag-iisip nang malalim. Nandito na 'ko sa org room at hinihintay ang iba, baka patapos na rin mag-enroll.
30 minutes before ng call time dumating si Patricia. Bilang editor-in-chief, siya ang mangunguna sa mga pag-uusapan sa meeting.
"Early huh," sabi niya at inilapag ang dalang bag ng laptop sa lamesa.
Tinulungan ko siyang mag-set up ng projector at ihanda 'yung powerpoint presentation niya. Napa-wow ako sa ilang concepts na nakita ko. Pinaghandaan niya talaga 'to.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."